Chapter Four
Jin's POV
–
KAHIT anong mang-yari hindi ako aalis dito hanggat hindi ko sya nakikita. Bahala nang ma-late sa school. Ang importante malaman ko ang pangalan nya. Hinding hindi ko palilipasin ang araw na 'to na hindi ko nalalaman ang pangalan nya.
“Putik! Ano ba ginagawa natin dito sa tapat ng Pedestrian lane? Ang init init!”kanina pang reklamo ni Reg pero hindi ko sya pinapansin. Tahimik lang akong nakatayo sa tapat ng pedestrian lane kung saan ko unang nakita ang Prinsesa ng buhay ko.
“Ang lakas talaga ng tama mo sa babaeng 'yun no?”narinig kong sabi ni Ian, pero hindi ko rin sya pinansin.
“Bakit kasi hindi mo na lang sya puntahan sa school nya? Malapit lang naman 'yun dito eh. Base sa uniform nya, sigurado akong taga-Dream Academy sya.”napalingon ako sa ng narinig ko ang suhestyon ni Miguel. Abot hanggang tenga ang ngiti ko dahil mukhang maganda nga ang ideya nyang 'yun.
“Ang galing mo talaga Miguel! Tara!”aya ko sa kanila na ikinakunot ng mga nuo nila.
“Anong tara?”litong tanong ni Ian.
“Matagal tagal na rin nating hindi nagagawang mag-cutting class diba?”nginitian ko pa sila ng killer smile ko.
“Pota! Magka-cutting class ka dahil lang sa babae?”hindi makapaniwalang sabi ni Reg.
“Arte mo! Gusto mo rin namang mag-cutting!”napailing na lang ako ng ngumiti rin sya at nag-high five pa sakin. Napansin kong napa-iling din si Miguel at sumunod na samin.
–
HALOS trenta minutos na ang nakalipas pero hindi ko parin nakikita ang Prinsesa ko. Unti unti na kong naiinip, unti unti na ring nawawala ang pasensya ko. Galit kong nilingon si Miguel.
“Sigurado ka bang dito 'yun?”paninigurado ko.
“Lalamunin ka na nga ng pangalan ng school sa harapan mo eh!”pilosopong sagot nya sakin saka ako lumingon paharap at binasa ang pangalan ng school na nasa harapan ko nga lang talaga.
Tama naman ang school na pinuntahan namin, pero bakit hindi ko sya makita? Maaga ba syang pumapasok? O baka naman may sasakyan sya? Wala na! Ilang sasakyan na ang dumaan! Pano ko malalaman kung isa sya sa mga naka-sakay dun?
Alam ko na! Iisa isahin kong lapitan ang bawat kotseng dadating. Mabagal lang naman ang takbo nila. Kayang kaya kong silipin kung sino ang nasa loob.
Ayos! May papadating na isa! Mabilis kong nilapitan ang paparating na kotse. At walang pake kong inilapit ang mukha ko sa bintana para makita kung sino ang nasa loob.
“Hoy! Baliw! Anong ginagawa mo?”kalabit sakin ni Ian ng mapansin nya ang wirdong ginagawa ko.
“Wala ka nang pake!”itinulak ko palayo si Ian at pinag-patuloy ko lang ang pag-tingin sa mga sasakyang dadaan.
“Pre, hindi ba 'yun yung hinahanap mo?”mabilis akong napalingon ng marinig ko ang sinabi ni Miguel. Tama nga! Sya nga ang hinahanap ko!
Lalapit na sana ako kaso bigla akong natigilan ng may umakbay sa kanyang lalaki.
“Ay! Wala na. Taken na pala eh.”narinig kong sabi ni Ian.
“Bigti!”asar naman ni Reg na may follow up pang tawa ni Miguel.
Tinapiktapik ako ni Reg sa balikat habang umiiling sya. “Ayos lang pre, ganyan talaga ang love, may nag-mamahal, may minamahal at may nasasaktan. Nag-kataon lang na ikaw ang nasasaktan.”sarap suntukin nitong si Reg eh! Pa-advice advice pang nalalaman halata namang hindi sya sincere. Natatawa pa nga sya eh.
