Thursday, August 14, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 20

CHAPTER 20

Zenn’s Art studio. 4 PM.



It’s official. That moment na sinabi na ni Zenn ang mga salitang gustong marinig ni Richelle, official na matatawag na silang couple. Hindi na hiniling pa ng dalaga na ligawan siya ng binata dahil si Zenn naman na ang lalaking matagal na niyang hinihintay na dumating sa buhay niya.



Magkasamang nagpalipas-oras ang dalawa sa art studio. Bukod sa love confession, nai-confess na rin ni Zenn ang lahat ng pagkakataon na sinusundan niya si Richelle simula pa noong unang beses na magkakilala sila. Kahit pa ang weirdo ng dating, okay lang yun sa dalaga dahil alam niyang kung may balak na masama si Zenn, matagal na siguro siya nitong pinagtangkaan.



“Sigurado kang okay lang sayo na gabihin ka?”



“Oo.” Mabilis na sagot ni Richelle, habang pinapanood ang boyfriend niya na may tinatapos namang obra mula sa wire na kanina pa nitong hawak. Pareho silang nakaupo sa sahig. Nakabalot pa rin sa bandang legs niya ang ginamit na tuwalya dahil hinihintay pa niyang matuyo yung underwear na isinabit niya sa banyo. “Di ba sabi mo saakin noon, pwede rin naman akong mag-overnight dito?”



“As much as I want that, paano naman yung babysitter mo, I mean best friend mong si Shane?” Natatawang sabi ni Zenn, at halatang sinadya naman niya yung pagsabi ng salitang ‘babysitter.’



Ngunit halata pa rin ang pagtatampo ng dalaga sa best friend niya. “Bayaan mo yun!” Walang pakeng isinagot nito.



At dahil din doon kaya hindi napigilan ni Zenn na mapangiti ng malaki.



“Bakit mukhang masaya ka pa at nagtatampo nga ako kay Shane?”



“Yung totoo? Pabor kasi saakin na mag-away kayo para saakin ka na lang aasa.”



“Grabe ka! Masyado kang straight-forward!”



“Hindi lang talaga ako marunong magsinungaling.” Proud na sinabi ni Zenn. “At isa pa, dapat lang naman talaga na magalit ka sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka naman susugurin ng ex-girlfriend niya at yung kaibigan nitong lesbian.”



“Lesbian? Sino? Si Eunice?”



“Oo. O pwede ring bisexual?”



Sabay silang natawa. Hindi alam ni Richelle kung saan napulot ni Zenn ang idea na ganun ang sexual preference ni Eunice. Wala naman sa itsura ng babaeng yun. “Sinusulsulan mo lang yata ako na magtampo kasi nagseselos ka kay Shane.” Pabirong sinabi ni Richelle.



Ngunit seryoso at direcho namang sinagot ni Zenn. “If you see it that way, then yes.” Talagang hindi nga marunong magsinungaling ang binata, “Nagseselos ako kasi hindi ko na kayang tapatan yung espesyal niyong kuneksyon sa isa’t isa. Naiinggit ako sa kanya kasi palagi ka niyang nakakasama. Nakakampante lang ako dahil ikaw na mismo ang nagsasabing magkaibigan lang talaga kayo. Pero minsan, hindi ko maiwasan na hilingin na sana, mas nauna mo na lang akong nakilala kaysa sa kanya.”



“But look at the brighter side, Zenn! Isipin mo, kung nauna kitang nakilala, baka ikaw ang naging best friend ko at hindi siya.”



“Kahit ako pa ang una mong makilalala, I still won’t settle for just friendship.”



“Talaga?”



“Talaga!”



“Nakakainis ka!” Bulalas ni Richelle at saka tinakpan ang mukha. Namumula siya at hindi mapigilan ang malaking ngiti. “Ba’t ang galing mong magpakilig?”



Muli ay isang matamis lang na ngiti ang itinugon sa kanya ni Zenn. Saktong natapos na rin nito ang ginagawang obra. “Sinasamantala ko lang na nagtatampo ka sa kanya para masolo kita.” Kinuha nito ang kamay ng dalaga, saka nito isinuot sa ring finger niya ang isang bagong singsing na yari sa wire. “Sana mas kiligin ka pa dyan.”



“Wow, Zenn! Ginawaan mo ako ng bago?” Tuwang-tuwa ang dalaga sa bagong singsing na nasa kanyang daliri. “Ang sweet mo talaga! At ang galing ng talent mo.”



And since napag-uusapan na rin lang ang galing ni Zenn sa wire sculpting, muling napatingin si Richelle dun sa human-sized sculpture na natatakpan ng tela. “Patingin naman ako nun.”



“She’s not ready.”



“She?”



“She’s a girl.”



“Ah you mean yung subject na pinaggayahan mo ay babae?”



“Uh huh.”



“Sino?”



“It’s a surprise.”



“Surprise…?” Naningkit ang mga mata ni Richelle na nakatingin sa boyfriend niya.



