Wednesday, April 29, 2015

Half Blood: Chapter 02





Half Blood
[Curse of the Dark Hex]



II:Where is it? The Monster inside You
Jaydee's POV

A/N: Dahil wala ako gaanong oras sinimplehan ko na lang yung page-edit sa mga photos.. at least kahit paano may idea kayo kung sino sina Lugwig, Amadeus at Pach Ebelle. Enjoy reading!


=====

NAPASAPO ako sa ulo nang makaramdam ako ng kirot. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pabagsak na naupo sa kama nang biglang mag-dilim ang paningin ko.

"Ugh! Headache! I curse you to death!" I whispered under my breath. Sumabay pa 'tong pagiging anemic ko! Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, well actually hindi ako nakatulog kagabi dahil sa lintik na magnanakaw na duwende na 'yun!

I could not conceive of any reasons why he needs to steal that book. As far as I'm concerned, all elves know everything about dark curses!

Padabog kong ipinatong ang mga kamay ko sa mag-kabilaang gilid ko, tapos ay inis akong tumayo at humalukip-kip. Nagpabalik-balik ako sa maliit na espasyo ng kwarto. "Filty little skanky Elf!"

Huminto ako sa pag-lakad at napadungaw sa bintanang katabi ng kama ko. Mula kisame hanggang lapag ang taas nito. At nasa kalahating dipa naman ang lapad nito. Naupo ako sa tapat noon at pinanood ang mga estudyanteng kaniya-kaniya ng alis para sa two months vacation. Bumuntong hininga ako at napalingon sa hagdan nang may marinig akong nagmamadaling umakyat.

It was Dian, catching her breath. She was standing in front of me. "Jay!" Saad niya habang hinahabol pa rin ang paghinga. Nilingon niya ang paligid. At kunot nuo akong tiningnan. "You haven't packed your things yet?" Tanong niya.

Nag-kibit balikat ako bago tumayo,"You see? That elf is getting into my nerves! Really!" Himalukipkil ako bago siya tiningnan.

Napasapo sa nuo si Dian, "For God's sake! Enough with that book Jay! Amadeus is in Headmaster's office now!"

"What?! At Pach Ebelle's office?! But.... why?" Nalilito kong tanong. "I supposed to be alone going back home! Bakit siya naan dito?"

"Well Jay, dahil sa nakalimutan mo, ipapaalala ko sa'yo ang kalokohang ginawa mo kaninang madaling araw na gumising lang naman sa buong Matchedry University!"

Bigla akong kinabahan nang ipaalala sa akin ni Dian ang bagay na iyon. Nang-laki ang mga mata ko. Sumilay ang ekspresyon sa mukha ni Dian na tila ba nag-sasabing 'you're in trouble, Jay'.

"I need to see him!" Tumakbo ako pababa sa girls' common room. Usually, our common room always comforting me sa mga oras na gusto kong mapag-isa, sa mga oras na down ako. Dahil sa napakaganda nitong desenyo.

Para itong isang malawak na lounge. Glass walls where you can witness the magnificent view of Mount Mediocris, as they call it. Sabi nila iyon daw ang tirahan ng Legendary Queen of All. I don't why they call her 'Queen of All' and I don't know how she became a 'Legend' but I tell you. I tried to go there once to confirm if this Queen really do exist.

Pero bago pa man ako makalabas ng Matchedry teritory sinalubong na ako ng headmaster at dinala ako sa Detention Hall. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang plano ko. I'm pretty sure wala akong pinag-sabihan noon, not even Dian. Kasi alam ko pipigilan niya lang ako. Sa madaling salita, hindi ako natuloy at ipinatawag si Amadeus.

Matapos ng interogation sa Detention Hall, pinatawad ako ni Pach Ebelle, our beloved Headmaster. Pero galit na galit si Amadeus noon at binantaan ako na pag may ginawa pa raw akong kalokohan siya na mismo ang manghihingi ng request na i-expel ako!

Napapikit ako habang lumakalad nang maalala ko ang warning niyang iyon. "What have you done, Jay?!" Tanong ko sa sarili. Hindi ako pwedeng ma-expel! At ayaw kong ma-expel! Ayaw ko mang aminin pero naging bahagi na ng buhay ko ang school na 'to! Kaya hindi ako papayag na ma-expel!

Madali akong nag-lakad sa malawak na espasyo ng common room. Everything is painted in white and pink. Pink comfortable couches and armchairs with white circle pillow case and white mini table on my left side and Minibar filled with students drinking their juices, chocolates, cola of course not some alcohol at my right. Shiny marbled floor printed in black and white like a skin of a cow.

