Day 2
Successful day!!
Kinabukasan, ang sakit ng buong katawan ko. Pakiramdam ko
nagbuhat ako ng sampung kilong bigas na sabay sabay. Gusto ko pa sanang matulog
kaso mukhang ang mga kasama ko ay handa na para sa misyon ngayon araw. Ayokong
masabihan na naman ako ng antipatikong lalaki na nag-iinarte ako. Niligpit ko
ang higaan namin ni Rizzy, naghilamos, nagtoothbrush at saka ako lumabas. Tutal
summer naman i-eenjoy ko na lang yung mga mangyayari, tulad nga ng sinabi ko
wala na rin akong magagawa pa. Pwede naman siguro akong maglibot dito after ng
mga session na gagawin ko. Magsisimula ang mga session tuwing alas-otso ng
umaga na pagtuturo sa kanilang maglinis ng kanilang katawan. At susunod dun ay
ang pagtuturo sa kanilang magsulat at magbasa. Sa hapon naman ay ang mga
matatandaan ang tinuturuan ng mga leader kaya sa oras na yun pwede akong
pumunta sa kung saan ko man naisin. Balita ko may magandang falls dito kaya
na-eexcite na akong marating yun mamaya.
“Oh gising na pala ang prinsesa.” Bunggad ni Lance. Magkatabi
sila ni Rizzy sa upuan at mukhang may pinagkakatuwaan sila. Inirapan ko lang
siya. "Dito ka na Shimara sa tabi namin." Sabi ni Rizzy pero umiling ako, ayoko nga makaharap sa hapag ang lalaking yun baka mawalan ako ng gana kumain. Naghanap ako ng pwedeng maupuan dun sa malayo sa kanila. Sa bandang dulo nakita ko ang isang bata lalaki, siguro
mga nasa 10 years old lang siya. Hindi siya madungis tulad ng ibang bata
kahapon. “Hello.” Sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa’kin.
“Hi ate. Kamusta ang
pagstay mo dito sa Aurora?” Mukhang hindi siya kasama sa mga bata sa community.
“Okay naman. Ikaw ano ang ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“Daddy ko ang leader dito, sumama ako sa kanila ng kuya ko kasi
naaawa ako sa mga bata na hindi marunong magbasa at sumulat, gusto ko silang
maging kalaro at sana matulungan ko din sila.” May lungkot sa tinig niya.
Nanliit ako sa sinabi niya, buti pa siyang bata naappreciate yung mga bagay na
meron siya, samantalang ako noon isang barbie lang ipagdadamot ko pa sa mga
kalaro ko na humuhingi.
“Wow! Ang bait mo namang bata, proud na proud siguro sayo ang
daddy at kuya mo no?” Sabi ko sa kaniya. Anak pala siya ni Sir Laurenz.
“Opo, idol ko po silang dalawa ng kuya ko. Sobrang bait po ng
kuya ko na yun. Ay, ako nga po pala si Renz.” Bigla niyang sabi.
“Nice to meet you Renz, sana makilala ko din yung kuya mo.”
Bukod sa antipatikong si Lance wala pa akong nakikilala na nasa range lang ng
age ko, so siguro ang kuya niya mga nasa 18 pababa lang, bata pa para maging
boyfriend ko. Hala! Ano ang iniisip ko. “Sana po mag-enjoy kayo dito sa project
ng daddy ko.” Ngumiti lang ako sa kaniya.
“Sa mga volunteers pagkatapos ninyong kumain, deretso tayo sa
camp at naghihintay na ang mga bata para sa magiging aralin nila sa araw na
‘to. Ibibigay sa inyo ni Lance ang mga module kung ano ang mga dapat matutunan
nila….” Ang dami pang sinabi ni Ms. Leornor pero hindi ko na naitindihan.
Nakita ko kasi sila Rizzy at Lance na nagtatawanan pa rin hanggang ngayon,
bakit kay Rizzy ang bait bait ng Lance na ‘yun samantalang sa’kin akala mo kung
sino umasta. “Nagseselos ka ba?” Tanong ng isip ko. “Hindi no!” Napalakas ang
pagkakasabi ko kaya napatingin sa’kin ang mga volunteer. “Yes Ms. Shimara?”
Tanong ni Ms. Leonor. “Wala po.” Sabay yuko.
****
Pagkatapos kumain pumunta na ako sa naka-assign sa'kin hindi na ako nasamahan pa ni Rizzy dahil may sarili din siyang mga asikasuhin. Kahit masama pa rin ang loob ko dumeretso na ako at nakita ko ang limang bata na naghihintay sakin. Tulad kahapon, madumi pa rin ang kanilang damit at tila hindi pinupunasan ang mga sipon sa ilong kasama si Daniel sa lima at hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya kahapon, gusto ko pa ring masuka. Ano ba 'tong napasukan kong sitwasyon, pagtatawanan siguro ako ng mga taong galit sa'kin kung makikita nila ako ngayon. At malamang na to the rescue ang parents ko pagnalaman nila 'to. Tawagan ko kaya sila? Kaso baka magalit sila kaya Rizzy at di na ako pasamahin pa sa kaniya.
