Friday, May 1, 2015

I Love You Mr. Womanizer: Chapter 9



MICHELLE FERNANDEZ


Nasa library ka ng araw na yun kasama sina Abi, Kristel at Uno dahil may quiz kami sa isang subject nang biglang lumapit sa akin si Jam.

"Mitch, gusto ko lang sana mag-sorry about sa nangyari kahapon, hindi ko sinasadya na sigawan ka. Nasabi kasi sa'kin ni Shie na umiyak ka kahapon." Nahiya ako bigla sa sinabi ni Pres. "Okay lang po yun, di naman po mawawala yung pressure sa mga organization." Sabi ko.

"Sorry talaga, nastress na rin kasi ako at may pinasikaso pa para sa requirements ko sa isang subject."

"Okay lang po talaga, kalimtan na po naintindihan ko na naman po."

"O sige Mitch, kita tayo next month para sa event ha." ngumiti siya at nagpaalam.

"Dapat kasi bitawan mo na yung posisyon mo dyan sa SC eh." Biglang sabi ni Uno.

"Hindi pwede, nakapag simula na ako, tska konting misunderstanding lang yun."

Bumuntong hininga na lang si Uno.

"Hayaan mo na lang si Mitch, Uno yan maya pag-awayan niyo pa yan." Sabi naman ni Kristel.

Nakita kong umilaw yung phone ko, may nag missed call, naka silent kasi kaya huli na nakita.

"Kristel, may kilala kang number na 0917..." Tanong ko.

"Wala."

"Uno, pahiram phone, may ichecheck lang ako."

Agad naman niyang binigay. Nagdial ako ng number pero wala rin sa contacts niya, ide-delete ko na sana yung number pero may napansin ako na hindi familiar na name sa received calls, missed calls at dialed. Bukod sa pangalan ko, may name dun na Sarah from 12nn na tawag, pati 12mn. Hindi ako paki-alamera ng cellphone, sa simula pa lang ng relasyon namin  ni Uno, I never checked his phone ngayon lang. Tinignan ko ang messages niya at nagulat ako sa nabasa ko.

"Babe kain ka na. Mwa :* "  Message from Sarah. Sumakit yung dibdib ko, di ko na binasa pa yung iba. Hindi, hindi magagawa yun ni Uno, siguro nakipag flirt lang yung babae na yun. Binalik ko yung phone na parang wala akong nabasa.

Hanggang sa klase tahimik lang ako pati sa pag-uwi.

"Bakit ang tahimik mo Mitch?" Tanong ni Uno.

"Ha? Ah wala, masama lang pakiramdam ko." Hinipo niya yung noo ko.

"Nilalagnat ka ba?" May pag-aalala sa tono niya, kinatuwa ko yun kasi kahit papaano concern siya sa akin.

"Wala, okay lang ako."

Hinalikan niya ako sa noo. "I love you Mitch"  Bigla niyang sabi.

"I love you more Uno." At ngumiti ako sa kaniya.

****

Hindi pa rin ako mapakali, inaalis ko sa isipan ko ang mga posibilidad. No! Mahal ako ni Uno yun ang mahalaga at hindi na siya magloloko pa.

"Uno is a asshole." Nag-echo sa 'kin ngayon ang mga sinabi ni Eunice.

Nasa Mcdo kami ngayon dahil wala na masyadong klase kasi Friday na, Friday sickness. Hiniram ko ulit yung cellphone ni Uno, baka namalik mata lang ako o kaya baka na-misinterpret ko lang maaaring mga kaibigan lang niya yun. Tinignan ko yung log contacts at andun pa rin yung pangalan na Sarah. Tinignan ko din yung messages, nandun din yun message may nadagdag pa.

"I love you babe." 12:03am

Napansin ko talaga yung oras na yun dahil usapan namin 10pm matutulog na kami dahil maaga ang pasok kinabukasan, pero base dito sa nabasa ko malamang na gising pa siya ng ganitong oras. Napasimangot na ako.

"Problema Mitch?" Tanong ni Kristel.

Tumingin ako kay Uno.

"Ano 'to?" Pinakita ko sa kaniya yung text nung babae.

Nakita ko na namutla siya. "H-ha? Wala yan Mitch, mga nanloloko lang sa 'kin." Sabi niya.

"Ano ba yan?" Tanong ni Abi. Pinakita naman ni Uno.

"Naku, lagot ka Uno, ayusin mo yan." Pananakot naman ni Kristel.

"Feeling ko si Eunice 'to e, nagpakilala lang na Sarah."

Naniwala ako dahil malaki ang naging galit ni Eunice kaya siguro ginagawa niya 'to samin. Kailangan ko lang magtiwala kay Uno, kailangan kong panghawakan yung sinabi niya na mahal niya ako.

"Please Mitch, wag tayong mag patalo sa ganitong issue." Inakbayan niya ako.

"Basta lang magpapakabait ka! At tigilan mo yang pakikipag text sa Sarah na yan." Irap ko sa kaniya.

"Yes boss!" Tinaas pa niya ang kanang kamay niya. "I love you so much Mitch!"





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^