Thursday, October 30, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 24

Author’s Note: Muli nang nagbabalik ang kwentong ito! Maraming salamat sa mga naghintay. Ang chapter po na ito ay ang intro ng 2nd half.

CHAPTER 24



7:00 PM.



Nasa byahe na pauwi si Triple-face Killer na satisfied sa nagawang niyang misyon na pagbayarin ang dalawang babaeng nanakit sa pinakamamahal niya. At sa bawat biktimang napapatay niya, pakiramdam niya’y unti-unti na ring nababawasan ang hadlang at mga pampagulo na pumapalibot sa kanila.



Ni hindi siya nakaramdam ng awa o pagsisisi, bagkus ay mas ginanahan pa nga siya. Lumaki siya na sanay sa karahasan kaya sa karahasan lang din niya idinadaan ang pag-resolba sa mga problema.



Habang nagda-drive, muling sumariwa sa kanyang alaala ang mga pinagdaanan noong kabataan niya.



“Bakit dito ka saamin nakikipaglaro? ‘Di ba dapat doon ka sa mga lalaki?” Sabi ng batang babaeng halos kasing edad niya lang. Sa sobrang tagal na, hindi niya maalala ang pangalan nito.




“Ayaw nila akong kalaro eh.”



“Ayaw ka rin naming kalaro kaya umalis ka rito!”



Noong mga panahon na yun, hindi niya maintindihan kung bakit walang bata na gustong makipaglaro sa kanya. Kung hindi siya iniiwasan ay inaapi siya ng mga ito.



“Ay bading! Bading! Gustong makipag-laro ng barbie sa mga babae! Bading!” Asar naman sa kanya ng mga batang lalaki na napadaan.



“Hindi ako bading!”



“Bading ka kaya! Bakit sa kanila ka nakikipaglaro?”



Napasimangot siya bigla. Sa sobrang pikon niya, sinugod niya ang batang lalaki na yun. Pero dahil mas malaki ito sa kanya at may mga kabarkada pa, sa huli ay siya ang nabugbog.



Mamamalayan na lamang niyang tapos na ang kalbaryo at parusa sa kanya kapag iniwanan na siya ng mga ito na nakabulagta sa daan—duguan at masakit ang katawan.



At sa tuwing uuwi siya sa bahay nila, palaging wala ang kanyang Mama at Papa. Tanging ang katulong lang sa bahay ang naabutan niya. Sasalubungin siya nito at saka gagawin ang dapat sanay papel ng kanyang mga magulang.



“Anong nangyari sa baby namin?”



“Inaway na naman nila ako.” Humihikbi siyang magsusumbong. “Inaasar nila ako. Sabi nila bading daw ako!"



“Wag kang maniniwala sa kanila. Alam mong hindi ka bading. Lalaki ka!”



“Pero yaya—”



“Sino ba yung mga yun?”



“Pagagalitan mo ba sila?”



“Hindi ako. Ikaw ang magtuturo sa kanila ng leksyon. Halika!”



Sa tuwing umuuwi siya na ganun ang kundisyon, pinapapanood siya ng yaya niyang iyon ng mga mararahas at mga bayolenteng palabas.



“Matuto kang lumaban. Gagayahin mo ‘tong mga pinapapanood ko sayo para gantihan yang mga umaaway sayo. Wag na wag kang magpapaapi para paglaki mo, ikaw na ang katatakutan nila.”



At bulag siyang nakinig sa mga payo ng katulong niyang iyon. Pero yun din ang labis niyang ipinagpapasalamat. Dahil kung hindi siya naturuan noon, baka siya pa rin ang kawawa. Baka ang mga minamahal pa rin niya ang kawawa.



At ngayon, alam niyang siya na nga kinatatakutan ng lahat.



Ngunit kapalit noon, alam niya ring pinaghahanap na siya ngayon.



= = = = =



Past 7:30 PM. Pleynas Building.



Nagtataka si Richelle kung bakit hindi pa umuuwi si Shane. Hindi naman niya ito maitext o matawagan dahil sa pride niya.



