“Bakit… Bakit mo ako kamukha?!”
“Gulat ka ba… AKING KAMBAL?”
Paulit-ulit na inisip ni Megan ang sinabi ni Red Tiger. Kambal? Bigla siyang napa-isip ng malalim. Oo, may kambal siya. Nag-layas ito at hindi niya inaasahang si Red Tiger at si Angel ay iisa. Napatingin siyang muli kay Red Tiger. Ang tattoo na malapit sa mukha ni Red Tiger ang mas lalong nag-pagulo ng isip niya. Isa iyong palatandaan…
…Na ang kapatid niya ay kasapi ng Hugo Mafia. Ang mga taong pumatay sa tatay niya. Sa galit niya ay bigla siyang gumawa ng atake na wala sa plano niya. Agad namang nakaiwas si Red Tiger at agad siyang itinulak ng malakas dahilan upang mawalan siya ng balanse. Tumayo siya sa kabila ng nanghihina niyang katawan at muling sinugod ang tila nasisiyahang si Red Tiger. Muli itong nakaiwas at agad siya nitong sinakal. “I-isa kang ka-hihiyan… sa pamilya, A-angel Germanium R-reid.” Nahihirapang pananalita ni Megan. Napatigil si Angel at tumingin ng matalim kay Megan. “HINDI AKO SI ANGEL! HINDI NA AKO ANG PINAKALOSER SA PAMILYA NATIN! AT HINDING-HINDI NA RIN AKO KASAMA SA PAMILYANG REID!” galit na sigaw nito at mas lalong diniinan ang pagkakasakal kay Megan.
Napaubo si Megan at sinalubong niya ang masamang tiningin na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang kalaban. Ngumiti siya ng mapait. “Pinatunayan mo lang na loser ang sarili mo dahil lumayas ka sa pamilyang iyon. Kinalimutan mo kaming mga pamilya mo. Inisip mo na isa kang loser dahil lagi kaming mga busy. Pati ang kapatid nating si Lilia, idinamay mo. Iniisip mo sa panahong ito na ako ang may kasalanan ng pagkamatay niya dahil sa pag-habol ko sa inyong dalawa upang pigilin kayo sa pagtakas. Nasa gitna kayo ng daan at pinigilan ko kayo sa pag-tuloy niyo ng pag-alis ngunit hindi mo ako pinakinggan. Alam mong ikaw ang may kasalanan ng lahat dahil pinagsabihan kitang umalis sa daan dahil may nakita akong paparating na truck ngunit hindi mo ulit ako pinakinggan. Sinong nag-ligtas sa inyo noon? Hindi ba’t ako? Muntikan na akong mamatay dahil paparating na ang truck ngunit tumakbo si Lilia sa akin at iniligtas ako. Kung nakinig ka sana sa akin hindi ba’t sana’y ligtas siya at maayos ngayon?” nag-simulang maging emosyonal si Megan. Mas diniinan naman ni Red Tiger ang pagkakasakal kay Megan. Naningkit ang mga mata nito. Hindi matanggap na tama ang kaniyang kambal. “WALA AKONG KASALANAN! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT! KUNG HINDI KA SANA MALAPIT SA MGA MAGULANG NATIN, HINDI AKO MAGLALAYAS!”
Unti-unti nang hindi makahinga si Megan. Namumutla na siya dahil wala siyang masagap na hangin. Ngumisi lamang si Angel nang makita na itong nahihirapan. It’s payback time.
SA KABILANG BANDA…
Unti-unting minulat ni Miggs ang kaniyang mata. Pinakiramdaman niya ang paligid. “Damn!” mura niya sa kaniyang isipan. “Anong ginagawa ko dito?!” mahina niyang pagkakasabi. Napansin niyang nasa isa siyang abandonadong lugar. Madilim sa kaniyang kinalalagyan kaya hinintay niya munang mag-adjust ang kaniyang paningin sa madilim na lugar na iyon. Nang nakakita na siya ng maayos, tumayo siya at inilibot ang paningin. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pintuan at sumilip siya roon kung may tao. May narinig siyang kaluskos kaya dali-dali siyang bumalik sa kaniyang lugar at nagtulog-tulugan. May narinig siyang boses. At kilala niya ang mga iyon.
