(The Mortal)
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko—sunud-sunod na kalampag sa pintuan kasabay ang nakakabulabog na talak ng landlady. Ilang umaga na niyang ginagawa saakin ‘to. Concerned citizen lang, ayaw niya akong nali-late ng gising.
Pero bukod sa paulit-ulit niyang pagtawag sa maganda kong pangalan, bininyagan na rin niya ako ng iba’t ibang klase at malulutong na mura. Hindi ko siya masisisi. Ang tagal ko kasi siyang pinagtaguan.
Bago ako bumangon, kinapa ko sa ilalim ng kama ko yung perang kagabi ko pa ni-ready. Pagkatapos ay dire-direcho akong naglakad na palabas habang nakapikit pa rin ang mga mata.
“Aba! Sa wakas, nagpakita ka na rin!”
Hindi ko alam kung anong reaksyon ng mukha niya at wala akong balak alamin. Nananatili pa rin kasing nakapikit ang mga mata ko dahil kapag siya ang unang taong nakita ko sa umaga, baka magka-‘daymare’ ako. Daymare is a nightmare while awake.
“Hoy ano ka ba? Nagi-sleepwalk ka lang ba? Ang tagal mo nang hindi nag-aabot ng upa! Panahon na siguro para magbalut-balot ka na—”
Bago pa niya ituloy yung linyang alam kong ang tagal na niyang gustong sabihin, inilahad ko na agad ang kamay kong may pera. Another reason why I don’t want to open my eyes is because it’s painful to see my money go!
Dali-daling hinablot ng landlady ang pera at saka niya ito binilang. 7,700 din iyon—five thousand sa utang kong dalawang buwan na upa, two thousand para ngayong buwan at may butal pang dalawang daan pampalubag-loob sa tagal kong hindi nagpakita sa kanya.
Nang marinig ko na ang mahinang pagtawa ng landlady, that’s my cue na pwede ko nang buksan ang mga mata ko. Maaliwalas na ang mukha niya at napakaganda ng ngiti. Mabait naman siya—mabait basta may pambayad ka.
“Pasensya na po kayo kung na-delay yung bayad ko.”
“Sana hindi na ito maulit ah.”
Masaya nang umalis yung landlady. Nabigyan na rin ng katahimikan ang umaga ko.
Pero gustuhin ko mang bumalik ulit sa pagtulog, sunod na tumunog ang second alarm ko sa phone. Isinet ko talaga iyon ng maaga dahil sa importanteng lakad ko ngayon.
Naligo na ako, nagbihis, at bilang almusal, tubig lang dahil walang kape at yung natira kong tinapay kagabi ang kinain ko. Bitin nga dahil binawasan kahapon nung matanda yung pagkain ko, pero nasanay na yata ang tiyan ko na pakonti-konti na lang ang kainin.
Bago ako umalis, inayos ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko. Ang nasa ‘to-bring list’ ko ay laptop, instax mini, a bottle of water, sapat na pocket money, pati yung keychain at note na bigay saakin ni Lolo Lorcan.
Sa tinatawag na Orcen Library ako tutungo. Ayon dun sa address na nasa note, tatlong sakay iyon mula dito sa apartment ko. Pero dahil nagtitipid ako, kaya naman na lakarin na lang. Morning exercise na rin ‘to. It’s healthy for my body and for my wallet!
Lagpas isang oras at kalahati akong naglakad hanggang sa makarating ako sa tinatawag nilang Evermyth Road. Inisa-isa ko yung buildings and establishments pero hindi ko mawari kung saan nga ba yung lugar na yun.
Mabuti na lang, isang traffic enforcer ang napagtanungan ko.
“Kuya, alam niyo po ba kung saan yung Orcen Library?”
“Library?” Napakamot sa ulo yung manong. Mukhang hindi niya alam. “Wala namang library na malapit sa lugar na ‘to.”
“Po? Nakalagay po rito sa note na binigay saakin, sa Block 609 Evermyth Road makikita yung library.”
“Ah! Sa Block 609! Direchuhin mo ‘tong kalye na ‘to tapos kumanan ka. May makikita kang stoplight at limang building na lang, nasa Block 609 ka na.”
Napangiti na ako dahil mukhang malapit na ako sa library. Ang kaso…
“Pero Miss, mukhang mali yung sinabi sayo. Hindi naman library yun kundi isang lumang building na lang.”
