Give
Me Gummybears
By:
WisdomDeath
Hindi ko alam kung nagmamadali
lang talaga ako o late lang talaga yung boyfriend ko. Halos thirty minutes na
kasi akong naghihintay dito sa may Krispy
Kreme pero wala pa rin siya. Gusto ko na nga iuntog yung ulo ko sa lamesa. One
hour na lang magsisimula na yung meeting namin. Mapapagalitan nanaman ako nila
espren niyan.
Inubos ko na lang muna yung iced tea
ko. As a good girlfriend, hinintay ko pa saglit si Aidan, pero nang makita ko
yung oras, feeling ko malapit na lumuwa mata ko. Thirty minutes na lang. Jusko
po!
Tumakbo na ako palabas. Isasara ko na
dapat yung pintuan nung taxi nung may sumigaw. Si Aidan na hingal na hingal.
Hindi ko alam kung maiinis ako (dahil late siya), matatawa ako (dahil yung
expression niya nakakatawa), o maawa (kasi pagod na pagod ang itsura niya.)
“Bilisan mo kaya!” sigaw ko sakanya. Ang
bait ko, diba?
Tumakbo siya at mabilis na sumakay sa
taxi. Hingal na hingal siya lalo. ‘Di ko na talaga napigilan yung sarili ko at
natawa na lang.
“Nakainom ka na ba ng gamot mo?”
tanong niya sa akin.
“Oo. Ako pa.” Siyempre go with the
flow lang kahit inaakala nanaman ni Aidan nababaliw na ako.
“Eh bakit tawa ka ng tawa?”
“Try mo tignan sarili mo sa salamin
nang malaman mo.”
“Sana may salamin.”
Medyo mabilis na rin yung biyahe. Nang
makarating na nga kami sa Diamond Building, sinabihan ko na lang si Aidan na
siya muna magbayad at ibibigay ko na lang yung share ko mamaya. Tumakbo na ako
paakyat. Hindi na uso elevator. Late na talaga ako.
Pagpasok ko sa conference room, lahat
napatingin sa akin. Pagtingin ko naman kay espren-slash-boss, na si Ruijin, na
may hawak na whiteboard marker, nakataas ang kilay.
“Sorry I’m late,” sabi ko na halos
parang bulong na lang.
“As I was saying,” tuloy naman ni
espren, “kailangan nating ilabas ang monthly anthology natin. ‘Wag kayo maging
kampante porket naging hit yung February issue natin.”
Halos lahat mukhang takot. Sinubukan
kong magmukhang takot para naman di ako masyadong naiiba. Late na nga hindi ko
pa sila dadamayan sa pagiging takot kay espren.
“Sino sa inyo ang meron nang nagawang
short story para sa June Issue natin?” tanong ni Ruijin.
Walang nagtaas ng kamay. Siyempre pati
ako hindi. Wala pa nga akong maisip na concept eh. Sumasakit lang ulo ko sa
pag-iisip. Tuyot pa ang brain ko ngayon. Parang desert lang.
“Seryoso? Wala? Ni isa man lang?” Kung
cartoon si Rui, feeling ko may usok nang lumalabas sa tenga at butas ng ilong
niya.
“’Di pa tapos.”
Nilingon namin kung sino yung nagsalita—si
Allison. As usual, lagi kasing kaharap ang laptop. Siya lagi nauuna sa mga
deadline ng nanay-nanayan niyang si Rui.
“Gaano na kahaba?”
“Three thousand words.”
“Hindi pa tapos ‘yun?” gulat na sabi
naman ni Ellaine.
“Hindi pa. Kalahati pa lang ‘yun eh.”
“Sino pa?”tanong ni Rui.
“Title pa lang po meron,” sagot ni
Ellaine.
Nakakahiya naman ito, pero okay lang. ‘Di
naman ako nag-iisa.
“Ikaw espren?”
“Ha?”
Tinaasan lang ako ng kilay ni espren. Ang
daming hindi sumagot pero napansin pa rin ako. Grabe naman talaga ang mata ng
demonyang ito.
“Wala pa eh. Susubukan ko mamaya.”
Nginitian ko na lang siya.
Ni-remind na lang niya kami na
kailangan within the week, kailangan makagawa na kami ng short story namin para
sa June issue. Pinabalik na rin niya kami sa kaniya-kaniyang office namin.