“Kuya, how long are we going to wait? Pagod na ako sa kakahintay na magising si Miggs. Hindi tayo makakatakas hangga’t tulog pa siya. Si Kim.. katulad rin siya ni Miggs. She’s still unconscious.”
“Just wait… Makakatakas na tayo. We’ll just wait for an hour dahil alam kong darating pa dito si Red Tiger bukas ng madaling araw. ‘Pag hindi sila nagising, we’ll just stick to Plan B. Bubuhatin natin sila at magca-carnap tayo. And then, we’ll go to the Gangster’s Palace.” Nagpantig ang tenga ni Miggs. Boses nila Queenie at Lee iyon. Hindi siya makapaniwala. What do they mean? Bakit kasama si Red Tiger? Nandito rin si Kim? Pupunta sila sa Gangster’s Palace? Naguguluhan na siya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo at tumingin ng matalim sa kanila. Nagulat na lamang sila Lee at Queenie sa biglaan niyang pag-sulpot. “Tell me what is happening.” Kalmado ngunit mararamdaman mo ang authority sa boses niya. Ginamit niya ang pagiging leader niya sa oras na iyon.
Kim’s Point of View:
Pinipilit kong imulat ang aking mata. Isang bangungot na naman. Pinipilit kong lumaban, at pinipilit kong gumising. Anumang oras ay may masamang mangyayari at nararamdaman ko iyon. Matagumpay naman akong nagising dahil naramdaman kong may taong nakapaligid sa akin at pilit akong ginigising. Unti-unti kong minulat ang aking mata. At napaluha ako sa aking nakita.
“M-miggs, L-lee,… Queenie” usal ko.
“Goodness! You’re awake!” hagulgol ni Queenie. Maging ako ay napahagulgol. Tumingin naman ako kay Lee. “How many days am I unconscious?” nakayuko kong tanong. “5 days.” Sagot naman ni Lee. “S-si Megan? Ligtas ba siya kay a-ate?” nagkatinginan naman sila Miggs at Lee. Tila may nasabi akong mali “I-I mean… RED TIGER.” Mabilis kong usal.
“We still don’t know, Kim. Ang mabuti pa, kailangan nating umalis dito. Delikado. Kung hindi tayo makakaalis, malamang ay papatayin niya tayong lahat.” Tumingin ako kay Miggs na nagsasalita. Tumango ako at tumayo. Medyo mahina pa ako ngunit pinilit ko ang aking sarili dahil walang maitutulong ang pagiging mahina ko. Bumuntong hininga ako at may biglang sumulpot sa aking isipan na alaala. Alaalang dapat hindi makakalimutan.
Oo. Ate ko si Red Tiger. At ate ko rin si Megan. Ako si Lilia Europium Reid. Ang nakababatang kapatid nila na inaakala nilang patay sa mahabang panahon. Nakapagtataka na buhay pa ako ngayon dahil malala ang pagkakatama ko sa truck na nakabangga sa akin. Itinuturing ng mga doctor na isang milagro na nabuhay pa ako.
At kung bakit paulit-ulit na sinasabi ni Ate Angel na ipaghihiganti niya ako kahit nasa tabi naman niya ako? Inampon niya lang ako nang nakita niya ako sa isang bahay ampunan. Akala niya ay kamukha ko lang ang inaakala niyang patay na ako lang rin. Hindi niya alam na ako talaga ang kapatid niya. Pinangalan niya akong Kim at nanatili akong tahimik sa totoong identity ko.
Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa. Wala akong pinipili, at pantay lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Dahil kahit ano ang gawin nilang masama sa isa’t-isa, kapatid pa rin ang turing ko sa kanila.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^