Thursday, July 17, 2014

Imperfect World - Story 2: Take Me With You, Cupcake

TAKE ME WITH YOU, cupcake
By: WisdomDeath
“Vincent!” sigaw ko. Baliw kasi si Vincent. Iniwan nanaman ako. Dinaig pa niya ang babaeng may buwanang dalaw sa pagiging moody. Siguro pupunta nanaman siya sa pastry shop nila ni Kuya Aidan.

          Medyo padabog naman ako bumalik sa office. Lahat naka-pwesto doon sa isang room namin, kung saan pwede mag-relax. Para bang living room na rin ito ng Haven. Bumagsak lang ako sa couch. Hindi ko nga agad napansin na lukot pala ang pagmumukha ko. Sayang ganda.
          “Hoy Baby D!” sigaw ni Ate Allison. Baby D ang tawag niya sa akin, as in Baby Devil. Baby lang ako siyempre. Ang cute cute ko kaya, plus, si Ate Alli ang Ate Devil, kasi ang Mommy Devil, si Inay Rui. True story.
          “Hmm?”
          Pina-ikot-ikot naman ni Ate Allison yung buhok niya, parang baliw lang. Mali, lumalabas nanaman pagiging baliw niya. “Let me guess, si Vincent nanaman ang rason kung bakot lukot yang mukha mo.”
          Hindi lang evil at baliw itong ate ko na ito. Parang aso rin! Naamoy ang mga tinatago. Well, parang hindi ko na rin pala tinatago. Kita na sa mukha ko. Hindi kasi minsan marunong makipag-cooperate nung mukha ko.
          “Alam mo, noong hinahabol-habol ka nung tao sinusupladahan mo. Ngayon naman na nag-lay low na siya, ikaw naman itong humahabol,” sabi ni Beshie Aiesha.
          “Ganyan naman ang mga babae eh.” Umirap si Ate Allison.
          “Parang hindi ka babae ah,” sabi ni Tita Richelle tapos tumawa na kami.
          Pero may point sila. Dati kasi grabe kung suyuin ako ni Vincent, pero ako namang si pakipot...pakipot. Gusto ko lang kasi tignan kung hanggang kailan siya tatagal, at trip ko lang magpakipot kahit type ko naman siya. Ngayon kasi parang hindi siya makatagal na kinukulit ko siya. Parang iritang irita na siya sa akin pero sabi ni—hindi ko kilala—“Never give up.” Sabi rin ni Jason Mraz, “I won’t give up...”
          Ang dami pa naming pinag-usapan. Mostly, tungkol sa stories ng bawat isa. Makakapag-publish na ulit ako after ng LL Trilogy. Ang saya ko na naging hit iyon. Aba dapat lang na magustuhan nila iyon. Sumakit kaya ulo ko sa kaka-research, lalo na sa second book. Wala akong alam talaga tungkol sa pagiging lawyer kaya todo research ako.
          Kung saan-saan napupunta atensyon ko. Doon sa pagpapa-ikot ni Ate Allison sa buhok niya na parang baliw. Doon sa bulungan ni Tita Richelle at ni Tita Jhonah. Sa tsismisan ni Mae, Airah, at Ate Aiesha na kinikilig-kilig pa sila. Feeling ko si Marcelo nanaman pinag-uusapan nila.
          May narinig akong boses sa labas kahit ang ingay ingay nila sa living room. Dalawang boses ang narinig ko, pero isa lang yung sobrang pamilyar—si Kuya Aidan. Kapag andiyan si Kuya Aidan, may pagkain.
          Lumabas agad ako. Hindi nga napansin nung iba. Kahit si Tita Richelle, ‘di ata napansin na andiyan na boyfriend niya. Basta ako, ready for food na. Pagkalabas ko naman, tama ako. May bitbit na box si Kuya Aidan. Medyo malaki ito. Ano kaya laman? Cake? Cupcake? Cream puff? Brownies? Doughnuts? Cookies?
          Hindi na ako nakatiis. I poked Kuya Aidan’s fluffy belly. Ang cute!
          “Kuya!”
