Monday, March 19, 2012

The Prince and the Pauper : Chapter 1

Chapter 1



"Naku, Alex! Alisin mo na lahat nang mga gamit mo sa harapan ng apartment na 'to!" pagalit na sigaw sa akin ni Aling Lorna, ang landlady nang tinutuluyan kong apartment.



"Pero... Aling Lorna.. K-kahit mga dalawang linggo na lang po? Dadating naman po yung perang ipapadala saakin nang mama ko eh.. Mababayaran ko rin po--"



"Arrrrrruuuuu! Pwede ba Alex! Tigilan mo na ako? Okay ka lang ba? Tatlong buwan nang walang padala ang magulang mo sayo Alex! Gusto ko sanang pumayag pero hindi lang din ikaw ang namomroblema! Kailangan ko nang marunong magbayad! Wala ka pa ngang trabaho! Sige na! Alis na at ayokong makonsensya pa!" at pinagsarhan na ako nang gate ni Aling Lorna.



Hindi lang naman ngayon nangyari sa akin ito. Sa totoo lang, pang dalawampung beses na ito. At laging pagbabayad din ang dahilan. Napabuntong hininga na lang ako at inilibot yung paningin ko sa mga bagahe ko. Puro damit lang 'to at mga libro. Hindi ko na rin makukuha yung iba ko pang gamit dahil nga yun na lang daw ang ipambayad ko sa utang ko dito.



"Hay.. Anu na bang mangyayari sa akin ngayon? Wala naman na akong mapupuntahan pa.." bulong ko sa sarili ko.



Pero! Ayokong maawa sa sarili ko!



Nabuhay ako nang ganito, iniwan ako nang nanay ko at sumama sa ibang lalaki, pinapadalhan nya ako buwan buwan, pero, gaya nga nang sabi nang landlady sa akin kanina, wala na akong padalang natatanggap. Tatlong buwan na rin halos. Ang tatay ko? Ewan, wala akong kinagisnang ama. Broken family raw kami, ang sabi nang iba.



Hindi rin nababanggit sa akin nang nanay ko kung sino at nasaan na ang tatay ko.Nakakapanlumo kung iisipin ko, pero ayokong maawa sa sarili ko.




Kaya mo yan, Alexandria Vergara! Go! go! go!



Inumpisahan ko nang ayusin ang mga gamit ko. Buti na lang talaga at yung pinag-ipunan kong laptop at cellphone ay hindi napagdiskitahan ni Aling Lorna. Mahirap na, ang mahal rin kaya nang bili ko sa mga 'to. Ng makuha ko na ang lahat nang gamit kong halos nakahandusay sa kalsada, nagumpisa na akong maglakad. Naglalakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.



Nakakabaliw.Lalo na't naalala ko pang first dayna nang klase bukas. First year college na, tapos ngayon pa nangyari sa akin 'to? Hay! Maswerte ako at scholar ako sa school na pinapasukan ko. Mula kasi highschool ay doon na ako nag-aral. Maganda ang quality nang education doon. As a scholar, meron naman akong monthly allowance. 15 thousand kada buwan, kaso nga, first day of school pa lang bukas, kaya wala pa akong pera. Isa pa, hindi naman agad agad ibibigay yun. Mga second week o third week pa nang month makukuha yung allowance.



Kaya ngayon.. wala talaga akong kapera-pera. Walang wala.



Napahinto ako sa paglalakad nang biglang nag-ring yung cellphone ko. Hala! Baka yung landlady 'to at pinababalik akong apartment! Sana lang, sana lang talaga! Gumilid ako bago ko sagutin yung tawag.



Lianne calling....



Sus. Si Lianne lang pala, nakakainis.



"Oh? Lee, bakit?" lee ang nickname nya kaya yun yung tawag ko sa kanya.



"Nasaan ka na? Pumunta ako kanina sa apartment mo pero pinalayas ka na raw!" natatarantang sabi nya. Kahit hindi ko sya nakikita, naiimagine ko na yung mukha nya. Haha.



"Oo eh.. maghahanap na muna ako nang matutuluyan." sagot ko sa kanya.



"Huh? Saan naman? Samin! Dito ka na lang muna sa amin! Kahit sa isang gabi lang, may pasok na tayo bukas, hindi pwedeng sa kalsada ka matulog!" pasigaw na sabi nya.