Bago kami tumungo sa classroom tinuruan ko muna sila kung paano ang tamang pagligo. Pinakuskos sa ko sa kanila ang kanila katawan, alak-alakan, kilikili gamit ang sabon at pagshampoo. Sinabi ko rin ko ano ang tamang paraan ng paghihilamos at pagsisipilyo ng ngipin. At sawakas malinis na rin sila.
"Bango na" Sabi ni Daniel.
Nang nasa loob na kami ng silid andun din ang mga materials na kakailanganin ko tulad ng chalk, pentelpen, cartolina at mga papel na susulatan ng mga bata.
“Bago tayo magsimula magpapakilala ulit ako sa inyo, ako nga pala si ate
Shimara.” Pinilit kong ngumiti ako. Kailangan kong matapos ‘to para makapunta
na ako sa falls na sinasabi nila.
“Mara…” Sabi ng isa.
“No, it’s Shimara.” Ulit ko.
“Shhhhmara.” Sabi naman ng isa.
“Okay sige para hindi kayo mahirapan, Ate Ganda na lang”
Napangiti ako sa sinabi ko. Maganda naman talaga ako eh.
“Ate Ganda.”
“Ayan! Kayo naman ang magpakilala, tatayo ay bawat isa at
ipakikilala ang sarili. Nauunawaan ba si ate?”
“Ikaw ang mauna.” Turo ka sa batang babae sa unag helera.
“Rosie” Sabi niya. Tinuro ko ang kasunod.
“Lenlen” tapos sumunod si Daniel
“Mark”
“Mika.”
“Ang gaganda ng mga pangalan ninyo. Magsimula na tayo. Alam niyo
ba yung alphabets?” Tanong ko.
Nagtinginan lang ang mga bata. Mukhang hindi nila alam,
nakaramdam ako ng frustration at pasasalamat sa mga magulang ko dahil ibinigay
nila sa’kin yung edukasyon na meron ako ngayon. At pakiramdam ko rin na may
tumitingin sa akin. Lumingon ako sa may pintuan. Nakatayo si Lance dun at
ngumiti siya sa’kin, inirapan ko lang siya at bumalik ako sa tinuturo ko sa mga
bata.
Akala naman niya hindi ako marunong magturo at kailangan pa ako
bantayan, dun na lang siya kay Rizzy mas sila naman ang nagkakasundo. Natapos ang session at tuwang tuwa ako dahil bukod sa may natutunan talaga sila makakapag gala na ako.
“Hi ate Ganda!” Si Renz. Nakasalubong ko siya pabalik na sa camp.
“Hi! Naki-ate Ganda ka naman dyan, ate Shimara na lang.”
“Pero maganda ka naman talaga ate, sabi rin yun ng kuya ko.”
“Sino ba yang kuya mo? Baka naman nasa 12 years old lang yan na
nambobola.” Kinurot ko siya sa pisngi.
“Nope, he’s already twenty-two, but I’ll secret his identity!
Ciao ate see you ate dinner!” Tumakbo na siya palayo.
“Shimara, how’s your second day? Masaya ba?” Lumapit si Rizzy.
“Okay naman. Kaso napapagod na ako, second day pa lang ‘to pano
pa sa susunod na araw? Gusto ko na umuwi Rizzy.” Lambing ko sa kaniya.
“Oh please Shimara, deal is a deal. Lika ka na at kumain na muna tayo. Gutom lang yan.” Matatag na sabi niya.
“Hmp! Pa'no kasi nakikipag harutan ka lang dun sa Lance na yun!
Boyfriend mo ba yun? Manliligaw? Makadikit sayo kala mo di ka na pakakawalan.”
Sabi ko. "Hindi mo man lang sinasabi sa'kin."
Tumawa siya nang malakas. Ano ang nakakatawa sa sinabi ko?
“Si Lance??” Tapos tawa ulit.
“Oo si Lance, kung nasaan ka andun din siya.”
“Lance is my childhood friend hanggang kaibigan lang kami.”
Biglang parang nabunutan ako ng tinik. “May iba kasi siyang gusto.” Dugtong
niya. Dun ako hindi nakapaghanda. Teka? Bakit ko pala iniisip yun, paki-alam ko
ba kung may iba siyang gusto.
“Hoy Shamira.” Untag niya.
“Ano?” Pataray ko nasabi.
