Friday, August 8, 2014

Say 'I Love You': 03. My Princess


CHAPTER 03: My Princess






Annaya's POV


-



NAG-MAMADALI akong lumakad palabas ng building ng Ashita High dahil may kanina pang lalaking panay sunod ng sunod sakin. Nakakairita na nga eh, pinag-titinginan na rin kami ng mga students. 




"Miss sandali! Sandali miss!"tawag nya pero hindi ako sumagot at hindi ko sya pinag-aksayahan ng panahong lingunin. "Prinsesa! Sandali!" Prinsesa? Sira na ata ulo ng lalaking 'to. Napansin kong nasa gilid ko na sya at sinasabayan na nya akong mag-lakad. Paartras syang nag-lalakad paharap sakin. Panay naman ang iwas ko ng tingin dahil nakatitig sya sa mga mata ko.




"Mukhang hindi ka estudyante dito."sabi nya habang lumalakad sya paatras.




"No."stiff at may pagka-mataray kong sagot.




"Anong ginagawa mo dito? Magdo-donate ka rin ba ng dugo?"




"No."sagot ko, halata na ang irita sa mukha ko.




"Eh bakit ka nga nan dito?"pangu-ngulit nya hindi na ko naka-pag-pigil kaya huminto ako, huminto rin sya sa pag-lalakad. Ngayon kaharap ko na sya. Matangkad pala sya, hangganga balikat nya lang ako. Mukhang may ibang lahi sya kasi mas nangi-ngibabaw ang pagiging foreigner nya.




Nginitian nya ko habang nakatitig sya sa mga mata ko. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ako nag-salita. "Ano bang pake mo kung naan dito ako? Masama bang bumisita sa school nyo?"




Napa-kunot ang nuo ko, kasi imbes na magalit halatang mas lalo pa syang natuwa sa pag-tataray ko. "Ang taray mo naman, pero ayos lang mas lalo kang gumaganda pag nagta-taray ka."




Ano bang pinag-sasabi ng lalaking 'to? Wala na yata sa katinuan 'to. "Bakit mo ba ko sinusundan ha!?"




Ilang segundo syang hindi nag-salita, nakatitig lang sya sa mga mata ko. Ako naman ilang na ilang na. Hindi ko matagalan 'yung mga titig nya na para bang nahi-hypnotized ka. Parang pag tumingin ka sa mga mata nya makikita mong sobrang lalim nyang tao. Na para bang ang daming gustong sabihin ng mga mata nya.




"Kasi... mahal na kita."




Para akong na-blangko sa narinig ko, bigla akong nakaramdam ng pag-kalito. Biglang nabingi. "Hu?"napalingon ako ng kasabay ko ring nag-salita ang tatlong lalaki na hindi ko napansing nasa likuraan ko pala. Lahat sila naka-kunot ang nuo habang nakatingin sa kaharap ko.




"Corny! Daming alam!"naiiling pang sabi ng isang lalaking may oasis style na buhok.




"Tara na nga! Baka mahawa pa tayo sa ka-corny-han ng sira ulong 'yan."sabi naman ng isang lalaking may magulong buhok. Nag-walk out silang tatlo. Nilingon ko ulit ang lalaking nasa harapan ko. Nakatitig parin sya sakin habang nakangiti. Napa-iling na lang ako at nag-walk out na rin gaya ng tatlong lalaking nauna kanina.




Baliw nga talaga. Sabi ko sa sarili ko.






PAG-LABAS ko ng Ashita High ay naka-abang na agad ang sasakyan namin. Naupo ako sa may bandang likuran.




"Manong sa school na po tayo."utos ko sa driver at tumango naman sya.




Sumandal ako sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata ko. Unti unting pumasok sa imagination ko kung pano ako titigan ng baliw na lalaki kanina at kung pano nya ako nginitian. Malinaw parin sa pandinig ko ang mga sinabi nya, 'Kasi mahal na kita' hindi ko naiwasang mapa-ngiti.




Pero bigla akong napa-dilat at parang sirang inalog ang ulo ko. Na-realized ko na hindi tama ang ginagawa kong pagi-imagine sa lalaking 'yun. "Ano bang ginagawa ko?!"bulong ko sa sarili ko habang sinasampal ko ang mga pisngi ko. Taka namang napalingon sakin ang driver at napatanong.