"Okay, okay! Pero.. please wag kang sumigaw? Sakit sa tenga eh.." sabi ko at bigla syang napa "ay" sa kabilang linya. Narealize siguro yung ginawa nya. "Aantayin kita dito sa amin ah? Dalian mo na. Ingat ka." at ibinaba nya na yung phone.



Hayy..Okay lang kahit hindi si Aling Lorna, basta may matutuluyan ako ngayong gabing 'to, ayos na sa akin. Basta, dapat bukas na bukas din ay kailangang makahanap ako agad ng trabaho at maayos na matutuluyan.



*******



"Lee! Una na ako sa'yo ah! Kailangan ko pa kasing maghanap ng trabaho eh." paalam ko kay Lianne at tumakbo na papalabas ng classroom.



"Aaaaaahhhh! Andyan na sila! Prince Jad! Ang gwapo mo talaga!! Kyaaah!"



Napatigil ako dahil sa narinig ko.



Nandyan na nga sila. Ibig sabihin, nandyan na rin si Kris. Ang lalaking matagal ko nang hinahangaan, simula noong highschool pa lang kame.Si Kristoffer Ross.Napakabait nya, sya na nga yata ang pinakamabait sa kanilang magkakaibigan.



Lima silang magbabarkada. Ang leader nila ay si Jad Saavedra, pinakamayaman, matalino, gwapo at siraulo. Babaero at basagulero yan, pero marami pa ring nagkakagusto sa kanya. Si Hilton Gonzaga naman, mas kilala bilang Gon, mayaman rin, kaso tahimik masyado. Hindi mo malaman kung ano ba talagang nasa isip nyan. Hindi ko nga alam kung nagkaroon na ba yan ng girfriend.Si King Santos naman ang pinakababaero sa grupo. Pero sa totoo lang napaka misteryoso nya para sa akin. Si Mart Flores ang pinaka simple sa kanilang lahat. Nagkaroon na sya ng girlfriend pero stick-to-one lang yan, mabait at patawa.



Pero... uulitin ko..



Si Kristoffer Ross ang pinakamabait at pinakagwapo sa kanila, marami ring humahanga sa kanya at isa na ako dun. Gusto? Crush? Mahal? Nah. Hindi.. nababaitan lang talaga ako sa kanya. Pamilya kasi nila ang humahawak sa aming mga scholars, at talaga namang malaking tulong yun para sa amin.



Buti na nga lang at hanggang paghanga lang ang tingin ko sa kanya.. kasi... sa totoo lang.. mapapatay ko na tong lalaking 'to!



"Hoy. Ikaw yung magiging personal maid ko diba? Linisin mo lahat nang 'to. Tsaka yung nasa veranda. Magdadala ako nang babae dito mamaya kaya naman ayokong magulo tong kwarto ko! Pakidalian lang. Sinasahuran ka dito kaya wag kang tatamad-tamad." Yan... yan ang totoong kulay ni Kristoffer Ross.



Mayabang. Babaero. Tamad. Gastador at walang modo.



Binabawi ko na lahat nang sinabi ko kanina.



Oo, personal maid nya na ako. Hindi ko naman kasi alam na ang pagtatrabahuan ko na libre ang tulugan, pagkain, at lahat lahat ay sa ang Ross residence pala. Ang akala ko, magiging maid ako nang isang makulit na bata. Hindi pala, magiging personal maid pala ako nang isang ISIP BATA.



Isn't that great? Ugh.



-End of Chapter 1-



6 comments:

  1. Awww.. ang liit pala ng fonts T^T Sorry.. first time eh :/

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi sis!!! pwede po bang i-edit natin itong post at ihiwalay natin ang chapter 1 for another post? dapat po matira lang dito ay yung hanggang prologue...

      para po may sariling page itong story mo at mailagay ko sa story list. salamat! please comply! ^__^

      Delete
    2. for the second thought, ako na lang pala mag-edit... hehe... gawin ko na lang po itong chapter 1 ng story mo ha. ako nang bahala sa page mo. i'll edit the font na rin! ^_~

      please check the story list na. nandun na po ang Th ePrince and the Pauper, prologue and pic na ginamit mo. ^^

      Delete
    3. okay po.. sorry.. ngayon lang nakaresponse :)

      Delete
  2. grbe, nagulat nmn aq s ugali ni kris!!!! haha, spoiled rich brat din pla xah eh!
    naku alex, kya mu yan!!!!! next n pu ate!

    ReplyDelete
  3. hehehe... parang boys over flowers japanese versionXD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^