“Ang ganda naman ng anak ko. May date ba ulit kayo ni
James?”
puri sa kanya ng Mama niya nang pumasok ito sa silid niya.
“Talaga bang maganda ako Ma? O sinasabi niyo lang na
maganda ako kasi anak niyo ako?”
Nilapitan siya
ng Mama niya at hinawakan ang buhok niya.
“Maganda ka Anak. Totoo yun at hindi dahil anak kita.
Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo.”
“Thank you Ma”
Hanggang ngayon
ay hindi niya pa rin magawang sabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa
engagement nila ni James. Ayaw niyang masaktan ang mga magulang niya. Kahit na
sooner or later masasaktan din naman ang mga ito, eh di gawin na lang later.
“Ilugay natin ang buhok mo Anak. Mas bagay iyon sayo” Kulot kulot ang buhok niya
kaya hindi siya mahilig maglugay dahil pakiramdam niya magmumukha siyang Ita.
“Ma naman eh. Alam mong sabog ang buhok ko.” Nailing na sabi niya. Kahit
na gustuhin man niya ay alam niyang imposible yun.
“Madaling solusyunan iyan Anak. Hindi mo yata naitatanong
dating Beauty Queen ang Mama nung nag-aaral pa ako. Akong bahala sayo.”
Hinayaan nalang
ni Akira ang kanyang ina sa kung anong balak gawin nito sa buhok niya. Hindi
naman siya pababayaan ng Mama niya eh. Kung ano-ano ang ginawa nito sa buhok
niya. Minake-up-an din siya nito. Hindi siya nito hinayaang tumingin sa salamin
hanggat hindi ito tapos sa ginagawa nito sa kanya.
Nang iharap
siya ng Mama niya sa salamin ay halos hindi niya makilala ang sarili.
Ang ganda ko!
“Ako ba talaga ito Ma?” di makapaniwalang tanong niya sa Mama
niya.
“Oo naman Anak. Ang ganda mo diba? Mana ka kay Mama” proud na sabi nito sa
kanya.
“Anong sayo nagmana? Sa akin kaya nagmana iyang anak ko” mula sa pinto ay sumungaw
ang Daddy niya.
“Papa! Ang ganda ko diba? Ang galing ni Mama”
“Sus! Paano ba hindi gagaling ang Mama mo eh laman ng
Parlor iyan eh”
biro ng Papa niya dito.
“Oy! Hindi naman masyado” nakasimangot na sagot ng Mama niya.
Sabay sabay pa
silang nagtawanang tatlo. Natigil sila sa pagtatawanan ng may marinig silang
busina ng sasakyan.
“Nandyan na yata ang sundo mo Anak. Naku siguradong
lalong maiinlove sayo si James” nakangiting sabi ng Mama niya.
Napangiti na
lang din si Akira. Ayaw niyang bigyan pa ng alalahanin ang mga magulang niya.
Pagbaba nila ng
Salas ay naabutan nilang naghihintay si James. Tumayo ito at sinalubong sila.
“Ready?”
“Yeah”
“Ingatan mo ang anak namin ah James” bilin ng mga magulang niya
dito.
“Yes tito and tita” nakangiting sagot ni James sa mga ito
at inalalayan na siya pasakay ng sasakyan.
Hindi man lang ba niya ako pupurihin? Hindi man lang ba
niya sasabihing maganda ako?
Subalit
hanggang sa makaalis sila ni James ay wala man lang sinabi sa kanya ang binata.
Dissapointed man ay itinago na lamang ito ni Akira sa sarili.
Baka naman nahihiyan lang siya.
“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong niya kay James habag
nagbabyahe.
“I have a reservation at La Breeze Hotel”
“La Breeze? Mahal dun ah. Bakit dun ka nagpareserve?” taking tanong niya.
Ang La Breeze
Hotel ang isa sa pinakasikat na Hotel sa bansa at mga mayayaman at kilalang tao
ang alam niyang nagpupunta dito.
“Well, friend ko yung anak ng may-ari nun. Nagkakilala
kami sa Canada .
Sabi niya kapag umuwe daw ako dito eh puntahan ko daw yung hotel niya”
“Wow! Big time ka pala eh. May-ari ng hotel ang kaibigan
mo”
“Anak” pagtatama nito.
“Ganun na din yun. Kanino pa ba ipapamana ang kayamanan
nila kundi sa Anak diba?”
“Well, tama ka.Besides this is a very special day”
“Special?”
Hindi naman
niya birthday at hindi rin naman birthday ni James. Lalo naming hindi nila
anniversary dahil wala naming “sila”.
Magtatapat na ba si James ng pag-ibig niya sa akin?
Ilusyunada!
Masama bang mangarap?!
“Malalaman mo pagdating natin” pamisteryong sagot ni
James.
Hindi tuloy
mapakali si Akira kung ano ang surprise na sinasabi ni James. Pero minabuti na
lang niyang huwag nang magtanong.
Gusto kong masurprise!
***
Isang
unipormadong waiter ang nag-assist sa kanila ng makarating sila sa restaurant
ng La Breeze. Kakaiba talaga dito. Ngayon lang siya nakarating dito at talaga namang
namamangha siya sa ganda at laki ang hotel.
