Wednesday, April 22, 2015

Summer Love Adventure: Chapter 1



Day 1
The Encounter


"Ano ready ka na ba sa next career mo?" tanong ni Rizzy, ang classmate at bestfriend ko sinama ako sa isang camp. Ogranization 'to ng mga adventurer na katulad ko. Pero may ibang adventure kami na gagawin at yun ang magturo sa mga batang ulila sa Aurora. May small community kasi dito na sobrang nangangailangan ng tulong sa mga kabataan na hindi nakakabasa o nakakasulat man lang pati yung hygiene gagawan din namin ng paraan. Isang linggo ang pananatili namin dito kaya mukhang napasubo talaga ako. Hindi ako teacher, wala akong pasensya sa mga bata at higit sa lahat madiriin ako pagdating sa paglilinis ng katawan o kahit na anong bagay pa. At kaya ako napadpad sa lugar na 'to ay dahil sa natalo ako sa pustahan namin ni Rizzy pag natalo ako isasama niya ako sa kakaibang adventure. Naexcite ako dahil isa ako sa mga gusto ang namumudok o kaya nagsuswimming sa beach, zip line, at kung ano ano pang extreme adventure. Pero hindi ko akalain na ito ang pinaka extreme sa lahat.

"Walang hiya ka! Akala ko ba adventure? ‘Torture 'to eh." Sabi ko sa kaniya. nagtinginan ang mga nasa paligid ko. Alam ko brat ako, at walang gustong kumakausap sakin, and I don't care. Si Rizzy lang naman ng nagtatyaga sakin at talaga tumutulong dahil best freind ko siya. Magkaiba kami sa lahat ng bagay, siya kasi mabait, maawain at lahat ng good things na sa kaniya na, sakin na wala. But I love her so much kahit na opposite kami dahil siya lang naman nakakaintindi sa'kin, sa mga tantrum ko.

"Best friend, ginawa ko 'to hindi para maging torture para sa'yo mag-eenjoy ka dito promise ko yan sa'yo, at saka marami kang makikilalang bagong kaibigan magsawa ka naman sa'kin."

"So nagsasawa ka na sa'kin ganun?" Nakalabi kong sabi.

Niyakap niya ako. "Alam ko kasi ikaw ang mas matanda sa'ting dalawa pero bakit ikaw yung isip bata dyan? Halika na, marami pa tayong aayusin na gamit." 

Buti na lang may dagat na malapit sa lugar, pwedeng magsurfing at maglakad lakad. Yun ang mga gusto kong pasyalan bukod sa pagsha-shopping sa mall. Ang masaklap lang tent ang tutulugan namin for one week. Mamamatay na ata ako nito. Naglakad ako papunta sa mga kasama namin para tumulong sana kaso ang bibigat ng mga dinadala nila di ko ata kaya yun kaya tumayo na lang ako at pinanood sila baka may ipapabuhat sila na mas magaan ako na magbibitbit.

"Miss ano ang tinatayo tayo mo dyan, baka gusto mong tumulong kasi kanina pa kami nahihirapan sa pagbubuhat dito." Sabi ng isang lalaki.

Antipatiko yun ah, pano ako tutulong ang bigat ng mga dala nila tska dapat lang na magbuhat siya, siya ang lalaki. 

"Ano di ka talaga tutulong? Oh buhatin mo yan para may pakinabang ka." Inabot niya sa'kin ang isang sako ng bigas. "Hoy! Bakit ito ang ipapabuhat mo sa'kin? Ang bigat bigat nito?"

"Miss walang magaan na bagahe dito lahat mabigat." Nakakayamot talaga. Bakit ba kasi ako napadpad pa dito sa lugar na 'to. Humanda talaga sakin yang si Rizzy pag nagkita kami.


