Half Blood
[Curse of the Dark Hex]
III: Cold
Jaydee's POV
==============
HALOS madapa na ako sa kakalakad ng mabilis. At halos magkanda-maos na ako kakatawag ng pangalan ni Amadeus pero hindi man lang siya nag-aksaya ng panahon na lingunin ako o sumagot man lang. He must be really, genuinely angry! Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi ako pansinin ni Amadeus.
Usually, Amadeus is very sensitive towards me. Makita lang niyang naka-kunot ang nuo ko alam na niyang hindi maganda ang mood ko. O kung malungkot man ako o may bumabagabag sa'kin. Usually, pag tinawag ko ang pangalan niya, he will quickly respond to it. Pero ngayon...
Gaano ba kalaki nagawa kong kasalanan? Wala naman akong nasaktan! Hindi naman ako gumamit ng forbbiden spell! Malaking offence na ba 'yong nagising ko ang buong Matchedry University sa simple spell? Urgh! So frustrating!
"Amadeus!" I tried to call him again, but still no response! He's not even bothered to look at me!
Nasa hallway na kami palabas ng Academic Building. Wala na akong makitang mga students ngayon. Lahat siguro sila naka-alis na except me. Nauna na rin kasing umalis si Dian dahil nag-hihintay ang parents niya sa kaniya.
Sobrang tahimik ng castle pag walang mga students. I can appreciate the serenity of the surroundings. I can distinctly hear the singing birds. How magnificent the structure of the wall made of empty blocks. The ceiling with moving paintings of fairies, and beautiful gods and goddesses. Wide windows where you can examine the cliff at the side of the castle and of course! The finest Mount Mediocris!
The sweet air that gives me the feeling of excitement for something I don't know. The aroma of grass and jasmine rose. And Ludwig, there at my back. Walking calmly enjoying the beauty of his milieu. His snowy white skin glows under the sunlight.
Habang ako, heto! Hindi magkamayaw kaka-habol at kakatawag kay Amadeus! He has to listen to me. He needs to listen to my explanations! I don't want to get expelled! After all, naging bahagi na rin ng buhay ko ang school na 'to!
I discovered not just unbelievable things, but also friendship. This school comforts me from those times I was so alone. This school helps me how to smile again. I hate to admit it, but, I valued this school!
"Amadeus!" For the fifth time I yelled again. Still, there was no response. Patakbo akong lumakad palapit sa kaniya at sa wakas, I manage to hold his hand.
Gumapang ang lamig sa katawan ko. Cold. Bulong ko sa isip. Nanatili akong walang kibo nang dahil sa gulat. Since when did his hands got colder? Hindi naman iyon dating gan'on! I mean I once, twice or more than twice ko nang nahawakan ang kamay niya. And I still remember how warm it is. Pero ngayon para siyang inilagay sa freezer at prineserba ng buong mag-damag!
Hawak ko pa rin ang kamay niya ng hawiin niya ito. Bakas ang tensyon at galit sa mukha niya, bagay na ikinatakot ko. I flinched. But as soon as he realised I was scared, his face turned to gentle Amadues I have known before.
Napansin ko ring natigilan si Ludwig para panoorin ang mga nang-yari. At muli siyang lumakad ng habulin ko ulit si Amadeus.
"Sandali!" Pigil ko. Hanggang sa hindi ko na natiis. Bago pa siya lumiko sa kaliwang hall ay sumigaw na ako ng napakalakas. "Listen to me! I don't want to leave this school!"
Nag-echo ang boses ko sa kabuuhan ng hallway. Nakita ko pang nag-liparan ang mga ibon na tahimik na namamahinga sa puno ng mini garden sa gilid namin. Natigilan si Amadeus, maging si Ludwig. I started crying for no reason whatsoever
Suddenly, I'm flooded with mixed emotions. Bumigat ang dib-dib ko. Pach Ebelle going to expel me. Dian.... She told me they might transfer to another country. I don't know! And Amadeus! The one who constantly told me I am precious, I am lovely, is ignoring me like I am nothing to him anymore!
Humihikbi na ako ng lingunin ako ni Amadeus. It was a cold stare. And it's hurting me more seeing those cold stares.
"Very well. Please pack up your things and go home. I will tell you what your punishment is when we get back home," iyon lang at tumalikod na siya. Pag-liko niya sa left wing ay bigla siyang nag-lahong parang bula.
Naiwan akong umiiyak. Nawala na rin sa isip ko na naroon si Ludwig. He gracefully walks towards me. I just notice now how perfect he is even with his chick-like poker face expression and favorite over all black fashion clothes.
He stood in front of me. Kinailangan ko pang tumingala para lang matingnan siya dahil sa tangkad niya. Marahan niyang iniangat ang kaliwang kamay niya at dumampi sa pisngi ko ang daliri niya para punasan ang luha ko.
"Precious, Jay," he said. It was almost a whisper. Napayuko na lang ako habang hinahayaan kong tumulo ang nga luha ko.
