Wednesday, November 26, 2014

Another Wizard's Tale : Side Story 4

:Side Story 4:
(The Lux Princess)


Tahimik kaming nagpapalipas ng oras ni Brylle sa may garden. May mga glowing orbs sa paligid kaya feeling ko, silent date na ‘tong ginagawa namin.

Bigla niyang inabot yung kaliwang kamay ko, saka tinrace yung ring finger ko na dating may bond ring. Parang namimiss niya yata yung couple rings namin pero sa isip ko, never na akong papayag na magkaroon ng ganung singsing! Nakakalason kaya yun sa part ko!

Maya-maya pa, itinigil na niya ang paglalaro sa daliri ko at nakipagholding-hands na saakin. Napangiti ako. May mga paraan talaga ang wizard na ‘to para maglambing.

At kikiligin na nga sana ako pero biglang naging sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko at may kasama pa ‘tong mura! Napapikit siya at hindi napigilan na ilubog ang mukha niya sa balikat ko.

Naramdaman ko yung bibig niya sa may gilid ng leeg ko. Last time I checked, wizard siya at hindi naman vampire. “Oy Brylle! Anong nangyayari sayo? Nagta-transform ka ba?”

Tuluy-tuloy pa rin ang pagmumura niya. Napansin kong may lumabas na kaunting luha sa mata niya at, “Nakagat ko yung dila ko. Bad trip!”

Pinanganga ko siya at sinilip agad yung dila niya. Kawawang bata! “Ay hala! Dumudugo na nga! Dali, magbigay ka ng number!”

“Huh?”

“Magbigay ka na ng number!”

“Ipantataya mo ba sa lotto ang kamalasan ko? Anong klase ka?”

Sapatusin ko kaya ‘tong lalaking ‘to! “Maniwala ka na lang saakin at magbigay ka na ng number!”

“9,821,400.”

“Ngek! 1-26 lang!”

“Nagbigay na ng number, umaangal pa! Ang demanding mo, alam mo yun? Bakit ba kasi? Anong meron sa number?”

“Basta! Pagagalingin ko yang sugat mo sa dila, magbigay ka na ng number.”

“Sinong inuto mo? Tingin mo hindi ko kayang gawin yun? Besides, you’re too late!” Saka niya pinakita ulit ang dila niya. “See? Napagaling ko na!”

“Eh kasi naman Brylle! Ang KJ mo! Magbibigay ka lang naman ng number!”

“Ikaw ang makulit!” Hindi siya madaan sa matinong usapan, dinaan ko nga sa santong paspasan! Pinaghahampas ko siya sa braso niya hanggang sa mapapayag ko na siya. “Fine! Damn, you’re annoying! Nineteen!”

“Nineteen?” Saka ko ni-recite ang alphabet, “A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S! OMW, S!”

“So you ask for a number para makapag-recite ng alphabet? Alam mo ba na ang kasunod ng S ay T-U-V at hindi OMW. Bumalik ka nga ng kinder.”

“Hulaan ko kung anong other name mo—EPAL! Alam mo namang expression ko lang yun eh! Nineteen yung pinili mo kaya letter S!”

“Ano naman ngayon kung letter S? Ano bang meron?”

“May kasabihan kasi na kapag nakagat mo yung dila mo at dumugo ito, either pinagbabalakan ka ng masama o pinagtatawanan ng isang tao.”

“Tsk! Kwentong barbero.”

“S? Sino bang kakilala natin na ang pangalan ay nagsisimula sa S?” Saka nanlaki ang mga mata ko. “Si Sylfer! Pwedeng may balak siyang masama sayo or worst, pinagtatawanan ka niya!”

Biglang pinitik ni Brylle ang noo ko. “Kalokohan mo, Yana. Naniniwala ka sa mga ganyan. Tsk!” Saka siya tumayo, “Papasok na ako sa loob bago pa ako mahawa sa sakit mo.” At iniwan na niya akong mag-isa.

Malapit ko nang kulamin ‘tong si Brylle para bigyan siya ng totoong sakit sa katawan!

Pero basta ako, naniniwala ako sa kasabihan na yun! Lalo pa na si Sylfer yung lumabas! Hindi naman talaga malayong pag-isipan siya ng masama o pagtawanan ng casanova wizard na yun! Speaking of Sylfer, kamusta na kaya siya? Sinong babae na naman kaya ang binibiktima niya?


End of Side Story 4







No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^