“San mo naman nakuha 'yang kagaguhan na 'yan?”natatawang tanong ni Ian saka ito umakbay kay Reg.
“Manood ka kasi minsan ng pelikulang pinoy para naman may makuha kang linya!”pabida pang saad ni Reg.
“Pre pano na 'yan? May prinsepe na ang Prinsesa mo?”nakakapang-lumong tanong sakin ni Miguel na hindi ko masagot dahil biglang na-blangko ang isip ko sa nakita ko.
“Balikan mo na lang kasi si Lara. At least 'yun sigurado kang mamahalin ka nya ng buong buo.”inakbayan pa ko ni Reg ng sabihin nya 'yun. Pero inis ko ring inalis ang braso nya sa balikat ko at kunot nuo ko syang nilingon.
“Ayaw ko na mag-karoon ng CCTV na girlfriend!”sabay walk-out. Subukan kaya ng hinayupak na Reg na 'tong mag-karoon ng girlfriend a batay bawat kilos mo. Alam kung saan ka pupunta at kung ano ang ginawa mo sa buong mag-hapon.
Pero...taken na nga ba talaga ang Prinsesa ko? Boyfriend nya ba talaga 'yun?
Hay~ang hirap sa pag-ibig, natututo kang umasa at mag-assume sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.
PAILING na umupo si Reg sa tabi ni Miguel na kanina pa kumakaskas sa gitara nya. Nasa classroom kami ngayon at katatapos lang naming tumakbo sa basketball court. Buti na nga lang at wala ang teacher namin sa first subject, at wala ring may balak na pumalit pansamantala sa absent naming teacher sa Trigonometry dahil ayon sa pag-kakakilala ng buong Ashita High ang section namin ang pinaka-worst section sa buong mundo.
Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang teoryang iyan. Dahil kung titingnang mabuti, ang section namin ang may pinaka-masayang section sa buong universe. Lahat naandito, maihahalintulad kami sa isang zoo na may iba't ibang klase ng hayop. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay asal hayop na mga ka-klase ko. Slight lang...
Relax lang kami ngayon, ang kaso hindi ko magawang mag-relax dahil sa nakaka-umay na pangyayari kahapon sa harapan ng Dream Academy. Hanggang ngayon hindi parin matanggap ng utak ko na taken na ang babaeng nag-patibok ng puso ko. Mahal ko, may mahal na iba? Hindi ko akalaaing mas kumplikado pa pala sa Trigonometry ang sitwasyon ko ngayon.
“Ang hirap sa in-love naga-assume agad ng sobra. Kaya sa huli aray.”wala na kong masabi pa sa binitawang salita ni Reg. Tumayo si Reg at lumapit sa lamesang sinasandalan ko malapit sa binata. Tinapik nya ko sa balikat saka nag-patuloy sa payong pag-ibig nya. “Alam mo pre, okay lang naman mag-assume, pero wag lang aabot sa puntong pang fairytale na ang tema. Too much expectations can lead you to breaking your own heart.”seryoso pa sya habang sinasabi nya ang katagang 'yun.
Hindi tuloy naiwasang mag-side comment ng nag-gi-gitarang si Miguel. “Ano?!”natatawa nitong tanong, “Baka, 'Too much expectation can lead you to disappointment'?”pag-tatama nya sa kagaguhang revision ni Reg ng quote.
Naniningkit syang nilingon ni Reg, “Walang pakilamanan ng trip pre!”naiiling na lang akong natawa sa ka-ungasan ng taong 'to.
Ilang saglit lang sabay sabay kaming napalingon ng sumisigaw papasok ng room si Ian habang may iwinawagayway syang isang papel.
“Mga pre! Mga pre!”tawag nya samin. Hingal na hingal syang huminto sa harapan namin ni Reg, napahinto naman sa paggi-gitara si Miguel at naituon ang atensyon sa kanya.