“Ano na yung sinasabi mo?” tanong niya nang makaupo.
“Later”
Naiinip na siya
sa kakalater nitong si James pero hindi na lang siya nagreklamo. Aba eh kung ayaw niyang
magsalita eh di ieenjoy na lang muna ni Akira ang pagkain.
“Order na ba tayo?”
“Later” sagot nito at luminga linga sa paligid.
“Later na naman? Ano ba kasing meron?”
Subalit bago
siya sagutin ni James ay bigla na lang itong tumayo.
“Here she is” anito at naglakad palayo.
Nagtatakang
sinundan naman ni Akira ng tingin si James at ganun na lamang ang gulat niya ng
lapitan nito ang isang magandang babaeng papasok ng restaurant. Kitang kita
niya nang halikan nito ang babae.
Ohmygee!
Nakangiti na si
James nang lumapit sa table nila. Kinontrol naman ni Akira ang emosyon niya.
Baka mahalata siya ni James at ng magandang babaeng kasama nito.
“Babe meet my Bestfriend Akira, Aki, meet Nicole” pakilala nito sa kanilang
dalawa.
“Hi, So you are Akira. I heard a lot about you from James” nakangiting sabi nito at
nakipagbeso sa kanya.
“Ah oo. Siguro naman hindi ako sinisiraan ni James sayo?”
“Of course not. Sabi ko kaya sa kanya na ikaw ang
pinakamabait na bestfriend sa buong mundo” tanggi ni James.
“Sus! Binola mo pa ako. Eh ako lang naman ang bestfriend
mo. Hindi mo naman sinabi sa akin na ngayon mo na pala ipapakilala si Nicole
sakin. Eh di sana
nagpaganda ako para hindi naman nakakahiya”
“You’re pretty naman Akira eh. Hindi mo na kailangang
magpaganda pa. ” sagot ni Nicole.
Pero hindi kasing ganda mo. Kung alam mo lang kung ilang
oras ako inayusan ni Mama para maging maganda ako ngayon sa paningin ni James
pero dinema lang niya ang beauty ko. Yun pala eh walang wala ako sa
kalingkingan ng kagandahan mo.
“Oh tara na at magorder
dahil kanina pa ako nagugutom” sagot niya at nauna nang umupo sa table.
Madame siyang
inorder na pagkain. Susulitin na niya dahil si James naman ang magbabayad ng
lahat ng ito. Makaganti man lang ang sugatan niyang puso dito.
Hah! Mamulubi siya ngayon.
Alam niyang
mahal ang lahat ng pagkain dito. Tutal bihira lang siya makakain ng mamahaling
klase ng pagkain.
Halos mapuno
ang table nila sa dami ng inorder niya. Sinimulan naman niya na lantakan na ang
mga pagkaing nakahain sa mesa. Manghang nakatingin naman sa kaniya ang dalawa.
“Wow! You really have a big appetite” pansin sa kanya ni James.
“Ang mga ganito kasarap na pagkain ay hindi dapat
pinalalampas. Compliments to the Chef!”
“Are you not afraid of getting fat?” maingat na tanong ni Nicole
sa kanya.
“Fat? Naku hindi uso sakin iyon. Pati na din ang diet.
Mabilis ang metabolism ko eh kaya hindi ako tumataba” sagot niya.
“I envy you Akira. Ako kasi konting mapadame lang ang
kain ko tumataba na ako kaagad eh. That’s why I really should look out the foods
that I’m eating. Lalo na sa profession ko ngayon”
“Halata nga eh” napansin niyang soup lang ang tanging
inorder nito.
Paano kaya siya nabubusog dun?
“Matagal na ba kayong magkaibigan nitong si James Akira?” tanong ni Nicole habang
kumakain.
Kahit na ayaw
na ayaw ni Akira na may iistorbo sa kanya kapag kumakain siya ay wala siyang
magawa. Tutal libre naman ito eh.
“Oo matagal na. Since birth”
“Wow! Eh di kilalang kilala mo na si James”
“Hmm siguro oo. Matagal na din naman kasi kaming hindi
nagkita at nagkasama eh”
“Pero kahit na matagal kaming hindi nagkita nito ni Akira
eh siya lang ang nag-iisang bestfriend ko” singit ni James.
“I wish I have a friend like you Akira. Only child lang
kasi ako and di ako pinapayagan ng parents ko na makipaglaro noon sa ibang
kids. Can you be my friend ba?” paglalambing na sabi ni Nicole.
Paano niya ba
magagawang mainis sa ganitong klaseng babae. Maganda, mabait, mayaman,
sopistikada at malambing. Kabaligtaran niya talaga.
“Can you be my friend Akira pleaseeeeee?”
Wala nang
nagawa si Akira kundi ang ngitian ito.
“Sure. Kaw bahala.”
“Yes! Thanks Aki” tumayo pa talaga ito at niyakap siya.
Mukhang
maswerte nga yata talaga si James na makatagpo ng ganitong klase ng babae. Ang
malas naman talaga niya.
***
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^