(The Mortal)
Tulad ng dati, wala ulit akong nakitang ibang bisita sa Orcen Library. I’m still wondering kung bakit hindi sikat ang lugar kahit sa mga book lovers na tulad ko. Mahal talaga siguro ang magpa-member dito.
Plano ko na lang isubsob na agad ang sarili ko sa trabaho, but someone was about to ruin that goal.
“Good morning ladylove!” Unang bungad niya saakin—si Sylfer. With a blink of an eye, he stood right in front of me and his face was only inches away from mine. “May kasalanan ka saakin.”
I stepped back, blinked a few times and wondered how the hell he did that! Nag-teleport siya papunta sa harap ko! I remembered the incident with the old man on the bridge. Nauuso yata ang ganung tricks!
“You left without a word last night. Why?” he asked with a pout.
“You we’re busy. Sobrang gabi na nun at kailangan ko na talagang umalis.” I said and didn’t dare meet eyes with him.
“I was worried about you.”
Pasimple naman akong umirap. It’s a trap! And I must never fall for it!
“Mag-dinner tayo ulit pagkatapos mo dyan sa nireresearch mo.”
“Sorry pero kailangan kong umuwi ng maaga.” I lied.
“Then let’s just buy food tapos hatid kita pauwi!”
“Hindi rin pwede. Bawal dun sa tinutuluyan ko.” I lied again.
“Babalik na ako bukas. At hindi ko alam kung gaano ulit katagal bago ako makabalik dito. I want to spend my last remaining hours here with you.” Hinawakan niya ang kamay ko at hahalikan niya sana ito pero agad ko itong hinila para hindi niya maituloy.
“Why would you spend your last remaining hours here with a stranger like me?”
“Simply because I like you.”
My left eyebrow rose while my right eye twitched. Is this guy for real? Simply because he likes me? Simpleng bagay lang talaga para sa tulad niya! Well not for me! “Kung aalis ka na, then good luck na lang sa byahe mo.”
Tinulak ko na siya at papunta na sana doon sa kwartong pwede ko lang puntahan, pero hindi pa man ako nakakapasok ay humarang na sa pintuan si Sylfer.
“Did I do something wrong?” And there he goes again. Displaying what seems to be his signature puppy look. “You seemed off today.”
“I’m busy. Marami akong librong dapat basahin at marami rin akong dapat isulat. Ngayon kung paharang-harang ka dyan, paano ko yun sisimulan?” Kalmado pero may kasama nang irap na sabi ko sa kanya.
Finally, mukhang nahalata na rin naman niyang wala talaga ako sa mood na kausapin o i-entertain ang flirting modus operandi niya. “Okay, then I’ll be right back when you’re no longer busy.”
“Good luck on that.”
During lunch break, inabangan ako ni Sylfer sa labas pero hindi ko siya pinansin. Kumain lang ako sa isang karinderia at para siyang anino na nakabuntot lang saakin—patuloy na nangungulit!
After lunch, I went back to the library and continued my work. Nanindigan lang din ako na huwag siyang pansinin dahil siguro naman hindi siya manhid. Sooner or later, mari-realize niyang ayoko nang magkaroon pa ng kinalaman sa kanya.
However, Sylfer is persistent! Daig pa niya mga sintomas ng sakit!
Mukhang ang kailangan lang talaga ay direchahan na siyang itaboy! Ang pinakamagandang tyempo ay noong pauwi na ako at nandoon ulit siya para abangan ako.
“Hatid na kita.”
“Sabi nang hindi pwede!”
“Hindi ako matatahimik hangga’t may tampo ka saakin.”
Natigilan ako bigla. “Ako? Nagtatampo? I don’t even know you so anong karapatan kong magtampo sa isang estranghero?”
“I thought we’re already friends.”
Looking down, I feel like a total bitch. Kaya nga bago pa ako may masabing mas malala, tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis.
Kaso, sinasagad ni Sylfer ang pasensya ko. Nakasunod pa rin siya saakin at sa tuwing lilingunin ko siya, bigla siyang titigil na akala mo wala lang nangyari. Kunwaring sumisipol pa at kung saan-saan nakatingin.
Nang sinubukan ko nang tumakbo, aba’t tumakbo na rin ang hunghang! But this time, inunahan na niya ako! Hingal na hingal ako samantalang siya, ang fresh pa rin ng dating.
“Naiinis na ako sa kakulitan mo ah!”
