Thursday, May 7, 2015

Can I Still Call You Mine? : Chapter 2



Naiiling nalang si Akira nang marinig ang problema ng kaibigan niyang si Johana. Sumabay pa si Aiesha sa pagkakaroon ng problema. Nandito silang lahat na magkakaibigan sa restaurant na pag-aari ni Razel. Isa pa niyang kaibigan. Actually walo sila sa grupo na magkakaibigan na simula pa noong kolehiyo pa lamang sila at kahit pawang mga tapos na ay nanatili silang magkakaibigan pa din.

“Bakit kaya hindi mo nalang sila pagsabay-sabayin para di ka na namumublema diyan?”


Si Razel ay isa ng chef at ngayon nga ay pag-aari nito ang restaurant na tinatambayan nila. Minsan may pagkaluka luka at maldita pero masarap namang kausap.

“Sira ulo ka ba? Hindi ko kayang gawin yun noh! Naniniwala pa din ako sa karma”

Si Johana naman ay isang government employee sa Taguig. Sa Admin Department yata ito nakaassign. Ito ang babaeng kung magpalit ng lalake ay akala mo nagpapalit lang ng damit. Anito hindi pa nito nakikita ang one true love nito.

“Ngayon ka lang naniwala sa karma after all these years ah” tumatawang sabi ni Phoebe Ann.

Isa namang freelance architect ito. Madalas ay kung saan saang parte ito ng mundo napapadpad dahil sa kagustuhan nitong makakuha ng ideas. Ito ang pinakamasarap kausap dahil laging positive ang tingin nito sa buhay.

“Oo nga. Tama si Phoebe…eh since college tayo dedma lang sayo kapag nakasakit ka ng lalake eh.” Sabi naman ni Demi. Isang flight attendant naman ito. Isa sa kaibigan niyang biniyayaan ng magandang mukha at katawan pero zero pa din ang love life.

“Pero okay din naman yung suggestion ni Razel. Pagsabay-sabayin mo sila” ani naman ni Bea. Kasalukyan itong walang trabaho. Only child lang naman kasi ito at mayaman.

“Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa ni Razel?”

“One at a time lang kasi. Kilalanin mo muna silang tatlo mabuti. Then ask yourself kung ano ba talaga ang nararamdaman mo at sino ba sa kanila ang talagang gusto mo” sagot ni Akira.

Napansin niyang napatanga ang lahat ng kaibigan niya sa kanya.

“Aki, kumain ka na ba?” tanong ni Aiesha. Ang kaibigan niyang may lahing Tsekwa pero hindi mukhang intsik dahil bilugan ang mata.

“Nilalagnat ka ba?”

“Okay ka lang ba?”

“Nakainom ka na ba ng gamot mo?”

Sunod sunod na tanong ng mga kaibigan niya.

“Hindi pa ako kumakain, hindi ako nilalagnat at okay lang ako. Bakit ba?”

“Well…ngayon ka lang kasi kami may narinig na matino sayo maliban sa pagkain eh. Hindi kaya end of the world na?”

“Hay naku ewan ko sa inyo. Diyan na nga kayo. Kayo ang di matino kausap eh.” Aniya at nilayasan na ang mga kaibigan. Minsan na nga lang siya magsalita ng matino ay babarahin pa siya ng mga ito. Maghahanap na lang siya ng makakainang iba.

***

“Hoy Akira! Natutulog ka na naman. Kung hindi ka kumakain, natutulog ka naman. Anong klaseng tao ka?” sita kay Akira ng kaibigang si Razel.

“Ang tanong Raz, tao nga ba yan si Akira?” pang-aasar naman dito ni Johana.

“Kayong dalawa wala na kayong ibang nakita kundi ako” nakakunot ang noong sabi ni Akira sa dalawang kaibigan.

Aba naman. Alangan namang yung ibang tao ang makita namin eh ikaw itong nasa harapan namin”

“Saka wag kang matulog dito noh! Malas ka sa negosyo ko.”

“Oo na. Ang sama talaga ng ugali niyong dalawa”

“Nagsalita ang mabait. Aba Akira tandaan mo… si Phoebe lang ang mabait satin. Kaya wag kang ambisyosa dyan”

“Oo na. sabihin mo kay Phoebe papatayuan ko siya ng rebulto”

“Wag ka ng mag-abala pa. Nagawa na namin ni Razel. May glitters pa” sagot ni Johana sabay apir kay Razel.

