Sunday, August 18, 2013

Pretty? She's a Gang Leader - Chapter Thirty Five



**Page 35**

Autumn's Point of View
 Tss. Papunta kame ni Adrian sa school. Siya ang driver. Late na nung tawagan kame ni Mama na babalik na kame sa school ngayon. Late na tuloy kame sa klase namen. So what? -.- Subukan lang ako pagalitan ng proffessor e.

"Wow."-Sabi ni Adrian kaya napatingin den ako sa tinitingnan niya. Yellow na yung gate ng school. Ano na naman kayang pumasok sa isipan ni Lolo at pinapinturahan niya ng yellow tong main gate.

Papasok na dapat kame ng harangen kame ng guard. Bago yata ang guard. Nasan na si Manong Gerdy? Pinaltan na? -_____- Saka bakit parang ambata ng pinalet. Binaba ko yung bintana ng kotse.

"ID?" Mataray na tanong ng guard. Ang aga aga pambadtrip.

"Im Autumn Angel Donovan. Bagong guard ka? Well, you must know na ako ang apo ng may ari ng school na to. With all respect, papasok na kame."-Sabi ko saka ko tinaas ulet yung bintana. Umupo na ko ng maayos.

 "Tss. Antaray mo. =___="-Sabi ni Adrian. Didiretso na sana ulet kame ng makita namen na may inipit yung guard na papel sa wiper ng kotse namen. Naaasar na ko ha. Isa na lang. Bumaba ako ng kotse at kinuha ko yung papel.

No ID
Go to detention after classes.
 Noted by: Zeylon Enriquez (Guard)
Plate #: EXO 879

Napatingen ako sa guard na may sinisita na naman na ibang estudyante. E eto yung kapated ni Probinsyana e. =_____= Pumasok na kame sa loob. May uniform na pala. =____= Kelan pa to? Bat di ko alam to? Bumaba na kame ng kotse. Nilagay ko yung papel sa wallet ko. Sabay kameng naglakad ni Adrian papunta sa room namen.

Pumasok kame na parang walang proffessor sa harapan. Well si Adrian nag greet siya. "MS. DONOVAN! Would you mind greeting the class?" Narineg kong sigaw ng professor ko.

Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Happy Halloween." Saka pa ko dumiretso at umupo sa likuran. Umupo naman si Adrian sa tabi ko at tinapakan niya yung paa ko.

"Problema mo?"-Tanong ko kay Adrian Sasagot na sana siya ng biglang may lumagabog sa table namen. May sinalpak na papel yung proffessor namen sa table namen. Kagaya ng papel na inipit ng guard sa wiper namen.

Talking back
Go to Detention after classes
Noted By: Eisele Cabaraban (Proffessor)
Student: Autumn Angel Donovan

Bumalek na yung proffessor sa harapan. Anong nangyayare ngayon? =_______=

"So class at exactly 10 am. We will go to the hall for the orientation of the new rules of the school." Sabi ni Ms. Eisele. Yung Prof. =_____=

 Nagpalingon lingon ako. Nasan si Genesis? Parehas kame ng schedule nun e. Nakita ko si Genesis na nakauniforn den. Sa may bintana siya nakaupo. Anlayo. =_=

 "Now Ms. Autumn what is the ideal oil to use in making steaks?"-Proffessor.

 "Cooking oil. =______="-Ako

 "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Nagtawanan naman yung mga kaklase ko. Sinamaan ko sila ng tingin. Yung iba tumigil. Yung iba nagpipigil. Yung iba natawa pa ren at may isang inirapan ako.

"Specifically."-Proffessor

"I dont know. Antagal kong absent tapos tatanungen mo ko ng lessons niyo? Where are your hand outs anyways?"-Ako

**

Nakipagbangayan pa ko kay Ms. Eisele. Mabute na lang daw at hindi pa nai-orient yung new rules kaya palalampasen niya daw  muna ako although nabigyan niya na ko ng isang papel. =____=

Nandito na nga pala kame sa hall. Magkakasama kame.