"Ayos lang po ba kayo?"alala nyang tanong. Nahihiya naman akong napa-lingon sa kanya at tumango.




"Oo, ayos lang ako. Salamat."umayos ulit ako ng upo at pinilit na maalis sa isip ko ang lalaking baliw kanina.





PABABA na ko ng kotse ng marinig kong mag-ring ang phone ko. Si daddy iyon, malamang kakamustahin nya ang ginawa kong pag-bisita sa kaibigan nyang si Mr. Fujiwara na Principal ng Ashita High.




"Hello dad?"bungad ko sa walang gana kong boses.




"How was your visit at Mr. Fujiwara's office? Dinalhan mo ba sya ng regalo?"tama nga ang hula ko. 




"Its fine. Yes, dinalhan ko sya ng mango cake as what you've said."lumakad ako papasok ng Dream Academy habang kausap ang daddy ko.




"Good! Good! Vince visited me here at my office also. Pero naka-alis na sya. I guess naan dyan na sya sa school. Why don't you invite him for a dinner? I will invite Mr. Fujiwara also."




Me? Inviting the worst jerk in our school, Vince? No way! "But dad---"hindi pa man ako nakakatapos ay sumingit na si daddy.




"I will see you and Vince later at the restaurant, okay? I have to go. I'm a little bit busy today."




Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Yes dad."labag man sa kalooban ko kailangan kong mag-yes dahil ayaw kong bigyan ng sama ng loob ng tatay ko. Pag-off ko ng phone ko sumakto namang nakita ko si Vince na nag-lalakad sa hallway kasama ang tatlo nyang alipores.




Augh! I really hate that jerk! Kung umasta kasi akala mo sya na ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo. Palibahasa kasi sikat na sikat ang rock band nila sa school namin. Maraming girls na nag-hahabol sa kanya. Pero wala naman akong nakikitang dahilan para habul-habulin sya ng mga babae sa school namin. Kasi nga isa syang jerk, worst of all worst! Ewan ko ba kung bakit sa dami naman ng kaibigan ni daddy na may anak na lalaking kukuha ng pagdo-doktor, bakit si Vince pa ang napili? Now! What am I going to do?




Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko nilapitan si Vince. Huminto sila sa corridor ngayon, kasama ang mga ka-banda nya payabangan silang nagku-kwentuhan habang panay naman ang pa-cute ng mga babae sa kanila. Sabay sabay silang napa-tingin ng mapansin nila ang pag-lapit ko.




"What?"tanong nya sakin sa mayabang na tono ng boses nya. Jerk talaga.




Bumuntong hininga ulit ako bago nag-salita. "My dad wants you to go for a small dinner with your dad tonight."wika ko sa nagti-timpi kong boses. Sarkastiko syang natawa sabay tingin sakin na para bang nang-lalait sya.




"Matapos mo kong busted-en heto ka ngayon sa harapan ko, asking me to go out dinner with you, my dad and your dad? Why Naya? Nagising ka na ba sa katotohanang gusto mo rin ako?"parang gusto kong masuka sa mga pinag-sasabi nya. Hindi ako maka-pag salita. Sunod sunod akong napailing, hindi ko ma-gets ang ka-abnormalan ng lalaking 'to.




"What? Are you out of your mind?"kunot nuo kong tanong sa kanya. Pero natawa sya ulit. Pati na rin yung mga alipores nya.




"Come on Naya, don't deny it. Alam kong gusto mo rin ako."presko syang bumuntong hininga. "Fine, I'll go. But don't expect to much from me now."




Napailing ulit ako saka nilayasan na sya ng pumayag sya sa dinner. "Ang hirap kausap ng mga baliw!"bulong ko sa sarili ko habang nag-lalakad palayo sa kanila.






