DAY 5
AFTER CONFESSION
"Ikaw"
Hanggang ngayon umeecho pa rin yung pag-amin ni Lance na ako
yung mahal niya. Lunod na lunod ako kagabi sa mga revelations pagbalik ko sa
tent hindi ako nakatulog agad.
“Ha?” Tumingin ako sa kaniya.
“Oo ikaw yun Shimara, 1st year pa lang kayo ni Rizzy
nung una kitang makita. Lagi ko kasi siyang hinahatid noon dahil utos nila
Moomy, akala ata nila magkakatuluyan kami pero nung nakita kita, ang weird nung
feeling kasi hindi naman ako naniniwala sa love at first sight until I saw you, tinanng ko kay Rizzy kung ano pangalan mo binalaan niya ako agad na ‘wag na daw
kita subukan lapitan dahil masungit ka daw. Pero di ako nawalan ng pag-asa na one day makikilala kita, kaso talagang mailap ka, isang beses sinabi sayo ni Rizzy na may gustong magpakilala sayo pero grabe pagtanggi mo.” Mahaba niyang kwento.
May nabanggit nga noon sa 'kin si Rizzy na gustong magpakilala, akala ko mga classmates or schoolmates lang namin yun kaya ayoko talaga at saka nung mga panahon na yun inaayawan ako ng lahat. Until one day na nawawalan na siya ng pag-asa sinubukan niyang ibaling ang atensyon sa iba, kahit labag sa loob niya sinubukan niyang makipag date. Unti he met his ex girlfriend, kaso sa pagiging demanding nung babae nasakal si Lance kaya hindi rin nagtagal ang relasyon nila. Sa parteng yun parang gusto kong manghinayang edi sana okay na kami ngayon. Hindi sana naka-entra ang ex girlfriend niya! Kaya rin siguro ito ang pinili ni Rizzy na challenge para sa 'kin sa pustahan para maging daan para makilala ko si Lance.
Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko, flattered na
nakaka-overwhelm yung confession niya. Natutuwa ako na kinikilig parang gusto
kong sumayaw sa saya. Alam ko sa sarili ko na unti-unti akong nahuhulog kay
Lance, pero ayokong madaliin ang lahat at ilang araw na lang kami dito sa
camp pano ko masisigurado ang lahat. Oo, takot akong mag-take risk, takot ako
masaktan at takot ako maiwan kung sakaling hindi niya tuluyang magustuhan ang
ugali ko. Paano kung patulad lang ako sa ex niya na iniwan niya dahil lang sa
naging demanding.
Tulad nung mga nakaraang araw tuloy lang ang pagtuturo ko sa mga
bata. Kanina, hinintay ko si Lance pero hindi niya ako hinatid. Binabawi na ba
niya yung inamin niya sa ‘kin kagabi? Ayaw na ba niya sa ‘kin agad? Hala! Ano
ba ‘tong iniisip ko.
Natapos ang klase pero hindi pa rin talaga nagpakita si Lance. “Ate
Ganda, may surpresa kami para sa ‘yo.” Sabi ni Daniel. Napangiti naman ako, sobrang
mamimiss ko ang mga bata ‘tong pagbumalik na kami sa Manila. Sisiguraduhin ko
na babalik ako sa lugar na ito.
Lumabas silang lima at ako ay umupo muna pansamantala sa aking
mesa. Pagkaraan lang ng ilang minute isa isa silang pumasok at isang bulto rin
ang pumasok. Bawat isa sa kanila ay may makukulay na papel na hawak, ang
nakasulat ay “Will-You-Be-My-Girlfriend”, kay Lance naman ang nakasulat na
malaking question mark at may puso pa. Ang laki nang pagkakangiti niya as if
naman na sasagot agad ako ng “Oo”. "So sasa gutin mo?" Sabi ng intrimitidang utak ko.
“Anong kalokohan ‘to Lance.” Hindi ko napigilan na mapangiti. “At
ginamit mo pa talaga ang mga alaga ko ha.”
“Namiss mo ba ako?” Sabay ngisi.
Inirapan ko lang siya. “Kapal mo, tigilan mo nga yan. Gutom mo lang yan”
“Hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko eh.” Nakalabi niyang
sabi.
Hinila ko siya palabas ng room. “Naku, gutom lang yan halika na
at kumain.” Pero deep inside me, sobrang kinikilig ako, ayoko lang ipahalata.