°°°°°°°°°°
NAPA-ANGAT ang ulo ko mula sa pag-kakahiga ng maramdaman kong may nag-bukas ng pinto. It was Ludwig. Naupo ako habang naka-balot pa rin sa kalahati ng katawan ko ang pink and black zebra print kong blanket.
"Sleeping?" Tanong niya with a straight face. No emotion as usual. He's a man who doesn't know any about punctuation marks.
Umiling ako, "Just lying down," sagot ko sa walang gana kong boses. Sa kwarto kasi agad ang punta ko ng makarating kami sa bahay. Ayaw kong makita si Amadeus! Naiinis ako sa kaniya! Pag naiisip ko 'yong pangde-deadma na ginawa niya sa akin kanina hindi ko maiwasang magalit! Napailing na lang ako at ibinaling ang atensyon sa malaking puting box na bit-bit ni Ludwig. "Ano 'yan?"
Lumapit siya sa kama ko at inilapag doon ang box, "Punishment," he said plainly.
I crawl onto my bed to get to the white box. I sat down and open it slowly. Unang bumungad sa akin ang malaking wax paper na nakapatong sa itaas ng kung ano mang bagay na nasa loob noon. Pero nag-dalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi dahil mukhang nahuhulaan ko na kung ano 'yon. Alala akong napalingon kay Ludwig.
"Open it," saad niya. Ipinunto pa niya ang palad sa box.
Dahan dahan ko iyong binuksan at tumama nga ang hinala ko. Bumulaga sa akin ang isang silky red tube dress na may black ruffles sa itaas ng tube. May malaking ruby diamond sa gina ng dress at black silky waist ribbon. Inangat ko iyon, sa tantya ko above the knee ang haba nito at mayroon din itong black laces and ruffles under the silky red dress. Low back dress at may big black ribbon sa likod.
At hindi lang iyon. Meron pang black high heeled shoes at black small hand bag. I looked back at Ludwig with horror.
"What's this all about, Ludwig?" Tanong ko na para bang naiiyak na ako.
"Amadeus wants you to go with him to a ball tonight. You need to wear that," huminto siya saglit para tingnan ang damit at muling nag-patuloy. "Pero bago iyon, he plans to bring you somewhere. Mag-bihis ka na. He's waiting for you down there," iyon lang at lumabas na si Ludwig sa kwarto ko.
Hawak ang dress ay padabog kong inilapag ang mga kamay ko sa hita ko at nag-pakawala ng bugtong hininga. "Punishment indeed!" I whisper to myself.
Amadeus knows how to punish me. He knows I don't really like dress and high heeled shoes! This is totally torturing me!
MATAPOS kong mag-bihis ay bumaba na ako. Iika-ika akong lumakad pababa ng hagdan. Hindi na ako nag-ayos ng husto. Simpleng foundation, blush-on, at red lipstick lang ang inilagay ko sa mukha ko. Hinayaan ko lang na naka-lugay ang buhok ko.
Mahigpit ang pag-kaka-kapit ko sa handle ng malawak naming hagdan na may red carpet pang naka-cover. Our house is actually a mansion. Old fashioned mansion. There are three fancy chandeliers. One on the ceiling of the staircase. In the middle of the house and one in the dinning area.
Maraming kwarto, mapa-itaas man o mapa-baba. Although maraming chandelier. Parating naka-dim light ang bahay namin. Amadeus likes it, at nasanay na rin ako. It doesn't bother me much anymore. Malawak ang lupang kinatatayuan ng mansion. We have three magnificent garden.
The front garden, the back yard garden, and lastly my most favorite of all. The Garden of Heaven. You can see the true beauty of nature there! May maliit na ilog at malawak na lawa na kumokonekta na Ocean of Astrofegnia. May mga small hills na pwede mong akyatin at mag-pahinga sa tuktuk noon.
May ibat-ibang klase rin ng mga halaman at bulaklak. Mga punong namumunga. Apples, coconuts, bananas. Oranges and Grapes! The sweet smell of strawberries and blueberries. Cherry blossoms and maple trees that turned into red or brown when autumn is coming. At ang huni ng mga ibon. Ang hardin na iyon ang pinaka-paborito ko sa lahat!
Napa-buntong hininga na lang ako ng maisip ko ang garde na 'yon. Bigla akong kinabahan ng maaninag ko si Amadeus at Ludwig sa dulo ng hagdan. Amadeus is wearing his best American suit. While Ludwig, as usual all black. Fitted long sleeved polo shirt, tight pants and black sneakers. He's wearing dark blue neck tie.
I feel strange all of a sudden. Parang pakiramdam ko ikinakasal ako and there at the buttom of the stair waiting for me my.... father and my older brother. Mas lalo akong kinabog ng sabay silang tumingin sa akin. Napangiti si Amadeus, ngiti ng isang amang proud sa kaniyang anak na babae. And there was Ludwig with his poker face na para bang sinasabi niya na 'nobody can touch my little sister'.