Nagulat nga ako paglabas ko ng conference room. Nakatayo ba naman kasi si Aidan
doon. Parang guard lang.
“Ano ba ‘yan? Nanggugulat?” Pasigaw
kong tanong.
Nginitian niya muna ako bag nagsalita,
“Ano? Na-sermonan ka nanaman ba ni Rui?”
“Magically, hindi!” tuwang-tuwa naman
ako. Aba! Ang hirap masermonan ng sarili mong espren ‘no! Hindi mo alam kung
matatawa ka kasi lumalaki na mga mata niya, o matatakot dahil parang gusto ka na niyang sakalin.
“Kailangan ko nang mag-isip ng gagawin
ko for the June issue,” sabi ko.
“Bibili muna ako sa grocery store sa
baba tapos babalik ako dito.”
Tumango lang ako. Payag kasi si espren
na nandito ang mga boylet namin. Iilan lang naman ang meron. Si Aiesha, Demi,
at ako lang ang alam kong meron. Unless, may ilan na hindi marunong mag-share
ng tsismis.
Pumunta na ako sa office ko. Ni-lock
ko yung pintuan para wala munang manggugulo sa akin.
Ang theme kasi ng June issue ay
“Heartbreaks” at isa ‘yan sa pinaka-ayaw ko. Kapag mga ganyan ang pinapagawa,
‘yung mga masasakit na bagay, kailangan ko bisitahin ang kahapon. Masaya na ako
ngayon. Walang gulo sa mundo namin ni Aidan.
Uupo na dapat ako para magsimulang
mag-isip ng story ko kaya lang bigla akong nakarinig ng ingay sa labas. Pakiramdam
ko bumalik na si Aidan at pinagkakaguluhan nanaman siya nung ilan sa mga baliw
kong kasamahan.
Pagkalabas ko ng office ko. Tama
hinala ko. Nag-lean lang ako sa may doorway habang pinapanood sila.
“Kuya Aidan, ‘di ka nagdala ng food
para sa amin?” tanong ni Ellaine. Pagkain nanaman. Mahilig kasi magluto si
Aidan. Kaya nga hindi ako nagugutom kapag siya kasama ko.
“KUYA WHY SO CUTE?” sigaw naman ni
Allison sabay poke sa tiyan ni Aidan. One more thing, malaking tao si Aidan. Six-footer
siya at chubby. Sabi nung iba mataba na daw. Wala akong pakialam. Physical
appearance lang nakikita nila.
“Kuya kailan ka ulit magdadala nung cheesy
tuna omelet?” tanong ni Airah.
“Hindi! Tuna Pasta muna!” sigaw ni
Allison.
“Eh! Yung red velvet cupcakes na may
cream cheese frosting!” sigaw naman ni Ellaine.
“Hoy! Puro pagkain hinahanap niyo kay
Aidan,” sabi ko sa tatlong baliw na babae. “Ano nabili mo sa grocery store?”
tanong ko kay Aidan.
“Gummybears,” sagot niya tapos inabot
niya sa akin. Kinuha ko naman at sinilip na halos sampung balot yung binili
niya. Oh my! Ma-iinspire na ako sa lagay na ito.
“Next time magdadala ako nung requests
niyo,” sagot ni Aidan.
Niyakap siya nung tatlo tapos
nagsitakbuhan papunta sa kanya-kanyang office.
“Nakakatuwa talaga yung mga batang
yun.” Ngumiti siya.
“Sinabi mo pa. Ang sarap tirisin.”
“Buti hindi sila natatakot sa’yo.”
“Kay Rui kami takot.” Sinenyasan ko
siya na pumasok na kami sa office ko. Kailangan ko na umisip ng story. Bakit ba
kasi ayaw gumana ng utak ko? Minsan lang naman! Once a month lang, brain.
Pagbigyan mo ako. Ooh gummybears!
Dinukot ko na yung isang pack tapos
binuksan. Naupo muna si Aidan doon sa couch na naka-set sa gilid. Nilabas niya
phone niya at nagsimula nang maglaro muna.
Nag-online ako sa DDH-IM group. Isa
lang nakita kong online. Si Allison lang. As usual.
QueenRichelle:
Baby A, can I ask a favor?
WisdomDeath:
Sure Tita R. Ano ba ‘yan? ‘Wag lang MATH. :)
QueenRichelle: Pwede
mo ako gawan ng playlist para sa June issue. To inspire me lang. Wala pa akong
nagagawa eh. Masermonan pa ako ng Mommy A mo.
