Monday, August 19, 2013

Pretty? She's a Gang Leader - Chapter Thirty Six







**Page 36**

Third Person’s Point of view

Pumunta si Autumn sa kwarto ng kambal. Maaga pa at siya pa lang ang gising.

“Marc.”-Tawag niya sa kambal sabay tapik sa pisngi. Inagaw ni Autumn ang yakap na unan ng kambal.

“Gumising ka na nga.”-Sabi niya saka pa hinampas kay Austin ang unan.

“A-ah. Angel.”-Sabi ni Austin pagkabangon. Nagkusot pa siya ng mata.

“Jogging tayo. Tara.”-Yaya ni Autumn.

“Iiih~ Niaantok pa ko. Si Nathan na lang~”-Sabi ni Austin pagkatapos ay humiga pa ulet sa kama.

“Ano ba! Dali!”-Pamimilit ni Autumn

“Niaantok pa ko.”-Pagmamatigas pa ni Austin

“Tss. Anong klase kang kambal.”-Pangongonsensya ni Autumn

“Pogi.”-Saka pa nagtalukbong ng kumot si Austin.

“Ano ba may sasabihen ako.”-Tinanggal ni Autumn ang kumot sa muka ng kambal.

“Alam kong pogi ako. Hindi mo na kaylangan sabihen. Matanda ako sayo, igalang mo ko. Pag sinabe kong matutulog ako, matutulog ako.”-Sabi ni Austin

“Oo nga naman. Mas matanda ka saken ng 6 minutes. =______=”-Autumn

=__________= <----- Austin

“Tara na kaseee!”-Autumn

“Oo na Oo na.”-Sabi ni Austin pagkatapos ay nagpunta sa banyo. Naghilamos siya at nagtoothbrush pagkatapos ay nagpalet ng damet.

**

Nakarateng sa isang park ang kambal sa pagja-jogging. Umupo sila sa damuhan para magpahinga.

“Marc kase----“-Maguumpisa pa lang si Autumn ng magsalita si Austin.

“Oo si Adrian.”-Sabi ni Austin.

“Tss. Ang lakas ng toyo niya. Nakaka-asar. Minsan hindi ko na alam kung matutuwa ba ko na siya ang fiancé ko o ano.”-Angal ni Autumn

“Ano bang pinagawayan niyo?”-Tanong ni Austin

“Ewan. =____=”-Autumn

“Oh tamo. Kahit ikaw di mo alam ang nangyayare. Let it flow. Mawawala den yan. =___=”-Austin

“Grabe. Im expecting a support from you tapos ganyan sasabihen mo? =___=”-Autumn

“Yan lang ang alam ko. Time heals. =__=v”-Austin

“Tss. Ano pa nga bang aasahan sayo? =___=”-Autumn

“Nga pala, since tayong dalawa lang naman ang magkasama, I’ll grab this chance to ask about the gang.”-Sabi ni Austin. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ni Autumn.

“Oh Ano?”-Sabi ni Autumn na tinatago ang kaba.

“Pano ka naging gang leader? Member ka na ba date pa? Bakit ka sumale? Alam mong delikadong maging gangster.”-Sabi ni Austin

“Eh kayo? Baket ba kayo sumale sa gang?”-Sabe ni Autumn

“Saguten mo yung tinatanong ko.”-Sabi ni Austin.

“Hinde ako member ng gang date. Kilala mo si Morhgan di ba?”-Autumn

“Oo. Yung girlfriend ni Travis?”-Austin

“ Crush ni Travis.”-Pagtatama ni Autumn

“Oh anong meron sa kanya?”-Austin

“Siya ang dahilan kung baket ako naging leader. Oh, ikaw naman sumagot sa tanong ko.”-Autumn

“Ikwento mo naman. Puro ka shortcut e.”-Sabi ni Austin

“Nagmigrate siya sa Australia kase napromote siyang senior officer ng M.E.   kung anumang reason ang sinabe niya date, hinde totoo yon. Kaya kailangan niyang pumile ng papalet sa kanya. At ako ang pinile niya.”-Autumn

“Eh baket ikaw? Hindi ka naman member.”-Austin

“During high school times, sinasama ako ni Travis sa M.E. building. Which is pwede naman kase… kase isa sa mga senior officers dito sa Pilipinas ay kapated ni Travis, na senior captain ng Rank 1 gang. Kaya nakakakuha kame ng access papasok ng M.E. kahit hindi ako member. Tapos sinasama ako ni Travis sa Gang House nila date ni Morhgan.”-Kwento ni Autumn

