Monday, February 13, 2012

As a Man (FTV) - Final Chapter

FINAL CHAPTER
“Since you’re a man, you don’t understand me.
But since you’re my man, I still love you.”

 (Wonnie POV)

Pinalipas namin ang isang gabi… ang huling gabi na magkasama kami sa loob ng iisang kwarto. But after this, all will be gone. We will be gone. And none of this will ever be the same as before.



Maagang umalis si Joon, at hindi na kami muling nag-usap pa.

Photobucket

I started packing my things, from books, clothes and other stuff. Tinanggal ko na din yung mga sticky notes sa dingding ko… note kung saan may mga nakalagay pa akong reminder sa mga pwede pa sana naming gawin ni Joon na hindi pa namin nagagawa as a couple.



While packing, nakita ko sa box yung Gundam Action Figure na ibinigay niya saakin. Naalala ko yung time na dahil lang sa simpleng laruan na ‘to, nag-away kami.



Then my tears began to fall again…

Photobucket

WONNIE: I STILL LOVE HIM… (I said to myself and out loud)



Lalo lang akong nasasaktan sa mga memories namin together, lalo lang akong nasasaktan dahil ako na lang yata ang nagmamahal pa rin sa kanya ng sobra!



WONNIE: I WON’T BE NEEDING THIS AT MY NEW HOME… (I said again tapos tinapon ko yung laruan)



I dry my tears at nagpatuloy na sa pagi-empake. Marami pa akong gamit na kailangang ayusin, at ayokong magtagal pa sa unit na ‘to. Natatakot ako na kapag nangyari yun, maabutan ko pa si Joon… at mas mahirapan akong tanggapin na wala na talaga kami.



¤ ¤ ¤ ¤

 (Joon POV)



Ilang oras na din akong nakababad sa pool. I’m trying to stay cool and I’m calming myself.

Photobucket

JOON: NGAYON NA SIYA AALIS… SIGURO NAG-EEMPAKE NA SIYA NG MGA GAMIT NIYA… PERO MADAMI YUN… MATATAGALAN SIYA BAGO TULUYANG MAKAALIS… (Hindi na naman ako makapag-focus sa paglangoy dahil sa mga bulong ko sa sarili ko tungkol kay Wonnie.)



Saan nga ba kami nagkulang…?



JOON: MALI… SAAN NGA BA AKO NAGKULANG? BAKIT BA PINABAYAAN KO ANG SARILI KONG MAGULUHAN? MATAKOT… MADUWAG.



Kaya ko ba gustong makipaghiwalay dahil natatakot ako sa long-term commitment?



Kung pwede lang sanang lunurin ang sarili ko ngayon, ginawa ko na! Naaasar ako sa sarili ko!



JOON: MAHAL KO SI WONNIE… PERO NATATAKOT AKO…



Natatakot ako na kung ngayon pa nga lang, naguguluhan na ako, what more kung magtatagal pa kami! Baka mas lalo ko siyang masaktan… baka mas lalo kaming mahirapan…



I’m trying real hard na sabihin sa isip ko na tama lang itong ginagawa ko… but in my heart I know what I’ve done was wrong. Pero anong susundin ko? Yung isip ko na palaging tama? O yung puso ko na palagi na lang nagkakamaling umibig?



MR. ROY: HYUN JOONG! (Sigaw ng caretaker nitong pool center. May sinabi siya pero hindi ko masyadong naintindihan…)



ILANG ORAS NA LANG AALIS NA SI WONNIE! IIWAN KA NA NIYA”



JOON: HA? SI WONNIE?



MR. ROY: ANO? SINONG WONNIE? ANG SABI KO ILANG ORAS NA LANG AT MAGSASARADO NA ‘TONG CENTER. UMAHON KA NA JAN! (Imagination ko lang pala na yun ang sinabi niya…)



JOON: AH… OO SIGE… ILANG ROUNDS NA LANG MR. ROY.



Nababaliw ka na talaga Joon! Kung anu-ano na lang naririnig mo! Sa kakaisip mo kay Wonnie, parang ang mundo mo, nakaikot na din talaga sa kanya.