Austin/Genesis/Kiel/Adrian/Ako/Nathan

Nasa harapan kame syempre.  Nagulat ako ng tumahimik yung mga estudyante ng may naglakad na sa stage at nagsalita. Bat nandito si Wowa? =__=

“I will be the new Principal-slash-dean-slash-owner of this campus. My husband is focusing on some stuff so I was instructed to handle this school of his.”-Nakangiting sabi ni Wowa.

Bilog na bilog ang mga mata ng katabi ko. =______=

“So we’ll discuss about the new rules. Rule #1. Wear the School Uniform. Kung date ID lang ang requirement para makapasok sa gate, ngayon dapat may uniform na. Nung Sembreak, nag-email ang school sa lahat ng students para pumunta dito para makakuha ng uniform, though yung iba hindi nakapunta kase nag out of town or whatsoever. So Im giving you a week to have a uniform.”-Sabi ni Wowa

“Rule #2. Strictly no special treatments.”-Sabi ni Wowa sabay tingin sa hanay namen.

“This includes no talking back to teachers, some students have the guts to talk back to teachers because they have money and powers and everything. Please, respect the Professors though they are very strict most of the time, because they have to. And also, No One has the right to bully anyone in this school specially my scholars.”

“Last Rule, kapag may hindi sinunod na rule, may ibibigay na papel yung faculty member. And the New Handbook will be given in a moment. Basahen nyo na lang dahil tinatamad na kong mag-explain. Well, I’m a strict businesswoman, But if you have problems, You can find me at the office if you need a motherly love and care. Vavayoo~”-Sabi ni Wowa at sabay ales.

=______________=’’

Yung totoo, anong klaseng orientation yon?

Bago kame pinalabas ng hall. May mga school faculties na namigay ng handbooks. Pagkatapos lumabas na kame at pumunta sa canteen. Wala pang 10 minutes yung orientation. =___=’’ Parang mas matagal pa kameng nag-antay kay Wowa e.

“Angel. May klase pa ko~ Babayoooo~”-Sabay takbo ng kambal ko palayo samen habang kumakaway.

“Ikaw Nathan wala kang pasok?”-Ako

“Wala. Pero gagawa ako ng assignment sa library.”-Sagot ni Nathan

“Can I come? I have no class too.”Sabi ni Genesis. “I need a peaceful place to read this.” Tapos tinaas niya yung bagong handbook.

“Tara.” Sabay na umales si Nathan at Genesis.

Napatingen naman ako kay Kiel na kinukutingting yung Yellow Handbook.


“Ang hilig talaga ni Wowa sa Yellow.”-Sabi ni Kiel habang pinalipat lipat yung page.

Inangat iya yung ulo niya at tumingin samen ni Pute.

From ^_________^ naging =__________= ang muka niya. Tapos tinuro niya yung sarili niya gamit yung sarili niyang kamay.

“Ikaw talaga Kiel. Sabi ng umales ka na e. May date si Master at si Adrian. Bakit ka pa nanjan?” Sabi niya sa sarili niya.

Tapos umales na den siya. =____= Akala ko pa naman namimiss nila akong kasama sa school. Nakakasawa na kayang kasama tong kasama ko. Napatingin ako sa katabi ko.

“Tingin ka?” Sabi ni Adrian

Inirapan ko siya. “Suse ng kotse?” Sabi ko sabay bukas ng palad ko na parang may hinihinge.

“San ka na naman pupunta?”-Adrian

“Dun ako magbabasa. At wag na wag kang susunod. Maghanap ka ng sarili mong lugar.”-Sabi ko sabay hablot sa suseng kinuha niya sa bulsa niya.

Binilisan ko lakad ko papuntang parking lot. Mabute naman at hindi nga siya sumunod.



