Thursday, August 21, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 21

CHAPTER 21


Magkahalong gulat, kaba at pagkaalarma ang naramdaman ni Richelle nang makita sina Sherrie at Eunice na may ginagawang isang bagay na hindi niya iniexpect—ang maghalikan in public.



Bago pa man siya mapansin ng mga ito, hinila na niya agad si Zenn paalis sa gitna ng dance floor at sa isang poste sila pumwesto para magtago.



“Hey! Why? What’s wrong?”



“Si—sina Sherrie at Eunice! Nandito rin sila!”



“Those bitches? Where are they?” Nilingon-lingon ni Zenn ang buong bar at hindi rin nagtagal ay nakita na niya ang mga ito. “Holy shit!” Reaksyon nito nang maabutan niyang naghahalikan pa rin ang dalawa ngunit maya-maya pa ay bigla itong natawa. “I knew it! What did I told you?”



Hindi alam ni Richelle ang ire-react niya. Baliw na baliw si Sherrie kay Shane pero pumapatol din naman pala siya sa kapwa niya babae. And worst, ang best friend pa niyang si Eunice iyon!



“Sabi mo si Eunice lang ang lesbian… eh bakit si Sherrie ang kahalikan niya?”



“Well Sherrie looks drunk so baka hindi siya fully aware sa ginawa nilang magkaibigan.” Sabi nito at ilang sandali pa ay may kung ano namang pumasok na ideya sa utak ng binata at kinuha nito ang cellphone para kuhanan ng picture ang ginagawa ng dalawa.



“Para saan yan, Zenn?”



“It’s payback time.” Sabi nito with an evil smirk on his face.



Kahit hindi naman sabihin, parang alam na rin ni Richelle ang gustong gawin ng boyfriend. Baka gamitin nito ang picture na yun para pam-blackmail o pangganti sa ginawa ng mga yun sa kanya.



At wala siyang balak sawayin o pigilan si Zenn sa kung ano man ang binabalak nito. Ngunit sa ngayon, isa lang ang sigurado niyang gusto na niyang gawin. “Kung tapos ka na, ang mabuti pa umalis na rin tayo rito, Zenn.” Nag-aalalang sabi niya at saka kumapit sa braso ng binata.



“Kung natatakot ka na baka may gawin na naman sila sayo, hindi ka dapat mag-alala. Nandito ako, poprotekta sayo.”



“Hindi yun, Zenn. Ayoko lang ng gulo.” Bukod pa roon, hating-gabi na rin kasi. Dala ng pagod pati na rin ng kaunting tama ng nainom niyang alak, sumisigaw na ang katawan at isipan niya ng pahinga.



Mukhang naintindihan din naman ito ni Zenn kaya hindi na ito nakipagtalo pa. Nagsimula na silang maglakad, nag-iingat na huwag makita nila Sherrie at Eunice, at sabay na umalis dun sa bar.



Pagdating nila sa labas, “Hintayin mo na lang ako rito, Iche. Kukunin ko lang yung sasakyan.”



Dalawang tango ang itinugon niya at saka na pinanood na patakbong umalis si Zenn papunta sa malaking parking area ng bar. Kapansin-pansin na marami nang sasakyan ang naka-park doon ngayon. Kanina lang kasi noong bagong dating nila ay kakaunti pa lamang ang mga sasakyan pero ngayon, ‘di na matanaw kung saan talaga sila nakapag-park.



Tahimik na lang na naghintay si Richelle. Ngunit hindi pa rin siya mapakali at palingon-lingon pa. Kinakabahan siya na baka lumabas sina Sherrie at mapagdiskitahan na naman siya ng mga ito. Ayaw na niya ng gulo.



Napansin rin niya ang mahabang pila ng mga taong nagbabaka-sakaling makapasok sa loob ng bar. Sikat talaga ang WineLine, imposibleng maubusan ng mga customers. At kahit hating-gabi na nga, patuloy pa rin ang mga sasakyan na dumarating sakay ang mga taong dadagdag pa sa mahabang pila para lang maki-party.



Sa kanyang pag-oobserba, may iba pa siyang nakita. “Shit! Nandito rin siya?”



Nakita niya si Carlo, sakay ng isang ‘di masyadong magarang sasakyan. May kausap ito sa cellphone kaya hindi nito napansin ang dalaga. Muling naalala ni Richelle kung gaano kadelikado ng lalaking iyon.



“Kapag minamalas ka nga naman! Hindi niya ako pwedeng makita!” Nagpanic si ngunit hindi niya masyadong ipinahalata upang hindi makaagaw ng pansin. Sinadya na lang niyang tumalikod at yumuko para takpan ang sariling mukha. “Zenn… nasaan ka na ba… bilisan mo naman…” Pabulong na dasal niya.



Tamang-tamang narinig na niya ang busina ng sasakyan ni Zenn. “Sorry kung natagalan. Ang daming nakaharang na sasakyan kanina. Let’s go!”