WisdomDeath: Ayy
sure tita! Wait ka lang. I have the perfect playlist for you.
Kapag kailangan ko ng songs para ma-inspire ako. Siya una kong
nilalapitan. Ang daming sources niyang batang ‘yan. Nakakatuwa tuloy. Nanginain
muna ako ng gummybears habang hinihintay yung playlist na gagawin niya.
“Ano
ba theme ng issue niyo ngayon?” tanong ni Aidan habang naglalaro pa rin nung Unblock Me.
“Heartbreaks,”
mahina kong sagot.
“Kaya
mo ‘yan. Bisitahin mo saglit ang past mo, pero don’t stay.”
“Kung
mukha ng asungot makikita ko. No thanks.”
“Be
professional. Isipin mo na lang para iyon sa story mo. After that, you can
forget that part of your life forever.”
Sakto
naman na sinend na ni Baby A yung link ng playlist na ginawa niya.
WisdomDeath:Here
you go, tita. Enjoy listening.
QueenRichelle:
Thanks Baby A!
Agad agad ko namang pinuntahan at pinindot ang “play” button. Gah!
Minsan lang naman bibisitahin ang masakit na past na ‘yan. Sige na. Go
Richelle!
Nakapag-type
na ako ng ilang paragraph nang mag-play ang kantang “Pretending” by Ryan Beatty.
Doon na ako nahigop ng portal papuntang past.
Sabi
nila, “Time is gold.” Sana sinabi nila sakanya ‘yan. Nagsayang kasi ako ng oras
sakanya. Naniwala, nagmahal, umintindi tapos malalaman ko na lang na naglolokohan
na lang kami kasi nagpapanggap na lang siya. Kung kailangan nga ng GMA at ABS-CBN ng bagong actor, kunin na nila. Magaling. Sobrang galing.
Hindi
naman ako tanga para hindi gumawa ng move. Hindi ko naman hahayaan na masaktan
pa ako lalo. Ako nakakuha ng huling salita, masaya ako doon pero hindi ibig
sabihin no’n, okay na ako. Masakit pa rin. Tatlong taon kaya ang nasayang na
oras ko. Hindi ko nga alam kung may parte nung relasyon namin na makatotohanan.
Baka lahat na lang kalokohan.
“Mahal
kita,” sabi ng asungot habang nakatutok sa cellphone. Shucks! Ramdam na ramdam
ko pagmamahal niya...sa cellphone niya.
“Oo
na lang. ‘Di ako tanga. Ayoko na magsayang ng oras pa. Kalokohan na lang ito.
Magsama kayo ng cellphone mo at kung sino man yung lagi mong kasama.”
Hindi
ko kinilala kung sino yung chicks niya. Hindi ko na to-torturin sarili ko sa
relasyon na ako lang ang marunong mag-effort, ako lang loyal, ako lang may
pakialam. Masakit pero kailangan itigil ang katangahan.
“Q!”
Bumalik na rin ako sa present. Thank you, Aidan. Ayaw ko na doon.
Nanghihinayang pa rin ako sa three years na iyon. Kung maaga ko nalaman na gago
yung si RJ, sana mas nakapag-focus ako sa mas mahahalagang bagay tulad na lang
ng nobela ko. Sana mas maaga kong natapos iyon at maagang nakapagsimula sa
panibagong nobela. Talo na ako noong iba kong kasamahan. Sila Aiesha, Demi, at
Hannah naka-tatlo nang libro. Ako iisa pa lang.
“Ha?”
tanong ko kay Aidan.
“Type
na, Q. Ang lalim na ng iniisip mo.”
“Oops.”
Hinarap
ko na ulit yung half-full page sa MS Word.
Napaka-supportive ni Aidan sa pagsusulat ko. Siguro isa na rin iyon sa reason
kaya hindi kami nag-work nung ex kong asungot. Wala siyang pakialam sa passion
ko. Wala siyang binasa na gawa ko ni isa. Si Aidan kasi, ka-close niya ang
fellow DayDreamers ko. Nagsusumbong yung mga baliw na iyon kay Aidan kaya
pagkauwi, ihaharap niya ako sa laptop ko tapos iiwan ako saglit. It’s either
manunuod siya ng TV or gagawa ng snacks.