Bumalik ako sa pagsu-swimming at iniiwas na ang attention ko tungkol kay Wonnie. Nang umahon na ako…

Photobucket

JOON: PANIGURADO, HINDI KO NA SIYA MAABUTAN DUN SA UNIT… PERO OKAY NGA YUN JOON, NGAYON MASOSOLO MO NA YUNG KWARTO… TAMA… PAGDATING MO DUN SA UNIT, MAS MAGIGING KUMPORTABLE KA NA…



Naglalakad na ako papunta dun sa CR at nag-iisip kung anong pwede kong gawin mamaya pag-uwi ko ngayong ako na lang mag-isa sa unit ko… kaso dahil hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko…



Nakaapak ako sa isang pool divider, naout-of-balance, at tuluyang natumba…

Photobucket

*     *     *


Hindi ko ma-explain kung gaano kasakit yung nabagok kong ulo at parang nabugbog kong likod.

Photobucket

Sa lakas ng pagkakabagsak ko, dapat siguro nagka-amnesia na ako para tuluyan nang mawala ang alaala ko sa sakit.



Pero sa kabila nitong aksidenteng nangyari saakin, bakit si Wonnie pa rin ang naiisip ko?

Photobucket

Parang nagfa-flash isa-isa sa yung moments namin together. Yung mga tawa niya, mga ngiti niya, yung pagiging sweet niya at kung gaano niya ako minahal…



Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko… at parang nakita ko si Wonnie sa harapan ko pero malabo lang ang panigin ko…

Photobucket

WONNIE: TADAH!!! OH MY GOSH! BUTI GISING KA NA!



JOON: PFFFT… (Ewan, pero natatawa ako sa itsura ng mukha niya. Mukha lang joke!)



WONNIE: UY! OKAY KA LANG… NA-K.O. KITA! I’M REALLY SORRY!

Photobucket

Nangyari na ‘to noon, at natutuwa akong balikan ang moment na ‘to… pero nung talagang luminaw ang lahat… imahinasyon ko na naman pala!

Photobucket

JOON: WONNIE…? (Wala siya dito Joon? Nasa apartment siya, naghahanda nang umalis)



Saka ko lang naisip na mas napapatawa pala niya ako. Na si Wonnie ang dahilan kung bakit ganun na lang ang mga ngiti ko noon. Na kaya kami nagtagal dahil gusto ko siyang pasiyahin… dahil mahal na mahal ko siya.

Photobucket

Kaya siguro ako nakakatayo pa ngayon ay dahil binigyan ako ng isa pang pagkakataon na itama ang lahat ng pagkakamali ko kay Wonnie. Na hindi pa huli ang lahat para saamin.



Nagmadali akong nag-ayos. Kahit na madilim na, umaasa akong makikita ko pa rin siya. Gusto ko siyang maabutan, ayokong tuluyan niya akong iwanan.



Tumakbo ako ng mabilis… pero bago ako dumirecho sa apartment, may dinaanan muna ako sa mall. After kong makuha ang kailangan ko doon, nagmadali na ako agad papunta sa apartment.



JOON: WONNIE… HINTAYIN MO AKO…

Photobucket

¤ ¤ ¤ ¤

 (Wonnie POV)



Inabot na ako ng dilim sa pag-aayos ng mga gamit ko. Pero tingin ko naman late din uuwi si Joon ngayon kaya siguro hindi naman na ulit kami magkikita bago ako umalis.



Hila-hila ko na ang bag ko, at for one last time tinignan kong mabuti ang buong paligid.

Photobucket

WONNIE: MAYBE I’LL MISS THIS PLACE, BUT I HAVE NO CHOICE BUT TO GO…



Naisip kong ang babaunin ko na lang sa pag-alis ko ay mga masasayang alaala para kapag ako na lang ulit mag-isa, hindi ako malungkot at makalimutan ko nang iyakan si Joon.



I sighed.



Looked down… and up.



This is it… I really have to leave this place.



Sa bawat hakbang na ginawa ko, isang hakbang yun na pagtanggap sa naging katapusan ng kwentong ito…



Dahil hanggang dito na lang…



Paalam na sa lugar na ito…



At paalam na rin Joon.

















JOON: WONNIE…

Photobucket

Nanlaki lang ang mga mata ko sa taong nakatayo ngayon sa harapan ko. Humahangos siya na parang may hinahabol. Nakatitig siya saakin… parang nangungusap ang mga mata niya.



JOON: WONNIE… (At ang boses niya, nagpapasaya at nagpapalungkot kapag naririnig ko.)



Anong ginagawa niya dito? Bakit kailangan pang magkita kami bago ako umalis?



Dahan-dahan siyang lumapit at pareho lang kaming tahimik. Nagpapakiramdaman kung sino saamin ang unang magsasalita. Pero wala naman na dapat na paliwanagan diba?



Huminga ako ng malalim, at pinilit ko ring ngumiti sa harapan niya.



