Wednesday, November 13, 2013

The Cold and Heartless Gangster Queen [LHNSGQ] : Chapter 7 - Trust Worthless

Chapter 7 - Trust Worthless


A/N: Magmula ngayon, Third Person na nag gagamitin ko. The song who inspire me to update is Not Meant To Be by Theory of a Dead Man and Say All I Need by One Republic.  Sorry for the wrong grammars and typo errors ^_^V

---
     Sa pagmulat ng mata ni Megan, ang puting kisame na kaagad ang kaniyang napansin. Hindi naman siya tanga para sabihing nasa langit siya dahil sa amoy pa lang ng lugar, tiyak ay nasa hospital na siya. Pinilit niyang tumayo kahit sobrang sakit ng katawan niya. Napansin niyang puro pasa siya sa katawan. Hindi niya maalala ang nangyari. Ang nasa isipan niya lamang ay noong sinakal siya ni Red Tiger na hindi niya inakalang si Angel pala, ang kaniyang kakambal na naglayas sa pamilya nila. Siguro ay pinagsamantalahan siya neto habang siya'y nawalan ng malay; Isang hinding-hindi katanggap-tanggap na uri ng pag-laban sa isang tao.
     Nakita niya ang isang pigura ng lalakeng animo'y nakatulog sa pagbabantay sa kaniya. Napa-buntong hininga siya ng matuklasang ito'y si Terrence. Hindi na siya magtataka kung paano siyang nahanap neto. May nilagay siya sa gadget na GPS kung nasaan man siya naroroon at tumutunog ito ng sobrang lakas upang malaman neto na siya'y nasa isang panganib.
  "Oh my God!" napatingin siya sa pintuang bumukas. Naningkit ang kaniyang mata at nagsalubong ang kaniyang kilay. Paanong nalaman ng mga ito ang nangyari sa kanya samantalang na kay Red Tiger ang mga ito? Bagkos na isipin pa ang tanong na bumubuo sa kaniyang isipan ay tumayo siya sa kabila ng sakit na nararamdaman. "You're now awake!" Hinarap niya ang mga ito ng malamig at sinampal niya si Queenie. Sa lakas ng pagkakasampal ni Queenie ay natumba siya dahilan upang magising si Terrence at pag-punta nila Miggs, Lee at Kim dito.
   "Queenie!" gulat na sigaw ng mga ito. Madaling napatayo si Terrence at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Megan na akmang sisikmuraan si Lee. "Megan! Mag-hunos dili ka!" sabi ni Miggs at hinawakan ang magakabilang balikat ni Megan at hinarap ito sa kaniyta. Yumuko lamang si Megan at sa isang segundo lamang, nakawala siya sa mahigpit na pagkakahawak ni Terrence sa kaniya. Kinuyom niya ang kaniyang kamay at gigil na gigil na nag-salita. "I can't believe na ang mga taong pinagkakatiwalaan ko ay ang mag-papahamak sa akin. I guess we can't really trust people this days." Tumingin siya rito at tinignan ng masama ang dalawang nagtaksil sa kaniya.
     "W-we're sorry Megan... we're sorry. " ngumiti siya ng mapait nang marinig ang boses ni Lee. Sorry? Sorry's not enough for someone who had sacrifice her life just to save her friends. "Makakain ko ba yang sorry mo? Sorry? Sorry lang? For goodness sake! Napahamak ako dahil lang sa nag-aaalala ako sa inyo! Napahamak ako para lang iligtas ko kayo kay Red Tiger! Tapos ano? Sorry? SORRY!? Eh kung namatay ako sa oras nang pakikipaglaban ko sa kaniya, ANONG MAGAGAWA NG SORRY NIYO?!" nagulat si Miggs. This is the first time na nakita niyang sobra-sobrang galit si Megan sa kanila. Totoong minsan ay napapagalitan sila neto pero mas malala ang nangyari ngayon. "ANSWER ME?!" napapitlag silang lahat. Napaupo si Megan. Damn. May kumurot sa puso nilang lahat dahil tuluyan nang napahagulgol ang tinagurian ng lahat na Gangster Queen. All those times na pinakita nitong pagiging cold sa lahat ay masakara lang pala nito. Ang "Cold and heartless Gangster Queen"  na kaniyang titulo ay isa lamang na kasinungalingan. May puso rin pala ito at higit sa lahat, nasasaktan rin pala ito.
