TheSweetGirl here! Coming back again! Did you missed me? Who do? :) Come on!
This is the sequel of Over Again. :) Sila pa rin yung characters. May nadagdag lang and medyo naiba yung settings. Enjoy reading! Lols. Ingat sa luha. XD
Promised My Life
We broke up. No. The
right term is: Clarissa broke up with me. She was hurt. Goddamn it! She was
hurt, AGAIN. I’m so mad at myself. What have I done to make her feel like she
wasn’t loved at all? Fuck this life!
“Kuya, are you still there?”
I snapped back. Everything went clear. I was
sitting in a computer chair, wearing a headphone and looking at my computer.
Mae was there, waiting for a response.
“Kuya? Kuya, are you still there?” Mae
repeated.
“Y-yes. I…I’m still here.” I answered,
stuttering.
“Good. I have good news for you.” Mae
smiled. “Clarissa is turning Eighteen this coming August 9 and Daddy said you
can go home na.” Mae continued.
I can go home already? Really? That’s great!
“Can I talk to him?” I asked.
“He’s not here.” Mae said.
Damn, time.
“Okay.” I said.
∞
“Flight to Philippines, airplane 24003,
ready.” The speaker said.
Tumayo na ako at dinala yung maleta ko
papunta sa airplane runway.
I’m ready to face her.
Ready to tell her that I still love her.
Pumunta na ko sa eroplano at umupo sa
assigned seat ko.
Eto na siguro yon.
Yung oras na kahit na anong gawin kong lapit
sa kanya, panay naman ang layo niya sakin.
Eto na siguro yung oras na kahit magkasalubong
kami, wala na siyang mararamdamang kakaiba. Yung tipong, kakabog yung dibdib
niya kapag nagkasalubong kami.
Pero sana lang, ako pa rin.
Ako pa rin sana yung dahilan kung bakit
ngumingiti siya.
∞
Pagkarating ko sa departure area, nakita ko
agad sila Mae.
“Ohmygod!! Kuyaaaa!!” Tili ni Mae tapos
tumakbo agad palapit at dinamba ako ng yakap.
“Teka, mae. Di ako makahinga.” Mahina kong
sabi.
Bumaba si Mae. “I missed you so much,
kuyaa!” Nakangiti niyang sabi.
Niyakap ko siya. “Missed you too.” Sagot ko.
Tumaba yata siya pati tumangkad. Humaba rin
yung buhok niya tapos mas naging slim siya. Tapos naging blooming din siya.
Blooming? Baka may boyfriend na.
Napagitla ako nung sundutin ni Mae yung
tagiliran ko.
“In love ka na rin sakin ‘no?” Tanong niya
sakin.
Tinuktok ko yung noo niya.
“Tumigil ka nga, Mae.” Saway ko sa kanya.
Naglakad na kami papalapit kela mom. Niyakap
ako ni mom and dad.
“Kamusta naman ang stay mo sa Canada?” Mom
asked.
I nodded. “I had fun but not as happy as
here.” Sagot ko.
“Why not?” Tanong ni mom.
“Mas gusto nila sa Bar at makipag-make out
sa mga babae kaya nakaka-op. Unlike here, hindi pakikipag-make out ang
kadalasang gusto.” Sagot ko.
“How about your studies?” Tanong na naman ni
Mom.
“Fine.” Sagot ko.
“Tara na. Magpapahinga ka pa.” Yaya ni Dad.
∞
August
8, 20**
Monterde
Residence
One
week had passed.
Isipin mo yun, One week din bago ako lumabas
at diretso pa talaga sa bahay nila Clarissa!
“Anong ginagawa mo dito, hijo?” Tanong ni
Tita.
“Kamusta na po kayo, Tita?” Tanong ko rin.
“Mmm. Alam ko namang si Clarissa ang hanap
mo eh. Hindi ba?” Naka-ngiting tanong ni Tita.
“Ah-eh. Opo. Nsaan po ba siya?” Tanong ko.
“Nasa taas. Puntahan mo na lang kung gusto
mo.” Sagot ni Tita.
“Sige po. Salamat, Tita.” Ngiti ko.
Tumayo na ko at umakyat. Kumatok ako sa
pinto ni Clarissa.
“Bukas yan!” Sigaw bita mula sa loob.
Binuksan ko yung pinto.