“Ano ba yang senior captain na yan?”-Tanong ni Austin

“Ah. Senior Captain pinapadala sila ng M.E. sa ibang bansa. Basta sa ibang branch ng M.E. para makicooperate sa higher ranks. Ako, Junior Captain pa lang ako. Yung mga leader leader lang sa gangs. Dito sa Pilipinas, 8 kameng junior captains.”-Sabe ni Autumn

“Oh, ikaw ang napile? Eh baket nga? Hindi ka naman member diba?”-Gulong tanong ni Austin.

“Eh kase nga lahat ng member ng gang ni Morhgan may toyo kaya wala siyang mapile tapos bawal pa maging captain si Travis kase Senior Officer nga yung kapated niya ng ibang gang kaya naman pumayag na ko. =___= Hindi na ko pinagtraining non gawa ng skills ko sa racing saka Ju Do graduate ako. Kuya na ni Travis ang nag-asikaso lahat ng requirements para maging Junior Captain ako.”-Kwento ni Autumn

“Weeeeh? Pumayag ka  ng ganon ganon lang? May binigay sila sayo no? Aminin mo~!  Kambal kita kaya kilalang kilala kita.”-Panghuhule ni Austin

“Tss. =___= Kung baket pa kase nagkaron ako ng kambal e.”-Angal ni Autumn

“Anong binigay nila sayo? *u*”-Austin

“Tanda mo nung gumraduate tayo ng high school? Yung  sports car na sabe ko ay regalo saken----“-Hindi pa tapos si Autumn ng…

“YON?!?! YUNG ORANGE MUSTANG MO?! YUNG MINSAN MO LANG GAMITEN?! YUNG----”-Austin

“Tumahimik ka! =___= Oo yon, dating kotse ni Morhgan yon, nilipat niya lang sa pangalan ko yung kotse. Adik ako nung high school sa kotse diba? Ayan, napapayag ako gawa non. =____= Saka sabe naman niya matagal pa bago magsimula ang term ng gang under my  leadership.”-Autumn   

“Ah. Eh ilang years mo ng tinatago samen na Junior Captain ka?”-Austin

“Anong years? =___= Shunga lang? Kakatapos lang ng eliminations which means na kakaumpisa pa lang ng term namen, err should I say, naten.”-Autumn

“Pero hindi ko talaga gustong leader ka. Ipasa mo na lang sa iba yang pagiging leader mo.”-Sabi ni Austin na nakatingin sa malayo.

“Hindi pwede. Napamahal na ko sa members ko. Yung dadateng ako sa gang house na ang lines lines dahil sa takot nila saken. Tapos yung pakiramdam na kahit anong mangyare hindi ka nag-iisa. Masaya naman ako sa kanila e. Kumbaga pamilya na ang  turingan namen.”-Autumn

“Oo nga. Nung nasa Australia tayo, sabi ni Kiel, napunta daw siya sa gang house pag nabobored siya. Naasar lang si Kiel kase kahit konting kalat bawal daw. “-Natatawang kwento ni Austin.

Tumayo si Autumn at nagunat unat. Tumayo na den si Austin. Naglibot sila ng konti sa park ng tumunog ang cellphone ni Austin. Binasa niya ang text.

From: Adrian
Mamayang 10 ang pasok namen. Pakigising na lang si Autumn ng mga 9.

Napangiti naman si Austin sa nabasa.

“Bat ka nakangite? Sinong nagtext?”-Sabi ni Autumn saka pa sinubukang tignan ang cellphone ng kambal. Tinago naman agad ni Austin ang cellphone.

“Wala. Chismosa to.”-Sabi ni Austin

“Si Vien yon no? Kinikileg siya~ Lande.”-Pang-aasar ni Autumn sa kambal

“Di nga nagpaparamdam e.”
                                                                                                                                                                     
Nagumpisa ng maglakad pabalek ang kambal sa bahay.

