Chapter One
Napabuntong hininga ako at inalis
ang tingin ko sa harap ng monitor ng laptop ko. Dalawang oras na ako sa harap
ng laptop ko at wala parin akong maitipa na kahit anong litra. Ganito talaga
kahirap kapag may writer’s block ka, kailangan mo pilitin na magsulat kung
hindi ay wala kang maipapakain sa alaga mo sa tiyan. However, in my case I was
a former secret agent and I save a lot of money in my bank. Tumigil ako sa
trabaho kong ‘iyon dahil ayoko na malagay sa panganib ang buhay ko. Sabihin na
natin na takot ako, pero iyon ako eh. I never wanted to become a secret agent
in the first place but my strict father ordered me and now he is dead ay pwede
ko na gawin anong gusto ko. Namatay siya dahil sa sakit na cancer. I am not a
heartless person, nalungkot ako sa pagkawala niya kahit na strikto siya.
Nag-iisa lang akong anak niya at ang ina ko naman ay maagang namatay noong
walong taon gulang palang ako.
She was killed but no one knows who
the killer is. I must say that the killer was a professional dahil wala akong
mahanap na ebidensiya. At dahil ako na ang mag-isa ay lumipat ako ng
matitirhan. Hindi ko pinagbili ang bahay na pag-aari ng magulang ko. At least
kahit pano ay may mga alaala ako noong kasama ko pa ang mama ko at noong hindi
pa naging strikto si papa.
“Oh great! I really hate writer’s block!” I press the bridge of my nose and
stand up. Lumabas ako sa bagong bahay ko. Malapit lang ang two storey house ko
sa kagubatan but didn’t mind though. Malayo-layo din dito ang mga kapitbahay
ko. But I’m not scared I have lots of guns. Nasa drawer ng kwarto ko at sa
kotse. And I am also a black belter.
Bago palang ako dito sa bayan kaya
napagdecision-an ko na mag-aliw muna. Pupunta muna ako sa grocery para bumili
ng stocks lalo na papaubos na ang stock doon sa kitchen. Sinigurado ko na
nakalock ang pintuan ng bahay at dumiritso sa garahe. Binuksan ko ang kotse ko
and I hopped in. Pinaandar ko palabas ng bakuran ko at lumabas uli para e-lock
ang gate then bumalik sa kotse at pinaharurot papunta sa grocery store. Alas
tres na ng hapon at madaming tao sa lugar. Ilang minuto din ako nasa loob ng
grocery para bumili ng kailangan ko sa bahay.
Pumila ako doon sa kunti lang mga
tao na nakapila.
“Ngayon
lang kita nakita dito, hija.” Isang
matandang babae na nakapila sa kabilang counter. Ngitian ko siya kahit na hindi
na seryoso ang hitsura niya parang hindi ako welcome dito.
“Kahapon
lang po ako lumipat dito.”
“Naku,
sana ay hindi ka na lumipat dito sa bayan namin.” Bigla siyang pinagpawisan at
namilog ang mga mata niya na tiningnan ako.
My brow furrowed as I tilt my head
in the side and narrowed at her. “Care
to explain why I can’t be here in this town?” Okay, wala akong matandaan na
may ginawa akong masama kanina o kahapon para hindi ako magustuhan hindi pa nga
ako nakakasimula tas gusto na ako paalisin dito sa bayan!
“Hindi
mo ba alam na dito sa lugar naming ay mataas ang crime rate? May serial killer
dito! Huwag ka sanang magalit sa akin pero nag-alala lang ako sa kapakanan mo,
Hija, lalo na at mukhang wala kang kaalam-alam sa lugar na ito.”
“Don’t
worry about me. I could take care of myself. Kung ganito na talaga ka delikado
ang lugar na ito bakit hindi parin gumawa ng paraan ang mga police na mahuli
ang tanong iyon?”
Bumuntong hininga ang matandang
babae. “Dahil kahit ang mga police ay
walang magawa.”
I snorted. Hindi na lang ako
nagkomento sa sinabi niya. Ha! Walang magawa ang police?! Imposible!
Matapos ko bayaran ang pinamili ko
ay inilagaw ko iyon sa back seat at sinigurado na lock ang kotse ko. Hindi pa
ako uuwi sa bahay dahil wala naman akong magawa kaya naman ay namasiyal muna
ako. Namili ng bagong damit sa mall at ang huli ko ginawa ay manood ng sine.