     "Megan, that's the only way. If we did not obey her command to us, hindi lang ikaw ang papatayin nila. Pati ang mga nalalpit sa iyong tao ay papatayin niya rin. Kami nila Miggs, Lee, ang iyong---" naputol ang sinasabi ni Lee nang magsalita si Megan. "So you two decided that you'll use me to stop Red Tiger from hurting all of you?" hiyang napatango ang dalawa. Tumingin siya ng masama kay Terrence nang magsalita ito. "Ah... I think I should go. Sige, bonding muna kayo ah?" parang engot netong sabi at tumakbo ng mabilis upang makalabas.
     Binalik niya ang tingin sa dalawang magkapatid at pinikt ang mga mata. "Why did you do this to me? Why did you chose to kill me even if you know that I can do something about this?!" napaiyak na si Queenie at napaupo na lang sa sahig. Inalalayan naman siya ni Miggs at hinarap si Megan. "Megan! Nag sorry na sa iyo ang tao! Bakit ba ayaw mo pa rin silang patawarin!" sigaw neto. Duon na rin sumabat si Kim at hinawakan ang kaliwang balikat ni Megan. "Go rest. Pagod ka dahil sa laban mo kay Red Tiger." seryoso netong saad. Tinanggal naman ni Megan ang kamay ni Kim at tinanggal ang mga kung ano-anong nakalagay sa kaniya. "Huwag kang mangialam." saad nito at tumingin ng masama sa kanilang lahat. Palabas na sana siya ngunit may isang salitang kusang nagpatigil sa kaniya.
     "Megan, marami ka pang kailangang malaman. Katulad na lang ng pagkakaibigan." napatigil siya ng marinig itong lumabas sa bibig ni Kim. Imposible. Napakaimposibleng malaman nito ang eksaktong sinabi ng kaniyang ama sa kaniya nang siya ay bata pa. Napakaimposible.
     ---
     "O Angelie, bakit ikaw lang ang naglalaro dyan? Asan ang mga kalaro mo?" tanong ng kaniyang Ama na si Archimedes. Napapikit siya dahil naiinis siya 'pag iyon ang tinatanong ng kaniyang ama. "Ayaw ko 'pa. Sagabal lang sila. Atsaka, hindi po laro ang ginagawa ko. Judo po ang pinapractice ko." sa isang anim na taong gulang na bata, si Megan ang pinakamature mag-isip. Napapabuntong-hininga na lang minsan ang kaniyang ama dahil sa kakaiba nitong pag-iisip. Hindi naman daw abnormal si Megan. Sobrang taas lang daw talaga ng IQ nito ayon sa mga psychologist na kaniyang pinuntahan noon.
     Ngumiti ang tatay niya at sinabi ang mga salitang ito, "Megan, marami ka pang kailangang malaman. Katulad na lang ng pakikipagkaibigan." 

---
     Napapikit si Megan. Memories . . . Ayaw niya nang maalala ang mga ito. Sa tuwing may isang bagay na nakakapag-paalala sa kaniyang ama ay hindi niya maiwasang sumikip ang dibdib. 
     Hindi na siya tumingin rito at bagkus ay dumire-diretso na siya sa pag-labas. Hindi. Hindi siya maaaring paapekto. Hindi puwede. Pinindot niya ang isang button sa kaniyang relo na suot at wala pang isang segundo ay may isang boses ang nag-salita. "Yes, Mistress Reid? What can I do for you?" tanong nang isang lalaking may baritonong boses. Bumuntong-hininga siya. Buo na ang desisyon niya. "Sunduin niyo ako dito sa St. Luke Hospital . . . 









     . . . 'cause I'll stay there for a year or two."





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^