“Eh? Ikaw ang lalake e. Dapat ikaw ang magparamdam.”-Autumn

“Oo nga. Eh kaso, ang tahimik niya. Ngingiti lang siya o kaya tatango.”-
Austin

“Ligawan mo na kase.”-Autumn

“Nang-aasar ka?Ha?”-Austin

“Sabi ko nga may fiancé ka na.”-Autumn

“Isa pa yon.”-Sabi ni Austin

“Oh baket?”-Autumn

“Ipapakilala na saken yung fiancé ko.”-sagot ni Austin


**
Nasa canteen si Autumn dahil ‘canteen helper’ nga siya ng tatlong araw dahil sa mga penalty papers  na nakuha niya.

“Ms. Donovan, alam ko pong first time nyo pong gawen to pero focus naman po. Kami po ang mapapagalitan sa ginagawa niyo.”-Angal ng isa sa mga tindera sa canteen.

Kanina pa kase lumulutang ang isip ni Autumn dahil sa sinabe ng kambal niya. Mali mali ang binibigay niyang pagkaen sa mga studyanteng bumibile.

“Hey, give me a crème brulee.”-Utos ng isang estudyante sa kanya.

Sumimangot muna si Autumn bago kumuha ng order ng estudyante. Nanlaki ang mga mata ng studyante ng makitang si Autumn ang tindera pagkatapos ay napangite ang studyante.

“Hey Autumn, I never knew you were a canteen helper.”-Sabi ng studyante. Namukaan naman siya ni Autumn, kaharap niya ngayon ang school flirt na lumalande kay Adrian sa classroom kahapon.

“Eh ano bang pakelam mo?”-Mataray na sagot ni Autumn

“Ah, just saying. Kaya pala saken sumabay ng lunch si Adrian, you are busy working. Im Krystal by the way.”-Sabi ng studyante

Napalingon naman si Autumn sa mga lamesa sa loob ng canteen. Nakita niya si Adrian na magisang nakaupo sa isang lamesa na may nakapatong na pink bag at sigurado si Autumn na kay Krystal ang bag na yon.

“Please bring my order. Follow me.”-Sabi ni Krystal kay Autumn.

Dala dala ni Autumn ang tray. Ng makarating sila sa lamesa ay sinalpak niya ang tray sa lamesa. Malakas ang pagkakasalpak niya sa tray kaya naman tumahimik ang mga estudyante sa loob ng canteen at tumingin sa kanila.

Inangat naman ni Adrian ang ulo at nakita si Autumn na may suot na apron at namumula sa galet.

Hindi alam ni Adrian kung anong sasabihen dahil sa away nila ni Autumn kagabe.

“Enjoy your meal.”-Saka pa dinampot ni Autumn ang  crème brulee at tinapon sa bag ni Krystal.

“My god! My Channel.”-Sigaw ni Krystal ng makita ang kumakayat na sauce sa mamahaleng bag niya.

“Oops sorry.”-Sabi ni Autumn.

Bumalek si Autumn sa kitchen ng canteen. Hinubad niya ang apron.

“May klase na ko Ate. Babalek na lang ako mamaya.”-Pagkatapos ay sinabet niya ang apron.

“Bukas ka na ulet bumalek. Ok lang.”-Sabi ng isang canteen helper.

“Salamat.”-Pagkatapos ay kinuha ni Autumn ang bag niya at umales na sa canteen.

**

Pinahiram naman ni Adrian ang bag niya kay Krystal. Siya na ren ang nag-sorry sa ginawa ni Autumn.

“Mamaya na lang tayo mag-practice para sa actual test bukas.”-Sabi ni Adrian sa kasama.

“My Goodness! Look at what she did. She dumped my bag then we’re not going to practice for the actual test tomorrow.”-Iritang sabi ni Krystal. Hindi naman pinapahalata ni Adrian na naaasar na siya sa sobrang kaartehan ng kasama.

“Pakibalek na lang ng bag ko bukas.”-Sabi ni Adrian at umales na dala dala ang binder niya at isang libro dahil nga na kay Krystal ang bagpack niya.

Naglakad naman siya papuntang locker. Iniwan niya ang mga gamit niya sa locker. Tumunog ang cellphone niya kaya iniwan niyang nakabukas ang locker at kinuha ang cellphone sa bulsa.

From: Raevien
Hi Adrian. Hindi naman tayo ganon ka-close pero thank you because you’ve been one of my great friends. Good luck sa inyo ni Autumn. Bye.  :)

Nagtaka naman si Adrian sa text ni Raevien. *Bakit parang namamaalam tong si Raevien* Isip ni Adrian.

