11:30 PM.
Nakahiga na si Richelle sa kama. Kanina pang alas-diyes niya pinipilit na makatulog pero hindi siya dinadalaw ng antok. May mga agam-agam pa siya kaya hindi niya maipikit ang mga mata.
“Iche...” Biglang kumatok si Shane. “Tulog ka na ba?”
“Hindi pa.”
Binuksan ni Shane ang pintuan. Pumasok ito sa kwarto at may bitbit pang unan, “Hindi ako makatulog dun sa sofa. Pwedeng makitabi?” Napakurap si Richelle pero, “Wala namang malisya ‘to, diba?” Mabilis na dagdag ng binata.
“Oo naman. In the first place, sariling kama mo naman ‘to.” Naglaan na ng pwesto si Richelle para kay Shane at agad rin itong tumabi sa kanya. Wala nga namang malisya dahil tulad noong mga bata pa sila, nagtatabi sila sa pagtulog lalo na tuwing hapon.
Pareho silang napatitig muna sa kisame... naghihintayan kung sino ang unang babasag ng katahimikan. “Handa ka na bang ikwento saakin yung mga ginawa sayo nina Sherrie at Eunice dun sa school?”
Napatingin si Richelle sa kanya. Kumapit ito sa braso ng binata at inilubog niya ang mukha sa balikat. “Ayoko nang alalahanin, Shane.”
“Sorry... sorry dahil hindi naman nila gagawin yun kung hindi dahil saakin.”
“Apology accepted.”
“Hindi ka na galit?”
“Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal.”
“Eh kina Sherrie at Eunice?”
“Hindi ko naman sila ka-close. As long as hindi na nila ako sasaktan ulit, palalampasin ko na lang yung ginawa nila saakin.”
Napangiti si Shane na halatang proud kay Richelle. “Saan ka naman pala nagpunta noong nakawala ka na sa kanila?”
“Magkasama kami ni Zenn. Siya ang tumulong saakin.” Narinig naman ni Richelle ang malalim na paghinga ni Shane noong mabanggit niya ang pangalan ni Zenn. Naisip niya na dapat na rin siguro niyang aminin ang isang bagay. “Kami na nga pala ni Zenn.”
“Ano?” Napabangon bigla si Shane. Hindi maipinta ang mukha nito. “Hindi ko naaalalang may sinabi kang nanliligaw na siya sayo…”
“Hindi nga.”
“Hindi siya nanligaw pero kayo na?”
“Dahil hindi naman na kailangan yun.”
“Ni hindi mo pa kilala ng lubusan ang lalaking yun!”
“Pareho naming gusto ang isa’t isa. Yun lang yung mahalaga.”
“Pero—”
“Kahit ano pang sabihin mo, gusto ko siya. Gusto niya rin ako. Kami na. Hindi mo na mababago yun. At hindi ko siya hihiwalayan.” Direkta, walang preno at mariing sinabi ni Richelle.
Tila ba siya rin ang nagwagi sa usapang iyon dahil wala nang nagawa si Shane kundu padabog na bumalik na lang sa pagkakahiga.
“I really do like him, Shane. Magsi-set ako ng date para magkakilala na kayo…”
“I don’t think so.”
“Magugustuhan mo rin siya. He’s a good guy.”
“No other guy will be good enough for you.” Malamig at walang emosyon ang boses nito. Muli itong bumangon at bitbit ang sariling unan at nagpasyang sa sala na lang uli matulog.
Nang maiwan ulit mag-isa si Richelle, magkahalong pagtataka at lungkot ang naramdaman niya. Umandar na naman kasi ang pagiging seloso ni Shane sa ibang lalaki. Akala ni Richelle na makakatulog na sila ng mahimbing ngayong gabi pero hindi pa pala.
= = = = =
Kinabukasan ay pumasok na ulit sa NEU sina Richelle at Shane. Pero tahimik lang ang naging byahe nila. Halatang umiiwas si Shane na mag-open up ulit si Richelle ng tungkol sa boyfriend niyang si Zenn. Hindi pa siya handang makilala ito—o mas tamang sabihin na hindi pa niya kayang tanggapin.
Papalapit na ang sinasakyan nila sa NEU. Hindi pa rin naman natatapos ang foundation week pero kataka-taka ang mga itim na banners at balloons sa paligid. Mistulang parang may rally din dahil sa mga taong nakaitim.
Nang mapalapit pa sila sa mga taong iyon, nalaman nilang hindi rally kundi prayer vigil pala ang nagaganap.
“Anong meron?” Pagtataka ni Richelle. “Don’t tell me may namatay na naman?”
