Ongoing na ang mass para sa lamay ng pamangkin ni Detective
Dante na si Eunice at kaibigan nitong si Sherrie.
Dagsa ang mga tao bilang pakikiramay—mga kamag-anak,
kaibigan, katrabaho ng kanilang mga magulang at mayroon na rin ilang tauhan mula
sa media. Mas lumaki na ngayon ang kaso. Mas marami na ngayon ang nakakaalam ng
tungkol sa serial killer na nagtatago sa triple-face mask. At dahil dito, hindi
na napigilan ang panic lalo na sa mga taga-NEU.
Usap-usap hanggang sa social media ang tungkol kay
Triple-face Killer. Sino ba talaga ito? Ligtas pa nga ba ang mga taga-NEU sa
kabila ng panganib ng serial killer na ito? Bakit hindi pa rin siya nahuhuli?
Napakuyom ang mga kamay ng detective. Nagluluksa pa rin siya
ngayon ngunit mabibigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamangkin
at lahat ng mga biktima kung mahuhuli na niya ang salarin at ang kasabwat nito.
“Sir Dante...” Biglang lumapit si Rey sa kanya.
Tulad niya, nakasuot na rin ito ng kulay itim bilang pakikiramay. “May katatanggap lang po na tawag mula sa
opisina. Alam na po kung kanino yung motor dun sa crime scene. Estudyante po
siya sa NEU, si Trent Lagasca. Nagpadala na po ng mga tauhan dun para sa
questioning.”
Tahimik na tumayo si Dante. “Ako ang dapat na naroon.”
“Sabi ni chief, dito na
lang po muna kayo sa lamay ng pamangkin niyo.”
“Hindi. Trabaho ko na
bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Eunice at lahat ng mga biktima rito.
Haharapin ko ng personal ang Trent Lagasca na yun.”
Nang magkaharap na sina Detective Dante at Trent, halata ang pagkabahala
ng binatang estudyante ngunit pinayuhan naman siya na walang dapat ikatakot
kung wala siyang itinatago. Bukod doon, may nalalaman siyang mga bagay na
maaaring makatulong sa ikareresolba ng kaso.
Upang simulan ang imbestigasyon, nagpakita ng mga kuhang
litrato ang detective kay Trent. “Ikaw ba ang nagmamay-ari ng motor na ito?”
Isang tingin pa lang ni Trent ay alam niyang sa kanya nga ang
motor na iyon. Bukod kasi sa hindi binago ang ayos nito, hindi man lang din
tinanggal ang plate number nito. “Opo,
saakin nga po yan. Pero ninakaw po saakin yan kamakailan lang.”
“At nai-report mo naman
sa pulis na ninakaw yun?”
“Opo, pati nga po yung
camera ko ay ninakaw niya.”
“Maide-describe mo ba
saakin yung itsura ng magnanakaw?”
Panandaliang natahimik si Trent. Sa tuwing inaalala niya yung
magnanakaw, laging naninindig ang balahibo niya. “Isang lalaking nakasuot po ng maskara. Katulad dun sa suot na maskara
ng lalaking kasama nina Sherrie dun sa video.”
Muling naglabas ng litrato si Detective and this time, screneshot
ito dun sa videong tinutukoy ni Trent. “A
triple-face mask?”
“Opo. Yan nga po. Siya
nga po yan.”
Napasandal sa kanyang kinauupuan ang detective at tumitig
lang muna sa kausap niyang estudyante. May isang bumabagabag sa isip niya.
“Lahat ng mga
binibiktima ni Triple-face Killer, pinapatay niya at kadalasan ay sa
pinaka-brutal na paraan. Pero pumapatay siya dahil may motibo siya. Kinausap ka
ba niya?”
Tumango bilang sagot si Trent.
“Nabosesan mo ba siya?”
Umiling naman ang binata sa pagkakataong ito.
“Anong sinabi niya
sayo?”
“Binantaan niya ako na
layuan ko siya.”
“Sinong siya?”
“Si Richelle Ariano
po.”