They always makes me feel so special. Pero ngayon I feel more precious to them. Lalo na ng abutin ni Ludwig ang kamay ko para alalayan akong makababa sa huling baitang ng hagdan. Tapos ay ikinulong niya iyon sa mga bisig niya at sabay kaming humarap kay Amadeus. Hindi ko alam pero bigla akong nahiya at napayuko.
"You're beautiful Jay. Lift up your head," wika ni Amadeus sa halos pabulong na niyang boses. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nginitian niya ulit ako bago siya tumalikod. "Plano kong dalhin ka sa Rinkos McHawi bago tayo pumunta sa ball. Unfortunately, Ludwig couldn't join us because he has his own plans," nilingon pa ni Amadeus si Ludwig, pati ako ay napalingon sa katabi ko.
Nilingon niya rin ako at nginitian ko siya. Hindi ko na inaasahan na ngingitian niya rin ako kaya naman mabilis ko ng ibinaling kay Amadeus ang atensyon ko.
"Shall we go?" Pag-katanong niya noon ay inilahad niya ang kamay niya sa akin at ilang ko naman iyong inabot. It wasn't freezing anymore, just like a while ago. It was warm and comforting now. Hardly like a father's hand.
He squeezed my hands at bigla na lang kaming umikot ng spiral. Mabilis lang ang pangyayari! Sa loob lang ng isang segundo ay nakarating din kami sa lugar na tinutukoy ni Amadeus. Hindi na namin kasama si Ludwig. Hindi ko alam kung paano siya naka-hiwalay sa amin. Pero hindi namahalagapa iyon, ang importante ay kung ano ang nasa harapan ko ngayon!
May malaking open gate na nag-sasabing 'Welcome to Rinkos McHawi: A place for all Witches and Wizardrs'. So this is the famous place for witches and wizard na naririnig-rinig ko sa school na hindi ko mapunta-puntahan dahil wala akong grabnic tool.
Lumakad kami papasok sa loob. Parang fiesta! May mga naka-maskara na nag-sasayawan sa daan. Mga bandang tumutugtog ng masayang musika. Mga store na gawa sa wood logs at gawa sa tent na pinagtu-tumpukan ng mga mamimili na naka-suot ng cloacks. Some of them are still wearing their school uniform. And what fascinates me more is those ghosts vendors.
"Hyja skrit o Ghost vendors," wika ni Amadeus sa tabi ko. Tukoy niya sa mga kaluluwang nag-titinda. "Tulad sila ng mga Phantom Army sa Matchedry. They can touch you, but you cannot touch them."
Hindi ko maiwasang mamangha pero natigilan ako ng magtaka ako kung bakit nga ba kami nasa Rinkos McHawi? "Bakit tayo naan dito?" Tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya bago sumagot, "Dahil pupunta tayo doon," itinuro niya sa akin ang isang shop na gawa sa wood logs. Grabnic Best. Basa ko sa isip. Bigla akong na-excite! Agad kong naisip ang isang bagay. Bibilhan niya na ba ako ng Grabnic Tool?
"You're turning eighteen next week. Naisip ko na bakit hindi na lang grabnic tool ang ibigay ko sayo?" Wika niya.
Mas lalo akong natuwa ng lumakad nakami papunta sa shop. Kasabay na tumunog ang bell chime ng buksan ni Amadeus ang pinto. Sa loob ay may mangilan-ngilang mamimili. May isang matandang lalaki na cashier. White hair, white beard and mustache.
He looks even older with his suspender jumpsuit and white polo shirt under. He has a cigarette, pipe in his mouth. Nagulat siya nang mapansin niya si Amadeus. It was a jolt of joy.
"Amadeus!" He exclaimed in his grumpy voice. Mabilis siyang lumakad palapit sa amin. He opens his arms and Amadeus gratefully accepts it. They embraced as if they haven't seen each other for ages.
"Louis! Kamusta ka?" Masayang bati naman ni Amadeus.
"Mabuti naman ako! Mabuti!" Sagot niya matapos niyang alisin ang cigarette pipe sa bibig niya. Natigilan siya ng mapatingin siya sa akin. Napa-kunot ang nuo niya ngunit nasa mga labi niya pa rin ang warm smile na ibinigay niya kay Amadeus.
"Siya nga pala si Jay. Her daughter," ilang na wika ni Amadeus ng sabihin niya ang salitang 'Her daughter'. Hindi na niya binanggit ang pangalan ni mama.
Nang-laki ang mata ng matanda. Ipinas niya ang cigarette pipe kay Amadeus at lumapit siya sa akin. I can smell the cigarette in his clothes. And I can see clearly his yellow teeth. His expression is a mixture of shocked and fascination.
"Graciously, dear! Kamukhang kamukha mo ang iyong ina!"
What? Napatanong ako sa isip. Kamukha ko ang mama ko? How does he know? Kilala ba niya ang mama ko? Sino siya?
=============
To be continued ...
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^