Saturday, November 22, 2014

Another Wizard's Tale : Chapter 4

:Chapter 4:
(The Mortal)


Mahimbing akong nakatulog pagkauwi ko. Despite the fact na nanakaw yung laptop at instax ko, naibalik naman saakin ito ng isang misteryosong lalaki. Si Sylfer Flemwall-Ardensier.

I don’t know what kind of name is that but it’s unique. I don’t know what kind of person he is but he’s interesting. I don’t know how he managed to get my bag back but I’m glad he did.

Will I ever see him again? Maybe. I hope. I wish.

The next morning, I woke up earlier than my phone’s alarm clock. Siguro mas excited lang talaga akong bumisita ulit sa Orcen Library.

Nag-prepare na ako but this time, wala na akong balak dalhin yung laptop at instax ko. Maybe if I look less sosyal, hindi na ako mapagdidiskitahan pa ng magnanakaw. Besides, wala rin naman point na magdala ng gadgets dahil pinagbabawal naman yun dun sa library.

After breakfast, tumuloy na ako sa lakad ko. Alam kong mas mabilis na akong makakarating dun dahil alam ko na kung saan exactly ang Orcen Library.

An hour later, malapit na ako sa library. Pero dumaan muna ako sa shop na nagbibenta ng school supplies. Kailangan ko ng bagong notebook kung saan maisusulat ko lahat ng useful ideas na mapupulot ko sa mga librong nasa Orcen Library, na gagamitin ko ring reference para sa bago kong kwento.

Pagpasok ko pa lang dun sa shop, una ko nang napansin yung mga nakadisplay na black and silver leather journal na may letters sa cover at matching lock pa. Naghanap ako ng may letter M—because my name starts with M—at swerte kong may natitira pang isa!

Binuklat ko ito at yung unang pahina, parang katulad sa slam book na hilig kong sagutan noong elementary pa lang ako. Nang tignan ko ang presyo, nalula ako sa kamahalan. Pero pikit-mata ko pa rin itong binili. Meant to be na mapasaakin ang journal na ito. Besides, bukod sa letter M ay gusto ko rin yung kulay. Silver—katunog ng Sylfer.

Pagdating ko sa Orcen Library, binati ko ng magandang umaga si Mrs. Ne-ma pero isang tango lang ng itinugon niya. Tulad kahapon, ni-lead niya ulit ako dun sa kwartong pwede ko lang pasukan.

Pagpasok ko sa loob, nanguha na agad ako ng five random books at naupo sa masasabi kong paborito ko nang pwesto. Ang maganda rito, walang kaagaw sa pwesto dahil ako lang naman mag-isa rito at walang ibang bumibisita.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at bininyagan ko na rin ang bagong journal ko.


= = = = =

Kapag nagbabasa talaga ako, nakakalimutan ko ang reality. Lalo pa dahil fantasy books itong mga binabasa ko ngayon. Through reading these books, parang naglalakbay na rin ako sa Otherworld. At ang dami kong napupuntahan, ang dami kong nakikilala, ang dami kong nadidiskubre.

I can’t get enough of these Otherworlder creatures, myths and legends! Sobrang fascinating yung about sa wizardry, magic and curses! Detalyado at kapani-paniwala talaga yung mga nababasa ko at kaunti na lang ay maniniwala akong nage-exist lahat ito.

Alas-dose ng tanghali nang magpasya akong mag-lunch break muna sa labas. Bukod sa kumakalam kong sikmura, kailangan ko ring mag-recharge ng energy. Target kong makatapos ng sampung libro ngayong araw.

After lunch, bumalik din ako agad sa Orcen Library. Pagpasok ko, iniexpect kong si Mrs. Ne-ma lang ang makikita ko, pero nagkamali ako.

“I-ikaw?”

“Oh! You’re here!”

Yung lalaking tumulong saakin kagabi! Yung lalaking wini-wish ko pa lang na sana ay makita ko ulit. Of all places, hindi ko inaasahan na makikita si Sylfer dito. And it seems like he’s feeling the same way.

