Sunday, March 31, 2013

Coffee Spill to Love Spell: Chapter 1

Chapter One


“Okay bye.”pagkasabi ‘yon ni Bitterblue ay pinatay na niya ang phone. Tumawag lang naman ang kaibigan niyang taga-rito rin sa Paris. Kinuha kasi siyang taga-plano ng ipapatayo nitong bahay sa Pilipinas.Isa siyang hamak na architect na walang ganang seryosohin ang career. Kung di pa siya kinukumbisi ng mga kakakilala niya na gawin ang tinapos niyang kurso,malamang wala pa rin siyang trabaho. Fashion designer sana ang kukunin niya pero kinontra ng madrasta niya. Pakialamera kasi. Mas may silbi pa raw kasi maging architect kesa mag-fashion designer. Nasa Paris siya diba? At laging namamayagpag dito ang pagiging fashion designer. Eksenadora ang madrasta niyang mukhang tilapia. Wala na,binago nito ang kapalaran niya.
Bumuntong hininga siya matapos kunin ang papel na naglalaman ng auto-cad. Ihahatid niya ito sa kaibigan niya sa kabilang sulok ng Paris upang mabayaran na siya. Dagdag na rin iyon sa iniipon niya. Matagal na niya kasing binabalak na umuwi sa Pilipinas para makita at makilala ang mga kapatid niya na anak ng Mama.
Dito siya pinanganak at nagtapos ng pag-aaral sa Paris, France. Kapwa Filipino ang mga magulang. Lumaki siya ng maayos at nakaugalian na niya ang mga asal ng Parisian. Natutu rin siyang magsalita ng French pero mas nasanay siya sa wikang Filipino. Dumating ang panahon na naghiwalay ang mga magulang niya. 10 years old siya noon. Hindi niya alam kung ano ang dahilan sa matinding awayan ng dalawa. Dinala pa nga sa korte kung sino sa dalawa ang magkukupkop sa kanya. Syempre,nanalo ang ama niya.
Pero naging malungkutin ito. Laging nilululong ang sarili sa pagpipinta. Kaya minsan nawawalan na ito ng panahon sa kanya. Ginawa niya naman lahat para mapansin ito. Makipagsabunutan sa mga kaklase. Makipag-inuman. Maglakwatsa boung araw.  Makipagbunguan ng sasakyan-dahilan para matutu siyang mag car drifting.  Kahit lumagot man ang hininga niya marahil wala pa rin itong pakialam. Mas matigas pa sa bato ang puso nito. Kaya naman, nalulungkot siya minsan. Lumala pa ang kawalan ng gana ng ama niya sa kanya nang dumating ang Lucy na yan. Filipina rin ito na social climber na lumagapak sa isang pintor na baliw. Numero unong sinusuklaman niya. Kasi pakialamera ito sa buhay niya. Grabe nga ito bumulyaw ng sermon pero nilalabanan niya. Strikta rin ito kaya paminsan na siyang maglakwatsa pero nagagawa pa ring tumakas sa apartment nila kung may magyayang kaibigan. Twenty Three na siya,hindi na kailangan pang kontrolin na parang bata. Nakaya niya lang lumaban ngayon dahil graduate na siya. At pinangako niya sa sarili na uuwi siya kung sakali mang umabot sa matindi ang pangingialam nito. Ang pait ng kapalaran niya. Tamang-tama sa pangalan niyang Bitterblue. Naiirita siya minsan sa pangalan niya at mas preferred niyang tawaging blue.
“Saan ka pupunta,Bitterblue?”sita ni Lucy nang mapansiyang pinihit ang pintuan. Binubuhat nito ang dalawang buwang gulang na anak. Kapatid niya sa ama iyon. Wala siyang ganang bantayan iyon dahil anak ng kraken. Baka ihulog niya pa sa mataas nilang apartment.
Inangatan niya ito ng kilay. “Eh ano bang paki mo?”bulong niya. “Hihahatid ko lang tong auto-cad sa cliente ko.”
Ngumuwi ang maraming wrinkles niyang madrasta. “Umuwi ka kaagad. Maghahanda tayo mamaya sa..”
“Baka gabihin ako.”putol niya na mabilis na lumabas. Marami-rami pang steps ng hagdan ang babaan niya. Walang kaso iyon,komportable naman siya sa suot na red tight jeans at white t-shirt. Pagkarating sa garage ng apartment. Kinuha niya kaagad ang bike at nilagay ang papel sa basket. Nagbi-bisikleta ang mga Parisian kung di naman malayo ang pupuntahan nila.
Nakatira siya sa North kaya lahat ng tourist attraction dito ay lantad sa kanya. Immune na siya sa mga infrastructure dito dahil palagi niya itong nakikita. Di katulad ng iba na galling sa ibang bansa na napapa-wow kaagad.  Pero may isang bagay dito sa Paris na gustong-gusto niya. Para iyon sa mga lovers at pangarap niyang doon makatagpo ang taong magpapatambol sa puso niya. Ang symbol ng Paris,the city of lights- Eiffel Tower. Sa posisyon niya ngayon,tanaw niya sa malayo ang tower kaya lihim siyang napapangiti at napapa-imagine. Para rin siyang bata minsan. Kinikilig sa kahit anong maisip. Ang gusto niya talaga ay totoong magpapakilig sa kanya.
Muntik niyang nakalimutan na tutungo siya Ste Marte,naroon ang cafĂ©’s or coffee shop. Doon sila magkikita ng client niya. Feeling close niyang friend.