Pagkabanggit pa lang sa pangalan na iyon, agad itong naalala
ni Detective Dante na isa sa mga nainterview niya noon. Si Richelle Ariano ay
minsan na ring nabiktima ni Teofisto Cariaso. Sa malalim na pag-iisip ng
Detective, isang pangalan pa ang naalala niya. Yung sumalubong na kaibigan noon
ni Richelle, “May kilala ka rin bang
Shane Venavidez?”
Natulala bigla si Trent. “Kaibigan
ko po siya. Si—silang dalawa ni Richelle ang magka-close. At… at ex-girlfriend
po ni Shane si Sherrie.”
Sa mga pahayag ni Trent, unti-unti pang nagkaroon ng lead si
Detective Dante. But he can’t jump into conclusions yet. Sa halip, inililista
niya ang mga impormasyon nakukuha niya upang mapag-aralan pang mabuti. Ngunit
alam niya at ramdam niya na papalapit na siya sa katotohanan.
Sa pagtatapos ng kanilang pag-uusap, nakiusap ang detective
kay Trent na huwag ipagsabi ang mga naging usapan nila. Kailangan nilang maging
maingat upang hindi matunugan ni Triple-face Killer na malapit na nila itong
matunton.
“Sir Dante…” Unang humarap si Rey nang umalis na
si Trent. “Sinuswerte po tayo. May
balita na rin po tungkol dun sa nag-upload ng video. May CCTV po dun sa
internet cafĂ© at nahagip nun yung taong nag-upload ng mismong oras na yun.”
Wala nang kahit na anong sinabi si Dante. Agad na silang
nagtungo para mapanood na rin ang CCTV footage na tinutukoy ni Rey. Ang taong
iyon ay yung posibleng kasabwat o maaring si Triple-face Killer na mismo.
= = = = =
Nababagabag si Richelle. Kaninang umaga pa sila natapos
mag-usap ni Trent pero hapon na ngayon, parang patuloy pa ring nagri-replay sa
utak niya ang mga binanggit sa kanya ng binata.
“A man with a
triple-face mask. Hinding-hindi ko siya malilimutan.”
Triple-face mask. Parang pamilyar sa kanya ang bagay na iyon
ngunit hindi lang niya maalala. Hindi rin malinaw sa alaala niya kung ano nga
ba ang itsura ng maskarang iyon.
“Binalaan niya ako,
Richelle. Sabi niya layuan daw kita.”
Nakakita na ba siya nun sa personal? Nakahawak na ba siya ng
ganun? Nakakilala na ba siya ng taong nagsuot ng ganoong maskara sa harapan
niya? Ang lahat ay malabo sa kanyang utak. Hindi siya sigurado. Baka
naapektuhan na lang ng problema ang pag-iisip niya.
“Mag-iingat ka. Ikaw
ang habol ng mamamatay-taong iyon.”
Sa tuwing naaalala niya ang mga katagang iyon ni Trent,
nanginginig ang buong katawan niya. Bakit siya ang habol ng taong iyon?
Kakilala niya ba ito at kung oo, sino?
Ang taong iyon daw ang pumatay kay Miggs. Dahil ba binully
siya nito noong first day pa lang? Ang taong iyon din ang brutal na bumiktima
kay Sir Cariaso. Dahil ba biniktima rin siya nito ng kamanyakan? At nitong
huli, sina Sherrie at Eunice na ang pinaslang nito. Dahil ba sa ginawang
pang-aapi ng mga ito?
Naisip niya kung dapat pa bang itanong ang mga yun. Maaring
iyon nga talaga ang sagot. Maaring iyon nga talaga ang dahilan. Pumapatay ang
taong iyon upang ipaghiganti siya.
“Pero bakit? Bakit ako? Sino ba siya?” Bulong niya sa sarili habang
nagtatago sa loob ng isa sa mga cubicle sa CR. Bigla siyang naparanoid na tila
ba may mga matang nakatingin sa kanya. Na kahit saan siya magpunta, sinusundan
siya ng mamamatay-taong iyon. At hindi niya alam ang gagawin niya.
Ito ang isang kahinaan ni Richelle. Na kapag oras ng
problema, hindi niya mapigilan ang sarili na isipin ng isipin iyon hanggang sa
parang mabaliw na siya. Ang tanging solusyon lang ay may mapagsabihan siya.