Nakatalikod siya at nakadapa sa kama.
Nakapajama siya at naka-sando. Nagbabasa yata siya ng libro.
Pumasok ako at sinara yung pinto.
Lumapit ako at dahan-dahang umupo sa kama
niya. Naglean down ako at hinalikan siya sa pisngi.
Lumingon siya at nanlaki ang mata. Nagulat
ako nung bumangon siya at sinampal ako.
“Ang kapal naman talaga ng mukha mo para
pumunta sa kwarto ko ‘no?” Inis niyang tanong.
Tinulak niya ako hanggang sa mapaupo na ko
sa sahig.
“Umalis ka dito! Umalis ka dito!” Galit
niyang sabi.
Parang naluluha siya na di ko maintindihan.
“Please let me explain, Clarissa.” Sabi ko
saka lumapit.
“Sinabi nang umalis ka dito eh! Hindi ka ba
makaintindi?!” Sigaw niya sakin.
“Please, Clarissa! Let me explain first!”
Pilit ko.
Tinulak niya ko ulit papunta naman sa pinto.
“Umalis ka sabi! Ayaw kitang Makita!” Sigaw
niya at ipinagtulakan ako palabas ng pinto.
Nung makalabas ako, pinagsarhan niya ko ng
pinto. Tumayo lang ako dun at inaantay na lumamig yung ulo niya.
“Hello, Kenji?” Sabi ni Clarissa mula sa
loob.
Kenji?
“Sunduin mo ko sa bahay. Punta tayo sa
Playground.” –Clarissa.
Bakit si Kenji pa?
Bakit yung Bestfriend ko pa?
“Please, kenji. Ayoko lang talagang Makita
si Anthony. Naiirita ko.” Sabi ni Clarissa na parang nagmamakaawa.
Tumalikod na ko at bumaba.
Naiirita na siya sakin. Siguro nga ayaw niya
na talaga.
Dapat ko na bang tigilan?
“Hijo, ayos ka lang?” Tanong ni Tita saka
lumapit sakin.
“Tita, may boyfriend na po ba si Clarissa?”
Tanong ko.
“Uhm, simula nung break up niyo, wala pa
naman akong nababalitaang bago niyang boyfriend.” Sagot ni Tita.
“Salamat po, Tita.” Ngiti ko.
Nakita kong bumaba si Clarissa. Naka-pajama
siya tapos naka-sweat shirt.
“Ma, may lakad kami ni Kenji.” Paalam ni
Clarissa saka lumapit kay Tita saka humalik sa pisngi nito at umalis na.
“Tita, alis na rin ako.” Paalam ko saka na
umalis.
Paglabas ko, nakita kong magkasabay na
naglalakad sia Clarissa at Kenji.
Nampota. Bakit si Clarissa pa? Sa lahat
naman ng pwede niyang patulan, bakit si Clarissa pa?
∞
Pagkarating ko sa bahay, umupo ako sa may
dining area tapos tumungo.
“Kuya?” Tawag ni Mae.
Naramdaman kong naupo sa tabi ko si Mae
tapos marahan na tinapik yung balikat ko.
“What happened?” Tanong niya.
What happened?
She didn’t want to see me.
Fuck this life.
I want to get her back but she will just
refuse me.
Curse this feeling!
I love her but it’s too late!
Pano yung birthday niya bukas?
Akala ko pagbalik ko dito papatawarin niya
ko dahil mahal niya ko.
Shit!
Bakit kasi inabuso ko siya? Bakit inisip
kong kaya ko siyang iwan na hindi man lang siya nagagalit?
Bakit ang tanga-tanga ko?
Bakit hinayaan ko siyang masaktan?
Bakit ko siya sinaktan?
Hinagod-hagod ni Mae yung likod ko.
Umayos ako ng upo at tinitigan ko si Mae.
“Magbestfriends pa rin ba kayo?” Tanong ko.
“Oh yes. And alam mo ba, may speech pa nga
ko for her eh.” Sagot ni Mae.
“Sana meron din ako.” Mahina kong sabi.
“Para masabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.” Dagdag ko.
“Kuya, sa tingin ko dapat mo na siyang
kalimutan.” Biglang sabi ni Mae.
“Tigilan? Hindi ko yata kaya.” Sagot ko.
“Pero patuloy ka lang masasaktan. And
besides, sa tingin ko nag-kakamabutihan na si kuya Kenji pati si Clarissa.”
