Thursday, May 7, 2015

Can I Still Call You Mine? : Chapter 4



“So kelan ko naman makikilala si Nicole?” tanong niya kay James. Sinundo siya nito sa bahay upang yayaing lumabas. Hindi niya rin naman alam kung bakit pa siya sumasama rito. Maybe because she doesn’t want him to realize what she really feel. Or maybe she’s just still the stupid girl who’s madly inlove with him.

“Next month ang dating niya from Paris. She’s a model.”

“Wow! Model! She must be pretty then.” Aniya na may pekeng ngiti.

“Yeah. Super! Ang dami ko ngang karibal sa kanya eh. Pero ako pa din ang pinili niya.” Halata ang pagmamalaki sa boses nito.


Ouch! Hindi man lang itinanggi.

“Ang swerte mo naman pala eh.” Hindi makatinging sabi niya rito. Ang inorder na Coffeejelly na lang ang binalingan niya.

“Yeah. Ikaw may boyfriend ka na ba?”

“Wala eh”

“What do you mean wala? Wala as in break na kayo or wala na wala kang boyfriend?” nagtatakang tanong nito.

Itinigil niya ang paglalaro sa Coffeejelly niya at tumingin rito.

“Wala as in never pa ako nagkaboyfriend”

Halata naman ang gulat sa mukha nito.

“Why? Don’t tell me sineryoso mo ang pagkakasundo satin ng pamilya natin? That’s stupid.” Naiiling na sabi nito.

Oo naman. Ikaw lang naman itong hindi sumeryoso eh.

Iyon sana ang gusto niyang sabihin but instead she decided not to.

“Hindi ah. Wala lang talaga akong time sa pakikipagrelasyon. Never ko namang sineryoso iyon eh.”

“Yeah. Tayo dapat ang magdedecide sa future natin at hindi sila.”

Pilit na ngumiti lang siya sa sinabi nito. Wala nga yata talaga siyang pag-asa na mamahalin siya nito. For him, she’s still the little girl na kalaro nito noon. His bestfriend. His childhood friend. No more, no less.

“Anong plano mo habang nandito ka?”

“Well, balak ko sanang magbakasyon dito. Maglibot libot. Masasamahan mo kaya ako?” tanong nito sa kanya.
  
Nagulat naman siya bigla sa request nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

“Ha? Ano kasi…”

“Pleaseeee…” ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Pakiramdam niya ay may boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya.

Shocks! Hawak sa kamay palang iyan ah. Paano pa kaya kung halikan niya ako?

“Wala naman kasi akong ibang friend dito eh. You are my bestfriend kaya kanino pa ba ako lalapit?”

Yeah. Bestfriend!

Napabuntong hininga siya bago ngumiti dito.

“Sure. Sige akong bahala sayo. Para ano pa at naging bestfriend mo ako kung hindi kita masasamahan habang nandito ka”

Okay na din siguro iyon sa kanya. Makakasama niya si James habang malaya pa ito at hindi pa ikinakasal. Hahayaan niya munang magpakatanga ang sarili niya.

***

Kung saan saan sila nagpunta ni James. Nariyang nagswimming sila, nagpunta sa Boracay, nag horseback riding. They even went to Enchanted Kingdom. Aaminin niya, nag-enjoy siya sa paglabas labas nila ng binata. Kung minsan ay kasama ang mga pamilya nila, pero mas madalas na silang dalawa lang ni James. Pakiramdam nga niya ay girlfriend siya nito kung ituring siya ni James. Nakilala na din ito ng mga kaibigan niya. Wala namang negative reactions na lumabas sa bibig ng mga ito. They are civil enough to face him. Kung meron man itong mga negative reactions ay sinarili na lang ng mga ito because they didn’t want to hurt her feelings.

“Basta kapag ikaw nasaktan dyan sa pinaggagawa mo huwag mong sabihin na hindi ka namin binalaan ah”

“I know that. Thanks girls.”

Alam naman niya na may posibilidad na masaktan siya dahil hindi naman siya kayang mahalin ni James. Pero okay na sa kanya na makasama muli ito. Matagal na mula nung huli silang nagkasama and mula nung nalaman ni James ang tungkol sa pagkakasundo sa kanila ay nagbago na ito ng pakikitungo sa kanya. Namiss niya ang binata. Ang buong akala nga ng pamilya nila ay nagkakamabutihan na silang dalawa ni James.