Napangiti ng malaki si Richelle at nakahinga na ng maluwag. Dali-dali siyang sumakay  sa sasakyan at mabilis nang nag-drive si Zenn paalis sa lugar na iyon.



= = = = =



12:45 AM. Encisco Street.



Nasa tapat na ng apartment building ang dalawa. Naunang lumabas si Zenn para pagbuksan ng pinto ng sasakyan si Richelle. Napatingala sila pareho sa Block 016, ang apartment nila ni Shane.



“Nakapatay yung ilaw? Tulog na siguro yung mokong na yun.”



“O pwedeng wala pa talaga siya dahil hinahanap ka pa niya.”



Napatingin si Richelle kay Zenn. Maaring tama nga ang sinabi nito at hindi niya mapigilan na ma-guilty sa ginawa. Marahil ay alalang-alala na si Shane sa kanya lalo pa at hindi siya nagtext dito. Paano nga naman ba kasi siya makakapag-text kung naiwan niya ang mga gamit niya sa NEU.



“Nandun man siya o wala, walang problema. Marunong naman akong magbukas ng lock ng pinto kahit walang susi.” Pagyayabang nito.



“Okay, sabi mo eh. Akyat ka na. Hihintayin kong makapasok ka sa loob.”



Napangiti si Richelle ngunit bago siya umalis, niyakap niya muna ng mahigpit ang boyfriend. “Thank you for this night, Zenn. Sobrang saya ko talaga.”



“Thank you for accepting me as a part of your life now.” Sagot naman ni Zenn. Nag-slide ang dalawang braso nito sa baywang ng dalaga para yakapin siya ng mas mahigpit. Yumuko pa ito para bigyan ng mabilis ngunit matamis na halik ang kanyang girlfriend.



Pagkatapos nun ay matagal pang nagtitigan ang dalawa. Nagpapakiramdaman. Pinapakinggan ang tibok ng puso ng isa’t isa. Kahit walang salitang lumalabas sa mga bibig nila, they knew they are both happy and in love.



Umakyat na si Richelle at pagdating niya sa tapat ng pintuan ay sinenyasan na niya si Zenn sa bababa na maari na itong umalis. Tumango naman ang boyfriend niya, sumakay sa sasakyan nito at umalis na.



Pagpasok niya sa loob, wala nga siyang naabutan kundi katahimikan. Tulad ng sabi ni Zenn sa kanya kanina, hindi niya natagpuan ang best friend sa loob. Napaupo siya sa sofa at malalim na nag-isip. ‘Hinahanap pa rin nga kaya ako ni Shane?’ Nag-aalala niyang tanong sa sarili. ‘Saan na kaya yun?’



Pero umiling-iling ang dalaga at pilit na pinairal ang pride at pagtatampo niya. ‘Dapat lang sa kanya na mag-alala at hanapin ako.’ Isa pa, alam niyang walang dapat ipag-alala dahil si Shane naman iyon—kayang-kaya nun ang sarili niya.



Nagpalit na siya ng damit at agad na dumirecho sa kama. Dala ng pagod at tama ng nainom niyang alak kaya agad din siyang dinalaw ng antok.



= = = = =



Hindi na alam ni Richelle kung gaano na siya katagal na nakapikit o kung anong oras na. Pero kahit antok na antok na siya, hindi niya magawang mahimbing sa pagkakatulog. Kahit hindi niya aminin, nag-aalala siya kay Shane na hanggang ngayon ay wala pa rin.



Ilang sandali pa ay narinig na niyang nagbukas ang pintuan ng apartment nila. She knew it was him dahil narinig niya ang humahangos nitong boses na tinatawag ang kanyang pangalan. “Iche! Iche!”



Nagkunwarian pa ring natutulog si Richelle hanggang sa marinig niyang nagmamadaling pumasok ang binata sa kwarto. Ini-imagine na lamang niya ang itsura ng best friend ngayong nakita na nito na nakauwi na siya at nakahiga na sa kama.



Naramdaman niya ang paghakbang ni Shane papalapit sa kanya at pati na rin ang paglubog ng kama nang maupo ito sa may gilid. “Goddamnit, Iche. Pinag-alala mo ako.” She heard him silently curse. Naramdaman pa nga niya ang kamay nito sa kanyang mukha. “Where have you been?”



At dahil sa buong pag-aakala ni Shane na hindi naman siya naririnig ni Richelle, tumigil na ito sa pagsasalita.  Sa halip ay humalik ito sa bandang pisngi ng dalaga at ilang sandali pa ay umalis na ng kwarto.



Pagkaalis ni Shane ay doon pa lamang bumangon si Richelle.  Sinilip niya ang orasan at nagulat siya na 3:30 AM na pala. ‘Ngayon pa lang umuwi, Shane?’ Sa pagkakataong iyon, inuusig na talaga siya ng kunsensya niya. Umuwi ng ganitong oras ang kaibigan niya dahil lang sa paghahanap sa kanya?