******

Matapos kong buhatin ang tatlong sako ng bigas, pumunta ako sa nakaassign na tent sa naka assign na tent sa'min ni Rizzy. humiga ako buti na lang may kutson kahit manipis lang, nakakapagod ang magbuhat, wala na rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang sumunod, ito ang challenge. Matapos ko lang 'to magsha-shopping ako at bibili ng maraming alcohol. Unang araw ko pa lang ang dami ko na agad kagat ng lamok at yung mga bata kanina sobra kung makadikit, hindi ko alam kung ilang araw na silang hindi naliligo.  Matapos kong magpahinga pumunta ako sa banyo na gawa sa mga tuyong dahon na pinagtagpi tagpi pero mukhang safe naman dahil may pintuan at hindi masisilipan. Subukan lang may sumilip marunong ako sa karate at self defense. Nag-pupunas na ako ng sarili ko sa banyo nang biglang..

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! Manyak!" May bumukas ang pinto ng banyo. Bigla kong tinapis ang tuwalya sa katawan ko, buti na lang may underwear na ako.

"Shhh wag kang maingay! Makikita ako ng mga bata! Matataya pa ako" Sabi ng lalaki. Yung lalaking kung manita sa kaniya kanina akala mo siya ang boss.

"Ikaw na naman! Walang hiya ka! Manyak ka talaga!"Pinaghahampas ko siya ng tabo pati yung timba gusto ko nang ihampas sa kaniya.

"Hahalikan na kita dyan, kanina ka pa putak nang putak. Reklamo nang reklamo. Sa susunod isasara mo yung pinto, pano kung ibang tao ang pumasok dito? Edi na-rape ka na d'yan." Inayos niya ang damit niya at tumingin sa akin, mula ulo hanggang paa.

"Maganda ka pala?" at lumabas.

"Bastos ka!"

"Magbihis ka muna." Sabi niya habang papalayo.

Matapos makapagbihis at makapag-ayos, bumalik ako sa camp kung saan andun si Rizzy. 

"Shimara andayn ka na pala, tara kumain muna tayo tapos mamaya pupuntahan naman natin yung mga batang aalagaan natin for one week" Napangiwi ako sa sinabi ni Rizzy, aalagaan? Sigurado ba 'tong si Rizzy sa sinabi niya? Baka mas lalo lang magkanda leche leche ang buhay ng mga batang yun sa kamay ko.

"Naku kaya kayang alagaan ni Ms. Masungit yung mga bata yung?" Sabi nung manyak na lalaki, at ang walang hiya prente lang ang upo sa hapag. Kung alam lang ng mga tao ang ginawa niya sakin kanina.

"Grabe ka naman Lance kahit spoiled yang best friend ko mabait yan tska kayang niya yan! Diba best friend?" So Lance pala ang pangalan, humanda siya sa'kin sa mga susunod na araw.


Pagkatapos ng panaghalian, nasa maliit kami na Chapel kung saan tinipon yung mga volunteer na magtuturo sa mga bata, at kasama ako dun. Pinaliwanag ng leader/founder na si Sir Laurenz kung ano ang mission ng ogranization na 'yun. 10 years na pala na lumilibot ang Adevture for a Cause Mission para makapag turo sa mga lugar na hindi naabot ng mga tulong. Isang orphan ang si Sir Laurenz, kaya nararamdaman niya yung hirap ng mga bata na hirap sa buhay. Isa rin kasi siya palabay noon na walang dereksyon sa buhay hanggang may isang youth ogranzation ang tumulong sa kaniya para makapag-aral at magkaroon ng magandang buhay. Hanggang sa siya mismo ay gumawa ng sarili niyang ogranization at heto nga at tumutulong na rin sa iba.

Medyo tinamaan ako dun, dahil ako hindi ko naranasaan ang anuman sa pinagdaanan ng mga 'yun. Dahil laki ako na layaw, bili dito bili doon, tour dito, tour doon. Marami ang ayaw sa'kin dahil mataporbe daw ako at maarte. Hindi ko na pinapansin ang mga yun, I mean who cares? Pag pinaliwanag ko ba ang sarili ko mauunawaan nila, malaman hindi dahil ang tao makitid ang utak. Minsan masakit din makarinig ng masasama galing sa iba, tao lang ako pero nabuhay na ako dun. Pasalamat na lang ako at may mga magulang ako na ibinibigay ang lahat sa'kin at may nag-iisang tunay na kaibigan sa katauhan ni Rizzy.