          Nilingon niya ako. “Ui Ellie! Nasaan yung iba?”
          Tinuro ko yung Living Room. “Tsismis mode.” Tinaas ko kilay ko na para bang bata na hinihintay iabot sakanya yung regalo niya. “Ano dala mo ngayon, kuya?”
          Binuksan lang naman niya yung box. Cupcakes! Ang weird lang kasi may isa na blue ang frosting, the rest chocolate frosting na. Nag-shrug na lang ako at kinuha yung blue. Ang sarap talaga! Para akong nasa heaven. Ang moist nung cupcake at hindi masyadong matamis.
          “Si Vincent may gawa niyan,” sabi ni Kuya Aidan.
          Feeling ko luluwa na yung mata ko. Biruin mo, may talent palang gumawa ng masarap na cupcake yung supladitong iyon.
          “Seryoso ka ba kuya?”
          “Oo. Kaya dalhin mo na sa iba. Kinain mo na iyo.”
          Natawa na lang kami parehas. “Ikaw kaya magdala kuya para matigil na rin ang kaka-tsismis nila. ‘Di nila ako sinasama.”
          “Bakit?”
          “Eh kasi naman aasarin lang nila ako kay Vincent.” Nag-pout ako. Feeling ko kasi nagmumukha akong kawawa.
           “Bakit ba kasi ayaw mo kay Vince?”
          “Hala! Wala akong sinabi na hindi ko gusto si Vince!”
          “Edi sagutin mo na.”
          “Huh? Nanligaw na ba siya?”
          “Anong tawag mo sa paghihintay niya? Sa pangungulit niya? Sa bawat cupcake, brownies, at cream puffs niyang dinadala sa’yo noon? Promotion ng shop namin?”
          Bago kasi ang lahat ng ito, bago naging suplado si Vincent, may ibang klase ng Vincent. Yung Vincent na seryoso pero kapag biruan parang bata, laging namimisil ng pisngi, nanggugulo ng buhok, at lagi ako dinadalhan ng pastries.
          Naaalala ko pa one time, sinabi ko sakanya na hindi ako inspired pero kailangan ko na magsulat ng story kasi mapapagalitan na ako ni Inay Rui. Madalas kasi may title na ako pero hindi ko naman maisulat yung story kasi kung hindi ako inspired, tinatamad ako.
          Dumating siya sa office namin na may bitbit na tig-iisang box ng cookies, brownies, cream puffs, cupcakes, at isang slice ng cake.
          “Kain ka na, Ella. May drinks ka na ba diyan? Ano ba ang gusto mo? Bibili na lang ako sa baba. Coffee? Tea? Water? Juice?”
          “Ang dami!” Kung cartoon ako, siguro heart na or star yung mata ko. Ang dami niyang bitbit. Grabe effort niya.
          “Coffee na lang. Babagay pa,” nakangiti kong sabi.
          Pumunta na lang siya sa pantry at nagtimpla ng kape. Medyo natagalan siya kasi si Ate Allison daw ang tagal. Mukhang kape kasi yung ate ko na iyon eh. Sinabayan pa ako ni Vincent kumain that time. After nun, ginulo niya buhok ko at sinabing mag-type na ako. Effective naman kasi umabot ako sa deadline.
          Ngayong iniisip ko yung moment na iyon, nakokonsensya na ako. Dinaig ko pa ata prinsesa sa ginawa niya. Pinagsilbihan niya ako. Possibly, nilunok niya pride niya para magawa lahat iyon. Sino ba namang matinong lalaki ang iisipin na dumaan sa ganoong measures para sa babaeng gusto niya? Tapos binalewala lang siya.
          Ang sama ko.
          Niyakap ko si Kuya Aidan. “Ang mean ko sakanya, kuya!”
          He patted my head sabay sabi, “It’s not too late, Ellie.”
          Tinignan ko si Kuya na parang bata. Sigurado ba siya? Ayaw ko na kasi nung feeling na ang mean ko masyado. Mean lang naman kasi ako sa taong mean sa akin at sa mga friends ko. Mabait na tao naman si Vincent.