“Sigurado po kayo?”
“Oo. Ang tagal ko nang nagtatrabaho sa lugar na ‘to. Mag-iingat ka na lang at wag kang magpapaloko.” Babala niya saakin.
Kinabahan naman ako nang maiwan na akong mag-isa. Imposible namang lokohin ako ni Lolo Lorcan. Anong makukuha niya saakin?
Pero hindi kaya kilala niya ako at pamilya ko? Imposible rin! Kaya nga sa lugar na ‘to pinili kong makipagsapalaran dahil nakasisiguro akong wala kaming kuneksyon dito. Hindi kami sikat dito. Hindi kami at hindi ako kilala rito.
Pinili kong sundin ang instinct ko na ituloy na ang paghahanap sa library. Paglagpas ng stoplight, binilang ko yung mga buildings hanggang sa wakas ay narating ko na ito.
I’m standing in front of a two storey building. Tulad ng sinabi ng napagtanungan ko kanina, it’s a really old building. Comparable to a lot of ancestral buildings and houses na napuntahan ko during high school field trip days.
Nakita yung wooden door. It has majestic, or rather, whimsical carvings on it. It’s super cool so I took a picture of it with my instax. On the side of the door, there’s a plaque saying that Orcen Library was built on October 1699.
I won’t do the Math para bilangin kung ilang taon na ang library pero wow! Sobrang tanda at luma na pala nito! A question popped in my mind. Base on its age, this place surely has historical value in it. Pero bakit hindi siya alam nung manong kanina? Bakit ngayon ko lang din narinig ang tungkol sa lugar na ito?
Pumasok na ako sa loob at sinabayan ng tunog ng wind chimes ang pagbukas ko ng pintuan. Akala ko, bookshelves na agad bubungad saakin pero may makipot na hallway pa muna na binabantayan ng isang matandang babae.
Sa tancha ko, nasa mid 40’s na yung babaeng tagabantay. Masyadong makaluma para sa edad niya at sa panahon ngayon ang istilo niya ng pananamit. Naaalala ko sa kanya yung mga bistidang suot ni Miss Minchin mula sa Princess Sarah. “Paano ka nakapasok dito?” Tanong niya saakin at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang sagutin na sa pinto ako dumaan.
“May isang matanda po ang nagturo saakin sa lugar na ‘to. Lorcan po ang pangalan niya.” Halatang nagulat ang matandang babae pero mas nagulat siya nang ipakita ko na yung keychain na binigay saakin ni Lolo. “Ipakita ko raw po ito sa tagabantay bilang patunay?”
Hindi na sumagot pa yung matandang babae. Ibinaba niya ang librong binabasa, tumayo sa kinauupuan niya at pinasunod na ako sa kanya.
Dumaan kami sa isang hallway at natanaw ko agad sa dulo nito ang isang grandiyosong hagdanan. Napangiti ako. I wanted to take a selfie pero pinagbawalan ako ng matanda. “Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng mga litrato sa loob ng Orcen Library.”
Akala ko, aakyatin namin yung hagdanan pero tumigil kami sa kalagitnaan at isang pintuan sa kaliwa ang binuksan ng matandang babae. Pinasok na namin ito at nakita ko na ang kanina ko pang hinahanap—mga libro!
“Mga libro lamang sa loob ng kwartong ito ang pwede mong mabasa.”
“Pwede po bang gumamit ng laptop at maki-charge?”
“Hindi. Bawal ang kahit na anong gadgets sa loob.”
“Pero paano ko po gagawin ang research ko?”
“Marunong ka naman sigurong magsulat. Sa ganung paraan pinapayagan ang pagkuha ng impormasyon mula sa mga librong mayroon kami.”
“Ang higpit naman po.”
“Natural lang dahil wala ka nang makikitang ibang mga libro na kagaya sa mga librong naririto sa Orcen Library.”
“Ow… okay.” Puro mga one-of-a-kind books pala ang meron dito sa Orcen Library.
“May ibang tanong ka pa ba?”
“Ano pong pangalan niyo?”
“Maari mo akong tawaging Mrs. Ne-ma.”
“Ako naman po si—”
“Hindi ko tinatanong.” Masungit na saad niya at tuluyan na niya akong iniwan mag-isa.
