Wednesday, November 12, 2014

Another Wizard's Tale : Side Story 2

:Side Story 2:
(The Author)


Sa baranggay hall, nagkakagulo yung mga tanod dahil sa isang CCTV footage na nakuha kanina lang malapit sa tulay.

“Iyan! Tignan niyo yang dalawang ‘yan!” Sabi nung tanod na unang nakapansin sa kababalaghang naganap. “Mag-isa lang yung babae noong lapitan siya ng matanda. Ang tagal nga nilang nag-usap. Pero bigla na lang nabalot ng liwanag yung matanda at sa isang iglap, nagbago yung suot niya!” Saka niya pinause yung video para pakinggan ang reaksyon ng mga katrabaho.

Hala oo nga!”

“Baka street magician?”

“Baka may sapi?”

“Baka alien?”

“Hindi pa tapos.” Ni-play ulit ng tanong yung video para ituloy ang panonood. “Bigla nagkaroon ng hindi maipaliwanag na brownout dyan lang mismo sa tulay. At pagkatapos, bigla siyang nawala!” At muli, pinause niya yung video para bigyan ng chance na makapag-react ang mga kasama.

“Saan na yung matanda?”

“Nag-teleport?”

“X-Men?”

“Avengers?”

“Napadpad siya sa may dulo ng tulay. Heto panoorin niyo.” At pinapanood na niya ulit yung video. “Para siyang usok na napunta bigla diyan. At noong kumaway siya, tuluyan na siyang nawala.”

Ilang beses pa nilang inulit-ulit na panoorin yung video. Kinikilabutan na ang mga ito at may posibleng sagot na sila.

“Aha! Yan yung kaluluwa ng nagpakamatay na matanda sa tulay na yan. Hindi pa rin nakikita yung katawan nun kaya siguro nagpaparamdam siya.”

“Kawawa naman yung babaeng kausap niya. Kumaripas talaga ng takbo dahil sa takot.”

“Maski ako, baka maihi sa salawal eh.”

“Alam niyo, dapat na talagang ipa-blessing natin ang tulay na yan.”

“May iba pa akong ideya. Post natin sa youtube. Panigurado, hahakot ‘to ng views.”

“Ay oo nga! Maganda yan! Baka ma-TV pa tayo!”

“Teka, gagawa na ako ng youtube account.”

Hay! Kawawang mga tanod! Hindi lang ang bidang mortal natin ang nabiktima ni Lolo Lorcan. Good luck na lang sa kanila kung maging viral talaga ang video na yun.



End of Side Story 2






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^