Tinitigan
ko yung last paragraph na nagawa ko. Wala talaga akong maisip na idadagdag kaya
naman binura ko.
Nag-grunt
ako. “Hindi ko alam isusulat ko!”
“Write
from your heart. Sometimes, the best stories to tell are those that we
witnessed—the ones we were a part of,” sabi ni Aidan habang nakatingin pa rin
sa screen ng cellphone niya.
Tumayo
ako at lumapit sakanya. Niyakap ko naman agad siya. Sarap yakapin talaga ng mga
chubby na tao. Ang cute cute pa.
“Ang
genius mo talaga A!” Pinisil ko pa pisngi niya.
“Alam
ko yun! Tigilan mo nga pisngi ko. Alam kong cute ako!”
“Oo
nga. Ang cute cute cute mo A. Para kang gummybear! Akin na lang pisngi mo.”
Nanlaki
naman mata niya. “Mang-aagaw ng pisngi! Doon ka na nga! Mag-type ka na.”
Tumawa
lang ako. Pabalik na ako sa upuan ko nung hinatak niya ako at binalot sa
malalaki niyang braso. Tapos tinadtad ng halik yung pisngi ko. “Good luck, Q.”
Pagkabitaw
niya sa akin, pinisil ko ulit yung magkabilang pisngi niya bago ako bumalik sa
pagsusulat. Inisip ko yung sinabi ni Aidan.
Sometimes, the best stories to tell are
those that we witnessed—the ones we were a part of.
Huminga
ako ng malalim bago ako nag-type ng tuloy tuloy. Siguro, ito na rin yung chance
ko para ikwento ang nangyari sa past ko, para tuluyan ko nang mabitawan yung
masakit na nakaraan, para makapag-focus na ako sa present at future.
Hindi
ko na nga namalayan yung oras. Napansin ko na lang na uwian na pala, nung
inabutan ako ni Aidan ng USB.
“I-save
mo na lang muna yung nagawa mo. Doon mo na sa bahay ituloy, para makapagluto na
rin ako ng dinner natin.”
Tumango
lang ako tapos nilagay ko na sa USB yung file. Halos nakalahati ko na rin kasi.
Habang inspired pa ako sa sinabi ni Aidan, itutuloy-tuloy ko lang. Medyo ramdam
ko na rin gutom ko.
“Bye
tita R!” sigaw ni Allison.
“Bye
Baby A. See you tomorrow ah.”
“Oh
yiz!”
“Bye
girls!” sigaw ko.
“Bye
ate!” sagot nila in unison. Ang cute cute.
Pagkauwi,
pinadiretso na ako ni Aidan sa living room, kung nasaan yung laptop ko. Dumiretso
naman siya sa kitchen. Narinig ko na nagsimula na siyang magluto, kaya tinuloy
ko na rin pagsusulat ko. Hindi naman masyadong matagal bago ko natapos.
Ang
bilis ‘no? Na-inspire talaga ako sa sinabi ni Aidan sa akin kanina. After ko
isulat, parang gumaan bitbitin ko. Kahit ba one and a half year pa lang ang
nakalipas simula ng maghiwalay kami ni asungot, ngayon ko pa lang talaga na-let
go. Yung tipong nabitawan ko na talaga, kasi nailabas ko na yung matagal kong
tinagong sakit.
Maya
maya lang, may dala nang tray si Aidan. Tinago ko na yung laptop ko. Seafood
pasta ang niluto niya. Pumwesto na ako sa sofa, siya naman nagsalang ng movie
muna—Letters To Juliet.
Naka-relate
ako sa movie na ‘yun. Yung fiancé kasi ni Sophie hindi completely supportive. Yung
guy na na-meet niya, suplado pero noong tumagal, na-impress din kasi magaling
siya magsulat. Well, minus na lang sa suplado part. Kasi hindi naman suplado si
Aidan. Hindi nga niya kayang manakit ng lamok.
After
nung movie, nag-decide kami na manuod na lang muna ng kung ano meron sa cable. Sa
Star Movies naman naabutan namin yung
movie na G.B.F.
“Parang
gusto ko tuloy ng G.B.F.” sabi ko.
“Ako
na lang,” sabi niya sabay flip ng imaginary hair niya.
Natawa
naman ako. “Ayy! Lumalabas totoong kulay mo, A.”
“Shh.
‘Wag ka maingay.”
