CHAPTER FOUR
(SAVANNAH BLACKSHIRE)
Ikatlong
araw na ito, pumasok ako sa opisina, pero hindi para magtrabaho kundi
mag-resign. Ano pang silbi na magtrabaho tas wala na sila!?
Nagpawakawala
na naman ako ng buntong hininga. Wala `yong supervisor namin kaya mukhang
matatagalan ako dito. Ilang oras na ang nakalipas ay minsan pumapalpak ako,
kahit na `yong simpleng encode yung documents para sa sales & marketing ay
pumalya pa ako. Akalain ninyong na-delete ko buong page niyon!
“Hey okay ka lang?”
Lumapit si Queenie sa cubicle ko. May bitbit siyang mga paper work.
“Yeah. I’m fine.”
Kahit hindi naman.
“Sure? You don’t look fine to me.”
Yeah. Sino kaya ang magiging okay na kinidnap ang dalawa kong anak?
Nagpakawala
na ako ng buntong hininga. “Huwag kang
mag-alala okay lang talaga ako. Ano pala ang kailangan mo?”
“Pwede bang humingi ng favor? Kasi
pupuntahan ko pa kasi ang MS department dahil may sira `yong computer ko. Eh
kailangan na kasing maayos iyon dahil nandoon ang mahalagang financial
statement na kailanganin na mamayang gabi eh.”
“Sinong bibigyan ko niyan?”
“Um. Okay lang sa`yo?” Nag-alinlangan
na tanong niya.
“It’s fine. Hindi ko naman matapos-tapos
itong gawa ko dito. Akin na iyan at sabihin mo sa akin kung sinong bibigyan ko
niyan.”
“Kay Mr. Cervantes eh.”
“Okay.”
“Weeh! Thank you!”
Nang
ipasa na niya sa akin ang mga paper work ay nagpaalam na siya sa akin. Napapailing
na lang ako sa kanya, umalis na din ako sa cubicle ko at naglakad patungo sa 15th
floor kung saan ang office ni Mr. Cervantes.
Nung
nasa 15th floor na ako ay binilisan ko na ang paglalakad para
makarating sa opisina. Nakita ko si Bella na kausap ang isang lalaki. Tila
napako `yong paa ko sa kinatatayuan ko, kahit na malayo siya ay hindi ako
nagkakamali!
Kahit
na hindi kakaiba ang pananamit niya na kagaya noon ay hinding-hindi ko
makakalimutan ang hitsura na iyan! Siya yung lalaki na nasa panaginip ko o
panaginip ba talaga yun o hindi basta! Ang ama ng dalawang kambal!
Nang
tuluyan nang makalapit na sila ay tumigil ang dalawa para lingonin ako. Pero
yung ngiti na nakapaskil sa labi ni Bella ay naglaho at nakakunot ang noo na
tiningnan ako. “May kailangan ka dito?”
“Oo.” Baling ko sa kanya,
hindi tinangka na sulyapan ang lalaki dahil kapag ginawa ko yun ay baka kung
ano ang magawa ko sa kanya. Iniabot ko sa kanya ang paper works sa kanya. Ramdam
na ramdam ko na nakatitig sa akin ang lalaki pero inignora ko lang yun.“Since nandito ka naman ay might as well
ibigay mo ito kay Mr. Cevantes. Kailangan na kasi niya ito.”
“Ba’t hindi na lang ikaw?”
“Hindi ba’t secretary ka? You should
stay in your working place hindi lakwatsa. Mayroon din naman akong trabaho sa
baba na kailangan kong matapos.” Naglaban pa kami ng tingin,
wala talaga siyang balak na umalis at iwan ang lalaki. Sino naman hindi? Gwapo
ang lalaki! Ang landi lang, meron na nga siyang fiance tas nilalandi pa ito?
Tsk!
Wala
rin naman nagawa si Bella kundi tinanggap yung paper works tas bumaling sa
lalaki. “Blake, why don’t you go first
ibibigay ko lang ito sa papa mo at susunod na lang ako sa`yo.” She tiptoe
at sa gilid ng mata ko ay nakita ko na hinalikan niya sa pisngi ang lalaki.
Blake?!
As in Blake Cervantes?!
Nagmadali
na umalis si Bella palayo sa amin. “Feisty
one.” Yun ang sabi niya sa akin. Matalim na nilingon ko siya. “What—“
Bago pa niya matapos yung sasabihin niya ay hinila ko ang kwelyo niya pababa. Kung
umasta siya ay parang hindi niya ako kilala!
“ Don’t play dumb with me, asshole. Kung
akala mo nakalimutan ko pa ang ginawa mo pwes hindi.”
Bumukas
ang pagtataka niya. “May sinabi ba ako
na ikinagalit mo, miss?” Inalis niya ang kamay na nakahawak sa kwelyo niya
at dumistansya sa akin.
“Sinabi? Madami kang ginawa! Huwag mong
sabihin na nakalimutan mo, ha? You ruin my life, you jerk!”
