Sunday, June 16, 2013

The Cold and Heartless Gangster Queen [LHNSGQ] - Chapter 5 - Meeting (Part 1)

Chapter 5 - Meeting (Part 1)

---
Megan's Point of View:
     Nakatingin lang ako sa malayo habang hawak-hawak ko ang panyo na ibinigay sa akin ni Dad nung nabubuhay pa siya. Natatandaan ko pa ang huling salitang binitawan niya matapos ko siyang makitang barilin ng mga walang hiyang Hugo Mafia, dahil sa pagtatangka niyang lumaban sa kanila para iligtas niya ako.

     
     "Anak, tandaan mo, mahal na mahal ka ni Daddy ah? Hindi kita iiwan... Kahit kailan." yun ang huling sinabi niya sa akin. Pero nag-sinungaling siya, sabi niya hindi niya ako iiwan, Pero bakit ganuon? Bakit niya ako kailangan iwan? Bakit kailangang mamatay pa siya?
         
     Tutuut, tutuut, tutuut. 
         
     Tumingin ako sa relo ko na tumutunog. Kumunot ang noo ko. Sinong tumatawag?
  

     Pinindot ko ang answer button or Audio recorder button upang marinig ko kung sino ang tumatawag. Hindi muna ako nag-salita at hinintay ko kung sino iyon. 


      "Hello? M-Megan! W-we need your help!" napatayo ako sa upuan ko ng marinig ko ang boses ni Queenie. Anong nangyayari sa kanila? Nakatakas sila kila Red Tiger? Thank goodness. But, tulong?


      "Ano iyon, Queenie! Sagutin mo ako! Anong nangyayari? Anong maitutulong ko sa inyo? Asan kayo?!" sigaw ko at agad akong pumunta sa black room upang kunin ang mga kagamitan ko. Habang hinahanap ko ang mga gamit na kailangan ko gamitin, nakikinig ako kay Queenie na nag-sasalita ngayon.

     "Si Miggs! Si Miggs, nawalan siya ng malay kanina matapos kaming malaman na tumakas ni Red Tiger. Binaril siya ni Red Tiger gamit ang isang hindi ko alam na uri ng baril! Nandito kami ngayon ni Lee sa isang abandonadong Condominium malapit sa Gold's and Purity Hotel. Nagtatago kami sa kaniya ngayon dahil wala sa amin ngayon ang mga kagamitan namin. Hindi namin alam ang gagawin namin ngayon, Megan. Anong--" napatigil ako sa pagkukuha ng mga gamit ko ng marinig ko ang iyak ni Queenie, Ito ang unang beses na marinig ko siyang umiyak. "--gagawin ko?" pagtatapos niya sa sinabi niya.

     "I'm on my way, Queenie, I'm on my way." I assured. Kinuha ko ang GPS ko at kinuha ko ang paborito kong M16. Pinatay ko muna ang call gamit ang pag-pindot ko ng button sa answer button ng relo ko.


     "Fuck you, Red Tiger." bulong ko at pinindot ko ang button ng susi ng kotse kong Maserati Gran Turisimo na may design na apoy. Agad-agad itong dumating sa harap ko at sumakay na ako duon sa kotse. 


     Pati kaibigan ko, dinamay niya. Kung sino man si Red Tiger, mag-handa na siya. 



                              

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^