Third Person’s Point of View
Pumunta si Autumn sa kotse. Humiga siya sa back seat saka ni-lock ang mga pinto at binuksan ang aircon ng kotse. Binuklat niya ang bagong handbook. Nagbasa siya ng kaunti.


“Amboring.”-Sabi ni Autumn sabay hikab at bato ng libro kung saan.

Umayos siya ng higa at natulog.


**


“Good Afternoon Class. Please sit down. Turn your books on page 98 and read the recipes we’re having an actual test next meeting.”-Dire-diretsong sabi ng professor pagkapasok na pagkapasok sa classroom.

Wala pa ren si Autumn at nagtataka na si Adrian. Naiinis siya kay Autumn dahil sa mga inakto nito kanina at ngayon na hindi pa ren bumabalek si Autumn, lalo lang siya naiinis.

“Where is Ms. Donovan?”-High Pitched na tanong ng Professor habang palingon lingon sa buong classroom.

Bigla naman napalingon ang lahat sa direksyon ni Adrian.

“She didn’t spend her lunch with me. I have no idea where she is.”-Sagot ni Adrian

“Find your girlfriend, Mister. You don’t want me to give you a penalty paper, do you? And don’t come back here without her.”-Sabi ng Professor.

Tumango lang si Adrian at lumabas na nga classroom.

Hawak hawak niya ang cellphone habang naglalakad papuntang parking lot. Tinatawagan niya si Autumn.

“Tss. Nasan na naman ba yon? Napagalitan pa ko gawa niya.”-Iritang sabi ni Adrian sa sarile.

Nakarating siya sa parking lot. Dumiretso siya sa kotse niya. Dahil hindi naman tinted ang kotse niya ay kita niya ang nahihimbing na si Autumn sa loob. Nakikita niya ang umiilaw na cellphone ni Autumn sa bulsa ng pantalon nito.

Kumatok siya sa bintana. Pero tulog na tulog pa ren si Autumn.

“Naaasar na ko ha. Kanina pa tong babaeng to.”-Sabi ni Adrian sa sarile.

Lalo niya pa nilakasan ang katok sa bintana ng kotse kaya naman nagising na si Autumn.

Bumangon si Autumn at nagkamot pa sa ulo. Bumungad sa kanya si Adrian na nasa labas ng kotse. Naramdaman naman ni Autumn ang kakaibang aura ni Adrian kaya dali dali niyang hinugot ang suse ng kotse at lumabas.

“Oh.”-Sabi ni Autumn habang inaabot ang suse kay Adrian

Padabog na kinuha ni Adrian ang susi. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Autumn at kinaladkad ito papuntang classroom.

“Ano ba?! Magdahan dahan ka nga!”-Sabi ni Autumn habang kinakaladkad siya ni Adrian

Tuloy lang si Adrian sa paghiget kay Autumn.

“Bitawan mo na nga lang ako!”-Angal pa ni Autumn

Lalo lang hinigpitan ni Adrian ang hawak kay Autumn.

“Nasasaktan na ko! Gago!”-Pagmumura pa ni Autumn

Tumigil si Adrian sa paglalakad kaya naman napauntog sa likod niya si Autumn. Padabog niyang binitawan ang kamay ni Autumn.

“Sa susunod, wag ka ng lalayo saken.”-Sabi ni Adrian na asar na asar na.

“Bakit ba?! Ano ako bata?!”-Sabi ni Autumn habang hinihimas himas ang namumulang braso dahil sa paghigit sa kanya ni Adrian.

“Kung hindi lang kita fiancé, Ok lang, sige lumayo ka. Kaso fiancé kita, kapag nawala ka, ako ang maghahanap, ako ang mahihirapan, ako sisisihen, ako lahat. Kaya kung pwede lang sana, tumino ka na.”-sabi ni Adrian at naglakad na papuntang classroom.

Napatigil lang si Autumn. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Basta ang alam niya, may kumirot.