Unti-unti
naman siyang lumapit sa akin tapos bigla akong kiniliti. Siyempre, hindi ako
marunong magpatalo. Nakakabawi naman ako kaya lang sa bandang huli, binalot
niya ako sa katawan niya. Amoy na amoy ko pa rin nga yung pabango niya.
“Aidan!
Kakagatin kita.”
“’Wag!
Kapag ako pumutok, ikaw may kasalanan.”
Parehas
kaming tawa lang ng tawa. Inupo naman niya ako sa sofa. Medyo hinihingal pa ako
pero okay lang. Kung siya naman ang dahilan kung bakit ako hihingalin, kaya
lang.
“Tapos
ka na ba sa story mo?”
Proud
kong tinaas ang ulo ko. “Naman!”
Ginulo
niya buhok ko. “I’m so proud of you. Isang araw mo lang ginawa story mo. You
have to rest. Para naman makapagpahinga ka ng maayos at hindi ka ma-late bukas.”
Ang
sweet talaga. Pinisil ko pisngi niya. “Opo. Ikaw ba?”
“Susunod
ako,” sabi niya.
Nag-shrug
lang ako tapos dumiretso muna sa bathroom para mag-shower. Nagbihis ako—baggy shirt
(t-shirt pa ni Aidan) at cotton shorts. Nahiga na ako sa kama at binalot ang
sarili sa kumot.
Hindi
ko na naramdaman nung sumunod si Aidan sa akin. Napasarap tulog ko. Nagising na
lang ako nung naamoy ko yung niluluto niya. Nagutom ako bigla. Walang mumog,
walang suklay, walang kahit ano, dumiretso agad ako sa kusina.
Medyo
napatalon si Aidan. “Nanggugulat ka, Q.”
Ngumiti
lang ako. Nahihiya pa ako magsalita. Naghanda na siya ng plato ko tapos sabay
na kami kumain. Sabay na kami pumasok, since medyo malapit naman sa building
namin yung building nila.
“Ikaw
na talaga, Ate Richelle!” sigaw ni Airah sa akin.
Ano
nanaman ako? May ginawa nanaman ba akong mali? Jusko po! Ayaw ko pong
masermonan. Nakita ko pang papalapit na sa akin si espren. Ayaw ko pang
mamatay! Ano ba kasi ginawa ko?
Ngumiti
na lang ako. Sinubukan kong huminga ng mahinahon. Medyo mahirap lang talaga
magpanggap kasi natatakot ako kay espren lately.
“Ano
nanaman ba ginawa ko?” tanong ko.
Akala
ko sisigawan niya ako pero niyakap niya ako. Thank you po at hindi niya pa ako
papatayin. Ritwal ba ito? Hug muna bago kill?
“I’m
so proud of you espren!” sigaw niya.
“Huh?”
Bigla
namang sumulpot si Jhonah sa likod ni Rui. “Nakapag-let go ka na ah!”
Ha?—What?—Anong
meron?
“Isang
araw lang nagawa mo na agad ang story mo,” sabi ni Rui.
“Ang
galing galing talaga. Feel na feel ko pain mo,” sabi ni Jhonah.
“Ipapasa
ko pa lang. Paano niyo nabasa?” Medyo napakunot-noo ako. Sinilip ba nila yung
unfinished work ko sa computer ko? Imposible. May password ako.
“Pinasa
ni Aidan kagabi,” kinikilig na sabi ni Rui.
Matapos
ang daldalan naming tatlo, pumunta na ako sa office. Binuksan ko yung isang file
ko. Iyon ang susunod kong nobela. Magsisimula na sana akong mag-type nang
nag-beep ang cellphone ko.
May
text message galing kay Aidan.
Aidan:
Sorry kung inunahan kita. Binasa ko kasi kagabi. Na-excite ako. Gusto ko makita
agad ni Rui. Ang ganda ng pagkakasulat mo. Sabi sa’yo kayang kaya mo. Sana
hindi ka galit. I love you, Richelle x
Sign na talaga ito
na si Aidan na ang “the one.” I’ve let go of the past. It’s time to move
forward...
...with the one.
>>> STORY 2 HERE
ReplyDelete1. I love Krispy Kreme! (Happy 77th Birthday KK!) at iyon talaga ang unang nakakuha ng atensyon ko. May pagka-PG pa naman ako ngayon kaya natutuwa akong basahin to kasi ang daming pagkain na nabanggit. Fave drink ko rin ang iced tea.