Hindi maintindihan ni Akira kung bakit ba siya nadaan daan pa dito sa restaurant ni Razel. Dapat pala dumiretso nalang siya ng uwe. Kaso nabobored naman siya sa bahay nila. Atleast dito makakakwentuhan niya pa ang mga kaibigan. Kaso di naman niya inaasahan na nakatambay din si Johana dito. Dual force pa naman ang dalawang iyon kapag nang-asar. Mabuti na nga lamang at wala si Allison.

“Wala ka bang pasok ngayon?” tanong niya kay Johana.

“Wala. Holiday kaya ang gobyerno”

“Ahh kaya pala sarap ng buhay mo eh”

“Eh ikaw anong ginagawa mo dito?  Bakit di ka pa umuwe?”

“Tinatamad pa ako eh”

“Sabagay. Lagi ka namang tinatamad. Anong bago dun?”

“May bago ngayon. Dahil tinatamad ako at wala akong maisulat na kwento”

“Ay patay tayo dyan” singit ni Razel na nakabalik na mula sa kusina. “kapag wala kang kwento ibig sabihin wala kang pera. At kapag wala kang pera sinong magbabayad ng kinakain mo?”

“Alam niyo…napakasupportive niyong kaibigan noh? Ilista mo muna. Utang muna”

“Okay sige” naglabas ito ng maliit na notebook mula sa bulsa ng apron na suot nito. “May plus na 12 % interes at VAT yan ah”

“Anooo??? Grabe ka naman Razel. Sa halagang 200 pesos lalagyan mo pa ng interes at VAT? Para namang di tayo magkaibigan niyan eh” reklamo niya.

“Business is business Akira”

Binalingan ni Akira si Johana.

“Jho, pautang 200.”

“Mas malaki ang interes sakin. 12% per day. Saka may utang ka pa sakin na isang order na siomai at siopao nung nagpunta tayong Alabang”

“Grabe! Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Maghihirap ang buong Pilipinas at mawawalan ng pera ang bangko Sentral pero hindi kayong dalawa.” Hindi makapaniwalang sabi niya.

“Eh bakit ba kasi nawalan ka ng gana magsulat?” tanong ni Razel matapos ilista ang utang niya. Ang sama talaga ng ugali. Hindi na siya niibre.

“Hindi ko nga rin alam eh. Alam ko namang normal lang sa tulad kong writer ang magkaroon ng writers block pero syempre hindi naman pwede sakin mangyare yun dahil mawawalan ako ng pera.”

“Baka naman kailangan mo ng inspirasyon?”

“Tama ka dyan Johana. Mukhang yun ang wala dito kay Aki eh”

“Eh saan naman ako kukuha ng inspirasyon ha?” nakataas ang kilay na tanong ni Akira.

“Eh di sa lalake. Saan pa nga ba?”

“Hay naku Johana hindi porket nakukuha mo lahat ng lalake na gusto mo eh ganun din ako. Alam mong walang nanliligaw sakin eh”

“Hindi naman natin kailangan ng manliligaw eh. Bakit hindi ka kaya tumingin sa paligid mo lang. katulad na lamang ng lalaking iyon” anito sabay turo sa lalaking kapapasok pa lamang sa restaurant.

Sinundan naman nila ni Razel ng tingin ang sinabi nito. At ganun na lamang ang pamumutla ni Akira nang makilala ang lalaking itinuro ni Johana.

It’s been how many years…Five? Four? Ewan ni Aki. Hindi na niya maintindihan. Pero ang tanging bagay na naiintindihan niya eh she knows that man. Yung kapapasok lang ng restaurant. At kasabay ng pagkakakilala niya sa lalaking iyon. Ang pagdaloy ng mga alaala sa isip ni Akira. Mga alaalang hanggang ngayon eh dala dala pa rin niya.

Mukhang naramdaman yata nito na may nakatingin dito kaya naman napatingin ito sa kanila. Eksakto naman na nagtama ang mga mata nilang dalawa. Mukhang nakilala siya nito kaya huli na para umiwas.

“Oh oh.. mukhang papalapit siya satin. Narinig yata niya tayo” bulong ni Johana.

“Ikaw naman kasi ang ingay mo eh” sita naman dito ni Razel.

“Hi Akira, I didn’t expect that I will find you here” anito at nakatitig sa kanya na akala mo ay walang ibang tao sa paligid. Kung katulad sana ito sa mga eksena sa mga pocketbooks na sinusulat niya ay baka kiligin pa siya. But she knows him better than that.

“Ahhm magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Johana at nagpalipat lipat ang tingin sa kanila.

“Yeah. He’s James. My so-called fiancĂ©e” mapait na bigkas niya.


***

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^