A high class chandelier hanging on the ceiling with its beautiful dancing crystals and real candles circling around it. At syempre! Hinding hindi ko makakalimutan ang favorite place ko sa common room. Ang Rendez-vous. Nasa underground siya ng common room. It's a glass room na nasa ibabaw ng dagat. It's very beautiful, lalo na pag humahampas ang alon sa glass wall.

Kailangan mo dumaan sa isang underground tunnel para maka-punta doon. 'Yong tunnel para siyang malaking aquarium, since nasa ibabaw nga ng dagat ang Rendez-vous, kailangan mong tawirin ang solid ground na tinatayuan ng Matchedry Castle papunta sa ilalim ng dagat at paakyat ulit sa ibabaw nito.

Soundproof ang kwartong iyon. Humahampas ang alon pero hindi mo maririnig sa loob nito ang pagaspas niya. At kahit gaano man kalakas ang hampas ng alon. Nananatiling steady ang kwarto. Because of Magic, I guess. Makikita mo rin sa left side ang Rendes-vouz ng mga lalaki.

Everything is this room is marvelous to me, but not today! I don't have time to just sit down at the minibar, savoring the most pleasurable time of my life while drinking my cup of cappuccino! Amadeus is in Pach Ebelle's office, again! At ito na ang last warning niya sa akin.

Dumaan ako sa Jellyport. Isa itong pinto na gawa sa jelly. Ito ang pinto palabas at papasok sa girl's dormitory. Espesyal ang jelly na ito, dahil nade-detect nito ang mga intruders sa dormitory.

Noong nakaraang araw nga, may isang loko-lokong student sa boys' dormitory. Sinubukan niyang pumasok sa girls' dormitory. As soon as his skin touches the jelly, nag-alarm ang buong castle. Sa loob ng ilang segundo tinangay siya ng mga Phantom Army sa detention hall to interogate. Luckily he didn't get expelled.

Ang mga Phantom Army ay mga ghosts army ng school. Parang security guard. Pero kakaiba ang mga multo na ito. Dahil kaya nilang hawakan ang mga bagay sa paligid nila, kahit kaming nga students pero hindi namin sila mahawakan. At ang detention hall, parang guidance office kung saan ini-interogate ang sino mang pasaway na estudyante. Doon din sila hinahatulan kung anong klaseng parusa ba ang ihahain sa kanila.

Suki ako ng detention hall, 'wag mo na itanong kung bakit. At si Amadeus, lagi siyang suki sa office ng headmaster naming si Rance Pach Ebelle. Two months ago, nadala ako sa detention hall. Para i-interogate kung talaga bang gumamit ako ng forbidden spell.

Well, actually I did used forbidden spell, a black magic spell. Hindi ko alam kung paano nila nade-detect iyon. Pero wala ako sa sarili ko ng gawin ko iyon! I swear! I was in the dungeon when it happens. After hearing what Lowella Finnigan said. Na may nakakatakot daw na monster na naka-tago sa pinaka-dulo ng dungeon. And that monster is guarding something. Out of my curiosity, one night I went there. Alone.

Sabi ko nga, kahit best friend ko si Dian, wala siya lagi sa mga adventure ko. Bukod kasi sa matatakutin siya ay pala-sigaw din siya konting kibot lang sisigaw siya agad.

So, pumunta ko sa dungeon. There was nothing in there! Except for the strange voice. Actually, it was a whisper. Sobrang hina niya na halos wala akong maintindihan. Parang boses na nang-gagaling sa kweba. At yung boses na parang hinahatak ako papasok sa pinaka-ilalim ng dungeon. Sinundan ko naman and voilĂ ! Nawala ako sa sarili at nagising na lang ako sa kama ng Confine Zimmer, clinic ng school namin.

Ang sabi nga daw ay gumamit ako ng forbidden spell na halos ikamatay ko na daw. Iyong spell daw na 'yun ay 'self destruction' spell. Kamuntik na akong ma-expelled noon. Buti na lang naki-usap si Amadeus. Kung meron man akong ipapasalamat sa kaniya. Iyon ay ang pakikipag-usap niya sa merciless naming headmaster.






°°°°°

[AUTHOR's POV]



GALIT na tumayo si Amadeus sa kinau-upuan niya at lumakad palapit sa bintanang mula kisame hanggang talampakan ang taas. A luxury European red flower print curtain hanging on both sides of the window with a beautiful drape perfectly proportion to each other. Mula doon ay tanaw ang kabuuan ng Matchedry University. Nasa pinaka-mataas na bahagi kasi ng castle ang office ng headmaster. Ang Holy Chamber. Kinakailangan ng Grabnic Tool para maka-lipad doon. Isa itong flying tool na katumbas ng broomstick.

His golden eyes widen a little nang makita niya si Jay kasama ang kaibigan nitong si Dian, naka-sakay sa Vel car, isang uri ng Grabnic Tool. His white porcelain skin and blonde brush up hair shines while he's standing against the sunlight. And he looks perfectly fine in his gray shirt under his black suit.




