Wednesday, April 24, 2013

The Cold and Heartless Gangster Queen [LHNSGQ] : Chapter 2 - Plan and Secret

Chapter 2 


Megan's POV:

Hinihilot ko ngayon ang sentido ko. Argggghhh! Ang rami kong problema ngayon! Dumagdag pa ang Terrence na yun!


Naglakad-lakad muna ako dito sa loob ng mall, nang may napansin akong pinagkakaguluhan.



"Anata wa watashi no zutsū no otoko o ataete iru! (You're givine me a headache man!)" laking gulat ko ng makita ko si Shiwal na sinikmuraan ang isang lalake. Oo nga pala. Siya ang may-ari ng mall na ito.



Nanalaki ang mata ko ng makita ko na tinulungan ni Tyler si Shiwal. Akala ko ba ayaw niya kay Shiwal? Bakit nandito siya?


Umupo ako sa isang bench at pinanuod ko silang pagtulungan ang kawawang lalake. 


"Nandito ka lang pala Miss Ferarri." Lumingon ako sa kanan ko ng maramdaman kong may umupo. Tsk. Si ungas lang pala.


"It's Megan.  Dumb ass."  Bulong lang ang huli kong sinabi kaya di niya ito narinig.


Hindi ko na lang siya pinansin at tmingin sa harap ko.  Tapos na pala. Tumayo na ako at nilapitan si Shiwal. Inis na inis naman siyang lumingon sa akin.


"Ah, ikaw lang pala, Hime. (Princess)" sabi niya at nag bow sa akin. 


"Kailangan ko ng tulong mo, Shiwal. Importanteng-importante ito." Malamig kong tugon sa kanya.


"Ah." Yun lang ang nasabi niya. "Ano iyon?" tanong niya pa.


"Nawawala sila Miggs, Lee, Queenie at Kim." dire-diretso kong sagot sa kanya. Inabot ko naman ang envelope namay tatak ng gang ni Red Tiger sa kanya. Matapos ko itong itapon kanina, kinuha ko ulit ito. Maari kong gamitin ang gadget ko para malaman kung sino ang nagbigay sa akin neto.


Binasa niya ito gamit ang blanko niyang mukha. 


"Tsk. Bakit ka humihingi ng tulong sa akin,Meg? Ano na ang nangyari sa Queen namin. Maaari kitang tulungan, subalit kaunti na lang ang alam kong gangster skills. Matagal na akong umalis sa pagiging gangster."  sabi niya matapos basahin ang nasa envelope.


"Alam ko. Pero, iniisip ko muna ang plano ko dahil alam ko ring naka planado na sila kung dadating ako dun na mag-isa." 


"Si Kryzle." napatingin ako sa kanya nang mag-salita siya. "...Si Kryzle. Humingi ka ng tulong sa kaniya. Diba ninja siya? Baka matulungan ka niya dahil sa rami niyang source." sabi niya sa akin at nauna na siya.


Pumikit ako at inisip ang sinabi niya. Tama siya. 


Agad akong pumunta sa Ferarri ko at binuksan ko ang secret compartment ko.


Isa-isakong tinignan ang mga gadgets ko at ngumiti. Meron na akong plano.





Someone's POV:


Ngumisi lang ako habang iniisip ko kung ano na ang ginagawa niya ngayon. 


"Mmmmpppppphhhh!" lumingon ako sa isang babaeng nagwawala. Nakatali siya at may duct tape na nakalagay sa bibig niya kaya hindi siya makapag-salita ng maayos.


Lumapit ako sa kanya at marahas na tinanggal ang duct tape sa bibig niya.



"Sino ka?!" sigaw niya sa akin. Ngumiti ako at tinanggal ang maskara sa mukha ko.


"ATE?!" gulat na gulat niyang tanong.


Tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo. "Tama ka, Kim." at iniwan ko siya doong nakanga-nga.

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^