2. Akong-ako eh, yung may time na mala- Sahara lang ang utak ko. Tagtuyot. Minsan naman parang bulsa ko, walang laman. Hahaha.
3. Natawa naman ako dun sa sagot ni Ella kay Espren. “Title pa lang po meron.” Kung ako si Rui malamang nakatikim sya ng pektus na malupit sa akin. Hahaha!
4. Di ko na napigilan yung malakas kong tawa dahil dun sa line na ‘grabe naman talaga ang mata ng DEMONYANG ito.’ demonya talaga eh, hindi man lang demonyita para cute pa rin kahit na mean, hahaha.
5. Kung magsusulat man ako tungkol sa ‘Heartbreaks’ I don’t think I can write one kasi di ko na maalala kwento, rather kinalimutan ko na yung kwento.
6. Kailangan ko talaga ng partner na magaling magluto kasi hindi ako nagluluto, pero sanay naman ako kahit pano. Kaya sana, mahanap ko ang Aidan ng buhay ko. Haha.
7. Dahil tinakam mo ako baby a, bigyan mo ako ng red velvet cakes with cream cheese frostings. Walang bilihan ng ganyang dito. Hahaha. Joke lang.
8. Yung playlist na ibinigay mo sa akin, talaga namang super useful sa totoong buhay. Para ngang gusto ko silang gamitin lahat sa story na sinusulat ko, kaya lang hindi pwede.
9. Naisip ko bigla, dapat pala hindi ‘Give Me Gummybears’ ang title ng story ko. Dapat pala ‘Give me Foods’ kasi lahat talaga ng pagkain na nasabi masarap. Gusto ko silang lahat minus the Tuna.
10. Yung kanta na Pretending, takte isa yun sa pinakamasakit na kanta dunsa playlist, damang-dama ko eh. Hahaha.
11. Takte, three years talaga? Hahaha! Buti na lang nalaman ko agad nag ago si RJ sa totoong buhay. R and J talaga sya, dalawang tao sila. Alam mo yan baby. Hahaha.
12. Yung sinabi ni A, yung payo nya… Iyan ang talagang ginagawa ko, though minsan wala talagang mapaghugutan, at minsan nakakasawa ng balikan.
13. Yung chubby na pisngi ni A, kakagatin ko talaga kapag nakita ko sya. Hahaha.
14. Yes, totoo na masarap yakapin ang mga chubby. Naalala ko tuloy yung nabili kong blouse na ang nakalagay… Chubby girls cuddle better. Totoo naman yun.
15. Gusto ko yung movie, Letters To Juliet. Napanood ko na rin sya, and hangganda nya pati na rin si Amanda. Crush ko talaga sya. Hahaha
16. Akala ko kulang ang tropang esprens eh… buti na lang lumabas si Pressy sa last part, hahaha.
17. Gusto ko rin makapagsulat sa totoong buhay na mararamdaman ng readers ko kung ano talaga yung nararamdaman ko kapag sinusulat ko yung mga chapters ng stories ko. Kaya lang pano ko gagawin yun eh komedyante yata talaga ako sa past life ko, hindi ko magawang makasulat ng drama. Ang laki ng problema ko diba?!
18. Sana mahanap ko na talaga ang totoong Aidan ng buhay ko, yung susuportahan ako sa kahit na ano, lalo na sa katakawan at kaartehan ko.
19. Sa ngayon wala naman akong kailangan na I let go na past since super tagal naman na nung huli ko talagang heartbreak.
20. Super thank you baby A for this wonderful story. I’m so happy kasi nakapagsulat ka ng light at nakakatawa na story na hindi mo naman talaga to usually na ginagawa. But may kasalanan ka sa akin. Seryoso, naiyak ako sa last part at hindi ko alam kung bakit. Dahil nga sa naiyak ako, bumalik na naman ang sipon ko. Hirap na naman ako huminga, meaning mahihirapan na naman ako matulog. Pero ok lang baby dahil talaga namang napasaya mo ako. I’m so proud of you talaga baby. Aylabyu pa rin though ayheytchu dahil nipaiyak mo ako at sinipot ulit ako!!! Congrats baby! Iisipin na ulit ako ng bagong challenge for you!
Gummy bears! :) nice one sis!!
ReplyDeletelike like like ..!!!
ReplyDelete