Sunday, March 31, 2013

Simple Crush, Secret Love ♥ : Chapter 1

Simple Crush, Secret Love ♥



Chapter 1: Stranger's Letter..










MINORI JEAN MONTANO











RYUUJI KEN HERNANDEZ



♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥





Riiiiiiiing! Riiiiiiiiiiing!


Hudyat na isang oras na naman ang nakalipas sa pananatili ko sa library. At kailangan ko nang magmadali dahil mukhang male-late na naman ako sa next class ko, may pagkamasungit pa naman ang professor na yun. Kaya’t dali dali kong niligpit ang mga gamit ko at kinuha ang bag sa baggage counter ng Library, ngunit sa pagmamdali niya, at sadya atang napaka-clumsy ko eto bumanga pa ako sa dibdib ng kung sino.


Boogs!


“Ohh My.. I’m sorry. Hindi ko sinasadya". Nakatungo ako kaya hindi ko nakita na may makakasalubong pala ako at hindi ko na nakita kung sino pa yun. Grabe ang sakit ng ulo ko ah, ang tigas ng dibdib eh.



>_____________________<



“Oooooppps. Careful young lady.” Sabi ng isang pamilyar na tinig, kahit hindi ko na tignan ay alam na alam ko kung sino iyon. Habang nakatungo ay madali akong lumabas sa Library. Naramdaman ko na naman kasi  ang kakaibang pakiramdam sa tuwing magkakalapit kami ni Ryuuji, ang nagmamay-ari ng malamusikang tinig para sakin.


^__________________________^


Hindi kami personal na magkakilala ni Ryuuji, hindi kami magkaibigan, ni hindi nga ata ako kilala nun eh. Pero sobra yung paghanga ko saknya na hindi ko pa rin maipaliwanag hanggang ngayon. Pwede pala talaga yun, yung kahit hindi kayo magkakilala at hindi kayo nag-uusap maaring magustuhan mo, at maaring higit pa sa pagkagusto, at posible rin na mahalin mo.

Isa si Ryuuji sa mga staff sa Library kung saan unang nakita ko siya. HIndi lang siya basta estudyante sa school isa rin siya sa mga S.A o yung tinatawag na Student Assistant at nung araw na yun siya ang nakaduty sa Library. Love at first sight??? Parang hindi naman, nabaitan lang ako sknya nung sinauli ko yung libro na hiniram ko. Dapat kasi may penalty na ako sa libro dahil almost 1 week na sa yung libro kaso, dahil new student siya sa Institute kaya pinagbigyan na niya ako. Hindi naman dahil sa wala akong pambayad, ayoko lang talagang magbayad kaya nagpaawa na ako. Nag-iipon kaya ako. Ang dami dami naman kasi namin project 1st year palang ako.


Ganito ang nagyari..

"Kuya, hindi ko naman alam na meron pa lang penalty pag hindi nasoli ngayong week. Sorry naman". Sabi ko

"Hayaan mo na ako na bahala dito at huwag mo na lang sasabihin sa kanila. shhhhhhh." Sabay kindat, at ngiti ng malawak. 

napakunot noo na lang si Minori sa nangyari.

Ayos lang makakindat si kuya ah. Sa isip ko.

Naging magkaklse kami Ryuuji noon sa isang subject, kahit n aahead siya samin ng dalawang taon, yung subject kasi ay pang-1st year lang para samin, habang sa kanila naman pang 3rd year merong ganun eh. Pero kahit kailan hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap o magkasama man lang sa isang project. Dahil unang una magkaiba kami ng course at mas madalas na nakakasama ni Ryuuji yung mga ka-course niya at syempre ako dun sa kapwa ko Education students. Konti lang kasi ang IT course kaya sinama na rin sila sa section namin at ang subject ?? "Philippine History". Puro reporting ang subject na yun kaya hindi talaga nabigyan ng pagkakataon na magkasama kaming dalawa. Kung kelan na buo ang lihim na pagtingin ko kay Ryuuji? Yun ang hindi ko pa rin alam, basta bigla ko lang nararamdaman yung kakaibang pakiramdam sa tuwing nakakasalubong ko siya. Ang strange nga eh. Basta masaya lang ako sa tuwing nakikita ko siya nakakasalubong ok na ako sa ganun. Hindi ko naman hanggad na maging kami nun, parang hindi lang kami bagay ^____________^ hihihih.. At isa pang dahilan takot na ako sa commitment, takot akong pumasok sa isang relasyon dahil sa past ko. >_______________<



***

Natapos din ang nakakastress na subject. Pumunta ako sa locker room kasama si Airyane.

