“Ilang oras pa ba Tristan, bago makarating sa aking paroroonan?” tanong ko sa aking robot at hinawakan ko ang earpiece ko na nagdudugtong sa pag-uusap namin.
“Just a few hours, Madamme. But if you’re expecting the exact minutes, 1 hour and 45 minutes. Kung bibilisan niyo po ang andar ng sasakyan niyo sa 120 kph, mga 5 or 10 minutes po.” Magalang nitong sagot sa akin.
Kinuha ko ang GPS ko sa bulsa ng black jeggings ko at tinignan ko kung nasaan na ako. Itinuturo nito na nasa Quezon City pa ako at tinignan ko ang paroroonan ko. A few more blocks and I’ll be there.
Queenie’s Point of View:
“Kuya, anong gagawin natin dito kay Miggs?” malamig kong tanong at ngumisi.
“Queenie, hindi ko alam. Huwag kang mag-kunyaring wala kang pakialam sa kaniya. Naging kaibigan na natin si Miggs mula pagkabata kaya alam kong nasasaktan ka sa pinapagawa nila sa iyo.” Napa-yuko ako at may tumulong luha sa pisngi ko. Tama iyon, nasasaktan ako. Hindi ko ito kayang gawin sa kaibigan ko, pero kailangan. Megan, patawarin mo kami sa gagawin naming sa iyo ni Lee. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Magulo ang utak ko kaya hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyong dalawa.
Lee’s Point of View:
“Napakagaling niyong umarte, Queenie at Lee, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Megan ‘pag nakita niya kayong kasabwat ko?” mala-demonyong pagkakasabi ni Red Tiger sabay humalakhak. Nanginginig ang nakakuyom kong kamay ngayon, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit.
Nandito pa rin kaming dalawa ni Queenie kasama si Red Tiger upang salubungin namin si Megan. Hindi ko kaya ang ginagawa ko, lalo na’t nagging kaibigan ko rin si Megan ng limang taon. Napilitan lang kaming gawin ito nuong tulog pa si Miggs at pumunta sa kuwarto si Red Tiger upang kami ay kausapin,
FLASHBACK:
“Hmmm… Tamang-tama ang pag-punta ko rito, tulog pa si Miggs.” Sabi niya sa amin at ngumisi na parang demonyo.
“Anong kailangan mo sa amin?! Pakawalan mo kami!” sabay naming sigaw ni Queenie. Hindi ito pu-puwedeng mang-yari. Bakit kami napunta dito sa head quarters ng Red Tiger Gang? Tiyaka, ang alam ko ay patay na siya, Bakit pa siya buhay?
“Hmm.. Ano nga ba?” sabi niya at inilagay niya ang kaniyang kamay sa baba na parang nag-iisip. “AHA!” sigaw niya at pinitik niya sa ere ang kaniyang daliri at dali-daling pumasok ang dalawang babae na nakatakip ang bibig gamit ang scarf nila at nagulat kami ng makita naming silang hawak-hawak si Kim.
“Kim!” sabay uli naming sigaw ni Queenie. Akma kaming lalapit sa kaniya ngunit itinutok ng dalawang babae ang baril nila sa amin.
“Nakakaiyak naman na senaryo ito.” At nagkunyaring nag-pahid ng luha si Red Tiger pero kahit naka mascara ito, halatang naka ngisi siya.
"Ano bang kailangan mo sa amin?! Bakit dinadamay mo pa ang kapatid at kaibigan ko?! SINO KA!?" sigaw ko at akma kong susuntukin si Red Tiger, ngunit may kadenang naka-lagay sa akin.
"Ooops.. Papakawalan ko lamang kayo sa isang kundisiyon, " sabi niya at may kinuha siya sa bulsa niya na nakapag-pagulat sa amin. Isa iyong litrato ni Megan at nakita kong nakagupit ang ulo niya.
Mukhang alam ko na ang gusto niyang ipagawa.
Ngunit hinding-hindi ko iyon gagawin.
"Walang hiya ka talaga!" sabi ko at nagulat ako ng may biglang tumulong luha sa pisngi ko.
"Hmmm... Sino kaya ang gustong maunang mamatay sa inyong dalawa? Hmm.. o si Miggs kaya?" bungisngis niya na nakapagpalaki ng mata ko at ni Queenie. "Or... si Kim kaya?" mas lalong nanlaki ang mata namin at sumigaw na kaming pareho.
"HINDI! sige susundin na namin ang gusto mo! pero sa oras na natupad na namin iyon, hindi mo na kami papakialaman!"
Patawad Megan.. Patawad
---
ako ay lging binibitin ni author..next po agad, nice story.. :)))))))
ReplyDeleteTnx po. TRY ko pong magupdate mamaya
DeleteaNg sMa mU rEd tiGer,,,
ReplyDelete