Monday, February 13, 2012

My First Love, True Love and Forever Love : Chapter 5

CHAPTER 5
(Sabina “Saab” Bernardo)


Nica: at syempre pa, aakyat na naman sya sa rooftop.

Menchie: may bago pa ba don?

Saab: masanay na kasi kayo, saka may bigla kasi akong naalala. Oh pano, mauna na kayong umuwi, ingat na lang kayo!

Andrea: baka ikaw ang dapat mag-ingat, remember pinag-bantaan ka ni Jodie.

Saab: basta mag-ingat pa rin kayo. Wag nyo akong alalahanin, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa kanila.


Menchie: mauna na kami ah, text ka lang kapag nagkaron ng problema at kapag naka-uwi ka na!

Saab: sige. Bye!

Eto na naman ako, malungkot na naman, naalala ko na naman kasi ang kambal ko. Kung nabubuhay pa kaya sya, anong course kaya ang kukuhanin nya?

Saab: Rina, ang daya mo naman kasi eh, bakit iniwan mo agad kami nila Papa? Alam ko Rina ilang libong beses ko na tong nasabi sayo, pero sasabihin ko pa rin. Mula nung mawala ka, parang wala na silang anak, parang hindi na ako nag e-exist sa mundo, parang sa kanila pareho tayong nawala. Pero Sabrina wag kang mag-alala sa akin, inaalagaan naman ako ni Yaya at inaalagaan ko din si Yaya.

Kita mo naman Rina, hindi na ako pasaway, hindi na ako nang-aaway. Oo nga pala Rina, nakita mo na ba si Ryuji saka yung pamilya nya, doon pa rin ba sila nakatira? Naalala ko na naman ang makulit na si Ryuji, kamusta na kaya sya, ano na kayang itchura nya?

*FLASHBACK*

Ryuji: bilisan mo naman kasi Inah, iiwanan talaga kita, sige ka!

Saab: eh wag ka naman kasi masyadong mabilis, kita mo na ngang ngayon pa lag ako natuto na mag-bike eh.

Ryuji: kasi naman ee!!! Bahala ka na nga jan, ang bagal-bagal mo!

Kasalanan ko ba kung ngayon lang ako natuto na mag-bike? Ngayon nga lang ako naka-gamit nito eh tapos sasabihan nya ako na mabagal.

Saab: bahala ka din jan!!! Uuwi na ako, hindi na talaga ako makikipag-laro sayo.

Ryuji: oi Sabina, joke lang naman yon, masyado ka namang seryoso jan eh!

Saab: ewan ko sayo, maghanap ka ng kausap mo!!! Hmmp!!!

Ryuji: sige ka, may hahabol sayong aso jan.

Saab: aso? As in aso? Teka lang, hintayin mo kasi ako, wag ka naman kasing masyadong excited jan. Ang sama mo, ang sama-sama mo!!! Uwaaaaahhhhh!!! Isusumbong kita kay Yaya!

Ryuji: anu ka ba naman Inah, ang laki-laki mo na iyakin ka pa din!!!

Saab: pakelam mo ba?! Isusumbong din kita kay Tita Yukiko, sasabihin ko inaaway mo ako saka sinisigawan saka iniwan!!! Akala mo, isusumbong talaga kita!!!

Ryuji: eh di magsumbong ka, gusto mo samahan pa kita eh!!!

Saab: sige tara!!! Isusumbong talaga kita!!!

Isusumbong talaga kita Ryuji, akala mo, lagi mo na lang akong pinapa-iyak, palagi mo na lang akong inaaway!!! Sasabihin ko kay Tita Yukiko na pagalitan ka!!!

Saab: Tita, Tita Yukiko… si Ryuji po, inaaway ako tapos nisisigawan din nya ako tapos iniwan nya po ako…

Yukiko: Ryuji!!!

Ryuji: eh kasi naman Mommy, ang bagal-bagal nyang mag-bike!

Saab: eh kasi po Tita ngayon lang po ako naka-gamit ng bike saka ngayon lang din po ako natuto. Tapos minamabilis po nya agad ako, pano po kapag nagtumba ako, magkakasugat na naman ako.

Yukiko: ngayon lang naman pala natuto si Inah na mag-bike eh, tapos minamadli mo nga sya, pano nga naman kapag nagtumba sya? Ikaw Ryuji ha, lagi mo na lang inaaway ang prinsesa na to.

Ryuji: prinsesa? Prinsesa ng mga iyakin!!! Ang pangit naman kaya nyang si Inah, panu yan magiging prinsesa?

Saab: kung pangit ako, mas pangit ka!

Ryuji: nye, hindi naman kaya! May gusto nga sa akin yung kapitbahay namin eh!!

Saab: eh malabo ang mata nung may gusto sayo!!!

Yukiko: tama na yang asaran… eto, kumain na lang muna kayo ng meryenda.