"You know I can't do that! I'm risking eighteen years of my life for this!" He looks at Pach Ebelle who's sitting in his fancy gold chair decorated with gems. He looks like a young prince sitting there with his chin resting on his palm and his index and ring finger touches his precious red thin lips.

Naroon din sa kwarto si Ludwig. Wearing his usual clothes. Black long sleeves, black tight pants and black sneaker shoes. The only color that changes everytime is his tie. Today he's wearing red. Mas lumilitaw ang white pale skin niya dahil sa suot. At humuhulma din ang muscle niya sa dib-dib dahil sa fitted niyang damit.

Bumagay sa kaniya ang black side-swept bangs hairstyle. Mas nag-mumukha siyang inosente. 






According to Jay, si Ludwig na ang may pinaka-perpektong poker face sa buong mundo. Dahil sa unemotional niyang expression ay hirap si Jay na hulaan kung ano nga ba ang nasa isip ni Ludwig. Pareho lamang siya ng tangkad ni Amadeus. Model-like height. Small golden brown eyes, thin lips na parang may blood stain dahil na nag-halong white and red colour. Napalingon siya sa pinto ng may marinig siyang commotion sa labas.

Ininda naman iyon ni Pach Ebelle at Amadeus. Pach Ebelle leaned forward. Ipinatong niya ang mga siko sa ibabaw ng kaniyang lamesa, his fingers entwined with each other. He looked at Amadeus na para bang hindi siya makapaniwala sa huling sinabi nito.

"Amadeus Ron du Vaux, since when did you learn to be merciful. For I know..." malakas ang pag-kakasabi nito sa huling salita pag-kuway muli siyang sumandal sa upuan. Now his hands lying on the armrest. His curly long copper brown hair tied with a black rubber ring at the back of his neck. And he always wears his Rococo Era fashion clothes. Big lace jabots under his fancy navy blue waistcoat and breeches with white stocking under his black heeled shoes.





Ipinag-patuloy niya ang pag-sasalita sa mahina, at maingat na tono ng boses, "you.... are the most devilish living creature I have ever seen."

Tumayo si Pach Ebelle at lumapit ito sa cupboard kung saan may nakapatong na black wine bottle at two golden wine glass. Binuksan niya ang bote at nag-echo sa paligig ang nagawang ingay ng takip.

"Sabihin mo! Malalaman din naman niya sa huli," wika ni Pach Ebelle, he gracefully walks toward Amadeus and hand him the wine at nginitian pa niya ito. But that doesn't change Amadeus' immaculate face.

"I can't do that!" Giit ni Amadeus at inilapag niya sa lamesa ni Pach Ebelle ang wine glass.

"Then what you're going to say if she asked why you suddenly gone without saying your last word?" Wika ni Pach Ebelle in his british accent. Muli siyang lumapit kay Amadeus matapos niyang abutan ng wine si Ludwig.

"Hindi siya mag-tatanong. Hindi siya kailaman man mag-aaksaya ng panahon na hanapin o tanungin kung nasaan ako," pain suddenly shows on his face. Bumigat ang dib-dib niya. Para bang hinihiwa siya ng sarili niyang mga salita.

"Pity," aniya ni Pach Ebelle at ngumuso pa ito na parang bata. "You're caring for her like she is your own flesh and blood. But all she can give in return is.... Hatred," umarte pang parang nasasaktan si Pach Ebelle nang maupo siya sa malapad na sofa. "I can't believe it, Amadeus," naiiling na may halo pang tawang wika ni Pach Ebelle habang nakatingin siya kay Amadeus. "You've change big time!"

Tumayo si Pach Ebelle and he walks slowly towards Amadeus. "Where is it?" He smirk, "The monster inside you?" Halos pabulong nang saad ni Pach Ebelle habang naka-punto ang daliri niya sa dib-dib ni Amadeus. Ngunit hindi ito binigyang pansin ni Amadeus.

"I'm begging you Rance! Just your protection! That's all I'm asking!" Aniya ni Amadeus. Despair shows on his immaculate face.

Pach Ebelle swiftly moves away from Amadeus. Lumapit siya sa fireplace na nasa likuran ni Amadeus. It was a small fireplace made of bricks with black steal fences on top of hearth. A flower vase filled with red roses resting on top of the fireplace. There wasn't a fire at first, just the wood logs and small burned stones and ashes. Inihawi ni Pach Ebelle ang kamay niya sa mga kahoy at bigla na lang itong umapoy.

