Monday, May 6, 2013

The Cold and Heartless Gangster Queen [LHNSGQ] : Chapter 3 - Intruder

Chapter 3 


Terrence's POV:


Lecheng babae 'yon, siya pa lang ang unang beses na hindi nadaan sa charms ko. Well, maganda na rin iyon kesa naman sa mga iba kong baliw na fans.


Anyways, nandito ako sa isang bar at kasama ko ang mga kaibigan ko. 


"Pare, maganda ba yung babae?" tanong sa akin ni Jed Martinez, ang womanizer sa amin.


"Psh. Porket babae kasi, yan na agad ang tanong mo. Oo, maganda siya. Isipin mo na lang ang mukha ng korean actress na si Han Ga In, ganun ang itsura niya. Pero, kung makakasama mo siya, manalangin ka na lang na sana ngumiti man lang siya. Ang seryoso kasi ng itsura niya at malamig ang mata niya." sabi ko. Ewan ko, pero parang may naalala ako sa babaeng 'yon.


"Cold? Kamukha ni Han Ga In?" curious na tanong ni Lloyd Crusades. Isang half gangster and half ninja. Kapatid niya si Kim Kryzle Crusades.


"Oo." ininom ko ang tequila na kanina ko pa hawak.


"*smirks*" napatingin kaming dalawa ni Jed kay Kryzle na ngumisi. Tumayo siya at humarap sa akin.


"Mag-ingat ka sa kanya." makahulugan niyang sabi sa akin at tumalikod. "Kuya, aalis na ako. May gagawin pa akong misyon" at umalis na siya.


"Pare, saglit lang." sabi ko at sinundan si Kryzle. Nadatnan ko siyang may kausap na babae. Kung hindi ako nagkakamali, yun ata si Ms. Ferarri.


Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Mga ilang minuto ang nakalipas, nagulat ako ng may katanang nakalagay sa leeg ko.


"Kryzle..."


"Bakit mo ako sinundan?" tanong niya.


"Hindi kita sinundan." pagsisinungaling ko.


"Psh. Liar." sabi niya at tumalikod.









Napatingin ako sa isang Black Nissan Altima New na dumaan sa akin. Medyo tinted ng kaunti ang sasakyan  kaya nakita ko pa ang nasa loob.


Si Ms. Ferarri lang pala.



















........Pero may kung anong puwersa sa akin na gusto siyang sundan.




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^