Dumiretso na si Autumn sa classroom. Napagalitan siya ng professor. Sinagot niya pa ang professor kaya nabigyan siya nito ng penalty paper. Umupo siya sa upuan na malayo kay Adrian. Tumabi siya kay Genesis na ngayon ay nagbabasa.

“Hoy, samahan mo ko sa detention mamaya ha.”-Sabi ni Autumn sabay tapik pa sa braso ni Genesis

“You have your fiancé, he can go with you.”-Sabi ni Genesis

“Tss. Ikaw ang gusto kong kasama.”-Sabi pa ni Autumn at binuklat na ren ang libro niya.

“How many penalty papers do you have?”-Sabi ni Genesis

“Tatlo.”-Sabi ni Autumn at nagbasa na ren.

“So class, sa actual test, by twos. Since lahat naman kayo ay may katabe, yung seatmate niyo na lang ang partner niyo.”-Sigaw ng Professor. Napalingon naman si Auutumn sa upuan ni Adrian. Babae ang katabe, ang school flirt na walang tigil sa pagpapacute kay Adrian. Napasimangot si Autumn sa nakita.

Mabilis na natapos ang klase. Nag-ayos na ng gamit si Autumn sa bag niya.

“Tara.”-Sabi ni Autumn habang inaabot ang bag kay Genesis

Tinaasan siya ng kilay ni Genesis.

“Pagdala mo na ko. =3=”-Sabi ni Autumn

“Tss. You don’t have to pout.”-Sabi ni Genesis pagkatapos ay kinuha ang bag ni Autumn.

Sabay silang lumabas ng classroom. At kagaya nga ng nakasanayan, naka-akbay na naman si Genesis kay Autumn.

“Tinatamad ka na namang maglakad.”-Sabi ni Autumn

“Well, Im carrying your bag anyways. Where’s Adrian? Have you been fighting? He’s supposed to be with us.”-Sabi ni Genesis.

“Hayaan mo siya.”-Sabi ni Autumn

Nagpunta ang dalawa sa detention.

“Well, as expected, ikaw ang unang nakatanggap ng penalties.”-Sabi ni Wowa.

“Wowa, pwede ba? =___=”-
Sabi ni Autumn

“Ok. You received 3 papers, so you’ll be a canteen helper for 3 days. Good Bye Apo.”-Sabi ni Wowa. May kinuha siyang apron sa cabinet at ibinigay kay Autumn.

O______O   O_______O
Autumn         Genesis

“Tuwing vacant mo, canteen helper ka. Sorry apo, but no special treatments, you have to learn.”-Sabi ni Wowa

“Pero---“-Autumn

“No more buts. Umuwe na kayo. Asan nga pala si Adrian?”-Sabi ni Wowa

“Malay ko don. =___=”-Sabi ni Autumn

“Osya. Vavayoo~ Oy Genesis, don’t let her drive. Cheerio!”-Wowa (Cheerio=goodbye)

“Tss. I’m a better driver than you.”-Autumn

“Whatever.”-Wowa

Tumango lang si Genesis pagkatapos ay lumabas na sila sa Detention. Hinated ni Genesis si Autumn hanggang sa ‘couple house’. Nandon na si Adrian pagkadating ni Autumn. Nagpalit lang ng damet si Autumn at humiga sa kama.

“Tss. 5 pa laaaaaang~ Kelan ba mag-gagabe?”-Angal ni Autumn sabay singhot sa unan ni Adrian.

Hindi naman inaantok si Autumn, hindi lang siya makalapet kay Adrian dahil sa nangyare kanina. Nagulat si Autumn ng bumukas ang pinto ng kwarto.

“Nasan ka kanina? Inaantay kita sa may parking lot.”-Iritang tanong ni Adrian

“Detention.”-Cool na sagot ni Autumn kaya lalo namang uminit ang ulo ni Adrian.