Pahirapan ang pagdaan ng sasakyan ni Shane papunta sa entrance ng university. Ngunit pagdating niya roon, agad niyang tinanong ang kaibigan niyang school guard.
“Kuya Nick, anong meron dun sa labas? Para kanino yung prayer vigil?”
“Hindi niyo pa alam, boss? Nabalita rin yun kagabi sa TV.”
Sandaling nagkatinginan sina Shane at Richelle, ngunit agad din ibinalik ni Shane ang atensyon kay Kuya Nick. “Hindi kami nakanood ng TV kagabi. May aksidente ba?”
Hindi maipinta ang itsura ni Kuya Nick. Hinubad niya muna ang suot na sombrero at saka na sinabi ang masamang balita. “Sina Sherrie Chen at Eunice Zamora po. Natagpuang patay na.” At dahil alam ni Kuya Nick na nagkaroon noon ng relasyon sina Shane at Sherrie, “Condolence, Boss.”
= = = = =
Naka-park na ang sasakyan nila sa parking area ng university. Ngunit nanatili muna sa loob ang mag-bestfriend. Ngayon pa lang chini-check ni Shane ang balita. At nalaman niya sa mga tweets at facebook statuses ng mga classmates at kaibigan niya ang malagim na sinapit ng ex-girlfriend at kaibigan nito.
May mga usapan din about sa forced sex video nung dalawa pero hindi na ito sinubukan pang hanapin ni Shane. Hindi niya ito maaatim na panoorin.
Natulala siya at maya-maya pa ay tumulo na ang mga luha sa mata. “Bakit ba ‘to nangyayari? Bakit sa kanila pa? They don’t deserve it! Sinong walang puso ang gagawa nun!” Si Richelle naman na nasa tabi niya ay walang nagawa kundi damayan siya. Naluluha na rin ang dalaga dahil sa kalungkutan ng binata.
“I’m skipping classes today. Kailangan kong puntahan sila Tita. Kailangan kong makiramay.” Sabi ni Shane kay Richelle.
“Hindi kita pipigilan. Puntahan mo na sila at balitaan mo na lang ako.” Bumababa na si Richelle ng sasakyan, ngunit bago siya umalis, “At wag mo na akong alalahanin pag-uwi. Magpapahatid na lang ako kay Zenn.”
Hindi mawari kung anong magiging reaksyon ni Shane sa sinabi ni Richelle. Pero uunahin niya muna ang pagdalaw sa pamilya ng ex-girlfriend niya para makiramay.
= = = = =
Mabigat ang aura sa buong university. Sa pagkamatay ni Sherrie—ang nag-iisang anak ng may-ari ng NEU, at pati ng kaibigan niyang si Eunice, pinatigil na ang selebrasyon ng foundation week.
Habang naglalakad sa hallway si Richelle ay napadaanan siya sa isang pader kung saan nakadisplay yung mga litrato ng mga taga-NEU na sunud-sunod ang pagkamatay ngayong semester. Sina Miggs, Sir Cariaso at ngayon ay pati na sina Sherrie at Eunice. Sadyang inilagay yun para patuloy na mapag-alayan ng mga bulaklak at mapagtirikan ng mga kandila ang mga biktima. Sadyang nakadisplay iyon bilang paalala na hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli ang mga pumatay sa kanila.
Sandaling tumigil sa harap ng mga iyon si Richelle. Sa mga apat na biktima, puro mga masasamang alaala lang ang meron siya tungkol sa kanila. Ngunit sa kabila noon, naniniwala siyang hindi makatarungan ang pagkamatay nila. Yumuko siya at nag-alay ng dasal para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng mga ito.
“Grabe na ang mga nangyayari, noh?”
Napalingon bigla si Richelle sa boses ng lalaki na nasa tabi na pala niya. Si Trent.
“Alam mo, dapat kasama na rin ako sa kanila eh.”
Nagtataka at medyo kinilabutan si Richelle sa tinuran ni Trent. “Anong ibig mong sabihin na dapat kasama ka na rin sa kanila?”
“Yung nagnakaw ng camera at motor ko, siya rin yung kasama nina Sherrie at Eunice dun sa video. A man with a triple-face mask. Hinding-hindi ko siya malilimutan.” Malamig ang boses at halatang nababagabag pa rin si Trent. Ngunit, hindi lang siya ang mababagabag ngayon. Dahil bago niya iniwan si Richelle, “Binalaan niya ako, Richelle. Sabi niya layuan daw kita.”
Napanganga at nanuyo ang lalamunan ng dalaga. Mas nanindig ang mga balahibo niya sa sinabi ni Trent.
“Mag-iingat ka. Ikaw ang habol ng mamamatay-taong iyon.”
End of Chapter 26
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^