Parang may idea na siya—o pwedeng naga-assume lang din siya. ‘Ako siguro yun.’ Nakangiting sabi niya sa isip at wala siyang balak na sabihin yun ng harapan. Kung gusto siyang i-surprise ni Zenn, sasakyan na lamang niya ito at hahayaan niyang i-surprise siya nito.



= = = = =



Natuyo na ang mga damit at underwear ni Richelle kaya nakapagpalit na siya. Ngunit dahil hindi na naalis ang pulang mancha dahil sa pintura, nag-desisyon ang dalawa na magpunta sa pinakamalapit na mapagbibilhan ng damit. Ayaw pa rin naman kasing umuwi ni Richelle. This time, she will break Shane’s rule about her curfew.



“Sigurado kang ikaw na magbabayad nito? Ang mamahal at ang sosyal pa naman dito.” Sabi ni Richelle habang nakatingin sa bagong damit na suot niya na libre ni Zenn.



She’s wearing a black sequin dress. Sleeveless ito at kita ang likod. Sobrang sexy at kumikintab siya ng literal. Nang mapatingin naman siya sa suot ni Zenn, match pa talaga sila ng outfit ! Couple na couple ang dating nila.



“Ayaw mo ba ng suot mo?”



“Hindi. Parang masyado lang shiny?”



“Well, you’re always shining when I look at you.”



Napahalakhak si Richelle. Kinikilig na naman dahil sa simpleng papuri ni Zenn.



“Saan na nga pala tayo pupunta? Babalik ba tayo sa art studio mo?”



“Ikaw? Anong gusto mo?”



“Hmmm… may alam ka bang lugar na hindi ko pa napupuntahan? Yung maganda ah!”



“Lugar na hindi mo na napupuntahan? Then I suppose you’ve never been to a bar.”



“O—oo.”



“I know a place. Dadalhin kita dun kung gusto mo talaga.”



“Tara!”




= = = = =



Sa isang sikat at elite bar dinala ni Zenn si Richelle, ang WineLine. Sa TV lang napapanood ng dalaga ang sikat na bar na iyon na tambayan ng mga socialites at kahit mga artista pa. Hindi basta-bastang nakakapasok dito kung walang VIP pass o reservation na kadalasan ay inaabot ng hanggang apat na buwan.



Nasa entrance na sila ng bar at nakaharang na ang isang bouncer na naka-tuxedo pa. But Zenn just flashed his gold-plated pass at agad na nagbigay-daan yung bouncer para makapasok sila.



“Wow! Rich kid! May VIP pass ka rito sa WineLine.”



Nginitian lang siya ni Zenn. Pero naramdaman niya ang kamay ng binata sa bandang bewang niya. He led her to a certain spot—isang table na para lang din sa mga VIP guests ng WineLine. As they went there, hindi maiwasan na pagtinginan sila ng mga tao.



“Bakit sila nakatingin?” Bulong ni Richelle.



“Because you’re beautiful.”



“Bolero!”



Pinabayaan lang ni Zenn na orderin ni Richelle ang kahit na anong gustuhin nito. Pina-experience niya rito ang gusto ma-experience ng dalaga.



At doon labis na natutuwa si Richelle dahil kapag si Shane ang kasama niya, maraming bawal. Kapag si Shane, limitado lang ang bawat galaw at kung minsan pa nga ay nakakasakal na.



She was just having so much fun, at hindi rin sila nauubusan ng mapagkukwentuhan ng kanyang boyfriend.



“So maiba pala ako. Saan ka natutong makipaglaban? I mean nung ginulpi mo kasi si Henry, parang sanay na sanay ka.”



“Sabihin na nating maaga akong namulat sa karahasan.”



“Pero bakit noong una kitang nakita, parang lalampa-lampa ka pa noon? Naalala ko noong pinatid ka ni Miggs, hindi ka man lang lumaban?”



“Hindi ako lumaban kasi dumating ka. Ikaw yung nagtanggol saakin, naalala mo? Yun yung unang beses na may ibang nagtanggol saakin bukod sa sarili ko.



At bigla na lang napatanaw sa kawalan ang binata. Parang binabalikan nito ang kanyang mga alaala at kahit hindi pa itinatanong ni Richelle, kusa na itong nag-open up.



“Alam mo noong bata pa ako, walang gustong makipaglaro saakin. Lagi akong inaaway, pinagtutulungan at wala akong kakampi. I’m socially unwanted by many. Kaya nga natuto akong lumaban para ipagtanggol ang sarili ko.” Dahil sa seryosong pagkukwento niya ay naubos na rin ang alak sa sarili nitong baso. “At mabuti na rin na dinanas ko ang mga yun. Kasi ngayon, sino mang mang-aapi saakin o sa mga taong minamahal ko, sisiguraduhin kong magbabayad.”



“Medyo masaklap pala yung childhood mo.”



“Hindi medyo. Sobra.”



“Alam mo, in a way, medyo nakaka-relate rin ako sayo.”