Itinuon ko na ang atensyon ko sa mga librong nasa paligid ko. Dahil ipinagbabawal ang laptop, nagpasya akong magbasa na lang muna.
Unang librong nakuha ko ay hindi naman novel pero parang guidebook sa isang fantasy world. Yung sumunod na librong binasa ko ay tungkol naman sa history pero about pa rin dun sa ibang mundo na yun.
And it gets weirder!
Puro fantasy books lang ang nakikita ko! Iba’t iba at puro unknown yung authors pero iisa lang ang topic nila—a fantasy world known as the Otherworld.
It was weird but interesting. At aaminin ko, na-in love na ako agad sa idea ng book collection na ito. Parang guidebook ito tungkol sa isang malawak na fairy tale at kahit alam kong hindi naman talaga nag-eexist ang Otherworld at mga creatures nito—masyadong believable yung mga nababasa ko at hindi ko mapigilan na hindi maniwala.
* * *
Masyado akong nawili sa pagbabasa at mga nalalaman ko tungkol sa Otherworld. Pero kulang pa. Kulang pa ang mga nababasa at inspirasyon ko.
“Magsasarado na ako.” In-inform ako ni Mrs. Ne-ma. “Bumalik ka na lang ulit bukas para ipagpatuloy ang pagbabasa mo.”
Nang mapatingin ako sa oras, “Grabe! Lagpas alas-diyes na pala!”
Lumabas na ako ng library. Saka ko lang naramdaman ang gutom dahil nag-skip ako kanina ng merienda at inabot na ng hapunan ngayon.
Wala nang masyadong mga tao at sasakyan sa paligid. Mag-isa lang akong naglalakad ngayon sa kalsada pero feeling ko, may mga matang nakasunod saakin.
Direcho na lang ang tingin ko at tuluy-tuloy na sa paglalakad pauwi. But I swear na may nakasunod na talaga saakin!
Over my shoulder, I saw a figure of a man. Nagmatapang ako at hinarap ko siya, pero mas mabilis siyang nakalapit saakin and the next thing I knew, hinablot na niya yung bag na dala ko at saka ito kumaripas ng takbo.
“Magnanakaw!” Nagsisigaw na ako at tumakbo na rin para sundan yung damuho.
Yung laptop at instax ko! Nasa bag na iyon ang laptop ko kung saan naka-save yung drafts ng mga kwento ko at pati na yung instant camera ko na regalo pa saakin ni Mommy! In short, naroon ang buhay at pangarap ko!
“Magnanakaw! Huliin niyo siya! Magnanakaw!” Pero kanino nga ba ako humihingi ng saklolo? Eh wala namang katao-tao!
Sa pagtakas ng magnanakaw at pagsunod ko rin sa kanya, napadaan kami sa isang eskinita. Saktong may lalaki pang napadaan at halos magkabungguan na kami. “Woah!” Gulat na bungad niya saakin.
“Manong, tulungan niyo ako! Hinahabol ko yung magnanakaw!” Humahangos akong nakiusap at tinuro ko pa yung direksyon ng magnanakaw na mas lumalayo na.
“Manong? Ako ba ang tinutukoy mong manong?”
Napasimangot ako. At nagiging blangko na rin ang isip. Talagang nakuha pa niyang magtanong imbes na tulungan ako!
Muli akong napatingin sa direksyon nung magnanakaw. “No… oh no!” This can’t be happening! Wala na yung damuho! Natakasan na niya ako!
Without thinking straight, sumunod pa rin ako dun sa lugar na posibleng dinaanan ng magnanakaw. Nagmamadali akong tumawid sa kalsada—at hindi ko napansin ang humaharurot na sasakyan.
“Ang kwento ay tulad ng isang paglalakbay. Kadalasan, mas masaya at ‘di-malilimutan kapag biglaan at hindi pinagpaplanuhan.” Bigla ko na lang naalala ang mga katagang iyon ni Lolo Lorcan. Pumasok kasi sa isip ko na nagsisimula pa nga lang ang paglalakbay ko, matatapos na agad.
Mabuti na lang at hindi pa pala.
Hindi ako nasagasaan ng sasakyan. Naimulat ko pa mga mata ko at wala man lang akong kagalos-galos sa katawan. Ligtas ako—at nasa bisig ng isang estranghero.
