“Kelan ka pa dumating?” tanong niya sa binata. Nasa kotse
siya nito. Matapos nilang iwan ang natulalang dalawang kaibigan niya ay niyaya
niyang umalis si James dahil anito ay gusto siya nitong makausap.
“Kahapon lang and balak sana nga kitang puntahan sa inyo
ngayon. Napadaan lang ako dun sa coffeeshop kung saan kita nakita. Hindi ko
naman akalain na nandun ka pala.”
Halos walang
pinagkaiba si James mula nung huli niya itong makita. Maliban nalang sa mas
tumangkad ito ngayon at mas lalong naging gwapo.
“Mukhang nahiyang ka sa America ah”
“Well you can say that. It’s good to see you again Akira.
Wala ka pa ring pinagbago”
“Nagkakamali ka James. Marami nang nagbago sakin. Hindi
na ako yung dating si Akira” Aniya at tumingin sa labas ng bintana. “Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan
natin?”
Narinig niyang
bumuntong hininga si James bago nagsalita.
“I want you to meet Nicole”
“Who’s Nicole?”
“My girlfriend”
“And why should I meet her?”
“Because I’m gonna marry her”
Tumingin siya
kay James at ngumiti.
“Sure”
***
Buong maghapong
nagkulong lang si Akira sa kwarto. Pagkahatid sa kanya ni James sa bahay nila
ay dumiretso na siya sa kwarto niya at doon nagkulong. Sinabi niya nalang sa
Mama niya na masakit ang ulo niya at huwag siyang istorbohin. Hindi niya
napigilang umiyak sa sobrang sakit na
nararamdaman. After five years na hindi sila nagkita ni James ay uuwe ito para
sabihing ipapakilala siya nito sa girlfriend nito dahil magpapakasal na ang mga
ito. Gustong gusto niyang umiyak kanina pa pero pinigilan lang niya ang sarili
niya. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa paningin ni James.
Bata palang
sila ay magkaibigan na sila ni James. They even consider themselves as best of
friends. Palibhasa ay magkakaibigan din ang mga Lolo nila. Masayang kasama si
James kahit na may pagkasuplado ito at tahimik. Sa katunayan ay spoiled siya
dito noong mga bata pa sila. Madalas na siya ang nasusunod. Mabait sa kanya si
James palibhasa ay pareho lang sila na iisang anak. Sa katunayan ay ito ang
fist love niya. Subalit hindi niya iyon ipinapaalam kahit kanino. Umaasa siya
na darating ang araw na silang dalawa din ni James ang magkakatuluyan. Subalit
nagbago ang lahat nung araw ng graduation nila ni James sa highschool.
Nagkaroon sila ng family dinner kasama ang pamilya ni James at doon nila
nalaman na matagal na pala silang ipinagkasundo ng mga Lolo nila. Matalik na
magkaibigan ang mga ito at nagkaroon sila ng kasunduan na ipagkakasundo nila
ang mga anak nila subalit parehong isang lalaki ang naging anak ng mga ito kaya
naman silang mga apo ang magtutuloy ng kasunduan na iyon. Walang problema kay
Akira ang nalaman niya dahil noon pa man ay may gusto na siya kay James at
inaasahan niya na magiging okay din kay James ang kasunduan dahil matagal na
naman silang magkakilala. Subalit iba ang naging reaksyon ni James sa inaasahan
niya. Doon niya nakitang nagalit si James ng
sobra. Nagalit ito dahil pinangunahan ang desisyon nito sa taong mamahalin at
makakasama sa buhay. Dahil sa pangyayareng iyon ay inatake sa puso ang Lolo ni
James. Mabuti na nga lamang at naagapan ito kaagad. Binilinan na lang ng doctor
na wag bigyan ng sama ng loob ito at iwasang mastress. Wala nang nagawa si
James. Mahal na mahal nito ang Lolo nito kaya napilitan itong pumayag sa
kasunduan nila. Subalit kinausap siya nito at sinabi na hindi ito papayag na
magpakasal sila. Magpanggap na lang daw muna sila na kunwari ay sumusunod sa
gusto ng mga ito pero Malaya pa rin silang
gawin ang mga gusto nilang gawin sa buhay. Hindi daw papaya si James na may
ibang tao na magdidikta ng kasiyahan nito.
