Wednesday, August 21, 2013

The Forgotten Enemy: Chapter 3

Chapter 3: Craziest Encounter
By: WisdomDeath (Four) & TheSweetGirl



(Gab's P.O.V.)

Natatawa na lang ako sa loob loob ko habang pinagtritripan ako nitong babaeng 'to. Halata namang akala niya mortal ako. Nahiya naman ako basagin trip niya.



Ginawa niya akong ballerina na palaka, hamster, tapos unggoy. Pinasayaw niya ako na parang puppet lang niya ako. Hinayaan ko lang.


"Nakakatuwa ka naman paglaruan!" sabi niya na parang batang galak na galak sa bago niyang laruan.


"Time to erase your memories!" sigaw niya. Ako naman, nakatingin lang sakanya. Nakakatuwa siya tignan. Para naman kasing bata.


Tinutok niya sa akin yung wand niya--paano ko nalaman? Ganun talaga. Matalino ako eh. Nag-glow yung dulo ng kulay pula at parang na-hypnotize na ako.


"I played a fun game with thee, you shall forget what you have seen."


Pagkatapos nun, mabilis niyang tinago yung wand niya tapos ngumiti lang siya.


"Hi." sabi niya na nakangiti pa din.


"Ahh. Hi? Luma na yung wand mo 'no?" tanong ko sakanya.


"D-Diba dapat nakalimutan mo na 'yun?! I casted a spell on you!" sigaw niya.

 
"First, may contact lenses akong suot ngayon. Walang grado naman pero natakpan niya 'yang spell mo para ma-hypnotize mo ako. How cool is it na ang isang gamit ng mortal, kayang iligtas ang hindi mortal. 'Wag mo kaya itago sa boots mo wand mo, halata eh."


Napa-pout lang siya habang tinitignan niya yung boots niya kung saan halatang halata yung wand niya na nakalabas yung dulo.


"Hindi ba 'yan napapansin ng mga mortal?" tanong ko. Umiling lang naman siya.


"Obviously, hindi ka din mortal. Eh ano ka?" tanong ko sakanya.


"I'm an angel. Hindi ba halata sa angelic face ko?" sabi ko sabay wink.


"Eww!" sigaw niya sabay gawa ng gagging noises.


First time na may babaeng nagsabing "Eww" nung sinabi ko 'yun. Bakit? Hindi ba talaga angelic mukha ko? Ang gwapo ko kaya. Ang dami na nagsabi. Si Dad nga lagi sinasabi sa akin 'yun eh. Walang taste lang talaga itong babaeng ito. 


"Ayaw mo pang umamin. Okay lang. Sanay na naman kasi ako sa mga babaeng nagkukunwaring hindi ako type eh." sabi ko sakanya sabay smirk. 


"Alam mo, ang kapal ng mukha mo. Anghel ka ba sa lagay na 'yan?" Tanong niya sakin saka humagalpak.


Nakaka-bwiset 'tong babaeng 'to ha. Seryoso na. Nakakainsulto yung pang-aasar niya sakin na hindi ako gwapo.


Naglakad na ako at nilagpasan siya.


Manigas siya dyan. Uuwi na ako sa amin.


"Hahaha! Sinabi ko bang hindi ka gwapo? Anghel ka ba talaga sa lagay na 'yan? Para ka kasing god kung titignan eh. Sorry na." Napatigil ako pagkatapos niya 'yong sabihin.


Pagharap ko, wala na siya.


Saan na nagpunta 'yon?


Kumamot ako sa batok ko saka na tumalikod sa kwarto. Pagharap ko sa pinto, muntikan na akong mapahiyaw sa gulat.


"Hahaha! Your face... It's priceless! Hahahahaha!" Hagalpak niya na naman. Kulang na lang maglupasay na siya at gumulong gulong dahil sa sobrang tuwa.


Hinawi ko siya para maka-daan ako palabas ng bakanteng kwarto.


"Hey wait! I'm sorry na!" Pigil niya sakin habang hawak yung braso ko.


Tumingin ako sa kanya pati sa braso ko tapos nagpa-balik-balik yung tingin ko sa kanya pati sa braso ko. Tinanggal niya yung dalawa niyang kamay tapos medyo umatras. I smirked. God pala ha? Sure, dapat sumusunod ka sa god.


Naglakad na ako palabas ng school at pumara ng taxi.


"Arizona St. Fifth Block." Sabi ko.


Umandar na yung taxi. Pagkarating sa tapat ng bahay namin, binayaran ko na si Manong saka na lumabas ng taxi.


Naramdaman kong parang bumigat yung bulsa ko sa likod. Kinapa ko yung dalawang bulsa ko pero parang wala namang nakalagay. Kinuha ko yung wallet ko sa likod saka ko binuklat. May nalaglag na papel kaya pinulot ko.

~o~o~o~
Dear Mr. Angel,
Hey. For you to know, hindi ka talaga gwapo. Hindi ka rin mukhang god. Atsaka hindi ko nga alam kung totoo yung sinasabi mo na isa kang Angel eh. Totoo ba? Parang hindi naman! Oops, goodbye!
~o~o~o~


Nagulat ako nung biglang liparin ng hangin yung hawak kong papel at maya-maya bigla na lang lumiyab yung papel at nawala na.


Anong nangyari yun?


Nako, tamang nga ang sinabi ni Dad. Maraming pakulo masyado ang mga wizards and witch.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^