Kahit wala sa mood, naghanda na lamang siya ng pang-hapunan nila pero dahil matagal na siyang hindi nakakapag-grocery, kulang-kulang ang mga sangkap sa pagluluto kaya’t naisipan niyang sumaglit muna siya sa convenience store na malapit lang sa kanila.



Pagdating doon, agad na niyang pinagkukuha ang mga kailangan. Matapos din nun ay nagpunta siya agad sa harap ng cashier para bayaran na ang mga ito. Ngunit hindi rin naman siya agad napagserbisyuhan dahil sa isang emergency.



“Ma’am, okay lang po ba… kanina pa po kasi ako tinatawag ng kalikasan. Sunud-sunod yung customer kanina. Hindi ko na po talaga kanyang pigilan.”



Hindi alam ni Richelle kung matatawa o maaawa ba siya. Nakakatawa yung itsura nung lalaki habang nagbubutil na ang pawis sa mukha nito, pero nakakaawa rin dahil nga halatang hirap na hirap na ito. “Sige po, kuya. Take your time po!”



“Hay thank you po, ma’am. Five minutes lang po!” Saka ito kumaripas ng takbo.



Wala na rin talagang nagawa si Richelle kundi maghintay. Naisipan na lang niyang icheck ang phone at quarter to eight na. Wala pa ring paramdam mula kay Shane pero may text naman mula sa boyfriend niyang si Zenn.




“Nag-dinner ka na ba?”



Napangiti si Richelle na nireplyan ito. “Hindi pa nga eh. Nandito pa ako sa bilihan. Kulang kasi yung mga sangkap ko panluto.”



“Gusto mong puntahan kita dyan?”



“Hindi na! Gabi na!”



“Bakit kasi hindi ka pumasok kanina? Namiss tuloy kita.”



Napakagat ng labi siyasa kilig. “Miss na rin kita. Papasok ako bukas.”



“I love you.”



“I love you too.”



Masyadong nawili si Richelle sa ka-text niya, kaya hindi niya napansin na may tao pala sa likod niya na nakikibasa rin.



“Wow… I love you too?”



Gulat ang naramdaman niya nang marinig ang boses nito. Takot ang sumunod nang malaman niya kung sino iyon—si Carlo.



“May Shane na, may iba pang ka-‘I love you’ dyan. What a playgirl!” Umiling-iling at nakangising sabi nito.



Tinignan lang siya ng masama ni Richelle. Ayaw niyang magkaroon ng kuneksyon sa lalaking ito kaya kahit gigil na gigil ay minabuti niyang magtimpi. Isa pa, alam niyang delikado siya kay Carlo. Sinabihan siya ni Shane na iwasan ito at iyon nga balak niya.



Pasimple na niyang inalam ang mga bagay na pwede niyang magamit pangself-defense kung sakaling may gawin itong masama. Nagmatapang din siya dahil alam naman niyang may guard na nagbabantay sa labas at may security cameras pa sa paligid.



“Ikaw lang mag-isa? Hindi ko nakita yung sasakyan ng boyfriend mo.”



“Hindi ko boyfriend si Shane!”



“Pero ikaw lang nga mag-isa?”



Napalunok ng hangin si Richelle. Natatakot siya na ipaalam nga sa lalaking ito na nag-iisa nga lang siya ngayon sa apartment. Mabuti na lang at dumating na ang cashier at nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-isip ng matino.



‘Mabayaran ko lang lahat ‘tong mga pinamili ko, tatakbo ako agad at magkukulong sa apartment ko. Itetext ko na nga rin si Shane just in case.’ Sabi niya sa sarili.



At pagkatapos nga niyang bayaran ang mga pinamili, kumaripas siya ng takbo pabalik sa Pleynas Building. Paranoid na kung paranoid pero nakahinga lamang siya ng maluwag nang makauwi na siya ng ligtas sa loob ng apartment at pinagla-lock na ito agad.



Sunod ay dali-dali niyang inilabas ang cellphone para itext na sana si Shane ngunit…



“Saan ka galing?” Nakauwi na pala ito. “Bakit hinihingal ka?”