Nag-isip pa muna ng ilang sandali si Richelle bago siya nagpasyang umalis ng kama. Since gising naman siya at nawala ng tuluyan ang kanyang antok, naisip niyang mabuting mag-usap na sila ng kaibigan.



Dahan-dahan na niyang binuksan ang pintuan para silipin kung ano na ang ginawa ni Shane. Ngunit isang `di inaasahang eksena ang naabutan niya. May kasama pala itong babae at nasa sofa silang dalawa!



Nakaupo sa ibabaw ng dalawang hita ni Shane yung babae at parang ipinagpipilitan nito ang sarili sa binata. Halatang pilit naman na kino-kontrol ni Shane ang sitwasyon. Umiiwas ito sa mga halik ng babaeng nasa harap niya at pinipigilan niya ito sa paghawak sa balikat nito.



“…Darcie?” Mahinang bulong ng binata sa babaeng kaharap niya. Ma—mali `tong nangyayari...



Darcie?Akala naman ni Richelle na mali lang din ang narinig niyang sinambit na pangalan ni Shane pero nang matitigan na niyang maigi yung babae, si Darcie nga iyon! ‘Sina Shane at Darcie? Bakit sila magkasama?’



“Don’t worry, Shane.” Gamit ni Darcie yung usual niyang mapang-akit na boses. “Mahimbing naman nang natutulog yung best friend mo dun sa kwarto mo.”



“This can’t be. You’re not supposed to be here—”



“Why not? I missed you so much, Shane! Don’t tell me you don’t feel the same?” Sambit nito at sinimulan na ngang maghubad sa harap ng binata. “I know how much you wanted this right now.”



And she was really about to expose herself kung hindi lang ulit siya pinigilan ni Shane. “You stop right now! You’re drunk, for heaven’s sake! Ano bang pinaggagawa mo!”



Halatang hindi nagustuhan ni Darcie ang pagtangging ginawa ni Shane sa kanya. Nang itulak pa siya nito palayo, doon na nagsimulang tumulo ang mga luha nito. “Bakit ka ba ganyan saakin, Shane? Puro ka na lang Iche! Palagi na lang si Iche! Paano naman ako? Ako ang nagmamahal sayo at hindi ang Iche na yun!”



Pagkatapos nitong mailabas ang lahat ng sama ng loob ay nag-walkout na ito paalis ng apartment nila. Malamang ay babalik na ito sa sarili niyang apartment.



Matatawa pa nga sana si Richelle… pero laking gulat niya nang sundan naman ito ni Shane.



“Sandali!” Paghahabol ni Shane. “Sandali… Darcie!”



Minsan lang makita ni Richelle na mag-alala si Shane. Yun ay kapag may kinalaman ang sitwasyon sa kanya. Kaya nga laking pagtataka niya na hinabol pa ni Shane si Darcie sa labas. Hindi niya inakala na aakto rin ng ganoon ang kaibigan sa ibang babae.



Naglakas-loob na lumabas ng kwarto si Richelle para silipin kung ano na ginagawa ng dalawa sa labas—isang bagay na parang pinagsisisihan niyang ginawa niya.



Nang mahawakan kasi ni Shane ang braso ni Darcie, hinila niya ito palapit sa kanya at saka niyakap. “I’m sorry. I didn’t mean to hurt you. You know how important you are to me.”



Napasimangot si Richelle. Hindi niya alam kung ano ba ang mararamdaman niya. Para bang may kung anong kumirot sa dibdib niya nang gawin at sabihin yun ni Shane sa ibang babae bukod sa kanya. Parang hindi niya matanggap. Parang pakiramdam niya, niloko na naman siya. At hindi naman siya dapat makaramdam ng ganun dahil mag-best friend lamang sila.



Magkayakap ang dalawa at palihim lang na nanood si Richelle. Ngunit biglang napatingin si Darcie sa kanyang direksyon at nagtama ang kanilang mga mata.



Masama ang tingin sa kanya ni Darcie. Ngunit napangisi ito nang may maisip na ibang plano.



“If that’s true, then kiss me Shane.” Utos ni Darcie.



Tinignan naman siya ni Shane. Umangat ang mga kamay nito para hawakan ang magkabilang pisngi niya, yumuko at saka siya hinalikan.



Nang mga oras na yun, pinili nang tumakbo ni Richelle pabalik sa kwarto. ‘Si Shane at si Darcie… hindi pwede… hindi pwede…’ Nagpapanic na siya sa isip. ‘Ang malanding yun! Kapag nalaman ni Carlo ang tungkol dito, baka saktan niya si Shane…’



Naguguluhan na si Richelle sa mga nangyayari. Nababahala sa mga pwedeng sunod na mangyari. Kahit ang damdamin niya, hindi niya maintindihan. Nag-aalala lang ba siya o nagseselos?


End of Chapter 21




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^