Saab: salamat po Tita. Tita, turuan mo naman po minsan si yaya na mag-bake ng cookies. Yung mga nabibili lang po kasi sa grocery yung laging nipapakain sa akin ni Yaya eh.

Ryuji: eh yung Mama mo, hindi rin sanay mag-bake?

Saab: psssshhh!!! Wala namang ibang alam gawin si Mama at Papa kundi magtrabaho, hindi nga nila ako inaalagaan eh. Hindi nila ako mahal!

Yukiko: Inah, wag kang magsalita ng ganyan, mahal ka ng parents’ mo. Kaya sila laging nagwo-work is para sa future mo.

Saab: parang hindi naman po Tita. Kapag po kasi nipapakita ko sa kanila yung mga tests ko na perfect hindi naman sila natutuwa.

Ryuji: baka naman kasi nagchi-cheat ka kaya ka perfect.

Yukiko: Ryuji!!!

Saab: ang sama mo talaga Ryuji, hindi na talaga ako makikipaglaro sayo!!! Tita, aalis na po ako at hindi na ako babalik dito Tita.

Yukiko: Inah…pag hindi ka na nagpunta dito mami-miss ka ni Tita Yukiko.

Saab: eh kasi naman po lagi akong iniinis ni Ryuji!

Yukiko: wag kang mag-alala Inah, akong bahala jan kay Ryuji. Kapag inaway ka pa rin nya, hindi ko sya bibigyan ng pagkain.

Saab: talaga po Tita? Bleh!!! Sige lang Ryuji, inisin mo pa ako ng hindi ka na maka-kain ng masarap.

Ryuji: eh di sa inyo na lang ako kakain, palit tayo ng bahay.

Saab: eh di dun ka sa amin kumain, gusto mo pati si Yaya kuhanin mo na eh. Oops!!! Sorry Rina, hindi ko pala dapat nipapamigay si Yaya.

Yukiko: Inah, pwedeng magtanong?

Saab: ano po yun Tita?

Yukiko: lagi mo kasing nababanggit yung Rina, sino ba si Rina, ano mo ba sya?

Saab: si Rina po ba? Kakambal ko po sya.

Ryuji: eh nasaan na sya, bakit hindi mo sya sinasama dito?

Saab: namatay na po kasi sya. Naaksidente po kami noon, nung papasok na po kami sa school, nawalan daw po ng preno yung kotse. Sa amin pong apat si Rina lang po yung kinuha ni Lord. Sobrang bait kasi nya kaya nikuha sya agad papuntang heaven. Nag-promise ako sa kanya na magiging good girl na ako saka aalagaan ko si Mama, si Papa at si Yaya.

Ryuji: good girl ka na nyan? Pano pa kaya kung hindi ka pa nag-promise sa twin sister mo?!

Saab: ang sama mo talaga! Nagiging bad girl lang naman ako dahil sayo, lagi mo kasi akong inaaway! Tita, ayoko na talagang maging friend si Ryuji!!! Uwaaaaahhhh!!! Lagi na lang nya ako ni-aaway!!!

Yukiko: Ryuji, be nice naman na to her. Look, she lost her twin sister already, and we know that she’s so sad about what happened, kaya wag mo na syang paiiyakin. Dapat ang ginagawa mo is pinapasaya sya.

Ryuji: eh kasi naman Mommy, lagi nya akong sinusungitan eh.

Saab: Tita Yukiko uuwi na po ako, baka po kasi hinahanap na ako ni Yaya.

Yukiko: Ryuji ihatid mo na si Inah sa kanila. Wala ng pero-pero mga bata, sundin nyo na lang ako. Mag-iingat kayo!

Ryuji & Saab: opo!

5 comments:

  1. nakakaawa naman ang sinapit ni sabina...
    ewan ko, nakakaasar yung parents niya! in time malalaman din nila yung worth ni saab kapag napaghamak na din siya... pero hindi ko naman yun pinagdadasal!



    anyway, nandun na sa rooftop!!! mygaly! magkikita na ba sila ni ryuji? dun yun diba! >__<


    next na agad sis! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. kalma lang sis... i-enjoy mo muna yan...hahaha...

      hintayin muna natin sila..hahaha...

      Delete
  2. ayan na!!!!!! mlpit n cla magkita ni ryuji q!!!! hahahahahhhh! ko tlga!!!!!

    ReplyDelete
  3. new lang po kayo dito?

    madalas akong silent reader sa blog na ito pero minsan nagcocomment din ako.
    next chapter na po.

    ReplyDelete
  4. "Mula nung mawala ka, parang wala na silang anak, parang hindi na ako nag e-exist sa mundo, parang sa kanila pareho tayong nawala."

    naalala q srili q d2! wawa nmn c sabina...

    plapit n ung pgkikita nla! i cn feel it!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^