“Coffeejelly. Your favorite” nakangiting sabi sa kanya ni James at iniabot ang binili nitong inumin.

“Thanks.” Sagot niya at uminom sa bigay nito. “The best talaga ang Coffeejelly. No wonder naaadik sa kape si Allison” nakangiting sabi niya.

“It’s good to know that you finally have friends. They seems loyal and trustworthy”

“Yeah. I’ve been friends with them since my College Years. Ever since hindi na kami nagkahiwahiwalay. May pagkapraning nga lang sila minsan pero alam ko naman na lagi silang nandyan para sakin.”

Si James lang ang matatawag niyang kaibigan mula pa pagkabata. Madalas kasi siyang mabully noon at si James ang lagi niyang tagapagtanggol. Kaya naman mula noon ay hindi na niya sinubukan pang makipagkaibigan sa iba. Sa mga bakada nila ay si Allison ang una niyang naging kaibigan. Nakilala niya ito noong enrollment palang. Kaibigan na nito sina Razel at Johana kaya naman napasama siya sa grupo nito. Hanggang sa maging kaibigan na din nila sina Aiesha, Demi, Bea at Phoebe Ann. Masaya siya na naging kaibigan niya ang mga ito. Hinding hindi niya ipagpapalit ang mga ito kahit na madame pang mas better sa mga ito.

“Mabuti naman kung ganun.”

Natahimik silang dalawa ni James. Panakanaka ay sinusulyapan nila ang isat isa at biglang mapapangiti.

“You’ve grown beautiful Aki. Well, dati ka namang maganda na but you’re prettier now.” Puri nito at matiim na tinitigan siya. Nailing naman siya sa paraan ng pagtitig nito.

“Oh come on! Hindi naman masyado. Saktong ganda lang” nakatawang sabi niya at marahang hinampas pa ito sa balikat.

“That’s why I’m wondering ung bakit walang nanliligaw sayo.”

“Hindi nila kasi napapansin ang kagandahan ko eh……parang ikaw

“Ha? May sinabi ka ba?”

“Wala. Sabi ko mga bulag sila dahil hindi nila napapansin ang kagandahan ko.”

“Yeah. Tama ka dyan.”

Natahimik sila ulit dalawa at ipinagpatuloy ang pag-inom.

“Hi Akira! Long time no see ah. Bakit parang lalo ka yatang gumaganda?” bati sa kanya ni Chad.

Chad!” gulat na sabi niya. “Anong ginagawa mo dito?”

“I own this place remember?” nakangiting sabi nito.

Oh Yeah! Bakit nga ba niya nakalimutan iyon. Chad owns this place na madalas nilang tambayan ni Allison dahil malapit ito sa opisina nila.

“May date ka?” tanong ni Chad at tinignan si James.

“Date? Nah! Friend ko, balikbayan. Nagpapalibre akong kape”

Ngumiti naman si Chad at bumaling kay James.

Chad Suarez Pare. Ako na magpapakilala sa sarili ko kasi mukhang walang balak si Akira na ipakilala ako sayo eh. Ako ang may-ari nitong Coffeeshop.” Nakangiting sabi ni Chad at inilahad ang kamay kay James.

Tumayo naman si James at tinanggap ang pakikipagkamay ni Chad.

“James Madrigal. Nice to meet you. Masarap ang kape niyo dito”

Halatang natuwa naman si James sa narinig.

“Good. At dahil diyan libre na ang kape niyo”

“Bayad na kaya ito” singit niya.

“Eh di yung susunod na kape niyo”

Napailing na lang si Akira. Hindi niya talaga kayang sabayan ang kakulitan ni Chad.

“Sige maiwan ko na kayo. Nice to meet you ulit Pare” paalam nito bago sila tuluyang iniwan ni James.

“Friend mo?” tanong ni James pag-alis ni Chad.

“Si Chad? Well, matagal ko na siyang kilala pero di ko masasabing friend kami. Acquaintance siguro. Mas friend sila ni Allison”

“Ahh I see”

“Pasensya na kay Chad ah. Sira ulo lang talaga yun. Kakalaklak siguro ng kape niya”

“Wala yun. He seems nice naman”

“Sabagay. Makulit lang talaga.” Kibit balikat niya bago binalingan ulit ang pag-inom ng Kape.


***

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^