“Bakit ang taray mo na naman?”
“Gusto ko na kasing umuwi.”
“Basta pag nagpumilit ka, di na kita kaibigan. Lika na kumain na
tayo.” Natakot ako dun sa sinabi niya na hindi niya na ako kaibigan, Rizzy is
the only friend I have, kung wala siya baka mabaliw na ako. Bahala na nga ilang
araw lang naman, ayokong mawalan ng kaibigan.
Nasa hapag kainan na kami, “Hi ate Ganda!” – Si Lance. “Wala
kang bang magawa sa buhay mo? Bigyan kita lubid gusto mo tapos ibitin mo saglit
sarili mo sa puno.” Sabi ko.
“Sungit mo naman ate Ganda.” Ngiti pa siya.
“At bakit ate Ganda? Anong meron? Dumiskarte ka na Lance?”
Biglang nandilat ang mata ni Lance. “Joke lang! Bakit nga ate Ganda?”
“Yung isang estudyante ko kasi nahirapan bigkasin yung pangalan
ko kaya ate Ganda na lang.” Sabay kagat sa fried chicken.
“At ikaw talaga nagsabi niyan sa kanila Shimara ah. Well maganda
naman talaga ang best friend ko na ‘to diba Lance?”
“Aba oo naman!” Naramdaman ko na namula yung pisngi ko.
“Pero bawasan mo pagiging masungit mo ha!” Malapit na yung mukha
niya sa mukha ko.
“Mukha mo, masungit lang ako sa mga taong antipatiko at manyak
na katulad mo” irap ko sa kaniya.
“Gwapo naman! Tska di ako antipatiko at manyak, wala nga akong
nakita eh!” Sabay tawa.
“Bastos ka talaga!" At tumayo na ako.
“Lagot ka Lance.” Narinig ko pang sabi ni Rizzy.
***
Pahapon na at maganda ang paglubog ng araaw, tumambay muna ako
sa tabing dagat napagod ako masyado kaya natulog muna aako pagkatapos kong kumain kanina at hindi na ako nakapunta sa falls. Namimiss ko ang daddy at mommy ko. Noon hindi ko naapreciate
yung bagay na meron ako. Nung nakikita ko yung mga bata dito sa Aurora ang saya
na nila sa mga maliliit na bagay na nabibigay ng team na kung tutuusin kulang
na kulang pa para sa kanila. I’m a brat, lahat ng gusto ko kailangan makukuha
ko. Lagi ko ring tine-take advantage ang mga magulang ko in terms of
everything. I know that they love me very much kaya nalulungkot ako ngayon,
pag-uwi ko sa bahay iha-hug ko talaga sila ng mahigpit.
“Lalim ng iniisip mo ate Ganda.” – Si Lance
“Namimiss ko lang mommy at daddy ko.” Sabi ko
"Alam mo ba kung bakit inabanduna ng mga magulang nila ang mga bata dito sa Aurora?" Tanong ini Lance.
“Bakit?”
“Kasi hindi na kayang tustusin ng mga magulang nila yung
pangangailangan nila kaya yang mga yan?” Tumingin siya sa mga batang naglalaro
sa dalampasigan. “Masaya na sila pag may nag-aaruga sa kanila.”
“Matagal ka na ba dito?” Tanong ko.
"Oo, naging tradition na namin 'to every summer kasama namin dito si Rizzy buti nga at sinama ka niya dito." Ngumiti siya. Mabait naman pala siyang kausap kahit papaano. "Pipaparealize sayo ng mga batang yan na hindi lang material
na bagay ang makakapagpasaya sayo, kundi yung mga taong andyan para tulungan
ka, at mga taong maiintindihan ka.”
Sa totoo lang tinamaan ako sa sinabi niya na 'yun, ang parents ko
at si Rizzy lang ang nakaka-intindi sa’kin pero madalas inilalayo ko pa sila
sa’kin lalo na sila dad. Namuo yung luha sa mata ko, gusto ko na silang makita.
Inakbayan ako ni Lance, konting araw na lang makaka-uwi ka din, sa ngayon i-enjoy mo muna yung mga bagong matututunan at bago mong kaibigan
dito. Hindi ko maintindihan pero gumaan ang pakiramdam ko nung ginawa
niya yun. Parang nasecure ako.
"Buti hindi ka naiinip dito?" tanong
ko bigla.
"Noon, kasi puro matatandaa yung nakakasama ko sa mission pero ngayon masaya ako kasi andito yung nagpapasaya sa'kin." At ngumiti sa'kin ng ubod ng tamis
Nagpapasaya sa kaniya? OMG! Si Rizzy? Siguro si Rizzy yun. May
kumirot sa dibdib ko. Di ko maintindihan.
>>> CHAPTER 3 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^