Tuesday, October 29, 2013

Don't Fall Asleep: Chapter Two




Chapter Two

Dalawang araw na din ang nakalipas ay hindi ko parin makalimutan ang hitsura ng babaeng iyon. Pagdating ng pulis noong araw na nakita ko ang bangkay ay nawala na lang iyon na parang bula sa kung saan ko iniwan. Sigurado ako na hindi ako namalikmata! I saw the corpse lying on the ground! Kasabay ng pagkawala ng bangkay ay wala din dugo naiwan o kahit na ebidensiya man lang. Akala tuloy ng mga pulis na may sayad ako sa utak. Letse! Bahala sila kung ayaw nila maniwala sa akin!


Nasa living room ako ngayon at kaharap ko ang laptop ko. Anong ginagawa ko? Well, nagbabasa na lang ng mga online novels dito sa wattpad. May writer’s block ako hanggang ngayon kaya magpapahinga muna ang utak ko sa pagsusulat at mag-enjoy muna sa pagbabasa. Gabi at napakatahimik sa loob, hindi ko gusto ang tahimik dahil kinikilabutan ako kaya naman ay pinatugtog ko iyong playlist na nasa gilid ng page ng binabasa ko na ‘Horror Stories’. Kinikilabutan ako pero na-engross kasi ako sa pagbabasa eh kaya kahit na gabi na ay binasa ko. Ang title na nandon ay ‘Quite Slumber- Music Box’. Nakakakilabot ang music pero masarap pakinggan parin kaya naman nagpatulog na lang ako sa pagbabasa.

I was in the middle of the story, I heard a knock on the door when suddenly my heart almost jumps off my chest .  Nakakunot na tiningnan ko ang direction ng pintuan. Hinintay ko na kumatok uli iyon pero wala, I shrugged, siguro imahinasyon ko lang iyon. Tumayo na ako para magtimpla ng gatas ng bigla na naman kumatok. Tatlong beses na kumatok iyon.

“Sandali!...Grabe, dis oras na ng gabi ay nambubulahaw?!” Mahinang sabi ko.         

Pagbukas ko ay walang tao sa labas. Tiningnan ko ang paligid at wala talaga kahit isang senyales na may tao dito. Baka pinagtrip-an ako ng mga bata pero malayo naman dito ang kapitbahay ko dito at tsaka nakalock naman iyong gate ah.

Shit. Hindi ko na talaga ang nangyayari dito. Sinara ko ang pinto at sa pagsara ko ay may narinig akong ingay sa taas na para bang may nabasag na kung ano doon. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang tinakasan ng dugo ang mukha ko. Sure, black belter ako at sharp shooter pero matakutin ako well except sa stories.

Magnanakaw ba iyon?

Nagmadali ako na pumunta sa kusina at kinuha ang knife at marahan na umakyat sa hagdan. May narinig akong ‘creek’ sound na nagmula sa kwarto ko kaya naman pumunta ako doon. Nang nasa harap na ako ng pintuan ay napalunok ako, mahigpit na hinawakan ko ang kutsilyo at binuksan ang pinto. Namilog ang mata ko dahil basag ang bentana at ang kurtina ay malayang umaalon sa lakas ng hangin. Inilibot ko ang tingin at wala naman tao sa loob, it must be some crazy kids throw a rock onto my window! Pero gabi na, wala na dapat gising sa mga oras ngayon! I walk towards the broken window subalit napatigil ako ng may naamoy akong umaalingasaw mula sa labas ng bentana. Inabot ko ang kurtina at namilog ang mga mata ko dahil ang umaalingasaw pala ay isang pugot na ulo ng tao na nakasabit sa malaking sanga ng puno!

I screamed as I can, halos kapusan na ako ng hininga at maluha-luha na ang mata ko sa nakita. Ito ang bangkay na nakita ko dalawang araw na ang nakalipas! Paanong nandito?!

Napaatras ako.

Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang makakita ng bangkay!

Kailangan ko tumawag ng puli. Tama! Makakatulong sila sa akin, Lumapit muna ako sa drawer, nanginginig ang kamay na kinuha ko ang baril ko. This time nakasigurado na ako na nandito ang killer. Shit, bakit hindi ko inisip ng dahil ako ang nakakita ng bangkay ay may posibilidad na ako ang susunod na target!

I froze when I heard a chuckle from my back. I was about to turn around to see that person but as I step backward I felt a sharp thing poking in my back. Lintik! Bakit hindi ko napansin na nandito siya?! Sigurado ako na ako lang dito! Lumalakas ang tambol sa dibdib ko.

“Huwag kang magkakamali na gumalaw.” He said in deep raspy voice.

Napalunok ako. “Now turn around slowly and don’t even think about to escape dahil wala kang matatakbuhan.”

