Chapter Seven
Alas sinco na nang dumaong na sa
port ang barko ay agad ako na umalis doon, mabuti na lang at hindi ako binisita
ni Jeff sa cabin ko, pero nakakasiguro ako na nakasunod siya sa akin. Kahit na
hindi siya nagparamdam. Alam ko na gagawin niya ang lahat para lang mapapayag
ako sa gusto niya.
Pagdating ko sa bahay ay dumiritso
ako na umakyat sa hagdan patungo sa dati kong kwarto. Hay, na-miss ko ang bahay
na ito kaya lang napakatahimik. Pagbukas ko sa kwarto ko ay naningkit ang mata
ko sa nakita. Tumambad sa paningin ko si Jeff na nakatihaya sa kama ko!
“What
the hell are doing to my house?!” Okay~
ilang beses ko na ba paulit-ulit na itanong iyon?
Ngayon ko lang napansin na
nakatingin ito sa pictureko na hawak niya. Mabilis na lumapit ako sa kanya at
inagaw ang picture ko. Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang mata ko. He look at me lazily. “Dapat alam mo na kung anong pinunta ko dito. Kelan mo ba isaksak iyan
sa kukute mo?”
“Hindi
ko susundin ang gusto mo!”
Dumilim iyon hitsura niya. Bumangon
siya sa higaan.
“Kailangan
ba talagang pilitin kita?”
“Well,
nakalimutan mo din ba na may baril ako?”
He smirks at me. “Baril? Anong baril?”
“Itong
ba—“ Kinapa ko ang
likod ko kung saan ko nilagay ang baril. “Shit!”
Binuksan ko ang luggage ko at tiningnan na baka nandon ang baril pero wala!
“Uh
iyong baril! Itinapon ko na sa dagat iyong baril mo habang tulog ka.”
“Ano?!
Alam mo ba na ang mahal ng pagkabili ko niyon?!”
“Hindi
mo naman kailangan iyon.”
Mas lalong uminit ang ulo ko kaya
naman sinugod ko siya at inipit ang leeg niya sa dalawa kong kamay. Tumawa lang
siya. Inupuan ko ang kanyang tiyan upang hindi siya makatakas sa akin.
Hinawakan niya ang pulso ko na pigilan ko na sakalin siya.
“I’m
going to kill you!!!!!! Umalis ka sa pamamahay ko! O kundi man pumunta ka na sa
empyerno!”
“I
don’t think so, Sophie.” Paos
na sabi niya. “Kaya umalis ka na
kinauupuan mo.”
“Ha!
Kung noon hindi kita tinuluyan na pinatay ngayon ay gagawin ko na! itatapon ko
ang bangkay mo sa garbage truck!”
Imbes na matakot ay ngumisi pa siya,
ang creepy ng ngiti niya!
“You
look sexy when your angry, Sophie.” Tumawa
uli siya at naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Naramdaman ko
ang palad niya na hinihimas ang hita ko na mas lalong nagpainit ng ulo ko kaya
naman binitiwan ko ang leeg niya at sinampal at umalis na din sa pagkaupo sa
tiyan niya. Umatras ako palayo sa kanya.
“Just
leave me alone!”
“Tsk
tsk! You know I can’t do that. You still owe me.”
“Kung
gagawin ko ba ang gusto mo lulubayan mo na ba talaga ako?! at huwag kang
magsinungaling!”
Tumayo siya at tila nag-iisip,
hinihimas niya ang imaginary beard niya.
“Pag-iisipan
ko.”
“Pag-iisipan
mo?!”
“At
least binigyan pa kita ng pagkakataon na mabuhay!”
Kinuyom ko ang kamao ko. “Fine! I’ll do it! Pero kapag nalaman ko na
nagsisinungaling ka ay humanda ka sa akin. At siguraduhin mo lang na walang
mapapahamak na inosenteng tao.”
“Aww…
hindi ako mangangako na walang mamatay.”
Tinalikuran ko siya at nagmartsa na
umalis sa kwarto ko. Hinding hindi ako matutulog sa kwarto ko! Lalo na may
pesteng killer!
Doon muna ako sa master bedroom
matutulog. After I finished unpacking ay bumaba na ako. May narinig akong katok
sa pintuan kaya naman ay naglakad ako patungo doon. Napansin ko na
palakad-lakad si Jeff sa sala kaya naman binigyan ko siya na nakakamatay na
tingin. “Umakyat ka.” Utos ko sa
kanya. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa ginagawa. Mukhang hindi siya
mapakali.