          Pinisil ko pisngi ni Kuya Aidan tapos tumakbo na ako palabas. Alam ko naman nasa pastry shop siya. Wala namang ibang matiyagang nagbabantay sa shop maliban sakanilang dalawa ni kuya. Hindi naman ako nabigo kasi nandoon siya, busy sa mga customers.
          Tinignan ko muna itsura ko sa bintana nung kotse na nasa may harapan ko lang. Hindi pa naman ako mukhang haggard. Pumasok na ako ng nakangiti tapos lumapit sa may counter.
          “Vince, pwede ka kausapin saglit?” tanong ko. Medyo pinaliit ko bukas ko. Pa-cute lang talaga ako.
          “Hindi mo ba nakikita na busy ako?” Hindi man lang niya ako tinignan.
          “Saglit lang naman eh.”
          “Busy nga.”
          “Mga 5 minutes lang.”
          “BUSY.” Ang diin ng pagkakasabi niya na hindi umubra ang kakulitan at daldal ko. Napa-step back ako. Alam kong lukot ang mukha ko pero kasalanan ko na rin ito. ‘Yan kasi, Ellaine. Late masyado realization mo.
          Umiling na lang ako, disappointed ako sa sarili ko. Bumalik ako sa office pero straight sa office ko. Nakaupo nga lang ako sa harapan ng computer ko, nakikipagtitigan sa story ko. Wala akong gana magsulat.
          Busy ako sa pag-iisip sa katangahan ko nang biglang may kumatok.
          “Come in,” sabi ko. Medyo mahina pero alam kong rinig sa labas. Sumilip naman yung kumatok.
          “Ate Allie,” bulong ko.
          Ngumiti naman siya bago pumasok at naupo sa couch na naka-set sa gilid. Merong couch sa bawat office namin.
          “Hindi kita tatanungin kung okay ka, kasi obvious na hindi. Kamusta ka?”
          “Super hindi okay. Sira na nga bait ko, lalo pang masisira!”
          “Tell me about it.”
          “Grabe naman kasi si Vince, ate eh! Sobrang suplado! Saglit lang kakausapin. Halos pinagtabuyan na niya ako doon ah!”
          “Hayaan mo na yung tao muna. Bigyan mo ng time. Alam mo kasi, baliw ka rin talaga eh. Kung kailan kasi hindi ka na kinukulit, tsaka ka naman nangungulit. Baka nasasaktan rin yung tao.”
          “Nasasaktan? Eh nilalapitan na nga eh.”
          “Elle, isipin mo na lang. Gusto ka niya. Nag-effort siya ng sobra. Nakita naming lahat iyon. Kahit tanungin mo pa ‘yung iba. Ano ginawa mo? You took him for granted. Ginawa mo siyang ego booster mo. You kept him around because he makes you feel special. Nang na-realize niya na wala na siyang pag-asa, lumayo na siya para maka-move on na. Ano naman ginagawa mo? Kinukulit mo. Eh hindi na makapag-move on yung tao.”
          Grabe talaga kapag nagsalita si Ate Allie. Kapag nagsimula, mahirap patigilin. Pero may point siya sa sinabi niya, may mali rin siya. Hindi ko ginamit si Vincent as an ego booster. Gusto ko siya. Wala lang talaga akong lakas ng loob na aminin iyon sakanya.
          Umiling ako. “Gusto ko siya, ate.”
          Nginitian lang ako ni Ate Allie. “Then go get him. Hindi pa huli. Kilala ka namin, Ellaine. Kilala kita. Hindi ka basta basta susuko. Mana ka sa amin eh.”
          “Thanks ate. You always know what to say.”
          Nag-nod lang siya bago tumayo at lumabas. May times talaga na parang fairy godmother si Ate Allie. Pero kahit ganyan siya magpayo, kailangan din niya madalas ng payo. Si Inay Rui na ang bahala doon.
          Beep! May nag-send ng message sa DDH-IM ko.