“Kinukulit kita kasi nagtatampo ka pa. Ang babaeng nagtatampo, dapat inaamo.”
Wow pick-up line! Mabigyan nga rin siya ng sample. “At ang lalaking gago, dapat makatikim ng kamao.”
“Huh? Kailan?”
“Anong kailan?”
“Kailan ako naging gago?” Tapos bigla siyang napahampas sa pader. “Dark damn it! That’s why you’re mad! Anong nagawa kong mali? Nabastos ba kita? I’m sorry. I told you it’s my first time here so probably may nagawa nga akong mali!” Saka siya lumuhod at tumingala saakin. “I’m ready. You can punch me now, please.”
Kulang-kulang ba ‘tong lalaking ‘to? Ginawang big deal agad yung sinabi ko—although big deal naman talaga yun. Pero naman! Ngayon lang ako nakakilala ng taong ganito ka-OA!
“Ewan ko sayo. Pabayaan mo na lang ako.”
“No! Please, please, I beg you! I made a mistake! Kung ano man yung ginawa kong nakakagago, dapat lang talaga na parusahan mo ako! I won’t stop until you forgive me!”
“Okay fine! Pinapatawad na kita! Para matigil ka na.”
“You don't sound sincere.”
“Eh hindi naman ako yung humihingi ng sorry, diba?”
“Galit ka pa rin! Suntukin mo na lang ako! Sipain! Bugbugin! Murahin mo!”
“Hindi ako nagmumura.”
“So nagmamahal ka?”
“Gusto mo ba talagang patawarin kita?”
This time, hindi na lang siya lumuhod. Pinagmukha na niya akong anitong sinasamba niya. “Forgive me! Please!”
“Oy ano ba, Sylfer! Nakakahiya ka na!”
“Please!”
Napa-facepalm na lang ako. At natawa. He’s annoying and yet adorable. “Oo na! Pinapatawad na kita!”
“Are you sincere this time?”
“Cross my heart. Hope to die.”
“Let’s not cross your heart, dear. And you can’t die! I will die for you instead!”
Holy mother of cheesecakes! Seriously, gaano kalala ang chemical imbalance sa utak ng lalaking ‘to?
* * *
Pumayag ulit akong mag-dinner kami ni Sylfer sa parehong resto na kinainan namin kahapon. Mapilit eh. Sayang din naman ang libreng hapunan! Matapos nun, inagawan niya ulit ng trabaho ‘yung bartender but this time, saakin na lang nakatuon ang atensyon niya.
“You never told me kung bakit ka nagtampo saakin.”
“Kung ayaw mong magtampo ulit ako, wag mo nang alamin.” Isa pa, nakakahiya naman kasing dahilan yun. Nagalit ako sa pagiging playboy niya! Nagalit ako dahil ako yung nag-assume! Na-realize kong wala sa lugar yung pagtataray ko.
Sumenyas si Sylfer na zini-zip na niya ang bibig niya, meaning hindi na nga talaga niya aalamin ang dahilan ko. Mabuti naman!
Tapos na rin siyang gumawa ng drinks para saakin, pero nalula naman ako sa limang baso ng inumin na inihanda niya sa harap ko.
“Yeah. My peace offering.”
“Ang dami naman!”
“Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong inumin kaya nag-mix na ako ng marami para may pagpilian ka.”
Iba’t ibang kulay yung inumin. Isa-isa ko itong tinikman at iba-iba man ang lasa, pare-pareho namang masarap! I know may halong alcohol ang mga ito pero tingin ko makakaya ko siyang ubusin.
“I’ll have it all.”
“Can you handle it?”
“Just so you know, I’m a good drinker!”
* * *
Oh my God! I knocked those five glasses… and I’m knocked out too! How irresponsible of me to get drunk! Pero di bale, si Sylfer naman kasama ko!
“Akala ko ba good drinker ka?”
“Akala ko nga rin eh! Ahahahaha!”
“Anong address mo rito sa Mortal World? Ihahatid na talaga kita.”
“Hindi pwede! Kapag nakita ka ng landlady namin, makukursunadahan ka nun!”
“Maganda ba siya?”
“Matanda siya! At mas maganda ako sa kanya!”
Umalis ako sa pagkakabuhat saakin ni Sylfer. Nakakita ako ng railings tapos inakyat ko yun.
“Delikado yan!”
