Friday, November 15, 2013

Don't Fall Asleep: Chapter 4




Chapter Four


 opening

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong malamig at matulis na bagay sa leeg ko. I scrunch my nose nang may maamoy akong mabaho na para bang patay, kaya naman idinilat ko ang mata ko at bigla akong napatili na agad naman tinakpan ni Jeff ang bibig ko. Namimilog ang mga mata ko at ang nagsimula akong pawisan. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na nakahandusay na walang buhay ang dalawang police na nagbabantay sa akin sa labas ng kwarto ko.

“Shh… “

“mmph!” Nagpumiglas ako. Naramdaman ko na parang bumuka ang sugat ko sa braso at ang kutsilyo na nakatutok sa leeg ko ay bahagyang tumusok sa leeg ko.

“Hindi ba sinabi ko naman sa`yo kahapon na babalik ako? Huwag mong sabihin na nakalimutan mo? Sophie, sophie, you are so na├»ve sa edad mong beinte tres, do you really think that thing can protect you from me?” tukoy niya sa dalawang police na wala ng buhay.

I heard him chuckled at inalis kamay niya sa bibig ko. Hinawakan niya ang pulso ko na mahigpit.

“Mabulok ka sana sa empyerno! Demonyo!” Singhal ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na loob na sabihin ko sa kanya iyon.

“I am far worst than a demon, Sophie.” He said in dark tone.             

“Ano ba ang problema mo ha?! Wala naman akong ginawang masama sa`yo ah! Hindi mo ba ako pwedeng layuan na lang? Gusto ko pang mabuhay! Ano bang gusto mo ha?! Wala ka naman mapapala sa akin! Oh wait baka nga meron, ano ba ang gusto mo? Sabihin mo at gagawin ko para lang lubayan mo ako!!! Gusto ko mabuhay na mapayapa!”

Natigilan siya sa sinabi ko, at tila nag-iisip.

“Gagawin mo ang lahat ng gusto ko?” He loosens up his grip from my wrist.

Natameme ako, nginangatngat ang loob ko na para bang nagpapahiwatig na bawiin ang sinabi ko pero hindi ko magawa iyon dahil inaasam ko na baka lubayan na niya ako. I am not ready to die. Mabilis na tumango ako. Bumangon ako nang umatras siya at nagbigay ng distansiya sa pagitan naming tila nag-iisip ng kung anong gusto niya.

“Hindi ko binibigyan ng isang pagkakataon na mabuhay ang biktima ko pero dahil nakakatwa ka at ikaw palang ang tao na buhay parin sa isang araw ay pagbibigyan kita. Gusto ko sumama ka sa akin kapag may bago na naman akong biktima at tulungan akong itago ang mga katawan ng bangkay. How’s that?” He laugh.

“No! I don’t want to!”

His face darkened. “Kung ayaw mo eh di mamatay ka na lang. Walang silbi sa akin ang baril mo at hindi ako kaya ng mga pulis, nakita mo naman ang mga damuho na nandiyan hindi ba? Ano? Ayaw mo?”

“Sinong gustong maging accomplice ng isang killer?! Wala!”

“I should kill then.”

Umisod ako paatras at tumama ang katawan ko sa head board ng kama ko. “F-fine!”

“Good. ‘tara na.” Lumakad na siya papunta sa pintuan.

“Haa?” Napamaang na tiningnan ko siya.

“Let’s get rid of this corpse.”  

I rolled my eyes. “Yeah right, get rid the corpse, hindi mo ba naisip na may CCTV camera dito?”

“I am not dumb like you who only do things without thinking.” Baliw na talaga ang lalaking ito!

“Excuse me?”

“Yes you may excuse but first you need to help me hide this corpse.”

Nagpapatawa ba ang lalaking ito? I want to shout him ‘what the hell?!’ pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil baka saksakan niya ako.

“Ano pa ang hinihintay mo?!”

Inalis ko ang karayom na nakatusok sa pulso ko at sumunod sa utos niya. Ang tanging magagawa ko lang sa dalawang ito ay magdasal na lang.



****

Author's Note: Yeah, i know this chapter is tooooooo shooooorrtt!  pero ito lang talaga ang nakayanan ng utak ko ngayon XDDDD! babawi ako bukas! :D


1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^