“Si… si Carlo…” Yun na lang ang nasabi ni Richelle habang naghahabol pa ng hininga.



= = = = =



Zamora's office. 8:00 PM.



Nagkakagulo lahat ng mga kakilala at naka-follow sa mga social media accounts sa mga tinaguriang ‘NEU It Girls’ na sina Sherrie at Eunice. Eksaktong 7:00 PM kanina noong may magpost ng sex scandal nila sa internet na agad umani ng iba’t ibang reaksyon.




“Girl X Girl is hot!”



“Nakakadiri sila! Dapat silang ma-expel sa NEU!"



“Sino yung naka-maskara? Ang creepy!”



“Bulag ba kayo? Sila ang biktima sa video na yan!"



“Holy sh*t, what did I just watch?”




Iyan ang ilan lamang sa mga nag-comment na wala pa ring kaalam-alam sa totoong nangyari sa dalawang dalaga.



Syempre, nalaman din agad sa buong presinto at ng grupo ni Detective Dante Zamora ang tungkol sa video. Agad nilang iniutos na ipatanggal ito online—kahit pa alam nilang maaring nakagawa na ng kopya ang ilang internet users upang ipakalat pa rin ito sa iba’t ibang porn sites.



At kahit naman hindi akma, kinailangang panoorin pa rin ni Dante yung video para makakuha ng mga ebidensya.



“Nalaman niyo na yung lugar kung saan in-upload yung video?”



“Sa isang internet café raw po malapit sa NEU. Nagpapunta na po ng mga tauhan doon upang i-check kung may CCTV camera sila.”



Muli nang tinitigan ni Dante yung video na naka-pause sa part kung saan nakikita rin ang suspect nila sa screen.



“Walang hiyang Triple-face Killer! Alam niyang hinahanap natin siya kaya in-upload niya ‘to kahit na alam niyang kasama siya sa video. He thinks that this a game. He’s challenging us to catch us.” Nanggigigil na realisasyon ng Detective.



Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone niya at nang i-check ay ang kapatid niyang si Kiko ang tumatawag. “Hello, Dante! Yung video ni… alam niyo na ba yung…”



“Alam na namin, Kiko. Bina-block na namin lahat ng nagpo-post ng video online.”



“Ang walanghiyang kidnapper niya! Huliin mo siya Dante at papatayin ko siya! Papatayin ko siya sa ginawa niya sa anak ko!” Humahagulgol na sambit nito sa kabilang linya.



Sa totoo lang, hindi maiwasan ni Dante na ganun na rin maramdaman. Napupuno na ang galit niya sa mamamatay-tao na yun lalo pa ngayon at isang kamag-anak na ang kasamang nabiktima niya.




Ngunit, hindi pwede sa trabaho niyang ito ang magpadalos-dalos at magpadala sa emosyon. Siya ang nagpakatatag para sa kapatid niya. “Umasa muna tayong buhay pa sina Eunice at kaibigan niya.”




“Ano bang ginagawa niyo? Bakit hindi niyo pa rin sila nahahanap!”



“Ano bang tingin mong ginagawa ko ngayon, Kiko? Hinahanap namin sila!”



Muli niyang pinindot ang play button dun sa video. Kahit nakakaasiwa na dahil nakailang ulit na niyang pinanood yung video, trabaho niyang busisiin itong maigi sa pag-asang makakahanap pa ng ebidensya.



“Teka…” Biglang napakapit sa kinauupuan niya si Dante. Napatitig siyang maigi sa video lalo pa at bumabalik sa kanyang alaala na sa pamilyar lugar ito ginanap. “REY! SABIHIN NIYONG MAGHANDA!” Napasigaw ito dahil ngayon ay nakasisiguro na siya. “Alam ko na kung saan yung lugar na yun!”



“Po? Sigurado ba kayo dyan Sir?”



“That place!” Itinuro niya ang screen. “I remember that place! I used to work there almost ten years ago! Yan yung lumang estasyon ng pulis na abandonado na ngayon!”


End of Chapter 24










No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^