Wednesday, November 20, 2013

Ang Enkantado Sa Buhay Ko: Chapter 8


Ang Enkantado Sa Buhay Ko

Chapter8


Namilog ang mga mata ko, gising siya! gosh! Nakakahiya!


Naramdaman ko na umunit iyong magkabilang pisngi ko. Inilayo ko ang mukha ko sa kanya pero inilagay niya ang malaking kamay niya sa leeg ko at hinila at tuluyan na naglapat na naman ang labi namin. At isang iglap ay dinaganan na niya ako. Ako na ngayon ang nakahiga sa damuhan at nasa taas siya. Ginalaw niya ang mga labi hindi ko alam kung bakit pero kusa na gumalaw ang labi ko. Kakaiba ang dulot ng halik na iyon sa sistema ko. Para akong dinala sa langit. I opened my mouth to let his tongue slid inside me. Naging mapaghanap at naging mapusok siya na tinugon ko naman. I wrapped my arms around his neck and pull him against me.

Ayokong maputol ang sensation na pinukaw ng binata sa akin. Ayoko pang tumigil ang halik na iyon ngunit dahil nauubusan na kami ng hangin ay kailangan namin maghiwalay.

Humihingal na nakatitig kami sa isa't isa. Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko na kagaya ng dati. Siya lang ang lalaki ang nagpapatibok ng ganito sa puso ko. Ito lang ang tumatak sa isipan ko. Mahal ko siya. Natigilan ako. Hindi pwede iyon! iba ang mundo na kinagagalawan namin. Siya ay isang engkantado at ako namanmay isang tao parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Hinawakan niya ang pisngi ko at akmang hahalikan ngunit hindi ko na siya hinayaan na mangyari ulit iyon dahil ibinaling ko ang mukha sa ibang direksiyon kaya ang pisngi ko ang nahalikan niya.

"Princess..."

"G-gusto... ko ng bumalik." Nagkandautal na sabi ko sa kanya. Lumayo siya sa'kin at umupo sa tabi ko. Bumangon ako at hindi parin siya tinitingnan.

"Sorry." He said. Matagal ko na napapansin na minsan ay may mga word siyang ginagamit na kinuha niya sa english at naiintindihan niya ako.

"Don't be. I was the one who....er... kissed you first. Ako dapat ang mag-sorry." Yumuko ako at hindi sinalubong ang titig niya. Ilang minuto din kami hindi nagsalita pero maya't maya ay pinunit ni Alteo ang katahimikan. atumayo siya at nagsalita.

"Papalubog na ang araw. Gusto mo na bang bumalik sa palasiyo?"

Nag-angat ako ng ulo para tingnan siya. Tumango na lang ako. Buong oras na byahe namin pabalik sa palasyo ay walang ni isa sa amin dalawa ang nagsalita. Tahimik lang ang biyahe namin.

****
 Hindi parin ako makatulog ng gabing iyon dahil parang sirang plaka ang utak ko na paulit-ulit na maalala iyong nangyari kanina. Nandito ako sa harap ng bentana at tinatanaw ang madilim na kalangitan. Natatakpan ng ulap ang buwan.

Hindi dapat ako main-love sa lalaking iyon. Ang tanga mo talaga Princess! Alam mo naman na imposible hindi ba?!

Habang nagmuni-muni ako ay bigla nalang dumilim sa labas pero hindi iyon ordinaryong madilim kundi dahil parang natakpad ang bentana ko para hindi ako makatanaw sa labas.

“Ano kaya ito?”

Pinindot ko ang itim na bahay na iyon. Malaman at sa pagdikit lang ng daliri ko ay naramdaman ko malagkit na itim na buhok!

“Sa wakas nakita na din kita, mahal ko.”

Biglang gumalaw iyon at tumaas ng kunti at nakita ko ang hitsura niya! Napatili ako nang makita ko si Yolloh! Bakit ang laki niya ngayon?!

Napaatras ako. “Anong ginagawa mo dito?!”

Mas lalong dumilim ang mukha niya. “Kukunin ko lang ang babaeng pakakasalanan ko! Hindi ako makakapayag na kunin ka sa akin ng hari!”

“Baliw ka ba?! Hindi kita gusto! Mas gugustuhin ko pa na pakasalan si Alteo!

“Hindi pwede! Akin ka! Dinala kita dito sa mundong ito para pakasalan kita! Ano ba ang nakita mo sa kanya na wala ako?!”

Kung hindi lang talaga seryoso ang sitwasiyon na ito ay baka tinawanan ko siya. Halata naman hindi ba? Mas mukhang tao pa si Alteo kesa sa kanya, hindi sa nilalait ko siya pero hindi ko masisikmura pakasalan ang kagaya niya na isang kapre!

“Wala ka na doon kung anong nakita ko sa kanya. Umalis ka na! kung hindi ay tatawagin ko ang mga kawal at dakpin ka!” banta ko sa kanya.

“Hahaha! Ano naman ang magagawa nila sa akin, mahal ko? Wala!”

Nakakakilabot! Ayoko sa kanya. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa pakasalan ang kagaya niya!

Tumakbo ako palayo sa kanya pero bigla ipinasok niya ang malaking kamay niya at ikinulong ako sa malaking palad niya.

“Pakawalan mo ako!”

“Mamaya na kita papakawalan. Una sa lahat ay umalis na tayo dito.

“NO!!! TULONG! TULONG!!!!!!!!!!!”

 Nagpumiglas ako para makawala ngunit wala akong magawa dahil napakalakas niya. Inilabas niya ako sa kwarto ko at tumalon sa dalawang palapag. Lumikha iyon ng malakad na thud kaya naman naging alarma ang mga kawal.
"TULONG!!!"

1 comment:

  1. hala ang intense na.. kaylan ang sunod nito??

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^