"When you wait for someone for a few minutes,
It's your NEED.
For a few hours,
It's your TRUST.
For a few weeks,
It's your FRIENDSHIP.
But when you wait eventhough you know they won't come,
It's TRUE LOVE"
----x
I've been waiting for him since 2 years ago. I need him, that's why I'm doing this. Still waiting. I trust him because he promised to be back the day after tomorrow.
"Sabi ko na nga ba. Nandito ka na naman." I heard someone said.
Lumingon ako at ngumiti ng bahagya.
"Hi." Bati ko.
Naglatag ng blue blanket si Jaehee. Naupo siya at tumabi sakin. Maya-maya sumunod si Kim.
"Jem, hindi na siya babalik. Please let him go. Please, Jem. Wag mong gawin ito sa sarili mo. Wag mong saktan sarili mo." Jaehee said.
I looked at her coldly.
"I'll do what I want. I will wait for him because I want to. Ayaw mo? Kontra ka sa gusto ko? You're free to go." I said.
"Jem, he fooled you! Why are you so stubborn?! Ayaw ko lang na masaktan ka! Masama na bang maging concern sayo?!" Tanong niya.
"Wag kang magtataas ng boses sakin! Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko!" I shouted.
"Alam ko kung anong pinagdadaanan mo! Kaya nga pinapatigil na kita, diba? Ayaw kong masaktan ka, ano bang hindi malinaw dun?!" Sigaw niya rin.
"Talaga?! Alam mo?! Sige go! Ikaw na maghintay sa kanya!" Sigaw ko saka ako tumayo at umalis sa beach.
Sumakaya ako sa kotse ko at napahagulgol na lang.
Sabi mo babalik ka. Sabi mo hintayin kita. I did but why are you doing this to me?! Nakikipag-away na ako sa kaibigan ko dahil lang sayo! Mahal kasi kita. Mahal kita kaya patuloy akong naghihintay sayo.
I started the engine then drove away.
Hindi kita susukuan. Ang totoong nagmamahal hindi sumusuko. I'm still holding on. I won't give up.
---
I'm driving so fast! Gosh!
Beeep! Beeep!
May nakita akong truck na palapit kaya agad kong iniliko sa kanan.
Napakabiils ng pangyayari. Nagulat na lang ako na malapit na ako isang puno.
"AAAAAAH!" Bigla na lang akong sumalpok sa puno.
Then everything went black
---
Nagising ako na puro puti yung paligid ko. Bumangon ako at nakita ko si Mom na nakatulala sa tabi ng higaan ko. Nasa ospital ako. Bakit ako nandito?
"Ma?" Untag ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang lumingon. Mamasa-masa pa ang ilalim ng mga mata niya.
Nagulat ako nung yakapin ako ni Mom. Yumakap din ako.
"Akala ko mawawala ka na talaga sakin. Thank god hindi ka pa niya binabawi sa akin." Iyak ni Mom pagkabitaw niya sa yakap namin.
Pinunasan ko yung mga luha niya.
"Mom, masamang damo ako." Pagbibiro ko.
"Sira ka talagang bata ka. Alam mo bang one week din bago ka magising." Pag-iinform sakin ni Mom.
One week? Ang tagal ha. One week ko rin siyang hindi naisip. Pwede kaya yun? Kakayanin ko kaya yun?
Umiling ako ng bahagya.
Hindi ako susuko. Mahal kita diba?
---
A month had passed. Patuloy pa rin akong nagiintay sa beach kung saan kami huling nagusap. Sumasama din sa akin sila Jaehee at Kim.
"Jer, hindi ka ba napapagod?" Tanong sakin ni Kim, boyfriend ni Jaehhe.
Tumingin ako sa kanya saka may bumagsak na luha sa kaliwa kong mata.
"Kim, hindi ako pwedeng mapagod. Kapag sumuko ako sa paghihintay sa kanya, para ko na rin siyang tinalikuran." Sagot ko.
"Hindi ka ba napapagod umiyak?" Tanong ulit ni Kim.
Yumuko ako at umiyak ng mahina.
Pagod na kong umiyak. Pagod na kong masaktan. Pagod na akong maghintay sa wala. Pagod na pagod na ako pero mahal kita eh, kaya hihintayin kita kahit pagod na ko.
"Umiiyak ka na naman. Kailan ka namin makikitang ngumiti ulit ng totoo?"
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko sa harapan ko si Jaehee. Malungkot siya. Parang ako.
Tumayo ako saka sinabing, "Tara na nga. Ang drama na dito eh."
---
Isang linggong makalipas na hindi ko pagpunta sa beach na yon. Nakapagdesisyon na ako.