Sabi ni Mae.
Napasuntok ako sa mesa namin. Mabuti na lang
hindi salamin.
“Bestfriend pero napatol sa mahal ng
kaibigan? Tangina lang.” Inis kong sabi.
Naisuklay ko yung kamay ko sa buhok ko.
Tangina.
Bakit ba ko nasasaktan?!
“Hindi naman sinasadya yun eh. Syempre
masyado niyang kinailangan yung atensyon mo kaya nanghihingi siya ngayon ng
atensyon mula sa iba.” Sagot ni Mae.
May pagkukulang ako.
Kailangan niya yung atensyon ko pero
pinagkait ko yun sa kanya.
Goddamn it!
∞
August
9, 20**
La
Fuentabella Resort
Clarissa’s
Debut Party
Time Check. 7:30 pm.
Nakaupo ako sa table ng mga magsasalita
before ng 18 roses. Sabi kasi ni Tita dito raw ako umupo. Katabi ko si Kenji
tapos katabi ni Kenji sa kaliwa niya, si Mae.
“Good Evening, Ladies and Gentlemen, let us
welcome the one and only princess of the Monterde Family, Ms. Clarissa
Monterde!” Pagsisimula ng MC.
Bumaba sa magandang hagdan ang isang babaeng
naka-white with a touch of blue na gown. May maskarang nakatakip sa mga mata
niya na hawak niya.
Masquerade ang theme ng debut niya kaya
naka-maskara din kami.
Habang pababa siya, tumutugtog yung kantang
Over Again.
Can we start it all Over Again?
I mean, magiging kami pa kaya?
Pumalakpak kami.
Pagkababa niya, umikot siya saka ibinaba
yung maskara niya.
I almost dropped my jaw.
Ang ganda-ganda niya.
Para siyang anghel na binihisan ng isang puting
gown.
Kinuha niya yung microphone sa MC.
“Sa lahat po ng umattend, maraming-maraming
salamat po.” Nakangiting sabi ni Clarissa.
Nung magkatinginan kami, nawala yung ngiti
niya tapos umiwas siya ng tingin.
Ibinalik na ni Clarissa sa MC yung
microphone.
“I’m sure all of you are hungry already.
Let’s eat dinner first before we proceed to the eighteen candles.” Sabi nung
MC. “Table one and Table twenty five first. Table one to the buffet table one
and Table twenty five to the buffet table two.” Dagdag ng MC.
“Mae.” Pabulong na tawag ko.
Lumingon si Mae sakin tapos nagtaas ng
kilay.
“Palagyan na rin ng pagkain yung plato ko.
May gagawin lang ako sandali.” Bulong ko.
Tumango si Mae. Tumayo na ako at hinagilap
sa paligid si Clarissa.
Nakita ko siyang nakikipag-usap kaya
nilapitan ko siya. Nung tapos na silang mag-usap, hinila ko siya hanggang
makarating kami sa lugar na halos walang tao.
“Stop
dragging me!” She yelled.
Binitiwan ko siya tapos humarap ako sa
kanya.
For the second time, naramdaman kong dumapo
sa psingi ko yung kamay niya.
“Ano bang gusto mong gawin ko para lubayan
mo na ko, ha?!” Galit na tanong ni Clarissa.
“Tapatin mo lang ako!” Sagot ko.
Nagtataka siyang nagtaas ng kilay sakin.
“Tell me, kelan pa kayo nagkikita ni Kenji?”
Seryoso kong tanong.
I hold my breath, trying to hold these
tears.
She smirked. “Wow, for all I know you’ve
never give a damn to me, now you’re asking me that? Wow! Just wow!” Sarcastic
niyang sabi sakin
“Just answer me!” I said.
“Why should I?” Taas kilay niyang tanong.
“Because I want to.” Sagot ko.
“Well sorry because I don’t want to.” Sagot
niya sakin.
Magwo-walkout na dapat siya nung magsalita
ako.
“Mahal kita, Clarissa.” Mahina kong sabi.
Lumingon siya. “Really? Bakit hindi ko
maramdaman?” Tanong niya.
My mind went blank.
How can I tell her how much I love her when
she had been decided not to believe me now?
“Bakit hindi ka makasagot?” Tanong niyang
muli. “Don’t waste my time for nothing, Anthony. Goodbye.” Sabi niya saka na
umalis.
