Ang Enkantado Sa Buhay Ko
Chapter 7
"Oi, ano ba kasi iyan! Hindi mo naman kailangan takpan ang mata ko 
eh." Natatawang sabi ko kay Alteo. Nang tuluyan na namin natakasan ang 
mga kawal niya ay dinala niya ako sa isang lugar. Hindi ko pa alam kung 
saan na kami naroroon at hindi ko pa nakikita dahil nakatakip ang 
kanyang kamay.
"Malapit na." Bulong niya sa akin. 
Naramdamn ko na lang ang pag iinit ng pisngi ko sa ginawa niya. Para 
akong lalagnatin at kasabay niyon ay excited. "Nandito na tayo." Inalis 
niya ang pagkakatakip sa mata ko kaya naman namamangha na makita ang ang
 buong lugar.
Madaming mga bulaklak na iba't ibang kulay 
at mula doon ay may nakita ako na mga fairies na inaalgaan ang mga 
bulaklak. Kunukutitap ang kanilang pakpak. Iba noon sa nakita kong fairy
 nung patungo ako sa kaharian, kasama ang dalawang duwende.
Hindi
 ko maipaliwanag ang naramdaman sa mga oras na iyon. Masaya at malungkot
 din dahil naalala ko ang pamilya ko. Matagal tagal narin hindi ko sila 
nakakausap o makita man lang.
"Hindi ko ba nagustuhan ang sopresa ko?" Tanong ni Alteo.
"Gusto. Napakaganda naman ng lugar na ito. Pani mo nalaman na may ganito palang lugar? Akala ko ay nasa palacio ka lang."
"Hahaha!
 Yun ang akala mo. Kapag nababagot ako sa palacio at ayokong may 
kasamang kawal ay tumatakas ako. Noon bata pa ako nang madiskubre ko ang
 lugar na ito."
"Hee... isa ka palang pasaway na hari!" 
Natatawang sabi ko. Hindi ko mapigilan na kurutin ang gilid niya na 
hindi ko inaasahan na malakas pala ang reakaiyon niua doon. Natawa ako.
"Huwag! Pfft!" Napatalon ito sa ginawa ko.
"Ayiee!
 Alam ko na ang weak point mo! Ang cute!" Kiniliti ko siya sa gilid uli.
 Umatras ito at umaiwas sa kamay ko. Tumatawa siya.
"Huwag sabi nakikiliti ako!"
"Para ka naman babae eh."
"Babae kamo?" Bigla naaniagan ko sa mga mata niya ang kislap ng pilyo. Pinigilan niya ang kamay ko na kikilitiin ko sana siya.
"Hahaha oo!"
"Ganun pala ha!" Gumanti naman siya. Tatakas sana ako pero lumingkis ang kanyang braso sa beywang ko at kiniliti ako.
"No! Huwag! Ahhahaha! Tama na! Ayoko na hahaha!"
"Ah hindi! Paparusahan ko ng kiliti kung uulitin mo iyon."
"Ahahha-ang-hahaha ang alin? Hahaha yung sinabi ko na....pfft! Babae?"
Kiniliti
 pa niya ako. "Tama na! Binabawi ko na ahhh!" Tumigil naman siya. Oh my 
god ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. Gusto ko na gumulong sa 
kakatawa. Shet! Tindi naman makakiliti siya!
Binitiwan na niya ang beywang ko. Kaya naman humiga ako sa damuhan at ganun din siya. Nakatingin sa kulay asul na kalangitan.
"Phew! Kung hindi ka pa umigil kanina mapapatay mo na ako sa kakatawa!" Hagikgik ko.
"Matitikman mo uli iyan kapag uulitin mo sabihin yung para akong babae."
"Hahaha! Hindi na po!" Natatawang sagot ko sakanya.
"Dapat lang."
Ilang
 minuto pa ay naghari na ang katahimikan. Hindi ko parin maialis ang 
paningin sa asul na langit. Ito na siguro ang pinakamasayang nangyari sa
 akin buhay. Don't get me wrong ha. Hindi naman sa hindi ako masaya 
kapiling ang kaibigan at pamilya ko. It just that ngayon lang ako naging
 masaya dahil sa isang lalaki. Oo, kahit na simple lang ang ginawa niya 
ay masaya na ako.
Sinulyapan ko siya dahil ang tahimik kasi eh. Shoot, nakatulog ang hari!
Napakapayapa ng mukha niya. Ang sarap kurutin ng pisngi niya!
"Tulog
 ka na ba?" Para akong baliw sa tanong ko. Obvious na tulog iyong tao 
tas tinanong pa. Wala akong makuhang sagot sa kanya kaya naman nilapit 
ko ang mukha ko sa mukha niya para i-analisa ang kanyang gwapong mukha. 
Parang nasa 30 na ito o late twenties. Heto na naman po tayo iyong 
pintig ng puso ko ay nagwawala na naman.
Idinutdot ko ang 
daliri sa pisngi niya. Mukhang pagod na pagod siya dahil na siguro sa 
dami niyang trabaho as a king sa kaharian niya kung ako ang magiging 
reyna niya sigurado ako na gulo lang ang mangyayari kapag nalaman ng mga
 nasasakupan niya na isa akong tao. Hay naku! sayang gwapo pa naman kaso
 enkanto naman. Hindi naman pala gaano nakakatakot sila maliban sa 
kapre.
Idinutdot ko uli ang daliri sa pisngi niya. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ko iyong labi niya?
Dahan dahan binaba ko ang mukha sa mukha niya.
"Pwedeng
 humingi ng kiss?" tanong ko kahit na tulog naman siya. "Hahalikan 
talaga kita... sige ka... sige ka... hahalikan talaga kita." mahinang 
sabi ko. Hindi naman siguro niya malalaman na hinalikan ko siya, di ba?
Hanggang
 sa naglapat ang mga labi namin. Namilog ang mga mata ko dahil sa 
pag-aakala na tulog ang hari. Marahan kasing idinilat ang mata niya. 
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Binigyan ko ng maliit na 
distansiya ang mga labi namin at napaawang. Naramdaman ko ang pag-iinit 
ng pisngi ko!
Bago pa ako tuluyan na mailayo ang mukha ko 
sa kanya ay naramdaman ko ang palad niya na nasa batok ko at hinila 
pababa at hinalikan niya ako!
>>> CHAPTER 8 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^