Gabi na nang matapos ko panoorin ang ‘Life of Pi’ sa paglabas ko ay hindi ko
maiwasan na marinig ang usapan ng dalawang babae, malapit sa exit door.
Sa totoo lang hindi talaga ako
naenjoy sa movie. Dahil na rin siguro walang action? Siguro. Naglakad na ako
palabas ng naturang mall nang may madaanan akong mga police at mga echoserang o
echoserong tao na nagkumpulan. Siguro may aksidente na nangyari doon, In the
corner of my eye I noticed a man standing far away from the crowded people.
Lumingon ako sa direksyon niya. He was wearing a white hoddie na may pulang
mansa at itim na jeans. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil nakatabing sa
mukha niya ang mahaba niyang buhok at naka-hood siya. Tanging nakita ko lang
ang labi niya na nakangisi, he was smiling ear to ear, I was not over
exaggerating things dahil totoo ang nakita ko. Para kasing hiniwa ang gilid ng
labi niya patungo sa pisngi. Oh god, that was creepy. Kinusot ko ang mata ko
kung imahinasyon ko nang kinusot ko ang mata ko ay nawala siya na parang bula. Er…
Imahinasyon ko lang ba iyon?
Nagkibit balikat na lang ako sa naisip. Pagod lang siguro ako kaya kung ano na
ang imahinasyon ko.
Nang umuwi na ako ay inilagay ko sa
mesa ang mga pinamili ko except sa mga meat at iba pa, inilagay ko na iyon sa
ref.
Dumiritso na ako sa kwarto ko at
eksakto naman na tumunog ang cellphone ko.
“Hello?”
“Sophie,
it’s me, Jarren.”
I groan. “What do you want?” Tanong ko sa dati kong boss sa pinagtatrabahuan
kong agency noon. “Please huwag mong
sabihin na may ibibigay ka sa akin na mission. Dahil sa pagkakatanda ko ay
nagpasa na ako ng resignation letter. I quit.”
“I
just want to know why you quit. Maganda naman ang performance mo and you never
fail in your mission.”
Heto na naman. He really doesn’t
want me to resign but he can’t change my mind, bahala siya! Binuksan ko ang
bentana sa kwarto ko para makasagap ng sariwang hangin. My eyes scan the whole place
malapit sa bentana ko ay may malaking puno.
Bumuntong hininga ako. “I already told you I’m tired and I don’t
want to see another people dyin—“ Napatigil ako ng may narinig akong tili
mula sa kagubatan.
“Ahh!”
“w—“ Pinutol ko ang sasabihin niya.
“Jarren,
mamaya na siguro tayo mag-usap. Bye.”
“but—“
Pinatay ko na ang cellphone ko at
diritsong kinuha ang baril sa drawer ko at diritsong bumuba at pumunta sa
pinanggalingan na tili. Nilibot ko ang lugar pero wala akong makitang tao. Gabi
na at salamat sa sinag ng buwan ay kahit pano ay nakakita pa din ako ng liwanag
dito. Again I heard another scream at maliban doon ay narinig akong kakaibang
tunog. Oh god, maybe coming here is the biggest mistake na ginawa ko. Kailangan
ko ng umalis dito. Hawak ko pa din ang baril, pero kung aalis ako dito ay pano
na iyong babae?
Nilibot ko ang paligid.
“Geez,
saan na ba siya?” Sigurado
ako na malapit lang dito ang tili na iyon! Habang naglalakad sa gitna ng
kagubatan ay bigla ako natisod sa kung anong bagay. Mabuti na lang ay nakahawak
agad ako sa matayog na puno. Marahas na tiningnan ko ang bagay na iyon at bigla
na lang ako napatuptop sa nakita. Oh god! Isang babae na may malaking hiwa sa
leeg! Tirik ang mga matang wala ng buhay parang gripo na umaagos ang dugo mula
sa leeg at sa dibdib na ilang beses saksak.
Halatang sariwa pa ang mga iyon at
may possibilidad na nandito pa ang mamatay na tao na iyon!
Naging alerto ako sa paligid. God,
anong gagawin ko? Bago palang ako dito sa bayan na ito ay ganito na ang
mangyayari sa akin! I had quit my job at nagpakalayo sa mga piligro at heto!
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at mabilis na tinawagan ang police sa
nangyari. Nagmadali din ako na umalis sa lugar na iyon.
>>> CHAPTER 2 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^