“Jeff,
umakyat ka sabi sa taas eh!” Wala
akong balak na ipakita sa kung sino man tao sa labas si Jeff lalo na at may
dugo parin ang damit niya. Sigurado ako na hindi siya naliligo lalo na at
masusuka ako sa amoy niya! “Kung gusto
mo manatili sa bahay ko ay mas mabuti pa na umakyat ka.”
He rolled his eye at umakyat na.
Phew, mabuti at sumunod ang damuho.
Binuksan ko ang pintuan. Nakita ko
si Pamela, nakakabata kong kaibigan.
“Hi
pams, Anong ginagawa mo dito?”
“Narinig
ko kasi kay Aling Sisa na dumating ka na daw kaya pinuntahan ka dito para
kamustahin ka.”
Pinapasok ko siya sa bahay at sana
ay hindi bumaba dito ang damuhong iyon. Ilang oras din kami nag-usap at kahit
pano ay pansamantala na nakalimutan ko si Jeff. Maya’t maya ay nagpaalam na sa
akin si Pamela.
“Ilang
araw ka naman magbakasiyon dito, Sophie?” Inihatid ko na siya hanggang sa pintuan nang matanong
niya iyon.
“Uh,
hindi ako magbabakasiyon. Siguro…er… dito muna ako pansamantala tumira.” Tch. Wala talaga sa
plano ko tumira dito pero wala akong magagawa kundi dito muna.
Nang umalis na siya ay nakahinga ako
ng maluwag. Tiningnan ko ang madilim na kalangitan. Hindi ko napansin na gabi
na pala. Pumasok na ako sa bahay at umakyat para tingnan si Jeff pero wala siya
sa kwarto ko o sa ibang bakanteng kwarto. Parang may bumundol sa dibdib ko. Naalala
ko kanina na hindi siya mapakali at ang kamay niya ay parang nanginginig. Hindi
kaya…impossible.
Pamela’s POV
“Nak,
pwede ka bang bumili sa tindahan ng mantika. Naubusan na tayo, kailangan maluto
ko na ang isdang ito bago bumalik ang ama mo sa trabaho. Alam mo naman
iyon—gustong gusto niya na nakahanda na ang pagkain pagdating niya.” Sabi ng nanay, bahagya niya pa na
binalakasan ang boses para marinig ko siya. “Nakapatong ang pera sa tv. Kunin mo na lang.”
“Bwisit!” Kainis bakit ko ba maranasan ang
ganitong mala-empyernong buhay? Wala paring kaasenso! Mabuti pa si Sophie, nasa
kanya na ang lahat. Nakapagtapos pa ng college eh ako nasa second year college
pa at umaasa sa sugar daddy ko, wala akong maasahan sa ama ko na ang trabaho ay
isang contruction worker lang. tsk.
Ginawa ko naman ang sinabi niya,
pagkatapos ko makuha ang pera ay lumabas na ako. Madilim ang daan, nakakainis
kasi eh hindi man lang pinalitan ang bombilya ayan tuloy nakakatakot dito sa
parte nilalakad ko. Kaya walang taong dumaan dito. Habang naglalakad ay bigla
ako kinalibutan dahil may narinig akong yabag sa likod ko. Lumingon ako sa
likod pero wala naman tao kaya nagkibit balikat na lang ako baka guni-guni ko
lang iyon.
Nang magsimula uli ako maglakad at
nakasiguro na ako na hindi na guni-guni ang narinig ko dahil yabag na naman na
nakabuntot sa akin kahit na lumiko ako. Tumigil ako at mabilis na hinarap ang
taong iyon.
“Anong
kai…kailangan…” Hindi
ko naituloy ang sasabihin ko dahil wala taong tumambad sa paningin ko.
Bumuntong hininga ako. “Kailangan ata
bawas-bawasan ko na pag-inom ng kap—umph!” May malaking kamay na tumakip sa
bibig ko at hinila ako sa mas madilim pang lugar at isang iglap ay pumutok
iyong ulo ko sa pagtama ng matigas na bagay sa lupa. Naramdaman ko ang mainit
na likido na umaagos patungo sa mukha ko. Nanlalabo ang paningin ko pero kahit
ganun ay may itim na rebolto na nakatayo sa harap ko.
“S-sino…k-ka?”
“I’m
your worst nightmare, Pamela. Now…Go To Sleep.”