Huminto si Draco sa harap ng bakeshop. Natuwa siya sa mga naka-display na cupcake. Nandito lang sana ang kababatang kapatid niya,mangyaya na kaagad iyon na bilhin ang cupcake na may strawberry topping. Pero wala na ito. Hindi na maibabalik. Nandito siya sa Paris para kalimutan ang kapatid niya. Namatay ito sa car accident. Masakit sa kanya dahil nagiisang kapatid niya iyon.  One week siyang mananatili rito.
“Bonjour!”bati ng tindera sa kanya habang malapad na ngumiti.
Ngumiti rin siya at in-order ang cupcake na may strawberry toppings.
Matapos huminto sa bakeshop ay kinuha niya ang napakalapad na mapa. Sa Jardin du Luxembourg,ang ikalawang pinakamalaking park sa Paris ang distinasyon niya. Masarap daw maglakad-lakad doon habang nililinis ang diwa. Kahanga-hanga lahat ng infrastructure ng Paris. Mababatid mo kaagad na mahilig sila sa arts. Kung pagbibigyan sana siya ng pagkakataon na magtrabaho rito. Hindi niya palalampasin ang orpotunidad na iyon. Mahirap iwan ang Pilipinas kapag ang parents mo ay hawak ka sa leeg. Siya na lamang ang natitirang anak. Wala ng kahati. Mapagtutuunan na siya ng pansin palagi. Ang bagay na kinaiirita niya. Dati kasi si Sophie lang.
Babalik naman ang dati,kokontrolin naman siya ng Pamilya niya. Ipapagawa naman sa kanya ang ayaw niyang gawin. Gaya na lang sa pamimilit ng mga ito na kunin niya ang civil engineer. Sakit sa ulo dahil sinira ng mga ito ang pangarap niyang maging rockstar at magpatayo ng sariling recording company. Saan na iyon? Naglaho na sa ere.
Napatigil siya ng kinuha ng mayuming babaing bumibisikleta ang atensiyon niya.  Palapit ito sa  gilid niya. Naka-braid ang buhok nito. Maputi at hayag na hayag ang red lipstick dahilan para makuha ang atensyon niya. Nakasout ito ng sun glasses kaya di niya makikita ng buo ang mukha nito. Nakakaakit ang ayos nito.  Laglag ang panga niya. Kamuntik pa ngang tumulo ang laway.
Hindi ito French woman. Pinay beauty ang nanaig dito dahil di gaano kataas ang ilong.Nasa katamtaman lang. Pati sa buhok nitong itim na itim. Tumatambling na ang puso niya. Tila gusto niyang hablutin ang kamay nito para makusap niya. Love at first sight na nga ito. Parang teenager lang siya.
Bumaling ang dalaga sa kanya. Na-conscious siya. Masyadong malagkit ang titig niya. Baka mapagkamalan pa siyang manyak ng dalaga. Binaba niya ang tingin. Kunwari wala siyang nakita. Pinanatili niya hanggang nilampasan siya ng dalaga.
“Gusto ko siyang makilala.”bulong niya na lumingon para sundan ito.
Huminto ang dalaga sa isang coffee shop. Vintage ang design at punong-puno ng makukulay na bulaklak sa gilid ng bintana. Pasimple siyang pumasok bago pa man matapos iligpit ng dalaga ang bisikleta nito sa gilid at may kinuhang papel. Umupo siya sa isang sulok na di masyadong mahahalata kapag titigan niya ito kung sakali mang umupo ito di kalayuan sa kanya.
Dinistorbo siya ng waitress kaya di niya natutukan ang pag-upo ng dalaga. Umorder siya ng cappuccino. Maya-maya,nakita niya itong umupo sa harap ng babae. Mas maganda ito kapag walang sun glasses. Lalo pa siyang naaakit sa deep brown eyes nito. May binigay itong papel at pagak na ngumiti. Isang ngiting may halong kalungkutan. Tila may dinadamdam din ang babae katulad niya.
Bahala na. nilabas niya ang camera.  Kahit picture lang  ang makukuha niya. Ayos na. Naduduwag siya bigla. Pwede niya namang harangan mamaya para matanong ang pangalan nito. Saan na ba ang Draco Alfonso Levesque na chick magnet? Porkit pangalan lang,nahihirapan na siyang gawin iyon.