“Sorry pero hindi ko matandaan na
nagkita na tayo o nagkaroon man ng relasyon. Oh wait! One night stand? Dahil
kung hindi ay imposible naman na hindi kita makilala lalo na…” He
smile smugly while looking at me head to toe. Bastos pala ito eh!
“One night stand? Dear, higit pa doon
ang ginawa mo sa akin! My life mess up and now my daughters was kidnap by a
freak people like you!” Dinutdot ko pa ang daliri ko sa malapad
niyang dibdib.
“Now now, ang sakit mo makapagsalita ah.
Do you know who I am?”
“Sa pagkarinig ko ay Blake ang pangalan
mo—oh wait, I know sabihin na natin you’re not an ordinary human. Isang lalaki
na may magic, how’s that, huh?” Natigilan siya ilang saglit
ng marinig niya ang sinabi ko. “Baki—“
Bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay bigla niya hinawakan ang kamay ko tas
isang kisap mata ay nasa isang office kami. Mahigpit ang pagkahawak niya sa
kamay ko kaya napangiwi ako.
“Pano mo nalaman yun?”
“Know what?”
“Alam mo kung anong tinutukoy ko!”
“Hindi pa obvious? Dahil sa`yo! Baliw!”
May
tumikhim sa gilid namin kaya napalingon ako kung sino yun. Isang matandang
lalaki who share the same eyes with Blake. “What’s
the meaning of this, Blake? Ba’t mo ginamit ang…”
“Pa, she knows something about us.” Naiinis
na sabi ni Blake.
Ah,
siya pala ang may-ari ng kompanya na ito. First time ko siya nakita eh.
“Really?”
Humalukipkip
ako ng bumaling sa akin ang matanda. “Eh
ano naman kung alam ko kung ano kayo? Kasalanan mo naman yun five years ago!
And don’t you dare deny it, bastard dahil tanda tanda ko `yang pagmumukha mo!
Meron ka pa ngang cresent moon na tattoo diyan sa dibdib mo!”
“Huwag ka—“ E-deny
pa sana ni Blake yun pero inunahan siya ng matanda.
“Blake, Stop it already. This is a
serious matter and it has something to do with your illness.”
“Not that again, pa. Wala na akong sakit
okay?” May halong irritasyon na sabi niya.
“Anong sakit? Aids?” I
said mockingly.
“Very funny woman. I always make sure na
walang STD ang ka-sexmate ko.” I’m starting to gate this
guy, mas gusto ko pa yung nakilala ko five years ago. Totally opposite ang
ugali nila!
“Sorry for his, rudeness. Ganyan talaga
siya.”
“SO, ano naman ang sakit na iyan
sinasabi ninyo, Alzhaimer?”
“No. He has a sleeping disorders back
then na tinatawag na sexsomnia. I guess he also used some sort of magic na
makapunta sa kung saan-saan and accidentally na napili ka and I think alam mo
na kung anong nangyari matapos niyon.”
Oh I
know what sexsomnia means! Nagkataon na may nabasa ako tungkol sa sexsomnia
through internet. It is also known as parasomnia or sleep sex. A
sexsomaniac do not remember the acts
that they perform while they are asleep however in my case it doesn’t make
sense dahil ba’t ako pa?
Sa
dami naman sigurong babae dito sa mundo ay ako pa talaga ang pinagsamantalahan
ng lalaking iyan!
Hinihilot
ko ang sintido ko. “Eh ano naman ngayon?
Hindi na mababago ang nakaraan, Mr. Cervantes! He ruin my life!” Naniningkit
na sabi ko sa kanya. How this old man still acting so cool. Oh fine, hindi pa
siya ganoon ka tanda, bakas parin naman ang kagwapuhan niya kahit na nasa mid
forties.
“Then there’s only one solution for
that.”
“No you wouldn’t”
Banta ni Blake dito.
“At ano naman yun?”
“Marry my son.”
“No.” Deretsong sagot ko.
“Eh anong pinuputok ng butse mo kong
ayaw mo? Pero seriously dad hindi rin naman pwede dahil engage na ako kay
Bella.”
“Shut up, Blake. We all know that you
only want to marry Bella dahil sa gusto ng lolo mo.” Sita
ni Mr. Cevantes kay Blake.
“Tsk.”
“Hindi yun ang gusto ko, Mr. Cervantes.”
“Then what is it, money?”
“Lalong hindi. May gusto akong ipagawa
sa inyo na kayo lang naman ang
makakagawa.” I don’t care about their history. Ang
tanging gusto ko lang ay ang anak ko. At ngayon alam ko na kung anong klaseng
lalaki si Blake ay mas lalong ayaw ko na makilala niya ang anak ko! Pero wala
akong magagawa ngayon kung sakali man na malaman niya na may anak kami. Dahil
siya at ang ama nito ang makakatulong sa akin ngayon.
“At ano naman yun?”
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^