Nagintay ako ng ilang minuto dahil kailangan kita. Naghintay ako ng ialng oras kasi pinagkakatiwalaan kita. Naghintay ako ng ilang linggo kasi kaibigan kita. Pero alam mo? Gusto ko ng sumuko kasi kahit alam kong hindi ka na dadating, inantay pa rin kita. Eh kasi mahal kita eh. Kasi naniniwala ako na mahal mo rin ako. Na minahal mo rin ako.
Tinanggal ko yung kwintas na gamit ko. Eto yung binigay mo sakin. Kapag suot ko 'to pakiramdam ko kasama kita.
Binitiwan ko yung kwintas at hinayaan ko itong bumagsak sa buhanginan. Tumalikod na ako at naglakad paalis.
Pasakay na ako ng kotse ko nung bigla akong may narinig na tumawag sa pangalan ko.
"Jeremee sandali!"
Lumingon ako at nakita kita. Lumapit ka sakin tapos niyakap mo ako.
"I missed you so much, Jeremee." Sabi mo habang yakap mo ako.
Napatulala ako habang yakap mo ako.
Bakit hindi mo man lang ako ininform na babalik ka na pala?
"Paano? Bakit hindi mo ako sinabihan na babalik ka na?" Tanong ko sayo.
"Ayaw kong mag-alala ka pa eh. Pero parati naman akong nakamasid sayo. Don't Worry." Sagot mo sakin.
"Ha? Paano? Diba sabi mo sakin 2 years ago pupunta ka sa UK para magpagamot tapos babalik ka agad? Anong sinasabi mo na parati kang nakamasid sakin?" Tanong ko sayo.
Kinilabutan ako. Nakamasid ka sakin? Kelan pa?
"Basta palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Sabi mo sakin.
Tumango-tango ako. "Mauna na ako ha. Mag-ingat ka." Sabi ko sayo tapos tumalikod na ako.
"Oo." Sagot mo.
Pagkabukas ko ng pinto ng kotse ko biglang humangin ng malakas. Ang lamig!
Nilingon kita pero wala ka na.
Nasaan na? Tanong ko sa sarili ko.
Sumakay na ako sa kotse ko at umuwi na.
---
"Sure ka? Tanungin kaya natin si Tita Karla?" Tanong sa akin ni Jaehee.
"Sige. Punta tayo mamaya." Sagot ko.
Umalis na sa harap ko si Jaehee tapos nagtrabaho na ulit.
Maya-maya lumapit si Kim sakin.
"Jer, totoo ba yung sinabi mo kay Jaehee?" Tanong ni Kim.
I nodded. "Yah. Pupunta kami mamaya kila Tita Karla. Sasama ka ba?" Tanong ko.
"Oo. Para masamahan ko kayong dalawa." Sagot niya.
---
Pagkatapos ng office hours, pumunta kaming tatlo sa bahay nila Tita Karla. Yung mother niya.
"Maupo kayo." Nakangiti niyang sabi.
May katulong na naglapag ng apat na baso ng juice sa may center table.
"Bakit nga pala kayo napadpad dito?" Tanong ni tita.
"May gusto lang po akong malaman." Sagot ko. "Nagpunta po ba si Rj sa may beach na parati namin pinupuntahan last saturday?" Tanong ko.
Medyo natulala si Tita tapos tumingin sakin.
"Sandali lang ha." Paalam niya.
Tumayo siya at umakyat sa hagdan.
"Jem, what do you think? Yung kinwento mo kasi parang sobrang imposbile kung buhay pa siya eh." Sabi ni Jaehee.
"What do you mean? Don't tell me, iniisip mo na patay na siya. That's so impossible! Buhay na buhay siya sa paningin ko, Jaehee!" Sagot ko sa kanya.
Biglang dumating si Tita kaya umayos kami ng upo.
Naupo siya saka may inabot saking white gold scented paper na sobre.
"Mamaya mo na yan basahin. First of all, hindi ko alam na nakita mo pala si Rj sa beach last saturday." Sabi ni Tita.
"Hindi po ba siya nagpaalam sayo?" Tanong ko.
"Actually, hindi. That letter can explain it all, hija. Sorry sa mababasa mo." Sagot ni Tita.
"Nasaan nga po pala si Rj ngayon? Gusto ko po siyang makausap." Tanong ko kay Tita.
"Wala siya eh." Sagot ni Tita.
"Ah. Sige po, Tita. Mauna na po kami." Paalam ko saka tumayo.
Lumabas na kami at sumakay sa kotse.
---
Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga ng patihaya sa kama.
Heto na naman ako. Namomroblema sayo. Nag-aalala na naman ako. Sabi ko ile-let go na kita. Kaso kasi sobra kitang mahal eh.
