Sunday, November 10, 2013

Don't Fall Asleep: Chapter 3




Chapter Three

“Ahhh!!!!!”

I yanked to avoid his knife, namilog ang mata ko na isang hibla na lang ay tatama sa akin ang patalim! Naramdaman ko ang kirot sa pisngi ko na nagalusan.

“Oh my god!” Hinawakan ko ang pulso niya para pigilan siya. Inupuan niya ang tiyan ko at nakangisi na tiningnan ako sa baba.  Ang mahabang itim na buhok niya ay natakpan ang parte ng mukha niya. Tinulak ko siya ng buong lakas pero dahil na din sa lakas niya ay hindi ko magawa na paalisin siya sa pagkadagan sa akin.

Sa sumunod na atake niya ay hindi ko na iyon maiwasan napaigik ako ng maramdaman ko na bumaon ang patalim sa braso ko. “Agh!” Hindi ako pwedeng mamatay! No!

            Napaigik ako mas lalo at parang gusto ko iuntog ang ulo ko sa sahig dahil mas binaon pa niya mas lalo ang patalim. Pilit ko inalis iyon sa braso ko pero napakalakas niya. Marahas na hinugot niya ang patalim and then he lick the blood that stained in his knife. “Sa susunod ay hindi na ako sasablay.” Nakangising sabi niya,

Gimbal na tiningnan ko siya, tinaas niya ang kamay niya na hawak ang patalim. Ito na ba ang katapusan ko? Patuloy lang sa pag-agos ng dugo ko mula sa sugatan kong braso. Isa lang itong masamang panaginip. Siguro nakatulog lang ako sa couch sa sala pero dahil sa kirot na naramdaman ko ay imposible na isa itong panaginip!

“Oh don’t cry. You will meet your parents in heaven soon. Hindi ito magtatagal.”

“N-no…” Humikbi ako. Hindi ako malakas, at napatunayan ko iyon dahil sa kanya. I had failed you, dad. I am not what you always want me to be. Nasayang lang ang natutunan kong judo.

I closed my eyes and ready to accept my faith.

“Go To—“ Natigilan siya at ako naman ay dinilat ko ang isang mata ko para makita kung anong nangyari, may narinig akong sirene ng pulis. “Fuck!” Umalis siya sa pagkadagan sa akin. “Maswerte ka ngayon, Sophie, at dumating ang tagapagligtas mo pero tandaan mo ito babalikan kita kahit saan lupalop ka man magtago.” Tumakbo siya papunta sa bentana at tumalon doon. Iyon na din ang huli kong narinig sa kanya dahil nanlabo na ang paningin ko at tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang buong diwa ko.

***
“Ms. Burshetaw! Kagigising mo lang tas gusto mo ng umuwi? Naku! Hindi pwede. Manatili ka dito sa ayaw mo sa gusto.” Nakapameywang na sabi sa akin ni Bell na personal nurse ko dito sa hospital.

Tanghali na ako nagising at nagpupumilit ako na makaalis sa hospital kahit na hindi pa magaling ang braso ko.

“Pero kailangan ko makaalis dito! Babalikan niya ako at ayokong may madamay dahil lang sa akin.”

“Sinong babalik sa`yo?”

“Si Jeff! Hahanap siya ng paraan para mapatay niya ako!”

“Look, miss, huwag kang mag-alala tungkol sa nagtangka sa boyfriend mo. Ligtas ka dito dahil poprotektahan ka ng mga police. Sino ba iyang si jeff? Dati mong nobyo?”

Echoserang babae.

“He’s not my boyfriend! Hindi ko alam kung bakit niya ako gusto patayin!” Tumangka ako na umalis sa kama pero hinawakan ng nurse ang magkabilang balikat ko para pigilan ako.

“Miss, Hindi ka nga pwede umalis. Ang tigas ng ulo mo!”

“Pakialam ko?” Pagtataray ko sa kanya. “Nurse ka lang dito at ako ang pasyente dito, at kung gusto ko man umalis dito ay wala ka ng pakialam!”

Bumuka ang bibig nito, namumula na ang mukha niya sa inis sa akin. May sasabihin sana siya sa akin pero naudlot dahil bumukas ang pintuan at niluwa doon sa pintuan si Inspector Tyron at dalawang police.

“Pwede ba naming makausap si Sohpie Burshentaw?” Tiningnan niya ang nurse.

“Siya na ang tanongin ninyo kung gusto niya makipag-usap. Maiwan ko muna kayo at kung pwede lang sana kung magtangka siyang umalis dito sa hospital ay  pigilan ninyo.”