Napilitan
siyang pumayag dito at sumang-ayon na pareho sila ng desisyon. Masyadong
masakit para sa kanya ang hantarang pagtanggi ni James na pakasalan siya kaya
naman hinding hindi niya na ipinaalam dito ang nararamdaman niya.
“Anak may bisita ka” tawag sa kanya ng Mama niya mula sa
labas ng pinto.
“Ma, pakisabi masakit ang ulo ko. Bumalik nalang kamo sa
ibang araw”
sagot niya at muling isinubsob ang ulo sa unan at patuloy na umiyak.
Hindi naman na
sumagot ang Mama niya kaya inisip niyang pinaalis na nito ang sinumang bisita
niya. Kaya ganun na lamang ang gulat niya nang biglang may naupo sa kama niya.
“Hindi kami pwedeng bumalik sa ibang araw kasi mahal ang
talent fee ko”
pagtataray ni Bea.
“Talent fee your face eh dakilang tambay ka lang naman” sita naman dito ni Allison
bago naupo sa kama niya.
“Ganyan talaga kapag rich kid”
“Ano na teh?! Buhay ka pa?” Si Razel naman ang nagsalita.
Napatingin si Akira sa mga ito. Full force ang mga kaibigan niya. Ultimo si
Phoebe na napakahirap hagilapin ay narito ngayon.
“Anong meron? Bakit kumpleto kayo?” tanong niya.
“Well, nabalitaan kasi namin na dumating ang fiancée mo.
Akalain mo iyon may fiancée ka pala hindi mo man lang sinasabi sa amin?” sagot ni Demi at naupo sa
sofa sa loob ng kwarto niya. Ibinato nito kay Bea ang naupuang stuff toy.
Niyakap naman ni Bea ang stuff toy niya bago pabagsak na nahiga sa kama niya.
“Ang daya mo Aki, bakit may fiancée ka na?” reklamo nito.
“Oo nga. Ako nga hanggang ngayon wala pang fiancée eh” segunda naman ni Phoebe.
Binato naman
ito ni Aiesha ng unan. “Maghanap ka muna
ng boyfriend teh bago fiancée”
“Eh bakit si Aki, wala din namang boyfriend pero
nagkaroon ng fiancée” sagot
nito dahilan para mabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.
“Girls, ayokong magkwento” sagot niya at muling isinubsob ang
ulo sa unan.
Hinila naman ni
Allison ang unan palayo sa kanya.
“Hindi pwede. Magkwento ka. Hindi mo ba alam na itinigil naming
lahat ang ginagawa namin ng tawagan kami nitong si Razel at Johana na nakilala
daw nila ang fiancée mo. At take note ah ang gwapo daw. Kaya magkwento ka
samin. Magshare ka. Huwag kang madamot”
“I know na there’s something wrong Aki. Tignan mo nga
iyang hitsura mo. Iyan ba ang mukha ng masaya dahil dumating ang fiancée niya?” nakataas ang kilay na sita
sa kanya ni Johana.
Napailing na
lang si Akira. Alam niyang hindi siya tatantanan ng mga ito. Well, they deserve
to know naman. Ang tagal niyang inilihim sa mga ito ang tungkol kay James.
Ikinuwento niya
sa mga ito ang lahat lahat ng tungkol sa kanila ni James hanggang sa naging
pag-uusap nila kanina.
“Oh Em Gee!!! Highschool??? Naitago mo iyon sa amin ng
ganun katagal?! Aba !
Kung ako ang may ganyan kagwapong fiancée hindi ko itatago. Ipapangandalakan ko
sa buong mundo.”
Gulat na reaksyon ni Bea.
“Try mo kayang lumaklak ng reyalidad teh! Hello obvious
bang hindi naman gusto ng lalaking iyon itong kaibigan natin. So there’s no
reason para ipangandalakan niya pa iyon. Kung naitago man iyon ni Aki sa atin
naiintindihan ko siya.”
Pagtatanggol ni Allison sa kanya.
Inirapan naman
ito ni Bea. “Sus! Palibhasa pareho
kayong may itinitago eh”
Mukhang
magkakapikunan pa ang mga ito kaya pumagitna na si Johana.
