Wednesday, April 22, 2015

BINTANA

Mula dito sa bintana,
Parati ko siyang tinatanaw mula sa bintana
Nakaupo sa kanyang paboritong upuan,
Tahimik tila kay lalim nang iniisip

Bakas sa anyo ang iniwan ng taon,
Dahil sa katandaan,
Walang lakas na galawin ang kanyang mahinang katawan,
`Ni magsalita ay hirap na hirap.

Nais ko’y lapitan siya,
Tanongin,
“Lola, may dinadamdam po ba kayo?”
Subalit ala-alang mapait nang nakaraan ay siyang pumipigil sa akin.

Nakakayamot man aminin ay iyan ang katotohanan,
Bata palang ako ay malapit ako sa kanya
Pero dahil sa isang alitan ay siyang naglayo nang kalooban ko sa kanya
Na labis ko pinagsisihan.

Ilang araw, buwan hangang sa naging taon nakalipas
Nakabaon parin sa`kin dibdib ang pagsisi
Sa tuwing papasok ako sa paaralan ay hindi ko maiwasan mapasulyap sa kanya.

Araw-araw parati ko siya nakikita mula dito sa bintana
Nando’n na naman siya,
Kay lapit lang pero `di ko magawang lapitan siya
May kung anong kirot sa dibdib ko na makita siya na ganyan ang kalagayan.

Nabalitaan ko na may malubha kang sakit
Nais ko siyang bisitahin at alamin kung anong kalagayan niya
Subalit nanaig na naman ang pagiging duwag ko
Isang simpleng bagay na kay hirap naman gawin.

Isa akong duwag!
Ilang buwan na naman nakalipas,
Ngayon inilabas ka na sa ospital
Ika’y nakaratay sa kama.

Pinilit ako nang aking ama na bisitahin ka
Naninikip na naman ang dibdib ko
Ayaw kong makita siyang gano’n
Parang tuod na wala nang sapat na lakas.

Nais ko’y umiyak,
Dahil sa ayaw kong makita na gano’n siya
Hindi na naman ako lumapit sa kanya
Isa akong malaking duwag.

Duwag sa kamatayan,
Takot na makita ang mahal ko sa buhay na anumang oras ay mawawala na parang bula
Gusto kong humingi ng tawad sa kanya,
Pero di magawa.

Noong panahon hinanap mo kami
Nasaan ako?
Nagtatago,
Wala sa tabi mo no’ng kailangan mo ako.

Dahil sa pagiging duwag ko,
Dahil sa pagiging makitid kong utak,
Dahil sa nakakulong parin ako sa ilusyon na lahat tayo ay hindi namamatay
Ngayon ako’y nagsisi.

Wala na ang taong parati ko nakikita mula dito sa bintana,
Wala na siya,
Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko at labis akong nagsisi sa ginawa ko
Patawad, Lola.





This is an Entry for DDH Challenge, please do leave a comment! Thanks!

5 comments:

  1. Saklap! Ang sakit sa puso!!!!

    espren wag ka na ulit magpapa-saddest moment ah... last mo na 'to!

    ReplyDelete
  2. hayyy buhay nga naman.. Masakit man isipin pero kelangang tanggapin. May mga bagay talaga sa mundo na inakala natin na hindi mawawala pero darating at darating din ang panahon na kelangang sambitin ang salitang, "Paalam."

    ReplyDelete
  3. ..... :(
    Duwag na duwag. At least he should've grown up a bit from that experience and hopefully get the courage to say whatever is in his heart when another opportunity arises.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^