Hinabol ko siya pero hindi siya lumilingon.
“Anthony!”
Napalingon ako.
Si Kenji. Papalapit at halatang galit.
Nung makalapit siya, nagpamulsa siya. “Pwede
ba? Tigilan mo na nga si Clarissa.” Sita niya sakin.
Tinulak ko yung isa niyang balikat.
“Baka ikaw ang dapat tumigil? Mahal ng tropa
mo pinapatulan mo? Ibang klase ka rin eh.” Sita ko rin sa kanya.
“Hindi ikaw ang dapat tanungin tungkol dyan.
Diba’t hindi mo nga pinaramdam sa kanya na mahal mo siya nung mga panahong kayo
pa? Bakit pilit mo siyang hinahabol ngayon?” Sarkastiko nyiang tannog.
Biglaan ko siyang sinapak kaya napaupo siya.
“Diba um-oo ka nung sinabi ko sayong alagaan
mo siya? Kakaiba naman yatang pag-aalaga yang ginawa mo. Panliligaw na yata yan
eh.” Inis kong sabi.
Tumayo siya at bumwelo ng suntok. Pinigil ko
yung kamao niya tapos sinuntok ko yung tiyan niya.
“Kahit saang parte mo tignan, mali pa rin
yon.” Sabi ko saka na umalis.
Pagkabalik ko sa main venue, kinuha ko yung
plato ko saka dinala sa table ng mga kaibigan ko na imbitado rin.
“Oy, pare! Kelan ka pa dumating?” Tannog ni
Louis (british accent) sakin.
“Last week pa. Di lang ako lumalabas.” Sagot
ko.
“Nga pala, bakit ayaw mo dun sa table niyo?”
Tanong ni Trace.
“Anak ng hinayupak na nanay yung katabi ko
dun eh.” Sagot ko.
Lumapit si Phillip sa iba pa tapos may
ibinulong.
“Tropa, sabi ko naman sayo eh. Hindi
mapagkakatiwalaan yung gagong yun. Wag mong hahayaang mahulog si Clarissa dun.
Sasaktan lang siya nun.” Sabi sakin ni Grey.
“Ampota kasi eh. Gulpihin ko yun eh.” Inis
kong sabi.
“Resbakan natin, par.” Singit ni Carlo.
“Geh. Sa susunod.” Sagot ko.
∞
Nagsimula na yung 18 candles, at ang
magsasalita na ngayon, si Mae.
“Hi.” Bati ni Mae. “As you can see, ako yung
babaeng pinagtiisan ng debutante natin. Akalain mo yun? 17 years niya rin akong
pinagtiisan? Pero, bes. Tandaan mo na mahal na mahal kita. Salamat kasi parati
kang nandyan. Kahit isumpa mo na ko sa sobrang inis mo sakin pinagpapasensyahan
mo pa rin ako. Salamat kasi nandyan ka kapag may problema kami ni Steven. Alam
mo, siguro kung hindi ka namin naging daan para magkaayos kami, matagal na
kaming hiwalay ni Steven mylabs. Osha, tama na ‘tong dramahan na ‘to. Pasensya
dahil sinira ko yung mascara mo.” Sabi ni Mae tapos bumaba sa elevated stage at
lumapit kay Clarissa saka niyakap.
Tumayo yung putapete kong katabi tapos
pumunta sa stage.
“Magandang gabi sa inyong lahat pati na rin
sa napaka-ganda nating debutante ngayon. Clarissa, salamat dahil hinayaan mo
akong maging kaibigan. Well, alam mo naman na may gusto ako sayo diba? Wala
nang paligoy-ligoy pa. Ms. Clarissa Monterde, pwede ba kitang ligawan? Pangako
hindi kita sasaktan. Sa harap niyo, tita and tito, papayag ba kayo na ligawan
ko ang nagiisa niyong prinsesa? Mahal na mahal ko po si Clarissa. Well, sino
bang hindi mapapamahal sa isang babaeng tulad niya na simple lang at walang
halong kaartehan. Partida, 2 years din yun.” Ngiti ni Kenji.
Tangina. Ang sarap niyang bangasan sa mukha.
Tumingin ako kay Clarissa. Nakangiti siya
pero halata mong hindi siya Masaya.