“Paano? You have Shane as your best friend.”



“Bago kami naging magkaibigan ni Shane, hirap din ako sa pakikipag-kaibigan. Iniisip ko na nga lang na yung mga tao sa paligid ko ang may problema. Kung hindi nila ako gusto, hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko.”



“Iba naman na ngayon.  You’ve been attracting a lot of people lately. Guys in particular.”



“Tss! Hindi naman!”



“Just look around you.” Nilingon ni Richelle ang mga direksyong tinignan ni Zenn. Sa bawat direksyon ay mga lalaking panakaw na tumitingin din sa kanya. Para bang nag-aabang ng pagkakataon na makausap siya.



Hindi lang makalapit ang mga yun sa kanya dahil nga magkasama sila. Iba kasi kung tumitig si Zenn. Para bang armas na nakamamatay. If he stares at you and you just ignore the message, most likely you’ll end up being dead.



“You want to dance, Iche?”



“Nope. Nakakahiya kaya—”



“Come on! It will be fun!”



Hinila na ni Zenn si Richelle papunta sa gitna ng dance floor na halos puno na rin ng mga taong kanina pa nagsasayawan. Naghahalo ang iba’t ibang amoy ng pabango, usok ng sigarilyo at alak sa lugar na iyon pero hindi na lang masyadong pinansin ni Richelle.



Nag-sayaw ang dalawa sa gitna. Kung minsan ay may ibang lalaki at babaeng lumalapit para samahan sila sa pag-sayaw ngunit hindi sila in-entertain nina Richelle at Zenn. Ang atensyon at kasiyahan nila ay para lang sa isa’t isa.



“Iche, sandali lang ah. May pupuntahan lang ako.”



“Ha? Saan?”



“Basta. Dito ka lang. Enjoy dancing!”



Bago pa man mapigilan ni Richelle si Zenn ay nakaalis na ito agad. Naiwan siya sa gitna ng dance floor na nag-iisa, nasasagi na ng ibang mga taong walang pakialam basta lamang makasayaw sila ng bongga.



Hindi niya maiwasan na maout-of-place. Hindi pa niya alam kung saan nagpunta si Zenn at kailan siya nito babalikan. Hindi na siya nakapaghintay pa at aalis na sana para bumalik sa table nang mag-iba ang tunog ng kanta.




♫ What you do to me is indescribable,
Got me sparkling just like an emerald.
Set my soul on fire, make me wild,
Like the deep blue sea. 



Pamilyar na tugtog. Ang kantang iyon ay kasama sa nag-iisang playlist ng isang artist na paulit-ulit niyang pinapakinggan.



♫ No other boy ever made me feel beautiful,
When I'm in your arms, feels like I have it all,
Is it your tattoos or golden grill,
That makes me feel this way? 



“Shocks! 'Queen of Disaster' ni Lana Del Rey!” Sigaw ni Richelle at hindi niya alintana ang tingin sa kanya ng iba dahil sa naging reaksyon niya.




♫ Got me spinning like a ballerina,
Feeling gangsta every time I see ya,
You're the king and, baby, I'm the queen of
Disaster, disaster. 



Hinanap ni Richelle yung pwesto ng DJ na in-charge sa mga nagpapatugtog ng mga kanta. Nang makita na niya ito, napangiti siya ng malaki. Nakita niya si Zenn malapit doon. Ang binata ang nag-request para tugtugin ang kantang iyon.




♫ You got me spinning like a ballerina,
You're the bad boy that I always dreamed of,
You're the king and, baby, I'm the queen of
Disaster, disaster. 



Sa pagkakataong iyon, dinama na niya ang kanta. Napatingala siya, pumikit at saka sinabayan ang malumanay ngunit kinahihiligan niyang tugtugin. Yung pakiramdam na naha-high ang isang tao kapag naka-drugs, yun din mismo ang pakiramdam ni Richelle kapag nakikinig sa mga kanta ni Lana.



♫ Got mascara thick, I get emotional
You know I was more than just a party girl.
Isn't hard to see what's goin' on,
I'm so far gone (mmm, so far gone) 



“You are so gorgeous.” Muli na niyang narinig ang boses ni Zenn. It sounded so sexy against her ear. Humawak pa ito sa baywang niya upang iikot siya at magkaharap sila.




♫ When I saw your face it was incredible,
Painted on my soul, it was indelible.
We celebrate our twisted fate,
We're the broken ones. 



“Thank you, Zenn.” Nakangiting ibinulong pabalik ni Richelle. “Thank you for knowing everything that I love.”




Niyakap ni Richelle ang boyfriend niya habang sumasabay pa rin sa saliw ng kanta. Masaya siya na nagkakilala sila. Masaya sila na naging sila na.




At masaya na nga talaga sana ang lahat kung hindi lang niya natanaw ang isang ‘di kaaya-ayang eksena. Sa may ‘di kalayuan, nakita niyang magkasama sina Sherrie at Eunice—naghahalikan.


End of Chapter 20





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^