Mahigpit na hinawakan ko ang baril. Akala ba niya ay hindi ako handa sa ganitong bagay? Ha! Nagkakamali siya!

“Oh yeah, put your gun down!” Binaon niya ang matulis na bagay sa likod ko kaya napaigik ako. Pano niya alam na may hawak akong baril? Shit! Sigurado ako na hindi lang ito simpleng mamatay tao!

“Look! Kung ano man ang nakita ko sa gubat at ngayon wala akong pagsasabihan, basta layuan mo na lang ako!” Shit, Kailangan ko gumawa ng paraan kung hindi ay mamatay ako dito.

“Tsk tsk! Kung may binabalak ka huwag ka na mag-aksaya ng oras. Kahit na isa ka pang black belter o anu pa man ay wala parin silbi ang lakas mo. Kaya bilisan mo na at itapon mo na ang baril mo sa malayo kung ayaw mo itarak ko sa sentro ng puso mo ang patalim ko!”

Lintik! Paano niya alam iyon? Stalker ko ba siya o ano? Letse! Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari, kailangan ko mag-isip kung anong gagawin ko para makatakas dito. “Fine! I’ll drop the gun, asshole. Hindi na ako magtataka kung alam mo din ang pangalan ko. Stalker ba kita?” Kailangan ma-distract ko siya.

“You’re the one who stalk me first.”

“Excuse me? Pano ako naging stalker mo? Sa pagkakaalam ko ay dito ako nakatira alangan naman na hindi ako pumunta sa kung saan may tumili.” I look at him over my shoulder, Napasinghap ako sa nakita ko. Siya iyong lalaki na nakita ko noon! Kagaya ng nakita ko noon nakasuot parin siya ng white hoodie at shit! His skin was pale as sheet of paper! And there was a dark circle on his eye. Diyos ko po! Huwag niyo sabihin na si Jeff the killer ito? Oh my god!

He snorted. “If you hadn’t follow me hindi sana mangyayari ito sa`yo. I need to kill you dahil may alam ka na sa akin.” He smiles at me wickedly.  What fuck is wrong with this freak? Why is he assume that I am his stalker?

“Hahanapin ka ng mga autoridad sa ginawa mo sa akin! At sa babaeng iyan!” Tinuro ko kung saan nakabitay ng bangkay.

Akala ko matakot ko siya pero hindi bagkus ay tumawa siya ng malakas. “Haha! Sa tagal ko na dito sa tingin mo ba madali nila ako mahuhuli? Wrong! Dahil kapag ginawa nila iyon ay sila ang mamatay!”

May nabasa ako tungkol sa kanya pero hindi ko inaasahan na totoo siya! Bumilis ang tibok ko. Think Sophie! Hindi ka naging black belter ng sampung taon para hindi mo matalo ang lalaking iyan! Patalim lang naman ang meron siya!

Tinaas ko ang kamay ko and I turn around to face him. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad siya kesa sa akin. Lagpas na ata siya sa 6’4”, sa tangkad ko na 5’5” ay mistulang nene lang ako.

He smirked at me. “Good girl, now, Go To Sleep.”

“What if I told you I ain’t a good girl and I don’t want to sleep yet?”

“No. you’re a ‘good girl’.” He emphasizes the last two words.

“Pasensiya na pero hindi ako mabait na bata.” Bigla ko binaba ang kamay ko sa ere at hinawakan ang kamay niya. Malakas siya kaya no’ng napansin niya ang balak ko ay kasing bilis ko din, mahigpit na hinawakan niya ang patalim and he motion to stab me. Buong lakas ko na pinigilan ang kamay niya kaya umisod ako palayo and hit my butt from the drawer.

“Nonsense. Don’t struggle and just die already!”

“No! I don’t want to die! Marami pa akong gusto gawin!” I gritted my teeth. My veins almost bulge from my skin. Napakalakas niya at isang maling kilos ko ay maitatarak niya ang patalim sa dibdib ko. I push the knife above and crept down at mabilis na tinisod ang paa niya kaya natumba siya. “Screw you! Ikaw dapat ang mamatay!” Matalim na tiningnan ko siya at tumakbo para kunin ang baril na inihagis ko kanina pero bigla niya hinawakan ang paa ko at nawalan ako ng balanse kaya natumba ako. Hinila niya ako pabalik. Makapit na hinawakan ko ang sahig halos Maputol ang kuko ko. “Ahhh!!!!!!!!”


2 comments:

  1. Namiss ko talaga magbasa dito. Ang dami niyo ponflg new story

    ~angel is luv~

    ReplyDelete
  2. Ang engot ko talaga. Imbes na matakot ay kinikilig ako. I don't know why :P

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^