Hinawakan niya ang cellphone niya at unang tinawagan si Shane.
Pero nakaka-isang ring pa nga lang, may bigla siyang naalala kaya agad niyang
in-end ang call. “Hindi pwede si Shane.
Nakikilamay siya ngayon. Hindi ko siya pwedeng guluhin ngayon.”
Sunod niyang sinubukang tawagan si Zenn. “Bakit hindi niya sinasagot? Sabi niya magkikita kami ngayon. Hindi ba
siya pumasok?” Naka-ilang missed calls pa si Richelle ngunit ring lang ng
ring ang phone ni Zenn. Kahit ang mga text niya mula pa kaninang umaga, hindi
nito nirereplyan.
Tuluyan nang naupo sa tiles si Richelle at inilubog ang mukha
sa kanyang tuhod. Naguguluhan siya. Natatakot siya. Pero nasaan yung mga taong
inaasahan niya? Nasaan yung dalawang lalaking nangangakong nasa tabi niya lang
palagi?
= = = = =
Uwian na. Umulan pa ng malakas,
Nasa NEU gate na si Richelle pero nag-aalangan siya kung uuwi
na ba siya o hindi. Mag-isa lang siya. Walang kasama. Wala si Zenn na inasahan
niyang makakasabay niya pauwi ngayon.
Nilibot niya ang tingin sa labas. Karamihan ay mga nakapayong
na mga estudyante lang ang nakatambay sa labas. Isa kaya sa kanila yung
mamamatay-tao?
Umiling-iling si Richelle. Paano siya makakauwi kung patuloy
niyang tinatakot ang sarili niya. Huminga siya ng malalim at kinagat niya ang
labi. “Medyo maliwanag pa naman. At matao yung mga lugar na dadaanan ko kaya
hindi ako dapat matakot. Walang mangyayaring masama. Walang mangyayaring
masama.” Paulit-ulit niyang sinabi sa isip upang palakasin ang loob.
This time, handa na talaga siyang umuwi na ng mag-isa. Bahala
na.
Binuksan na niya ang payong niya. Handa na siyang suungin ang
ulan nang makarinig naman siya ng busina ng sasakyan. Nang tignan niya iyon,
nakita niya ang sasakyan ng boyfriend.
“Zenn!” Lumiwanag ang mukha ni Richelle.
Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, parang inagos din nito ang pangamba
niya. Sinundo siya ni Zenn!
Patakbo siyang lumapit sa sasakyan. Sobrang saya pa niya nang
pumasok na siya sa loob, “Oh my God! Akala
ko uuwi na akong mag-isa. Buti nagpakita—”
Natigilan bigla si Richelle. Natigilan siya ng ma-realize
niyang ibang tao ang kausap niya. Hindi si Zenn yung kasama niya sa loob ng
sasakyan.
“Ikaw? A—anong ginagawa
mo sa boyfriend ko?”
“Wala pa akong ginagawa
sa boyfriend mo. Wala pa.” Seryoso, parang galit ngunit parang nagbabanta rin ang tono ng boses
niya. Ang kinatatakutan niyang si Carlo.
Ni-lock niya mula sa loob ang mga pinto ng sasakyan kaya
hindi na makalabas pa si Richelle. Kinuha niya pa ang cellphone ng dalaga para
hindi ito makatawag sa kahit na sino. At bilang panakot, nagpakita ito ng
kutsilyo na mukhang bagong hasa.
“Kung ayaw mong may
mangyaring masama sayo, manahimik ka na lang at wag mo nang subukang tumakas.”
Nanuyo ang lalamunan ni Richelle. Nangatog ang mga tuhod niya
at pinagpawisan na siya ng malamig. “A—anong…
anong gagawin mo saakin?” Nauutal niyang tanong dahil sa matinding takot.
Ngunit hindi na siya sinagot pa ni Carlo at sa halip ay
ngumisi lang ito ng mala-demonyo. Bumyahe na sila at pinatugtog pa nito ang ‘Born to Die’ album ni Lana Del Rey.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^