Bumaba sa elevated stage si Kenji tapos
lumapit kay Clarissa at luumhod sa harap nito.
Nagsalita siya tapos tumango-tango si
Clarissa. Tumayo si Kenji tapos niyakap si Clarissa.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa stage.
I’m slowly losing my breath.
Slowly
losing it because of my nervousness.
And I’m slowly losing it because I’m too
afraid.
Too afraid that she might reject me whenever
she wants.
I’m afraid that she might reject me now.
I stand straight at the stage but no single
word escape my mouth.
It feels like my throat is completely dry.
I was shocked when I suddenly sniffed.
I thought it was easy.
So easy to stand in here and say something.
But no. It wasn’t really easy.
“At first, I thought, to stand here and say
something was easy. Easy? Who said it was easy?” I asked then paused to sniff.
Tears suddenly stream down my face.”It wasn’t easy at all. And it’s hard. Hard
to admit to you the truth. I can’t tell you that I do love you because you’re
tired of believing me. If I can only tell you those words. Sana lang kaya kong
ibalik yung oras na tayo pa. Para sana naparamdam ko sayong mahal kita, diba?
Anak kasi ng tipaklong eh. Tayo na’t lahat natotorpe pa rin ako. Natotorpe pa
rin ako na sabihin at iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Ang laki kong
tanga eh. Hinayaan kitang masaktan. Hindi ko manlang naparamdam kung gaano kita
kamahal, ngayon nagsisisi ako. Linchak na buhay ‘to. Ngayon hindi na kita
mabawi. Ngayon kahit maglupasay pa ko dyan wala ka na yatang pakialam. Kung
hindi na tayo magkakabalikan pa, please tandaan mo na mahal na mahal kita.”
Umiiyak kong sabi.
Bumaba ako sa stage at lumapit kay Clarissa.
Lumuhod ako sa harap niya tapos hinawakan ko yung kaliwa niyang kamay.
Hinalikan ko iyon habang patuloy na umaagos yung luha ko.
“Please give me another chance to show you
that I love you.” Mahina kong sabi. “I’m begging you, Clarissa. Please give me
another chance.” Iyak ko.
Tumingala ako at nakita ko siyang umiiyak.
Dahan-dahan niyang hinila yung kamay niya tapos tumungo sa mesa niya at umiyak.
Tumayo ako at yumuko saka pumunta sa table
namin at doon tumungo at umiyak.
Bakit ang sakit?
∞
One week had passed again.
Palaging pumupunta sa bahay sila Trace,
Phillip, Grey at Carlo. They go here to ease my boredomness.
“Par, nakita namin na nag-aaway si Kenji at
Clarissa sa may shed. Ayaw kasing sumunod ni Clarissa kay Kenji.” Kwento ni
Grey.
“Saan daw ba pupunta?” Tanong ko.
“Sa bahay daw nila Kenji. Ipapakilala yata
si Clarissa. Eh ayun nga, ayaw sumama ni Clarissa. Pinipilit ni Kenji.” Sagot
ni Trace.
“Tara.” Yaya ko.
Lumabas kami ng bahay at dumiretso sa shed.
May mga lalaking nakikipag-suntukan kay Kenji tapos may humihila naman kay
Clarissa.
Tumakbo agad ako palapit sa mga humihila kay
Clarissa at tinulak ko tapos inilayo ko si Clarissa.
Inilapit ko si Clarissa kela Phillip tapos
dinambahan ko na ng suntok yung isa sa humila kay Clarissa.
Maya-maya pa, habang ginugulpi ko yung isa
may humawak sa balikat ko at binigwasan ako sa pisngi. Napahiga ako sa sahig at
duon na ako sinimulang bugbugin nung humawak sa balikat ko pati nung ginulpi ko
kanina.
“Tama na yan! Please tama na yan!” Sigaw ni
Clarissa.
Naka-ilang suntok pa sakin yung dalawa bago
may umawat. Nagtakbuhan yung mga lalaki. May isa pa ngang lalaki na may pahabol
pang sinabi eh. Babalikan niya raw kami, Ako.
Maya-maya bumangon ako. Muntikan pa akong
mapahiga pabalik dahil yumakap sakin si Mae.
Tinawag siguro nila Trace.
“Are you okay, kuya? Look at you! Namumula
yung pisngi mo tapos putok yung dulo ng kilay mo. Patu yung labi mo putok na
rin.” Nag-aalalang saway sakin ni Mae.