Sa pag-alis niya ay nakahinga ako ng maluwag. Bwisit talaga ang nurse na iyon, hindi ba naman ako paalisin dito sa hospital.

“Tyron, huwag kang sumunod sa gusto ng nurse na iyon. Aalis na ako dito.” Umupo ako sa gilid ng kama. “Uh, ano nga pala ang ginagawa mo dito?”
           
            Hindi na ito isang beses na nagkita kami ni Tyron, sabihin na natin na madaming beses na kami nagkita ng binatang ito dahil na din sa trabaho ko.

“Tsk tsk! Para makita ko kung totoo na ikaw talaga iyong inatake ng serial killer dito. I can’t believe it!”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit?”

“Well, for one and half years sa pagkakilala ko sa`yo ay alam ko na hindi ka madaling matalo sa isang kagaya no’ng taong tumangka sa`yo na patayin ka.”

“Hindi mo pa ako gaanong kilala Tyron. Hindi ako malakas at paalala lang ha? Hindi ako parati napapalaban dahil parati may partner ako. Ang mission ko lang naman ay makalap ng madaming ebedinsya. Hindi umatake, and the guy who attacked me was not ordinary person. Madami siyang alam sa akin.”

“Old enemy?”

“No.”                         

“Dating boyfriend?”

I snorted. “Hindi. At malayong mangyari iyon.”

“Why not? Your pretty.”

“I know right. Diritsahin mo na ako kung anong kailangan ninyo para makapaghanda na ako na umalis dito sa hospital. Sayang ang pera ko dito.”

“Come on. Sa ikakabuti mo din naman iyon.” Napapailing na sabi niya sa akin. “Pwede mo ba ibigay sa amin ang description ng mukha ng lalaking nagtangka sa buhay mo?”

Nanlamig ang mga paa ko. “Jeff the killer.” Imbes na i-describe ang mukha ng lalaki ang pangalan niya ang lumabas sa bibig ko.

Nagkatinginan silang tatlo. Ang dalawang police na kasama ni Tyron ay mukhang natatawa sa sagot ko. Para bang nababaliw ako.

“Sophie, I asked a minute ago to describe the person who tried to kill you not a silly fiction character.” Napapailing na sabi ni Tyron sa akin.

I bit my lower lips and nibble it. Walang maniniwala sa akin dahil iniisip nila na hindi totoo si Jeff, isa lang daw iyon likha ng imahinasyon ng mga tao but they are wrong because Jeffrey is real! I saw it in my two naked eyes!

 I lower my head. “He was wearing a white hoodie that was stained by blood and his jet-black hair were long and messy, matangkad siya—lagpas 6’3” and the color of his skin was pale.”

“Ang hitsura?”

“Hindi ko na matandaan. Tumama iyong ulo ko sa sahig at nawalan na ng malay.” Isang malaking kasinungalingan iyon, pero kung sasabihin ko naman sa kanila ay pagtatawanan parin nila ako dahil si Jeffrey parin iyon!

Alam ko na mali ang ginawa ko pero anong magagawa ko? Ayaw nilang maniwala!

Narinig ko na bumuntong hininga siya. “May sinabi ba siya noong may malay ka pa?”

Umiling ako. What’s the point? Hindi naman nila ako maprotektahan sa lalaking iyon. Madami pa silang tanong sa akin at nasagot ko naman ng tama kahit paano tas bago pa nila ako iniwan ay nagsalita si Tyron. “Mas makakabuti na hindi ka muna umalis dito, Sophie, may nakabantay sa`yo para protektahan ka in case na balikan ka ng lalaking iyon. Nasa labas lang sina Ramon at Jupeth.”

Tumango na lang ako. Humiga nalang ako doon sa kama at nakatitig na lang sa puting kisame. Siguro nga mas ligtas ako dito…
 

*****
Yey! author's note! alam ko na boring ang chapter na ito XDDD pero sana magustuhan ninyo. And by the way, mas maraming dadanak na dugo di ko pa alam kung kelan pero basta madaming dadanak na dugo dito! hahaha!

Tandaan ninyo, si jeff ay isang killer kaya huwag kayong mag-expect na maging mabait sa mga tao lolololol! :D

Anouncement: Gagawa ako ng animation nito XD Opening lang siguro? ewan, malapit na akong matapos niyon baka mamaya, bukas o next week ko pa ma-post. ohohoho!


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^