“Dalawang oras ka sa Detention? Hindi ka man lang nagsabe para naman hindi na kita inintay.”-Sabi ni Adrian.

“Sorry ha. Antanga ko kase. Sorry.”-Asar den na sagot ni Autumn

Napasabunot si Adrian sa buhok. Punong puno na siya. Andami niyang iniisip. School. Autumn. Company. Paperworks.

Lumabas si Adrian at sinalpak ang pinto. Lalo naman naiinis si Autumn. Lumabas den siya at sinundan si Adrian sa balcony.

“ANO BANG PROBLEMA MO HA?!”-Sigaw ni Autumn kay Adrian.

“Tumahimik ka muna.”-Sabi ni Adrian.

“PWEDE BA WAG MO IBUNTON SAKEN YANG GALET MO! WALA AKONG GINAGAWA SAYO! TADO!”-Sigaw ni Autumn. Lalo naman nabugnot si Adrian.

Bumaba si Autumn at kinuha ang suse ng kotse. Hindi niya alam na sinusundan pala siya ni Adrian.

“San ka pupunta?”-Sabi ni Adrian habang sumusunod pa ren kay Autumn hanggang garahe.

“Wala kang pakelam.”-Sabi ni Autumn sabay sakay sa kotse. Binuksan niya ang headlights na ikinasilaw naman ni Adrian.

Kinatok pa ni Adrian ang bintana sa side ni Autumn pero hindi siya pinapansen nito. Napatigil lang si Adrian ng pinaandar na ni Autumn ang sasakyan. Sumakay na den si Adrian sa kotse niya at sinundan ang kotse ni Autumn.

Kita naman ni Autumn na sinusundan siya ni Adrian kaya lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo kaso sinasabayan siya nito. Hindi naman pwede pang bilisan ni Autumn ang pagpapatakbo dahil wala naman siya sa racing track.

Nakarating si Autumn sa bahay nilang magkakaibigan.

Pinagbuksan siya ng gate ng guard. Kasunod niya lang si Adrian kaya dale dale siyang lumabas ng kotse at naglakad papasok ng bahay.

“Autumn!”-Tawag ni Adrian

“Oh. Baket ka nandito?!”-Hindi nililingon ni Autumn si Adrian.

Hindi na nasagot ni Adrian si Autumn dahil…


“WAAAAAAAAAAH~ Master dito kayo tutulog? ^_______^”-Sigaw ni Kiel


Ngumiti si Autumn na ikinagulat ng lahat.


“Puputok na ko sa galet.”-Sabi ni Autumn sabay tapek sa dibdib.

Nilingon ni Autumn si Adrian.

“Umales ka muna.”-Sabe ni Autumn

“Kung hindi lang kita fiancé, Ok lang, sige lumayo ka. Kaso fiancé kita, kapag nawala ka, ako ang maghahanap, ako ang mahihirapan, ako sisisihen, ako lahat. Kaya kung pwede lang sana, tumino ka na.”

“Ayaw k---“-Adrian

“Kung hindi lang kita fiancé, Ok lang, sige lumayo ka. Kaso fiancé kita, kapag nawala ka, ako ang maghahanap, ako ang mahihirapan, ako sisisihen, ako lahat. Kaya kung pwede lang sana, tumino ka na.” Paulet ulet na naaalala ni Autumn

“UMALES KA MUNA!”-Autumn

“Ah Adri.”-Sabe ni Nathan

“Palayasen niyo yan.”-Sabe ni Autumn sabay takbo paakyat sa hagdan.

Natakot ang lahat.

“Adri, don ka na lang matulog sa kwarto ni Genesis.”-Sabi ni Nathan.

“Hinde. Uuwe na ko.”-Sabe ni Adrian

“Nag-away ba kayo ni Master?”-Tanong ni Kiel.

“Basta. Aales na ko. Ano. Ah. Paalagaan na lang si Autumn.”-Sabi ni Adrian sabay labas ng bahay.

--



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^