Ginulo ko yung buhok niya.
“I’m perfectly fine, Mae. Medyo nahilo
lang.” Sagot ko.
Tinulungan niya kong tumayo tapos umuwi na
kami.
∞
“Yan ang sinasabi ko sayo, Anthony! Alam mo,
sa tingin ko dapat mo nang tigilan si Clarissa! Hindi na siya nakakabuti sayo,
Anthony! Hindi ka na niya babalikan! Tigilan mo na yang putarages mong
kahibangan!” Galit na sabi ni Daddy nung malaman niya yung nangyari sakin.
“Wag niyo akong pangunahan! Alam ko ang
ginagawa ko at sinisiguro kong mababawi ko siya dahil mahal ko siya! This time
papatunayan ko sa kanya na mahal ko talaga siya!” Sagot ko kay Daddy.
Dumapo yung palad niya sa pisngi ko.
“Hindi ka na natuto! Anthony ilang beses
mong sinaktan si Clarissa pero pinagbigyan ka nung mga magulang niya! Ngayon
gusto mo siyang balikan na parang wala lang lahat yon?! Ano ka ba?! Tanga ka
ba?!” Sigaw sakin ni Dad.
Tumakbo palapit si Mae tapos niyakap ako.
“Tama na, dad! Please wag mo namang saktan
si kuya!” Pigil ni Mae.
“Wag kang makialam dito, Mae. Hayaan mong
disiplinahin ko yang kuya mo, kundi pati ikaw didisiplinahin ko.” Banta ni Dad
kay Mae.
“Sige na, Mae. Umalis ka na dito. Wag ka
nang makialam.” Taboy ko sa kanya.
“No! Hindi ako papaya na saktan ka ni Dad.”
Iyak niya saka ako niyakap.
“Please, mae.” Pakiusap ko.
“NO!” Sagot ni Mae.
“I said Go!” Sigaw ko.
Tumayo si Mae at tumakbo paalis.
“Simula ngayon, hindi ka na lalapit kay
Clarissa. At wag mo akong subukang suwayin, Anthony. Pababalikin ulit kita sa
Canada." Seryosong sabi ni Dad saka na umalis sa harap ko.
∞
“Sabi ko naman kasi sayo tigilan mo na siya,
kuya. Ayan tuloy, kapag lumapit ka pa sa kanya pababalikin ka na ni Dad sa
Canada.” Sabi sakin ni Mae habang nakaupo sa kama ko at katabi ako.
“Mahal ko siya, Mae. At handa akong
ipaglaban siya kahit pa ikamatay ko. Sana alam mo yun.” Sagot ko.
“Kuya naman! Don’t say that! Wag mong hilingin
yan. That’s bad.” Malungkot na sabi ni Mae.
Ginulo ko yung buhok niya.
Ang childish pa rin ng kapatid ko.
“Balang-araw maiintindihan mo kung bakit ko
‘to ginagawa ngayon.” Sagot ko sa kanya.
“Ayoko na sayo, kuya. Gusto mo yatang
mamatay eh.” Nakanguso na sabi ni Mae.
“Nope. Pero kung mangyari man, please
alagaan mo si Clarissa for me.” Sagot ko.
“Eh! Basta hindi mangyayari yun!” Tanggi ni
Mae.
∞
One month had passed.
Tumupad ako sa usapan namin ni dad. Hindi ko
na nilalapitan si Clarissa.
“Mae, bibili lang ako. Lock mo yung pinto.”
Paalam ko saka lumabas.
Habang naglalakad ako, may napansin akong
sumisigaw.
Tinitigan ko yung babaeng hinihila ng
dalawang lalaki. Agad kong namukhaan yung babae kaya tumakbo agad ako palapit.
“Clarissa!” Tawag ko.
Lumingon silang tatlo.
Namukhaan ko yung isang lalaki. Si kenji.
“Anthony, Anthony tulungan mo ko!”
Pagmamakaawa ni Clarissa.
Pagkalapit ko, tinulak ko ng malakas si
kenji pati yung kasama niya. Napahiga silang dalawa kaya hinatak ko na si
Clarissa.
Bago pa kami makalayo, nagsalitang muli si
Kenji.