"Sana mag-enjoy kayo sa mga activities na gagawin natin dito, marami kayong marerealize at matututunan sisiguraduhin ko yan." Sabi ni Sir Laurenz

Napasmirk ako, mag-eenjoy? Di ko sigurado yun ayoko sa mga bata, ayoko sa maingay.

"Shimara, siya si Daniel, isa siya sa mga aalagaan mo dito sa camp. Kung ano yung pangangailangan niya gagawin mo for one week." May paka mataray ang pagkakasabi sakin ni Ms. Leonor, as usual isa siya sa mga maiirita sakin. Di na bago yun.

"Ate ganda ka." Nangumiti siya ng matamis, kaso may tinga tinga pa yung ngipin niya. Napangiwi ako. Ano ang gagawin ko sa batang 'to?

"Wala ba kayong toothbrush dito?" Sabi ko.

"Ano yun?" Takang tanong ni Daniel.

"Yung panlinis sa ngipin."

"Wala nun, mumug lang ngipin." Napayuko ang bata.

Napabuntong hininga ako. Gusto ko na umuwi! Ano ba ang pinagawa sakin ni Rizzy sasabunutan ko talaga siya mamaya.


"Kaya ka nandito para turuan mo sila kung paano maglinis ng katawan at kung paano magkaroon ng tiwala sa sarili, huwag mong ipapakita sa kanila na nadidiri ka. May damdamin din sila at sa pinakikita mo masasaktan mo sila.” Nagulat ako nasa tabi ko na si Lance.

“Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganiyan dahil di mo ko kilala. At sino ka ba para lecture-an ako? Ikaw ba ang boss dito? Kanina ka pa sita nang sita, baka akala mo nakakalimutan ko na ‘yung ginawa mo sa’kin kanina." Ang lakas ng loob !

“Sinasabi ko lang sayo ang dapat mong gawin. Kung ayaw mo edi ‘wag mo!” Umalis siya nang naksimangot.

“Antipatiko.” Bulong ko. Nakatingala pala sa’kin si Daniel.

“’Bat away?” Inosenteng sabi niya.

*****

“Rizzy! Gusto ko na umuwi.” Sabi ko nung dumating kami sa tent.

“Ano ang nangyari?” May pag-aaala sa tinig niya.

“Ayoko na dito, ibang challenge na lang ang ibigay mo sa’kin. Kasi hindi ko na ata kakayanin pa ang mga susunod na ipapagawa sa’kin.” Nagmamakaawa kong sabi. Nung hapon na pumunta kami ni Daniel sa banyo at nilinis ang ngipin niya, at pagkatapos ay pinaliguan ko siya. Ang hindi ko na-take ang hugasan siya nung naglabas siya ng sama ng loob. Halos bumaliktad ang sikmura ko. Daig ko pa ang nag-DH sa ibang bansa.

Tawa nang tawa si Rizzy pagkakwento ko.

“Kaibigan ba talaga kita?” Nakalabi kong sabi.

“Shimara, wala pa yan sa mga pagdadaanan mo sa mga susunod na araw. At saka ito ang hiningi ko kaya gawin mo, pag di mo ginawa iiwan kita dito at mag-eextend ka ng ilang araw pa." Pananakot pa niya.

Natakot ako sa sinabi niya. “Okay fine! ‘Wag mo kong sisisihin pag may nangyari sa mga bata yun.”

“Alam kong brat ka pero di ka masamang tao Shimara. Lika na matulog na tayo at bukas maaga pa tayo para sa isa pang adventure.”

“Ayoko na!” At tumalikod ako ng higa.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^