“Oh ayan na naman kayo. Hindi kayo ang bida rito, si Aki
kaya pwede wag na kayong makisawsaw sa gulo.” Sita ni Johana sa mga ito. Pareho
naman itong nanahimik. Kapag si Johana na ang sumita sa kanila ay tahimik na
agad sila. Bumaling ito sa kanya. “Pero
infairness Aki ah. Highschool pa lang lumalandi ka na samantalang ako nun nakikibaka
sa pag-aaral”
“Pero alam mo gago siya. Imagine, ipapakilala niya pa
sayo ang Nicole na iyon dahil gusto niyang pakasalan ito to the point na ikaw
ang fiancée niya. Kahit naman na hindi siya sang-ayon dun aba sana man lang ay nirespeto ka niya. Sana bago pa man siya
magkaroon ng girlfriend ay tinigil niyo muna ang napagkasunduan ng mga Lolo
niyo.”
Naiinis na sabi ni Razel. “Grabe
nahahighblood ako ah. Phoebe pakilakasan nga ang aircon”
“Hindi ko gusto ang name nung girlfriend niya.
Pangkontrabida. Allison gawin mong kontrabida iyon sa mga kwento mo ah” nakasimangot na sabi ni
Demi.
“Hindi ko lang siya gagawing kontrabida, gagawin ko pa
siyang bruha. At yung James na iyon? Gagawin ko siyang ipis, Hahaha the power
of pen! Sabi nga ni Gat Jose Rizal, the pen is mightier than the sword.” tumatawang sabi ni
Allison.
“Dati na namang ginagawa ni James na magkaroon ng
girlfriend. Alam din naman ng family niya iyon. Pero lagi nilang sinasabi na at
the end of the day ako pa rin naman ang pakakasalan ni James.” Pagtatanggol niya sa
binata.
“At okay lang sayo yun?! Ano bang tingin mo sa sarili mo?
Asawang hinahayaang mambabae ang asawa niya? Huwag mo na nga siyang
ipagtanggol!”
pasigaw na sabi ni Aiesha.
“Hindi pa naman niya ako asawa eh”
“See? Hindi ka pa niya asawa pero ginagawa niya iyan.
What more pa kung asawa ka na niya?! Phoebe yung aircon!!!! Nahahighblood ako.” Mukhang sobrang highblood
na nga yata nito sa sitwasyon niya.
“Mahal niya kasi si James kaya ganun. Gustuhin ko mang
saktan itong kaibigan natin eh hindi ko magawa dahil naiintindihan ko siya.
Minsan lang tamaan ni Kupido iyan eh.” pagtatanggol naman ni Johana sa
kanya.
Siguro nga
sadyang mahal lang talaga niya si James kaya kahit na marami at paiba-iba pa
ito ng girlfriend kahit na ipinagkasundo na sila ng mga pamilya nila ay okay
lang sa kanya. Kaya nga hanggang ngayon ay wala pa siyang nagiging boyfriend
because deep inside her heart ay gusto niyang sila ni James ang magkatuluyan.
“Kung ganun rin lang naman pala ang pagmamahal ayoko na” nakasimangot na sabi ni
Demi.
“So anong balak mo ngayon?” tanong sa kanya ni Phoebe.
Nagkibit-balikat
siya. “Hindi ko alam”
“Eh bakit naman ba kasi niya gusto na makilala mo pa ang
girlfriend niya? Hindi ba dapat sa pamilya niya ito ipakilala.” Nagtatakang tanong ni Bea.
“He wants me to backout in our engagement.” Sagot niya.
“Ganun??? Bakit? Dahil ayaw niyang masabihan na siya ang
umayaw sa engagement ninyo? Gago talaga siya! Naku umiinit talaga ang ulo ko
dyan sa hilaw na fiancée mo Akira”
“So magbabackout ka nga ba?”
“Ewan ko. Bahala na. kakausapin ko nalang muna sina Mama
at Papa”
“Hay! Kawawa naman si Aki. Minsan na nga lang magkaroon
ng ibang hilig maliban sa pagkain at pagtulog nabokya pa. Halika nga dito, hug
na lang kita”
ani Johana at niyakap siya.
“Uy! Group hug!” nagsisunuran naman ang iba pa niyang
kaibigan. Nagmistula tuloy siyang suman na naipit sa mga ito. But she really appreciates
their effort in comforting her. It’s really good to have friends.
***
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^