AieshaLee: Beshie, don’t give up without trying. Isipin mo na lang, kaya mo ba maglakad dito sa mundo knowing na hindi mo naipaglaban ang gusto mo? Masakit magkaroon ng regrets. You can do it. Sinuyo ka niya noon. He did A LOT for you. It’s your turn to do the same. Sa relationship, hindi ‘yan mag-wwork kung isa lang ang mag-eeffort. Dapat parehas. Challenge lang ‘yan. You can do it. AJA!
          Grabe talaga itong dalawa kong ate. Pinapaiyak ako sa sobrang warm ng suporta nila sa akin pero parehas silang tama. I have to do something. Hindi ako susuko dahil sa “BUSY” siya. Humanda ka talaga, Vincent, hindi kita titigilan.
          Sumunod na araw, maaga akong pumunta sa shop nila. Magdadahilan ako na bibili ako ng cupcakes para sa buong Haven, pero time na ito para kausapin siya. Imposibleng umagang umaga busy na agad siya. Wala pa naman masyadong tao. Ako pa nga lang.
          “Ano kailangan mo?” tanong niya sabay grunt. Mahahalata talaga na parang ayaw niya ako makita. Ignore ko na lang na ganun reaksyon niya nang makita niya ang beautiful face ko.
          “Kamusta ka na?” tanong ko. Tinignan niya ako na nakataas ang isang kilay, para bang nagtataka siya sa tanong ko. Nginitian ko na lang.
          “Ano bang kailangan mo, Ella?” At least nag-stay yung tawag niya sa akin.
          “Ikaw.” Nag-wink pa ako para may effect.
          Napansin ko na medyo napangiti siya pero tinago niya ulit sa simangot niya. Grabe talaga. Dadami wrinkles ng lalaking ito sa kakasimangot niya.
          “Ano ba trip mo?”
          “Ikaw nga.”
          “Male-late ka na.”
          Tinignan ko relos ko. “Hindi pa naman.”
          Huminga siya ng malalim tapos sinenyasan niya na maupo muna ako. Sinunod ko naman. Masunurin naman ako minsan.
          Umalis naman siya. Pagbalik niya, may bitbit siyang tray na may lamang dalawang cup ng kape at dalawang plate na may tig-isang cupcake. Nilapag niya yung plato ng blue cupcake sa tapat ko tapos sakanya yung chocolate.
          “Ikaw may gawa nito?” tanong ko.
          “Oo.”
          “Ang tipid mo sumagot ah.”
          “Nagtanong ka. Sinagot ko. Ano gusto mo?”
          “Gusto ko malaman kung bakit ang sungit sungit mo.”
          Kaysa sagutin ako, kinain na lang niya yung cupcake niya. Aba naman talaga. Wala ba siyang balak sagutin ako? I mean, sagutin yung tanong ko. ‘Di ko naman siya nililigawan...pero susuyuin ko siya. Oh my gosh! Ganito ba yung ligaw?
          “Vincent, sorry na.” Oras na para lunukin ang pride at umamin na sakanya. Nakokonsensya ako lalo na nung inaalala ko yung mga sinabi sa akin nila Kuya Aidan, Ate Allie, at ni Beshie. I can’t take someone for granted. Ang mean nun. Hindi ako ganun ka-mean. Lalo na sa taong mahal ko.
          Tinignan lang niya ako. I composed myself muna. Feeling ko kasi mauutal ako. Eee! Nakakatunaw yung tingin niya. Magsalita ka na lang, Ellaine. Please.
          “Sorry if it seems na I took you for granted. I was just trying to see kung gaano ka katagal maghihintay sa akin. Kaya lang naman, nung ready na ako, bigla kang nagsungit. May pagka-slow talaga ako. Alam kong alam mo ‘yan. Pinag-iisipan ko ng maayos halos lahat ng bagay. I tend to overthink.”
          Nag-nod siya slightly. Ang haba nun tapos nod lang makukuha ko? Ayy tanga. Ang haba na nung sinabi ko pero wala pa rin yung gusto ko talaga sabihin.
          “Hindi ako marunong manligaw,” hinawakan ko batok ko, “pero kung ano—kung gusto mo pa ako—yes.”