“Anong problema mo? Ano pinagawa sayo ni Mr. Carino bakit ang tagal mo? Pinatakbo ka ba nya sa kabilang street?”kunot nuong tanong ni Reg. Pero sa halip na sumagot ay itinapal nya sa mukha ni Reg ang hawak nyang papel.
“Ito pare, basahin nyo!”excited nyang sabi. Pero ni isa walang nag-react. Pano kami magre-react eh nakatapal sa pag-mumukha ni Reg yung buong papel.
Padabog na hinablot ni Reg ang papel na hawak ni Ian na nakaharang sa mukha nya at inis nyang inambaahan si Ian.
“Gago! Pano ko mababasa?! Itinapal mo sa mukha ko!”galit nitong wika sabay basa sa kung ano mang nakasulat doon.
“Pasensya, sinasadya lang.”sagot naman ni Ian sa pabulong nyang boses na narinig parin ni Reg.
“Saktan kita eh!”banta nito na binaliwala lang ni Ian. Sabay sabay na binasa naming apat ang nakalagay sa papel at matapos noon ay walang mapag-sidlan ang tuwa namin.
Parang biglang namunga ang mga nalantang puno ng dahil sa magandang balitang dala ni Ian.
“Ayos!”tuwang tuwang bulaslas ni Miguel bago sya nakipag-apir kay Reg.
“Teka! Sino nag-recommed na ang banda natin ang magiging representative ng Battle of the Band na 'to?”curious lang naman ako. First time kasi naming magiging representative ng school. Kilala nga kasi kami bilang F4. Failed at troublesome student kami. Sinong teacher ang papayag na kami ang ire-presentang lumaban sa ibang schools?
“Si Mr. Carino!”
Sabay sabay kami nila Reg at Miguel na natigilan at napakunot ang nuo. Halatang nagulat kami sa sinabi ni Ian kaya sabay sabay din kami ng naging bukang bibig.
“Hu?!”
Si Mr. Carino? Ang P.E teacher naming walang ginawa kundi pataakbuhin kami sa basketball court? Si Mr. Carino na minsan na kaming pinag-bintangan na kami raw ang bumasag ng salamin ng bintana sa Science Laboratory pero ang totoo kusa lang syang nabasag dahil sa kalumaaan nya. At si Mr. Carino na madalas kaming murahin dahil sa madalas naming hindi pag-sunod sa instruction nya sa P.E. Si Mr. Carino na kulang na lang isumpa kami tapos sya ang nag-rekuminda.
“Weh? Di nga?”duda naming saad nila Miguel at Reg.
“Mahirap paniwalaan pero totoo.”giit nya samin, pero halata parin ang duda sa mukha namin. Bumuntong hininga sya at inakay nya kami paupo. “Ganito kasi 'yun.”nag-simula syang mag-kweto ng flashback.
“Ahhh~”sabay sabay na reaksyon namin nila Reg at Miguel.
Dahil daw kasi wala naman kaming alam sa academics, puro pasang awa lang daw ang grades namin, mga basagulero daw kami, at hindi raw kami magandang example sa mga estudyante, pagbibigyan daw kami ni Mr. Carino na pabanguhin ang image namin sa pamamagitan ng pag-payag naming maging representative ng Ashita High. Sa isang kundisyon.
Pag nanalo raw kami at naging champion, hinding hindi na kami patatakbuhin ni Mr. Carino sa basketball court kahit pa trenta minutos na kaming late. Pumayag naman si Mr. Carino sa request na yun. Pero maging sya ay may kundisyon samin.
Kung matalo naman daw kami, hindi lang takbo ang ipapagawa nya sa amin. Kund pag-lilinisin nya pa kami ng buong campus.
Magaling! Ngayon, kailangan naming mag-buwis buhay para lang manalo sa darating na Battle of the Band.
-
End of Chapter Four: F4 as School Representative??
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^