“You’re safe in my arms, my lady.” Sabi niya saakin, yung lalaking tinawag kong manong kanina.
Malabo na yata ang mga mata ko para hindi mapansin kung gaano siya kagwapo. Pero mas lumalabo pa yata ang mga mata ko ngayong ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
But wait! This is not the right time to be mesmerized! Tuluyan na talaga akong natakasan ng magnanakaw!
Nagsimula na akong magpanic. Nagpaikot-ikot ako sa daan, hindi ko talaga alam kung ano nang gagawin ko. Kaunti na lang at magkakanervous breakdown na ako pero naramdaman ko yung kamay nung lalaki sa balikat ko.
“You should calm down.”
“Calm down? Kailangan ko siyang sundan!”
“Stop chasing a man who is not worthy of your love.”
“Love? Tingin mo, boyfriend ko yun?”
“Kaya mo siya hinahabol, diba?”
Animales! Kay poging lalaki, eng-eng lang! At tingin niya talaga, papatol ako dun sa damuhong humablot sa gamit ko! Mukha kayang goon yun!
“Magnanakaw yun!”
“Magnanakaw? Ng puso mo?”
“HINDI! NG MGA GAMIT KO!” Kung hindi lang siya yung taong nagligtas saakin kanina, binigti ko na patiwarik ‘tong lalaking ‘to eh! “Ninakaw niya yung laptop at instax ko. At kung hindi ka sana babagal-bagal dyan, sana natulungan mo akong bawiin sa kanya yung mga gamit ko!”
Para akong bulkan na sumabog na wala naman sa lugar. Nasigawan ko siya at para siyang kawawang tuta na napagalitan. But what am I thinking? Anong karapatan kong ibunton sa kanya ang galit ko samantalang wala naman siyang kasalanan.
Dahil sa hiya at pagka-guilty, tinalikuran ko na lang yung lalaki. Kailangan kong i-report ang nangyari sa pulis. Kailangan kong mabawi yung mga gamit ko! Pero saan nga ba ang police station?
Wala tuloy akong choice kundi muling harapin yung lalaking, “Alam mo ba kung saan yung pinakamalapit na—” Pero paglingon ko, naglaho na rin siya. “Nasaan na yun?”
Mangiyak-ngiyak akong napasalampak sa semento. For a while, pinabayaan kong lumutang ang isip ko..
Wala na ang mga gamit ko.
Wala na ang mga pinaghirapan ko.
Mukhang kailangan kong bumalik dun sa tulay. This time, tatalon na talaga ako.
“Miss Beautiful…” Muling may humawak sa balikat ko. “Huwag kang maupo diyan, madudumihan ang damit mo.” Saka siya humawak sa kamay ko at pinatayo na niya ako.
“Saan ka galing? Bigla kang nawala. Bakit ka bumalik?”
Nginitian niya ako at laking gulat ko nang iabot na niya saakin yung bag na naglalaman ng laptop at instax ko.
“Pa—paano mo nakuha pabalik?” Pero hindi na mahalaha kung paano. Napayakap talaga ako ng sobrang higpit dun sa bag nang mapasakamay ko na ulit ito. Yung tears of depression ko kanina at nagiging tears of joy na. “Thank you! Thank you talaga! Hindi mo alam kung gaano kahalaga itong mga gamit ko na ‘to. Sobrang salamat talaga!”
Muli lang akong nginitian ng lalaki. Inabot niya ang kamay at saka ito hinalikan. “Now go home safe.” At aalis na sana siya pero…
“Sandali! Pwede ko bang malaman kung anong pangalan mo?”
“Sylfer Flemwall-Ardensier.”
What an out of the ordinary name!
“I’m—”
“You don’t need to tell me but it was nice meeting you.”
That’s weird. Una si Lolo Lorcan, sunod si Mrs. Ne-ma, and now he’s the third person na hindi interesadong malaman kung sino ako. Next time nga, ipagdadamot ko na talaga ang pangalan ko.
End of Chapter 3
nakakakilig! sa wakas nagkita n rin sila khit ganun lang kaikli!!!!!
ReplyDeleteupdate pa moooreeeeeeeeeee ♥♥♥♥
ReplyDeletewhaaa. Keleg keleg nemen !!
ReplyDelete