"Alam mo hindi ko pa rin maintidihan kung bakit iwas na iwas ka kay Ryuuji? Sabi ni Airyane

"Iwas kung iwas??? Hello ?? Ee hindi naman ako pinapansin nun no. tska hindi kami close nun. So Paano ako iiwas aber??" Nagtataka ako sa biglang tanong ng bestfriend ko na si Airyane. Naglalakad kami papunta sa locker room. Alam naman niya na hindi kami friends ni Riujie.

O.o 

"Eh pano kung biglang lumapit sayo???" Tanong ni Airyane

O.o 

"Ano ba Airyane, wag ka ngang ganiyan. Ayokong umasa sa isang bgay na hindi naman mangyayri".Hindi naman ako negative thinker pero hindi talaga ee. Hindi naman exrtra ordinary si Ryuuji. Simpleng estudyante lang naman siya sa school pero..

Ewan lintik na kupido yan makapana wagas e.

Nakrating na kami sa locker room, share kami ni Airyane sa locker para tipid, ganyan ako kakuripot. Pero teka?? Bakit?? Pagbukas ko ng locker merong maayos na sobre ang nakalagay sa ibabaw ng libro ko.

"Oh, may love letter ka na naman Minori??" tanong ni Airyane habang nakatingin sa hawak ko na sulat.

"Kanino na naman kaya galing tong sulat na to??" Tanong ko.

O.o


"Edi sa secret admirer mo".

"Baka meron". sarcastic yung pagkakasabi ko O.o e kasi naman wala naman talaga to. Baka nga pinagtitripan lang ako kung sino man tong nagpapadala eh.

Binuksan ko yung sobre, ang ganda ng pagkakagawa ng sobre aa. A for the effort. Halatang artistic ang gumawa, ang istura niya ay pa-square tapos sa gitna niya may heart na nakadugtong dun sa square. Basta ang cute ng pagkakagawa nun. Isang taon na may nagpapdala skin ng ganito. Pero hindi naman araw araw, siguro sa isang buwan mga dalawang beses kung magpadala ng letter.

Dear loves,

Hindi mo man ako kakilala, makita lamang kita, ngiti sa aking labi ay hindi na mabura :)

-- You will find me soon..

Napangiti ako sa nabasa ko, mga simple salita galing sa hindi kakilalang nilalang. May konting kilig sa akin pero may takot pa rin dahil nga hindi ko naman kilala kung sino ang nagpapadala sa akin ng mga sulat.

"Bakit kasi hindi mo sagutin yung sulat. Malay mo dun makilala mo kung sino yung nagpapadala niyan". suhestyon ni Airyane.

"Eh natatakot nga ako e, malay ko ba kung sino yan diba??".

"Ewan ko sayo besfren, bahala ka manghula kung sino yan. Pero malay mo siya na si Prnce Charming mo."

"wag mo nga akong paasahin. Tska kilala mo ba kung sino to?? Pano niya to nalalagay sa locker ng hindi nagugusot?? Tanong ko, medyo nakakapagtaka lang talaga, ang ganda pa rin ng pagkakalagay ng letter tapos hindi man lang nagusto, kung nilusot to sa butas magugusot yun. Pero yung letter na nasa locker ang ayos ng pagkakalagay.

"Aba malay ko, baka magaling lang siya maglusot ng sulat no. Makapgbintang to". Iwas tingin na sabi niya.

Hmmmmmm, I smell something fishy???? Sa isip ko na lang. Hindi ko na lang pinansin. Pati yung sulat kinalimutan ko na rin.






2 comments:

  1. ╭╮╱╱╱╭╮╱╱╱╱╭╮
    ┃┃╱╱╱┃┃╱╱╱╱┃┃
    ┃┃╱╱╭┫┃╭┳━━┫┃
    ┃┃╱╭╋┫╰╯┫┃━╋╯
    ┃╰━╯┃┃╭╮┫┃━╋╮
    ╰━━━┻┻╯╰┻━━┻╯

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^