“Uyyyyyy.” Sabi naman ng mga bata, pati na rin ng mga volunteers
dahil andun pala sila paglabas namin, kasama si Rizzy na sobrang ang tuwa. “Sa
wakas umamin na rin ang kaibigan ko.” Sabi ni Rizzy.
Sobrang pula ng mukha ko, nakalimtan ko na hawak ko pa pala si
Lance, kaya naramdaman ko na lang na hinihila niya na ako palapit sa kaniya. “Ano,
sasagutin mo na ba ako?” Taas baba pa ang kilay niya.
“Liga—“ Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may yumakap
sa kaniya at napabitaw siya sa pagkakahawak ko. “Babe!” Sabi ng babae na ngayon
ay hinalikan siya sa labi.
Nanlaki ang mata ko, she is tall, sexy and really beautiful ano
ang panlaban ko dun? Lahat ng nasa paligid namin ay napanganga sa naganap.
“Bianca?” Kahit si Lance ay nagulat.
Lumakad ako palayo. Ang sakit nang nakita ko, nagsisimula pa
lang ang love story namin tapos biglang masisira na agad. Ang unfair, akala ko
ba break na sila? Pero bakit babe pa rin ang tawag nung babae sa kaniya, bakit siya hinalikan? Bakit
andito siya sa Aurora? Ito na nga ba ang sinasabi ko, dumami lalo ang tanong sa
utak ko.
“Okay lang Shimara?” May pag-aalala sa boses ni Rizzy nasa tent na kami at
nag-aayos ng mga gamit.
“O-oo naman.” Umiwas ako ng tingin ayokong makita niya na
naapektuhan ako sa nasaksihan namin.
“Sure ka?” Paninigurado niya.
"Yup! Thanks, alis lang ako saglit ha." Paalam ko.
"Saan ka pupunta?"
"Maglalakad lakad lang, don't worry about me." Dala ko ang canvas ko.
Nagtanong ako kay Daniel kung saan yung papunta sa falls. Sabi niya mayroon tricycle na pwedeng magdala sa 'kin dun. "Kuya, pwede niyo po ba akong ihatid sa falls?" Tanong ko sa driver na dumaan. Um-oo naman siya at dinala ako sa falls.
Totoo ang sinabi nila, napakaganda dito. Ang linaw ng tubig na nanggagaling sa rumaragasang falls. Umupo ako sa mga bato sa gilid ng ilog, at sinimulang gumuhit. Ganito ako sa tuwing na-i-stress ako o kaya maraming iniiisip. Gusto ko balewalain yung nangyari kanina. Baka nga hindi talaga kami para sa isa't isa atsaka may girlfriend na pala siya. Biglang may tumulong luha sa canvas. Tinuloy tuloy ko na lang ang pagdrawing ko.
Papalubog na ang araw nang maisipan kong umuwi. Teka san nga ba ako uuwi? Hala! Wala akong makitang sasakyan, pano na ba 'to? Ang tanga tanga mo naman kasi Shimara, umalis ka na hindi inalam ang daanan. Gustong kong maiyak. Naglakad ako ako nang naglakad, di ko na alam ang daan. Nakakaramdam na ako ng takot sa pwede kong kahinatnan, wala pa naman ka-tao tao sa lugar, binabalot na rin ng dilim ang kapaligiran. Umiyak na ako ng tuluyan. "Lord, hindi po ako madasaling bata, at hindi po maganda ang pag-uugali ko, pero sana po wag Niyo po akong pababayaan, kawawa naman po ang Mommy at Daddy ko at baka malagot pa si Rizzy sa parents ko pag may nangyari sa 'kin dahil sa padalos dalos ako. Kayo na po ang bahala sa akin." Biglang may liwanag na nagmula sa kung saan. Hala, kukunin na ba ako ni Lord?
"Shiiiiimaaaaraaaa!!!!" Tawag ng isang nilalang. Pamilyar yung boses.
"Ano bang problema mo? Bakit pumunta ka dito nang hindi man lang nagsasabi?" Pasigaw niyang sabi nung bumaba siya ng sasakyan.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kawalan. Napapagod na ako sa paglalakad at nanlalambot na.
Bigla niya akong niyakap nang mahipit. Nalito ako bigla. "'Wag mo na ulit 'tong gagawin parang awa mo na Shi, baka sa susunod mamatay na ako sa sususnod dahil sa pag-alala sayo. Mahal na mahal kita" Mababa ang tono niya.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^