-----------



Jin's POV



----------



INIS akong napalingon kay Ian ng bigla nya kong batuhin ng binilog nyang papel. Nasa klase na kami ngayon matapos ng kahindik hindik na pag-pilit sakin nila Sir Carino at ng tatlong itlog na 'to na mag-donate ng dugo. Buti na lang hindi ngayong araw naka-schedule yung donation. Puyat pa naman ako. Baka wala ng matira sakin pag ngayon kinuhaan.




"Sinabi ko na! Na-love at first sight nga ako!"kanina ko pa pinipilit sa kanila ang katagang 'Love at first sight' pero talagang ayaw nila maniwala sakin.




"Love at first sight-in mo mukha mo!"asar ni Reg sakin, pasipa ko syang nilingon. Katabi nya ngayon ang may hawak ng gitarang si Miguel na kanina pa may kinakapa na chords.




"Ano ba naramdaman mo nung una mo syang makita?"tanong ni Miguel. Dahil doon bigla ko nanamang na-imagine ang Prinsesa ko.




"Parang biglang tumigil ang takbo ng oras nang una ko syang makitang nag-lalakad sa tawiran nun."kwento ko habang ini-imagine ang nakaraan.




"Ah, yun ba yung nabaguk bungo mo?"singit ni Ian na ngayon naka-upo sa lamesang nasa likuran nila Reg at Miguel.




"Iba pare eh! Ibang iba 'yung dating nya sakin nung makita ko sya. Ibang iba sa lahat ng babaeng nakilala ko."may pananabik sa boses kong sabi sa kanila.




"Wooo! Nasabi mo na kay Dian 'yan noon! Pero ano nang-yari? Iniwan mo rin."urat ni Reg, nag-tawanan pa silang tatlo.




"Gago! Ito talaga promise! Iba 'to! Dito ko naramdamang tumibok ang puso ko."




"Bakit? Hindi ba tumitibok 'yan dati?"makapang-bara si Reg talagang wagas na wagas eh. Hindi ko na lang sya pinansin, pinag-patuloy ko ang kwento ko.




"Nung makita ko sya parang bigla akong nakakita ng spark, magic."




"Pota! Corny mo!"pati si Ian napa-comment na rin sa inaasal ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga kagaguhang salita na 'to. Pero isa lang ang alam ko, in-Love talaga ako.




"Corny na kung corny pero 'yun ang totoong nararamdaman ko. Parang biglang gusto kong maging taga-pagligtas nya."




"Ulul! 'Di mo nga nailigtas sarili mo nung mahulog ka sa kanal! Kalokohan!"sabi ni Reg na ikinahalakhak nila Ian at Miguel.




"Boom panes!"sigaw pa ni Ian habang hawak nya tyan nya sa kakatawa.




"Mga gago kayo ah!"sinugod ko sila at nag-karambola kami sa loob ng classroom. Kaso bigla kaming natigilan ng may lumapit kay Miguel na isang babae. Lahat kami napatingin. Kwestyonable namang natigilan si Miguel. Nakatingin lang sya sa babaeng may kaitiman, kulot na kulot at dry ang maiksi nyang buhok, may mga pimples sa mukha at may kaliitan. May suot syang malaki at pabilog na salamin. Kilala ko sya, taga kabilang section sya. Madalas namin syang maka-salubong sa hallway. At parati syang naka-yuko pag napapatingin kami sa kanya. Tulad ngayon, naka-yuko nanaman sya. May hawak syang isang brown box na may red ribbon sa ibabaw.




Nahihiya nya iyon inabot kay Miguel, ilang segundo pa bago tinanggap ni Miguel ang box. "Tha-thanks."nauutal na wika ni Miguel.




Napangiti ang babae sabay nahihiyang nilingon si Miguel bago sya tumakbo palabas ng room namin. Naiwan kaming tulala at halos hindi makapag-salita. Si Reg na lang ang bumasag ng katahimikan.




"Jowa mo pre?"hindi sumagot si Miguel, nakatitig lang sya sa pinto hawak ang box na binigay sa kanya. "Love is blind."




Binatukan ko si Reg, dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi nya. "Kung Love is Blind! Anong kagaguhan ang Love at first sight?! Baliw!"nag-karambola ulit kaming tatlo maliban kay Miguel na halatang naguguluhan parin nang-yari.






-



End of Chapter Three: My Princess


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^