“Excuse me.”

*boogsh*

“Aray.”-Sabi ni Adrian habang winawagwag ang kamay na naipit sa locker. Nakatuon kasi ang isa niyang kamay sa locker ng biglang may nagsara ng pinto ng locker niya.

Napatingen siya sa babaeng naglalakad. Sigurado siyang ang babaeng yon ang nagsalpak ng pinto ng locker niya.

Si Autumn.

Naka-smirk naman si Autumn habang naglalakad. Kahit nakatalikod siya kay Adrian, naiimagine niya ang galet na muka ng fiancé. Napatigil siya sa paglalakad ng mag-vibrate ang cellphone. Kinuha niya ito at nagpatuloy maglakad.

From : Raevien
Hi Autumn! Err, I should call you Ate, right? Wag na. Hindi uso saken yon. Salamat sa pagtulong kay Yvonne date ha. Salamat den kase nadagdagan ang mga kaibigan ko dahil sa inyo. I love you! Yuck. Wait. Joke.  Ano. Basta. Thank you. Bye! :)

*Ano na naman tong pa-utot ng babaeng to?*

Nireplyan niya si Raevien.

To: Raevien
Problema mo?


Pumasok na si Autumn sa classroom. Konti pa lang ang mga estudyante. Mejo maaga pa nga pero nandon na siya. Nakita naman niya si Genesis at umupo sa tabi nito na naagcecellphone den.

“Raevien sent me a weird message.”-Sabi ni Genesis

“Saken den.”-Sabi ni Autumn at tumingin ulet sa cellphone na nagvibrate na naman. Akala niya ay nagreply na si Raevien pero kay Akira galing ang text.

From: Akira
Narecieve mo text ni Vien? She’s leaving. Where are you?! Pumunta kayo sa airport! Im on my way na.

Nanlaki naman ang mata ni Autumn.

“Shet.”-Sabi ni Genesis kaya naman napatingen den si Autumn kay Genesis

“Nagtext si Akira saken.”-Sabi ni Autumn

Nagulat na lang si Autumn ng tumayo si Genesis at hinigit siya palabas ng room.  Nakasalubong naman nila sila Austin at Kiel na halatang nagmamadale den. Hindi na sila nagusap at tumakbo na papuntang parking lot. Nakita naman nila si Nathan na tumatakbo den.

“Andaya niyo! Di niyo ko sinundo!”-Angal ni Nathan.

“Tss. Bilisan mo nga!”-Sigaw ni Autumn pagkatapos ay sumakay na sa kotse. Nagsakayan na den ang iba sa kaniya kaniyang kotse.

Isang sandale lang, hinarang ng guard sila Autumn bago makalabas ng gate. Bumaba ng kotse si Austin.

“Kuya, Padaanen mo kame. Ngayon lang to. Promise. Emergency lang.”-Sabi ni Austin

“Kailangan niyo ng gate pass galing sa Dean.”-Sabi ng guard

“SHET! EMERGENCY NGA DIBA!”-Sigaw ni Austin. Wala ng oras para magpagawa pa ng gate pass. Baka makaales na si Raevien.

“Bawal.”-Pagmamataray ng guard.

Bumaba naman si Autumn ng kotse niya.

“Calm down Marc. Asan yung binatang guard? Si Zeylon?”-Tanong ni Autumn sa guard.

“Lunch break.”-Sabi ng guard.

“Aales na yung pinsan niya. Pinayagan niya kame kanina. Siya na daw ang mage-explain sayo. Kaya padaanen mo kame. Eto ID ko.”-Pagsisinungaleng ni Autumn. Pagkatapos ay hinubad ni Autumn ang ID at inabot sa guard.

Hindi na nagsalita ang guard dahil si Autumn na mismo ang pumindot sa password ng gate. Nagbukas naman ang gate at dali dali ng sumakay si Autumn at Austin sa kani-kanilang sasakyan.

Mabilis na nagpatakbo ang lahat palabas ng gate. Nangunguna si Austin.

Ilang red lights ang nilampasan nila sa pagmamadale. Ilang pagmumura den ang natanggap nila sa ibang drivers dahil sa sobrang bilis nilang lima magpatakbo.

Si Akira naman ay bugnot na bugnot na dahil sa traffic.

“Geez! Why did I not learned to drive?!”-Reklamo niya kaya naman napatingen sa kanya ang taxi driver.