Nasaan ka ba talaga, Romeo Joseph? Kung kelan handa na kitang i-let go saka ka naman lumilitaw. Kung kelan naman hinahanap kita saka ka biglang maglalaho.
Teka, ano nga bang meron sa sobre na yun?
Tumayo ako at nilapitan yung bag ko. Kinuha ko yung sobre tapos naupo ako sa kama ko.
Binuksan ko yung sobre tapos hinila ko yung nakatuping papel. May nalaglag na note na kasama nung letter. Pinulot ko iyon at binasa.
'You were the bigest and the greatest miracle I have ever had. I love you.'
May tumulong luha sa mga mata ko.
Totoo ba talaga 'to? Mahal mo ba talaga ako?
Pinulot ko yung letter tapos binuklat at binasa.
~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~
I am a transferee student in UP Manila. Accountacy ang course ko. May nakilala akong babae na kaklase ko sa english 4. 4th year na ko pati rin siya. AB Com ang course niya.
Nagkakilala kami sa may bus station pauwi ng Laguna. Nakita ko siyang sumingit kaya sinita ko siya. Nag-away kami hanggang sa hindi na kami parehas na pinasakay sa bus dahil maingay daw. Idagdag mo pa na umuulan kaya sobrang hassle. Wala akong nagawa kaya sumakay ako ng taxi. Napansin kong wala nang dumadaang bus kaya hinila ko na siya at pinasakay sa taxi. Pinahatid ko rin siya nggang sa bahay nila saka ko pinadiretso sa bahay namin yung taxi.
Bwiset kasi! Bat pa kasi may number coding eh! Hindi ko tuloy nagamit yung kotse ko.
After that incident, mas nagkakilala kami. Naging close kami, etc etc. Dumating dun yung time na nagkagusto kami sa isa't isa kaya niligawan ko siya. After 2 months naging kami.
Dito ko naramdaman na parating masakit yung ulo ko. Nagpatingin ako kasama si Mama at ang sabi ng doctor?
May Brain Tumor daw ako. Hindi ko iyon pinansin, ni hindi ko nga rin iknuwento kay Jeremee yun eh. Ang pangalan nga pala ng girlfriend ko ay Jessica Jeremee Cruz. Mabait siya at maalalahanin. One day, nagulat na lang ako nung alam niya nang may Brain tumor ako. Sinabi raw sa kanya ni Mama.
Tumagal yung relasyon namin hanggang 8 months pero dumating yung time na sobrang hinang-hina na ako. Pumunta ako sa beach at nakipagkita roon kay Jeremee. Sabi ko, pagnaoperahan ako, babalik agad ako.
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
Om,
Kung binabasa mo man 'to ngayon, it's either buhay pa ko or hindi ko kinaya yung operasyon. Hangga't maari lalaban ako. Mahal kasi kita. Mahal kita at handa akong isakripisyo lahat para sayo. Salamat sa lahat ng oras na nilaan mo para sakin. Salamat kasi binigyan mo ako ng pagkakataon na mas makilala ka pa. Bakit ba kasi sa lahat ng sakit, bakit brain tumor pa? Sobrang delikado nun eh. Sana parati mong tatandaan na pagnawala ako sa mundong 'to, parati kitang babantayan at sisiguraduhin kong safe ka palagi. Om, pwede ba kong humingi ng pabor sayo? Kapag hindi ako nakasurvive sa operasyon, please take care of my mom. Mahal na mahal ko siya. Please takr care of yourself din, Om. Be happy kahit wala ako sa tabi mo. Be strong para hindi ka madaling mawalan ng pag-asa. I love you, Om. I love you so much. To infinity and beyond. Til death do us part.
-Only Yours (OY)
~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~
Napahagulgol ako.
Sabi mo walang iwanan. Bakit mo ko iniwan? Sabi mo hinding-hindi mo ako paiiyakin. Bakit pinapaiyak mo ako ngayon? Sabi mo hindi mo ako sasaktan. Bakit ako nasasaktan ngayon? Alam mo nakakainis ka eh! Hindi mo naman tinutupad yung mga pangako mo sakin eh!
---
Pagkalipas ng gabing yon, pumunta ako sa bahay nila Tita Karla kinabukasan.
"Bakit napadalaw ka, hija?" Tanong ni Tita.
"Tita, tapatin mo nga ako. Patay na po ba si Rj?" Tanong ko.
Napansin kong nalungkot si Tita.
"He didn't survive the operation, hija. I'm so sorry." Paumanhin ni Tita.
Tumulo yung luha ko.
Walang iwanan diba? Bakit iniwan mo ko? Rj naman eh! Andaya daya mo!
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^