“Ha! Nagkaproblema lang kami ni Clarissa,
nakadikit ka na naman sa kanya. Sabihin mo sakin, Clarissa. Panakip butas mo
lang ba ko?”
Tumigil si Clarissa kaya napatigil din ako.
Humarap si Clarissa.
“Kenji don’t do this. Please wag mo akong
pahirapan.” Pakiusap ni Clarissa.
“Mamili ka, Clarissa. Ako na nobyo mo, o
yang walang kwento mong ex?” Tannog ni Kenji.
“Kenji naman!” Pagmamakaawa ni Clarissa.
“Mamili ka!” Sigaw ni Kenji.
“Mahal kita, kenji. Pero patawarin mo ko
dahil si Anthony ang pipiliin ko.” Umiiyak na sabi ni Clarissa.
Humarap ako kay Kenji. May hawak siyang
baril at nakatutok sa akin. Inilipat ni kenji yung pagkakatutok ng baril.
Itinutok niya ‘to kay Clarissa.
“Mahal mo ko? Bat hindi ko maramdaman,
Clarissa? Sabihin mo sakin yung totoo! Kung mahal mo ko bakit hindi mo magawang
patunayan?!” Sigaw ni kenji habang umiiyak. “Ha! Siguro nga wala ka naman
talaga silbi. Mabuti pa siguro kung patayin na lang kita.” Dagdag ni kenji saka
kinalabit ang gatilyo.
Agad akong pumunta sa harap ni Clarissa at
sinalo ang bala na hindi naman talaga nakalaan pa sakin.
Naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa
sahig. Lumuhod si Clarissa sa harap ko habang umiiyak. Itinaas ko ang kaliwa
kong kamay at sinubukan kong punasan ang luha niya.
“Did you remember the day when I promised my
life to you?” Tanong ko sa kanya. Tumango siya. “I’m doing it now. Hindi ko man
napatunayan sa’yo dati, sana napatunayan ko sayo ngayon.” Dagdag ko saka
pumikit. “I regret those days. Those days when you seek for my attention but I
didn’t gave it to you. I’m sorry for making you feel like you weren’t loved at
all. I’m sorry. I don’t know how to say it straight forwardly but I’ll try. I
love you so much and I promised my life to you. You don’t need to regret this
day because I’m gonna die. Never regret this day. I saved your life because I
love you not because you need to owe my family because I saved your life. I
volunteered to save you to continue your life.” Pagpapatuloy ko.
Tinakpan ni Clarissa yung bibig ko.
“You don’t need to explain at all. Alam ko
mahal mo ko. Pasensya na dahil natakot akong masaktan. Pero sana tandaan mo na
mahal na mahal kita kahit anong mangyari. But please hold on. Magkakabalikan pa
tayo eh.” Iyak ni Clarissa.
Muli akong pumikit.
Pakiramdam ko hindi ko na kaya.
“Anthony, tell me you won’t die!” Sabi ni
Clarissa saka ako niyugyog.
“I can’t promise you that.” Mahina kong
sabi.
“No! Anthony you can’t die! I love you! You
know I do love you so please hold on!” Iyak pa rin ni Clarissa.
“Take care of my family, honey. Take care of
them for me.” Mahina kong sabi.
~
“Bata, anong pangalan mo?” Tanong ko sa
isang batang mukhang anghel.
“Clarissa ang pangalan ko. Ikaw?” Tanong
niya sakin.
“Anthony.” Sagot ko.
“Ah, ikaw yung kinukwento ni Mae sakin.
Pwede ba tayong maging magkaibigan?” Tanong niya sakin.
“Oo naman.” Sagot ko.
~
“Clarissa, may ipagtatapat sana ako sayo.”
Nahihiya kong sabi kay Clarissa.
“Ano yun?” Tanong niya.
“Ah-eh. Mahal na yata kasi kita eh. Pwede ba
kitang ligawan?” Tanong ko na nahihiya.
“O-oo naman. Alam mo, inaantay nga kita na
umamin eh.” Nakangiti niyang sabi.
“Talaga? Maraming-maraming salamat!”
Tuwang-tuwa kong sabi.
Niyakap ko si Clarissa.
“Pwede ba kitang maging date sa JS?” Tanong
ko.
“Oo naman!” Sagot niya.
“Yes! I love you, Clarissa!” Hiyaw ko.
“I love you too, Anthony!” Sagot niya.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^