“I can manage! Magaling yata akong magbalance—” Pero mali yung naapakan ko at… “Oh my gosh! I’m flying!”
Ito ang gusto ko kapag nakakainom ako eh. Kung anu-ano na lang ang kabangagan ang nagaganap!
“Oha Sylfer! Kaya mo ‘to? Ikaw marunong mag-teleport, ako marunong lumipad!”
Natawa lang si Sylfer. Nang tignan ko siya, may hawak na siyang stick na umiilaw yung dulo at nakatutok ito saakin. May ginawa siyang motion at synchronized iyon sa nangyayari saakin! Nang igalaw niya yun palapit sa kanya, kasama rin akong lumipad palapit sa kanya!
This is some crazy stunt! But I know the secret! Alcohol!
“Ano yan?”
“You have never seen a wand before?”
“Pahiram nga!” Hinablot ko yun sa kanya.
Pero dahil dun, naramdaman ko ang muling pagbigat ng katawan ko at bumagsak ako. Buti na lang at hindi ako sa semento dumirecho dahil mabilis akong sinalo ni Sylfer.
“Saan yung battery nito?”
“Battery?”
“Paano ito umiilaw?” Tapos pinukpok ko yun sa ulo ni Sylfer. “Lowbat na yata! Teka, i-recharge natin.” Saka ko isinuksok sa ilong niya at umilaw na nga! “See, nagcha-charge na! Abracadabra sisbumba!”
“Hey! I’ve never heard that spell before but you shouldn’t use magic when you’re drunk! You know that’s dangerous!” Kinuha niya pabalik saakin yung wand ‘daw’ niya at itinago na ito. Nang subukan naman niya akong patayuin…
“Wait lang, wait lang! Hindi ako makatayo! Nawawala yung mga paa ko!”
“Hindi nawawala yung mga paa mo!”
“Nilayasan nila ako! Hanapin mo sila, Sylfer! Hanapin mo!”
“Yumuko ka. Ayan lang ang mga paa mo!”
“My feet! My tiny lovely feet!” Akala ko naman nauna na silang umuwi eh. “Pero ayaw nila akong sundin! Ayaw nilang humakbang! Bad feet! Bad feet!”
“You’re really drunk!” Muli akong binuhat ni Sylfer at umiiling siyang natatawa. “If you don’t tell me your address, sa Otherworld na tayo tutuloy. Palapit na rin kasi yung end of stay ko rito.”
“Otherworld?” Ako lang ba ang lasing o pati na rin ‘tong si Sylfer? Ah! Gusto niyang mag-roleplay ulit kami! “Tara! Doon mo na ako dalhin!”
Nagpunta kami ni Sylfer sa isang eskinita habang naka-piggyback ride ako sa kanya. Kapag ako ginawan ng masama ng lalaking ‘to, maghahalo ang balat sa tinalupan!
“Bakit nandito tayo?”
Dinukot niya ulit ang wand niya sa loob ng kanyang coat. May ginawa siyang hand motions habang nakatutok ito sa pader at bigla na lang lumiwanag.
“What in the world…” Hindi ko alam kung dahil pa rin ba ito sa kalasingan. Parang namamalik-mata na yata ako. Bukod doon sa liwanag, may sumulpot pang kung anu-anong symbols at parang naging magic circle ang kinatatayuan namin!
It was—uhh? I can’t find a proper word to explain it! But it was cool and at the same time terrifying.
“Let’s go home.” Inayos ni Sylfer ang pagkakapwesto ko sa likod niya. At ilang sandali pa, isang kakaibang pwersa ang humigop saamin.
End of Chapter 5
T'was creepy experience for M, I'm sure! Hahaha, dito pala sa Haven may additional pictures every chapter :) I thought wattpad version was cool already, but I think Haven is cooler! I'll start reading here from now on, definitely. @astralryl watty account
ReplyDeleteT'was creepy experience for M, I'm sure! Hahaha, dito pala sa Haven may additional pictures every chapter :) I thought wattpad version was cool already, but I think Haven is cooler! I'll start reading here from now on, definitely. @astralryl watty account
ReplyDeletewow ang ganda talaga ng WIZARD'S TALE 3! HOO! GO MS. AUTHOR! HAHAHA! sana po happy lang, walang ending!!!! :-) kawaii!
ReplyDeletebeb, hindi po ito yung WT3 na katuloy ng kwento ng BryAna. A Spell To Eternity po yun at sa libro lang aabangan. :)
Delete