Napapansin marahil ni Bitterblue na kanina pa siyang tinititigan ng lalaki sa kabilang mesa.Hindi niya pa sana babalingan ito kung di niya nakita ang camera nito na tila kinukunin siya ng palihim. Walanghiya. Stalker ba to. Hindi naman ito mukhang French. Tila dayo lang sa Paris. Ang lalaking tila model sa magazine na lumabas para distorbuhin siya.  Kung makaasta eh parang may masamang binabalak sa kanya.
“Anong problema Blue?”tanong ni Michelle sa kanya nang mapansin nitong nababalisa siya.
Bumaling siya rito. “Mukhang may masamang binabalak sa akin ang lalaking yon sa kabilang mesa.”
“Ha? Sino?”tumaas ang kilay nito.
“Lumingon ka. Kapag Makita mong may camera sa mesa niya. Siya iyon.”anas niya na kinatambol ng puso niya.
Lumingon nga si Michelle. “Ay sus! Baka stalker mo.”sabi nito.
Uminit ang tenga niya. “Langya siya! Gusto niya siguro bangasan ko siya.”
“Ang brutal mo naman,blue.”baling nito sa kanya. “Gwapo non eh. Babangasan mo lang.”
“Mabuti pa aalis na ko rito. Hindi ko na kaya ang mga titig niya.”dagli siyang tumayo.
“Salamat nga pala rito.”sabi ni Michelle na tinutukoy ang auto-cad. “Check your ATM. Baka naroon na ang bayad ko.”
“Alright. Mauna na ko.”pakli niya.