WONNIE: AH… JOON. PASENSYA KA NA, NAABUTAN MO PA AKO… PERO AALIS NA DIN TALAGA AKO… (Ang straight lang ng expression niya at kapag tinitigan ko pa siya ng mas matagal, baka lalo lang akong mahirapan. Kaya umiwas akong ng tingin sa kanya saka na nagpaalam.)  BYE JOON…



Hahakbang na sana ako ulit, pero nagulat na lang ako sa ginawa niya.

Photobucket

Niyakap niya ako ng mahigpit, isang bagay na sa oras na ito ay hindi ko inaasahang gagawin niya.



JOON: I’M SORRY I’VE BEEN SUCH A FOOL. NATAKOT LANG AKO WONNIE… NADUWAG AKO…



Gustong kong maiyak sa sinasabi niya habang nanginginig pa ang boses niya.



JOON: BUT NOW I REALIZE SOMETHING… MAS NAKAKATAKOT PALA… NA MAWALA KA SAAKIN. MAS NAKAKATAKOT NA MAIWANAN MO AKONG MAG-ISA.

Photobucket

Parang bigla kaming pinalibutan ng mga bituin sa langit. Gusto kong isiping nananaginip lang ako… pero heto ako nararamdaman ko ang mahigpit na yakap ni Joon. Naririnig ko ang boses niya, at tagos sa puso ang pagmamahal niya para saakin.



JOON: DON’T LEAVE ME… (Now he looked straight into my eyes at may dinukot siya sa bulsa niya.)



Tinignan ko kung ano yung hawak niya… at yun ay ang mga singsing na nakita namin noon sa mall.



JOON: STAY WITH ME WONNIE… AND LET ME BE YOUR MAN FOREVER.



WONNIE: (Napangiti ako pagkasabi niya nun…) YES… (Then I sighed in relief and in so much happiness) PLEASE BE MY MAN…

Photobucket

Nagyakap kaming muli and this time, mas mahigpit pa. We’re both smiling… happy… and both in love, again.








And yes after that, we’re back together.



But there’s one change this time.



We lived happily together.



Joon, as my man…



…and me, as his wife.

Photobucket

ALL IMAGES IN THIS CHAPTER ARE SCREENSHOT AND EDITED BY AEGYODAYDREAMER
PLEASE DO NOT TAKE WITHOUT PERMISSION!!!


~THE END~




Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!


Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.



9 comments:

  1. i like d song!!!!!!!!!!! at naiyk aq s katapusan!!!!! gnda-ganda!!!!!! s wkas nmn!!!!

    lab na lab q ung last line...

    joon as my man and me as his wife!!! kkainspire n nmn!!!!!!

    gling mu tlga miz aegyo, idol much!!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat!
      ako din nagpapasalamat at nakatapos na ako ng FTV! ahaha!!

      Delete
    2. aNg gAnda ng kTapuSan,,, gaLiNg tLga,,,

      Delete
  2. wow! natapos na din!
    ang ganda ng ending, kahit na alam ko na yung talagang katapusan dahil napanood ko na alst year pa ang mv nito.
    ang ganda pagkakagawa ng version mo, i like it!

    ngayon ko na lang ulit naisipang mag-comment dahil napapadalas ulit ang pagiging silent reader ko. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayiie!
      uy nakapag-comment ka na ulit! ahahaha...

      lets get loud na ulit! ^___^

      Delete
  3. pintugtog q tlga hbang bnbsa ang ending! gnda-gnda!!!!! kakatouch ung katapusan!!!!!!
    maiLSS n nmn aq nito ate!!!!!!

    clap clap!!!!! anothr finished story!!!!!!! penge n aq ng copy n2 ate!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nasend ko na! pasensya na natagalan! haha... churi! >__<

      Delete
  4. Wow :) Ang Galing :) Isa ka na talaga sa favorite Author ko :)

    ReplyDelete
  5. TT___TT kung kanina naiyak ako sa sakit sa puso, ngayon naman naiyak ako sa sobrang kilig, touch at relief! Akala ko kasi habang buhay ng matatakot si Joon eh... nage-gets ko naman yung point niya kasi meron talagang mga pagkakataon na kahit mahal na mahal natin ang isang tao... at alam natin na mahal nila tayo hindi pa rin talaga natin maiiwasan na matakot, mangamba at maduwag. Mabuti nalang sa nangyari kay Joon, hindi nahuli ang lahat~ waaah! Ang ganda ganda ganda nito! Actually, lahat naman maganda eh! At hindi ako magsaswang ulit-ulitin yun sa mga comments ko! <3

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^