          “Yes? As in, aalis ka na?”
          Sinimangutan ko lang siya. Alam kong salubong na kilay ko. Well, kasalanan ko na rin kasi ito. Hay naku Ellaine.
          “Ahh—Ehh—Sige.” Tumayo na ako at handa nang lumabas pero napatigil ako nung nagsalita siya.
          “Grabe talaga. Ang tagal bago ako sumuko. Ikaw, isang tanong lang, quit agad. Hindi ka talaga marunong manligaw, Ella.”
          Medyo napatalon ako nung naramdaman ko yung kamay niya sa braso ko. Ang warm ng kamay niya. Hindi ko siya nilingon kasi alam kong katabi lang ng mukha ko yung mukha niya. Ramdam ko kasi yung hininga niya sa may leeg ko. Hindi kaya siya nangangalay? Ang liit liit ko kumpara sakanya na 5”11.
          “Dapat pala kumuha ako ng alarm.”
          “Ha?” Alam kong slow ako pero hindi ko talaga gets yung sinabi niya.
          “Alarm para sa’yo.” Magsasalita dapat ako pero nagsalita ulit siya. “You took me by surprise, alam mo ba iyon? Akala ko sadyang manhid ka lang kaya hindi mo maramdaman na kaya ako nagsusuplado—”
          “Kasi gusto mo na mag-move on kasi akala mo wala kang chance sa akin.” Ako na mismo ang tumapos sa sasabihin niya.
          “So, ibig sabihin ba nito, tayo na?”
          Ngumiti ako. “Sino sa atin ang slow ngayon?”
          Pinisil naman niya ang pisngi ko tapos nung sinabi kong masakit, hinalikan niya—parang yung ginagawa ng mga nanay sa anak nilang may sugat.
          “Baliw ka rin ‘no?”
          “Nahawa lang ako sa’yo.” Ginulo niya buhok ko. “Pero ginawa ko lang yun para malaman mo na along the way, hindi natin maiiwasan na may masasaktan. Masasaktan kita pero sisiguraduhin ko na ako pa rin ang gagamot nun.”
          Siniko ko yung tiyan niya. “Ang cheesy mo! Grabe Vince! Ano ba nakain mo?”
         Nakatanggap naman ako ng batok. “I am being sweet here. Tapos ganyan lang response mo. You’ll be a great girlfriend.”
          “Thank you.” Sa sobrang slow ko. Late ko na na-realize na ang sarcastic nung sinabi niya.
          Tinanong ko siya tungkol doon sa cupcake na blue na dinala ni Kuya Aidan. Hinampas hampas ko siya nung nag-explain siya. Kinilig kasi ako. Ang bilis ko talaga kiligin.
          “Alam kong yun ang kukunin mo. Ganun kasi paningin ko sa’yo. At bago mo ako hampasin, let me explain it. You’re brighter than the rest. Pare-parehas lang itsura ng iba sa akin. Ikaw lang naiiba.”
          Hindi na nawala yung ngiti ko na iyon hanggang sa pagtatrabaho.
          Beep! Beep! Dalawang IMs sa private group naming tatlo—beshie, Ate Allie, at ako.
WisdomDeath: I AM SO PROUD OF YOU BABY D. Ano pakiramdam? Ano pakiramdam ng hindi nag-give up? I told you. It’s not too late.
AieshaLee: I’m so happy for you, beshie. Diba ang sarap sa pakiramdam ng pinaglaban mo ang importanteng bagay? Ang sarap ng pakiramdam ng hindi ka sumuko.
Akirara: Salamat sa inyo talaga. 

2 comments:

  1. Magcocomment na ko. Baka sabihin ni Ate Allison di ko hilig magcomment. Wahahaha. Seryoso nabitin ako. Nag eexpct tlga ako na malulupasay ako ng bongga! Wahahahaa

    ReplyDelete
  2. hha ako din nabitin. bwahahah :) walang ILOVEYOU :) HAHAHA naimagine ko si Elle dito talaga. HAHAHA kung pano siya sermonan ni Alli

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^