Tumayo rin si Draco. Muntik na nga siyang masubsub sa pagmamadali para maabutan ito. Pati ang tasa dinala niya. Wala pang bawas iyon dahil naging abala siya sa kakatitig dito. Maaaring napansin nito kaya kaagad na tumayo. Marami na siyang lakas ng loob. Kailangan niyang malaman ang pangalan nito bago pa man mawala sa paningin niya. Hindi pwedeng sayangin ang pagkakataong ito.
“Miss,wait a minute!”tawag niya.
Maagap na lumingon ang dalaga. Dinilatan siya ng mga mata nito.  “What the- ”
Magandang eksena na sana pero aksidenting tinapunan niya ito ng kape. Kaya basing-basa ang damit nito. Dinungisan niya ang magandang mukha ng dalagang ito. Naiinis siya tuloy sa sarili niya. Sarap suntukin ang mukha niya.
“I’m really sorry.”He apologize. “Hindi ko sinasadya.”
Inangat nito ang kanang kamay. “Kung sino kamang herodes ka,maglaho ka! Nakakaasar,bakit ako pa?”binigyan siya nito ng demonyong titig.
“Ah..kasi..”gumana ang pagiging duwag niya. “Sorry.”
Umiling-iling ang dalaga. Ngayon niya lang napansin na tinitigan sila ng lahat. Labis na kahihiyan ito. Lalayasan na niya ang babaing ito para matigil na ang kabaliwan ng puso niya. Sana wag na niya makita ulit ito. Tila magkaka-trouble pa ulit.
She grit her teeth. “You’re a walking disaster! Bumalik ka nga sa pinangalingan mo!”bulyaw nito.
Binaba niya ang tingin. Humakbang at linayasan ito.
“Hoy! Bumalik ka! Kailangan mo pa tong bayaran! Langya!”pahabol nitong bulyaw.
Animo’y na trap siya sa spider web. Masarap sanang pakinggan ang boses nito pero ginalit niya. He’s a stupid. Sana di niya binitbit ang kape. Nalaman niya pa sana ang beautiful name nito. Pumalatak siya sa natamong kamalasan. Maybe,malas siya ngayon sa mga babae. Madalas naman eh kaya bachelor pa rin hanggang ngayon.  Bumalik na siya sa hotel matapos ang pangyayaring iyon. Magpapalit lang ng sout para tumungo sa Jardin du Luxembourg.
Tila kumain ng hilaw na ampalaya si Bitterblue habang pumapalit ng damit sa isang boutique. Mananagot sa kanya ang lalaking iyon kapag Makita niya muli. Tinalikuran lang siya ng walang paubaya. Nakakainit ng ulo iyon. Akala siguro nito madadala siya sa sorry lang. Kailangan nitong bayaran.
Bumuntong hininga siya matapos ilagay sa basurahan ang maduming damit. Nabawasan naman ang savings niya. Malas na malas siya sa lalaking iyon.hindi pa nakontento sa stolen pictures. Malamang inutusan iyon ni Jean. Kontrabida sa buhay niya na inagaw ang ex-boyfriend niya. Imposible naman. Wala na silang kumunikasyon ni Jean. Nasa ibang panig na iyon ng France. Isa pa,binigay na niya ang ex-boyfriend niya rito. Wala nang rason para awayin pa siya.
Tutal badtrip naman siya ngayon,uuwi na lang siya sa bahay niya. Magpapa-badtrip naman sa madrasta niya.
“Napaaga ka yata?”salubong nito sa nakataas na kilay.
“So?”sabi niya na umakyat sa itaas.
“Gumagana naman kamalditahan mo. Bumaba ka nga muna rito.”
“Bakit ba? Wala akong gana ngayon!”tugon niya.
“Bitterblue!”tawag nito na umakyat sa kwarto niya.
“Ano bang kailangan mo?”sigaw niya.
Nanilim ang mukha ni Lucy. “Kailan pa ba titino ang utak mo? Sumusubra ka na ha! Alalahanin mong nasa puder pa rin kita!”
“Oo. Alam ko!”she shrugged.
Tumulis ang kilay nito. “ Mabuti alam mo na isa kang paluminin at sakit sa ulo!”
“Ah ganoon pala!”tugon niya. “Hindi ko naman kasalanan na sumakit ang ulo mo eh. Malandi ka kasi kaya nanghimasok ka sa buhay ng may buhay!”
Inangat nito ang kamay para sampalin siya. “Wag kang mag-aalala. Aalis din ako dito! Malaya ka ng lamunin ang papa ko. Magsama kayong walang puso!”sinara nito ang pinto kaya hindi natuloy ang pagsampal sa kanya.
“bwesit na araw to..”anas niya sa sarili. 


2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^