“Vincent!” sigaw ko.
Baliw kasi si Vincent. Iniwan nanaman ako. Dinaig pa niya ang babaeng may
buwanang dalaw sa pagiging moody. Siguro pupunta nanaman siya sa pastry shop
nila ni Kuya Aidan.
Hindi ko alam kung nagmamadali
lang talaga ako o late lang talaga yung boyfriend ko. Halos thirty minutes na
kasi akong naghihintay dito sa may Krispy
Kreme pero wala pa rin siya. Gusto ko na nga iuntog yung ulo ko sa lamesa. One
hour na lang magsisimula na yung meeting namin. Mapapagalitan nanaman ako nila
espren niyan.