Sarkastiko siyang natawa, "Protection..." Pach Ebelle said in his most gentle voice. Tapos ay sumilay ang malamyos na ngiti sa mga labi niya. Ngunit saglit lang iyon. Napalitan ito ng galit. Mabilis siyang humarap kay Amadeus. "Protection for the one who caused my precious you into fragile?!" His voice is like a thunder rumbling around the room.

Ludwig just stands near the door, watching how Pach Eybelle looses his cool.

"My guardians are inside! Let me in!" Boses iyon ni Jay. Sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa pinto nang bigla itong mag-bukas at nag-mamadaling pumasok si Jay kasunod si Dian.

"Guardians," ulit ni Pach Ebelle nang iayos niya ang kaniyang tayo. Gulat naman ang sumilay sa mukha ni Amadeus.

"Amadeus!" Iyon agad ang nabanggit ni Jay ng makita niya ito.

"Ah~ Ms. Ron du Vaux," nginitian ni Pach Ebelle si Jay pag-kuway binalingan niya si Dian who rather bemused because of the three handsome gentlemen standing right in front of her. "Ms. Cullen! Why are you here?" Tanong ni Pach Ebelle in his friendly voice.

"I-" hindi pa man tapos ay pinutol na agad ni Pach Ebelle ang sasabihin niya.

"Ah~you accompanied Ms. Ron du Vaux here because she doesn't have the Grabnic Tool yet," palingon na saad ni Pach Ebelle kay Amadeus na tila ba ito ang pinapatamaan niya.

"I don't-" pinutol din ni Pach Ebelle ang sinasabi ni Amadeus at siya na ang nag-patuloy. 

"You don't allow her?" Natawa saglit si Pach Ebelle and he gracefully walks on the other side of Amadeus. Hinawakan niya ito sa balikat, inis siyang nilingon ni Amadeus. "Sabagay, hindi nga naman kita masisisi! If I were you, Amadeus I will lock this brat princess inside the dungeon!" Tapos ay mabilis ding iniba ni Pach Ebelle ang usapan ng kumawala siya kay Amadeus. Habang halata parin ang horror sa mukha ni Jay dahil sa sinabi Pach Ebelle.

"Ms. Ron du Vaux, tamang tama ang pag-dating mo. Because of your splendid stubbornness, we are now discussing when to expel you. Kung tatapusin mo ba ang natitirang buwan mo bago kita i-expel o you don't require to go back after this two months vacation," aniya nito.

"But, headmaster! Hindi ko naman po sinadya! Nanaginip po kasi ako na nakikipag-laban ako sa monster, kaya ayun po..." nahihiyang wika ni Jay sa huli dahil sa palpak niyang dahilan. Kagat labi siyang napalingon kay Amadeus na tila ba nag-mamakaawa. Pasimple naman siyang kinalabit ni Dian to tell her to stop with his rubbish excuses.

"Hence, you were saying that you are sleeping with your wand's on and with your complete... uniform," binigyang diin pa ni Pach Ebelle ang salitang complete tapos ay mabilisan din niyang dinugtungan ang salita ng saglit siyang mag-pause para lapitan si Jay. "And not to mention your shoes," tila ba hinimay-himay pa ni Pach Ebelle ang mga sinabi niya.

Ilang na napangiti si Jay at tumango ito para sang-ayunan ang sinabi ni Pach Ebelle. Nilingon ni Pach Ebelle si Amadeus na nanatiling tahimim. "Enlighten me, Amadeus! This cheecky little girl of yours always reminds me of you! Breaking rules! Always breaking all the rules!" Nangi-ngibabaw sa kwarto ang boses ni Pach Ebelle.

"Rance!" Agaw pansin ni Amadeus kay Pach Ebelle hoping he will stop lecturing Jay. Nakuha naman agad iyon ni Pach Ebelle pero hindi parin ito huminto.

"My, graciously, dear me!" Nag-kibit balikat si Pach Eybelle, he rolled his eyes and took a deep breath. "That's the reason why she's so rebelling! You're spoiling her, Amadeus!"

Mariing ipinikit ni Amadeus ang mga mata niya at nagpakawala siya ng bugtong hininga, senyales na sumusuko na siya sa pakikipag-talo kay Pach Ebelle. Nagpatiuna na siyang lumakad palabas ng opisina. Habang naiwan namang inis si Pach Ebelle sa loob. Namaywang ito habang ang isang kamay naman ay napasapo sa nuo nito.

"I don't know what's playing on your mind, Amadeus!" Pahabol pa nito.

Ni hindi naman nag-aksaya ng panahon si Amadeus na lingunin si Jay nang madaanan niya ito. Habang si Jay ay tarantang sumunod sa kaniya. Hindi alam ni Jay kung ano ang sasabihin niya dahil mukhang galit na galit talaga si Amadeus at wala ito sa mood na mag-salita.







=========

End of Chapter 02: Where is it? The Monster inside You.
To be continued....









No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^