“Pasensiya na po Ma’am. Traffic po e.”

“Wala na po bang ibang daan? Kanina pa po tayo dito.”-Reklamo ni Aki

“Traffic den po siguro sa ibang daan papuntang airport.”

*God! Pag naabutan ko yang babaeng yan e! Patay talaga siya.* Isip ni Aki

**

“Flight 709 is now boarding. Please make your way to Gate 14.” Narinig ni Raevien sa mga speakers. Flight number niya ang tinatawag pero may dahilan kung baket hindi pa ren siya tumatayo.

Ilang minuto pa ang lumipas at inannounce na naman ang flight niya.

“Flight 709 is now boarding. Please make your way to Gate 14.”

Hindi pa ren pinansen ni Raevien ang pagtawag. Ilang beses na inulet ulet ang announcement. Wala pa ren ang inaantay niya.

“This is the final call for Flight 709. Passengers of this flight, please make your way to Gate 14 immediately.”

Ngumiti si Raevien pagkatapos ay tumayo.

“Bakit ko nga pala sila inaantay. Hindi ko naman sinabe na aales na ko.”-Natatawang sabi ni Raevien pagkatapos ay naglakad na papasok ng lobby.

Kinakapkapan na si Raevien ng babaeng guard.

“RAEVIEN!”

Nanigas si Raevien ng marinig ang boses ni Austin.  Lumingon siya sa likuran niya habang kinakapkapan siya ng guard. Nakita niya ang mga nagmamadaleng kaibigan. Si Nathan na hingal na hingal, Si Kiel na parang iiyak na, Si Genesis na naka-poker face pero malungkot ang mata, si Autumn na pawis pawisan, at si Austin…… Nalungkot si Raevien ng makita ang mga luha ni Austin.

 *Yung lalakeng laging nakangite, umiiyak dahil aales ako.* Hindi alam ni Raevien kung matutuwa ba siya sa naisip o malulungkot.

“Enjoy your flight Ma’am.”-Sabi ng guard na babae kay Raevien.

Pinigilan ni Raevien ang mga luha niya at ngumite sa mga kaibigan sa likuran at kumaway pagkatapos ay naglakad na siya.

Kagaya ng mga kasama, nanigas si Austin sa kinatatayuan.

Lalong umagos ang luha ni Austin.

Niyakap naman ni Autumn ang kambal.

“Wag ka ngang umiyak. Ambakla mo.”-Sabi pa ni Autumn na papaiyak na ren dahil sa pagalis ng isang kaibigan. Idagdag pa ang umiiyak niyang kambal. Nakita na niyang umiyak si Austin, pero bata pa sila non. Ngayon lang nakita ni Autumn ang kambal na umiyak bilang isang binata.

Niyakap lang lalo ni Austin ang kambal at tahimik na umiyak.

“Where’s Raevien?!”-Hingal na tanong na kadadateng lang na si Aki.

“She went off.”-Sabi ni Genesis.

Nanlambot naman si Akira sa narineg at parang automatic na nagbagsakan ang luha niya. Kinalma naman siya ni Genesis ng haguden nito ang likod niya.

**

Nakaupo si Raevien sa tabi ng bintana. Napigilan niya ang mga luha pero ngayon, hindi na.

Nakatingin siya sa labas habang umiiyak. Nasa business class siya nakaupo. Katabi niya ay isang simpleng matandang lalake. Nagpapasalamat naman siya dahil tulog ito at hindi siya mapapansen nito.

Umiiyak si Raevien habang inaalala ang masasayang araw kasama ang mga kaibigan.

“Apeburhday.”
“Bukas pa.”
“Apeburhday.”
“Bukas pa.”
“Apeburhday.”
“Bukas pa nga.”

Napatingen naman si Raevien sa hawak niyang polo.

“Oh eto pabirthday ko sayo.”

Paulet ulet niyang naririnig ang boses ni Austin. Pinunasan niya ang mga luha.

“Hay~ Sana pogi yung papakasalan ko para naman sulet yung pagsasakripisyo ko.”-Mahinang bulong ni Raevien habang pinupunasan ang mga luha.

---

2 comments:

  1. Ang ganda ng story. Sana magupdate na po agad. Tanong ko lang po sana kung nasan na po si yvonne? nawawala po siya eh.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^