Bago pa ako makasigaw ay sinaksak na
niya ako sa dibdib ng kanyang patalim. Tuluyan na nilamon ng kadiliman ang
buong sistema ko…
Sophie Burshentaw
Kinabukasan ay nadatnan ko si Jeff
sa sala at nanood ng tv. Kagaya ng dati ay magulo ang itim na buhok nito at ang
damit nito na mas lalong madumi dahil sa dugo. At maganda ang mood niya!
Bumuka ang bibig ko at bubulyawan ko
na sana siya ng marinig akong kumatok sa pintuan. Matalim na tiningnan ko si
Jeff, hindi man lang niya pinansin ang matalim na tingin ko. Binuksan ko ang
pinto at lumabas. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na masulyapan ng taong
ito ang sa loob.
Nakita ko ang matandang babae na may
bahid na pag-alala ang mukha niya. Ina ito ni Pamela.
“Aling
Merin, Ang aga niyo naman po bisitahin ako. May kailangan po kayo?”
Hindi siya mapakali sa kinatatayuan.
“Oo sana eh. Gusto ko lang malaman kung
dumaan ba dito si Pamela kahapon?”
“Dumaan
siya kahapon para kamustahin ako. Nag-usap kami mga isang oras ata tas umalis
siya…mga alas sais na ata. Hindi pa po ba siya umuwi?”
“Umuwi
siya ng mga oras na iyan kaso nga lang nong inutusan ko siya na bumili ng
mantika ay hindi na siya bumalik hanggang ngayon. Nag-alala na ako sa kanya
dahil hindi naman niya Gawain na hindi umuwi sa bahay. Umm… sige salamat na
lang, nagbabasakali lang ako na baka nandito siya. O siya alis na ako.”
“Sige
po. Babalitaan ko na lang po kayo kung bumalik siya dito.”
Parang may bumundol sa dibdib ko. Nang
umalis na si Aling Merin ay agad ako pumasok at naglakad ako patungo kay jeff.
Hindi parin niya ako pinapansin dahil abala sa pinapanood na horror movie kaya
naman tumayo ako sa harap niya at nakapameywang.
“Pwedeng
umalis ka sa harap ko?”
“Hindi
ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung saan ka kagabi.”
“Namamasiyal.”
“Namamasiyal
o baka naman may pinatay ka na naman?!”
Pinagkrus niya ang paa niya at ang
braso na tiningnan ako. “Wala ka ng
pakialam kung anong ginawa ko kahapon.”
“Meron!”
Napapailing na lang ito at tiningnan
uli ako na tila nasisiyahan na nagagalit ako sa kanya.
“Fine.
I killed her.”
“A-a-ano?”
I stuttered.
“Gusto
mo malaman kung may kinalaman ba ako sa pagkawala ni Pamela hindi ba? Sinagot
na kita.”
“Narinig
mo ang pag-uusap naming sa labas?”
“Yup.”
He pop the last
letter.
“Wala
siyang ginawang Masama sa`yo! Wala kang karapatan na kitlin ang buhay ng
inosenteng tao!”
“Inosente?”
He raised his brow,
cockily. Kinuyom ko ang kamao ko. “Iyan
ka nagkakamali dahil walang taong inosente. Lahat sila ay may tinatagong
sekreto.”
“Kahit
na may sekreto sila wala ka parin karapatan patayin siya!!!” Sinigawan ko siya.
“Whatever.”
Iwinsiwas niya ang
kamay niya. “Uh, iyong condition ko
huwag mo kalimutan. Kailangan maka-submit ka na ng resume sa school na iyon.”
“Sorry
ka na lang dahil tinawagan ko na iyong naturang school at sabi nila ay may
nakakuha na silang bagong teacher!”
“Then
I’ll kill her. Wala naman problema na iyon.” Akmang aalis siya pero pinigilan ko siya.
“Oh
no, you won’t!”
“Try
me.”
“May
paraan pa naman para makapasok doon school eh!”
“Talaga?
At ano naman, Sophie?”
“Mag-aaral
uli ako at hanggang nandito ka sa pamamahay ko ay huwag kang magkakamali na
pumatay ng inosenteng tao!”
“Fine.”
Tinaas niya ang
kamay niya na ibig sabihin ay suko siya.
Hindi
ako makakapayag na may dumanak na naman dugo. Sorry pam… at nadamay ka pa dahil
sa akin.
>>> CHAPTER 8 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^