“I didn’t expect you to be here.” Natatawa at hindi pa rin makapaniwalang saad niya. “I thought you are just a plain mortal!”

Mortal? Mortal talaga ang term! Well I guess kaya siya narito ay dahil fan din siya ng mga fantasy books ng Orcen Library.

“Actually, nagri-research kasi ako rito. Eh ikaw?”

“Same agenda.”

For a while nagkatitigan at ngitian lang kami. Nauna lang akong sumuko dahil mas nagiging gwapo si Sylfer kapag tinititigan. Isa pa, medyo awkward yung titig din saamin ni Mrs. Ne-ma.

“So um… I’ll go ahead.”

“No. Let’s go together.”

Sweet corn! Alam ni Sylfer kung paano maging gentleman. And I can’t deny the fact na nag-eenjoy ako sa paglalandi niya! Unfortunately, magkaibang way kami. Si Sylfer ay paakyat dun sa magarbong hagdan samantalang hanggang dito na lang ako.

“Hindi ka tutuloy sa taas?”

“Itong kwarto lang dito ang pwede kong pasukan, sabi ni Mrs. Ne-ma.”

“Why?”                    

“Ewan ko. Para lang yata sa special members yung nasa taas?”

“It sucks to be alone there.”

“Wala tayong magagawa. Rule yan dito sa Orcen Library.”

Nakita kong nagbuntong-hininga si Sylfer. Nagmukha na naman siyang tuta kapag malungkot! Pero umiling siya at muling ngumiti. “I’ll see you after research.”

Muli na akong pumasok sa loob ng kwarto at isinara na ang pinto. Dumirecho ako dun sa pwesto ko at saka isinubsob ang mukha sa isa sa mga libro.

A stranger is making my heart flutter! May trabaho pa ako pero knowing na nasa iisang library lang kami ng lalaking iyon, I can’t pull myself to concentrate!

What's with Sylfer? He has this aura like the one’s I read from these books! Kapag tinitignan ko siya, may magical appeal! Or hindi kaya ito yung tinatawag nilang spark?

= = = = =
                                          
I decided na umuwi ng mas maaga ngayon para mas safe sa daan.

Paglabas ko ng kwartong iyon, napatingin ako dun sa hagdan. Hindi ko makita kung anong meron dun sa taas. Pero nandoon pa kaya si Sylfer? Nakauwi na kaya siya? Eh kung hintayin ko kaya?

I shook my head. Nagmumukha na akong desperadang makita siya ulit! This is so unlike me. Wala dapat akong time para sa love life! Busy akong tao! Bukod sa buhay ko, may pangarap akong dapat abutin. So I have to snap out of it and go home.

Nagpaalam na ako kay Mrs. Ne-ma at lumabas na ako. Hindi na ako tumigil o lumingon pa. Direcho lang ang tingin at lakad ko pauwi. Pero hindi pa nga ako nakakalayo…

“Hey lovely! Pauwi ka na?”

“Oh! Nandito ka pa? Anong ginagawa mo dyan?”   
    
“Hindi ba sabi ko I’ll see you after research. I’m waiting for you.”

Feeling ko nag-blush ako. Sana lang hindi halata.

“Let’s have dinner. My treat.”

Hindi ko pa siya masyadong kilala kaya dapat tumanggi ako. Pero dinner na yun tapos libre pa! Ngayon pang nagtitipid ako, tatanggi pa ba ako? Sa huli, pumayag na ako.

At galante rin naman si Sylfer. Sa isang mamahaling bar and resto siya nanlibre! Oh how I miss eating in a place like this! Pero mas namiss ko talaga ang fine heavy meals.

And while eating, Sylfer and I talked. Confirmed na talaga na fan siya ng mga fantasy books dun sa Orcen Library dahil lahat na lang ng mabanggit niya, may kinalaman sa Otherworld. Para kaming nagro-roleplay which is fun!



“So, do you have a permanent residence here?”

“Nangungupahan lang ako.”

“Tuwing kailan ka bumabalik?”

Ang tinutukoy niya siguro ay tuwing kailan ako bumabalik dun sa library. “Actually first time ko lang bumisita sa Orcen Library kahapon. Tapos dahil nga sa research ko, baka araw-arawin ko ang pagtambay dun.”

“Hanggang kailan naman ang stay mo rito? I mean, gaano katagal yung pass na nakuha mo?”

“Pass? Um… anytime naman pwede akong bumalik-balik.”

“What? Wow! May ka-close ka bang portal keeper? Anytime, pwede kang bumalik? Nakakainggit yun!” Sabi niya pero maya-maya lang din, bumubulong na siya na parang sarili niya lang ang kausap. “Kung hindi lang mahirap mag-apply ngayon. That lucky bastard Brylle. Swerte niya dahil parents niya ang nag-apply noon kaya nakakaalis at nakakabalik siya kung kailan niya gustuhin. If only my parents did the same thing!”

Portal keeper? Si Mrs. Ne-ma ba yung tinutukoy niya? At tsaka… “Sino si Brylle?”

“Brylle Zaffiro! You don’t know him?”

“Never heard of him.”

Biglang napahawak sa kamay ko si Sylfer. “Seriously? You really don’t know him?” At noong tumango ako bilang sagot, bigla na lang siyang natawa. “Okay, let me enjoy this moment. At last! May nakilala na rin akong hindi nakakakilala kung sino si Brylle!”

“Bakit ba? Sikat ba siya?”

Mas lalong natawa si Sylfer. At kahit hindi ko alam kung ano bang nakakatawa dun, nahawa na rin ako sa pagtawa niya. He really seemed so happy.

Pero habang nag-uusap kami, napansin ko na may grupo ng mga babae sa kabilang table na parang sadyang nagpapapansin sa pag-iingay nila. Pasimple akong tumingin sa direksyon nila at alam ko na kung kanino sila nagpapapansin—kay Sylfer!

But sorry sila, ako ang kasama niya.

“Do you like something to drink?” Biglang nag-aya si Sylfer.

Katatapos lang namin mag-dinner tapos drinks ulit?

Hindi na ako nakasagot pa dahil tumayo na si Sylfer at nagtungo dun sa wine bar. Kinausap niya yung bartender at hindi ko alam kung anong sinabi niya pero napapayag niya itong palitan siya sa pwesto niya. Si Sylfer na mismo yung magmi-mix ng drinks!

Napatayo na ako palapit sa kanya para panoorin siya. Naagaw na rin niya pati ang atensyon ng ibang customers. Nang magsimula na siyang mag-flairing na may kasama pang fire tricks, nagmistulang show na yung nangyari.



And the feeling while watching him is like the feeling when I’m reading those fantasy books. He’s enchanting! He’s making my world stop!

Kinikilig na nga ako eh. I mean, ako ang kasama ng lalaking yan!

But the ‘kilig’ didn’t last for long.

Akala ko, kaya siya nagpapakitang-gilas ay para lang saakin. It turned out na nagfa-fan service rin pala siya dun sa grupo ng mga nagpapapansing babae! Pinalakpakan siya at pinalibutan ng mga ito at gustung-gusto naman niya ang atensyon. At yung ginagawa niyang drinks, hindi lang para saakin kundi para sa lahat ng mga babaeng naririto!

Something pricked in my chest. Why didn’t I notice it before?

Dalawa lang naman ang posibleng dahilan kung bakit ang espesyal ng trato saakin ni Sylfer. Una, pwedeng na love at first sight siya saakin, o pangalawa, dahil nature niya na yun at ganun siya sa lahat. Sad to say, yung pangalawa ang dahilan. And this just ruined everything!

Jeez! Bakit ba masyado akong nag-assume! And to think I’m starting to really like him! Mabuti na lang at naagapan ko, at nalaman ko agad kung anong klaseng lalaki si Sylfer—playboy!


End of Chapter 4

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^